HARVEY POV Matapos kong ihatid si Sey sa classroom n'ya ay umalis na ako para magpunta sa building namin ng makasalubong ko ang kapatid ko at kasama n'ya ang girlfriend n'yang si Yura. "Yow, brother! Tagal nating hindi nagkita, ah? Busy ka yata these past few days?" tanong niya habang naka-akbay sa kaniyang girlfriend. Oo, busy ako sa pag aalaga sa ex mo at sa mga anak n'yo. "Oo nga eh, may ginagawa lang," tugon ko. "Naku! Baka naman iba 'yan, ha? Alam mo brother, okay lang sa akin kung may pinopormahan ka." Talaga? Okay lang kahit 'yong ex mong mahal mo pa rin? "Tsk, wala 'to. Sige, una na ako and hello to you, Yura," pagbati ko sa girlfriend n'ya at ngumiti naman ito sa akin. "Tss hanggang ngayon masikreto ka pa rin. Okay," nakangiting sabi ni Syx at nagpa alam na.

