Sey POV Maaga akong nagising kagaya ng nakagawian ko at gan'on din si Alexa. Tinignan ko na kagabi ang schedule ko at mamaya pang 8:00AM ang klase ko. Tutal 6:30AM pa lang naman ngayon ay maaga pa. "Alexa, ano'ng oras ang klase mo?" tanong ko. "Mamaya pang eight ang simula," tugon nito .Pareho pala kami. "Manang, pakibantayan nalang po mamaya ang mga anak ko pagkaalis namin. Paki painom na lang po ng gatas kapag umiyak at saka 'yong mga gamit po nila nandoon lang sa gilid ng kama nila," paalala ko kay Manang na nagluluto ngayon. Sinabi na nga namin na pag aalaga lang ang gagawin n'ya pero nagpumilit si Manang at s'ya na raw tutal sanay na naman daw s'ya. "Oo, ako ng bahala sa mga anak mo, Ineng. Huwag kang mag alala," sabi ni Manang at ngumiti naman ako bago nagpasalamat. Unang bes

