Sey POV Gusto ko sanang hindi na pumasok pa sa klase ko ang kaso ay hindi naman puwede. Unang araw ko palang na nag-aaral dito sa R.U at masama kung makitaan kaagad ako ng hindi maganda ng mga Professors ko. "Sigurado ka bang kaya mo na? Tignan mo, namamaga ang mga mata mo. Puwede ka namang um-absent at ako nang bahala sa excuse mo," sabi ni Harvey sa akin at pinipigilan akong pumasok sa klase ko. Naiintindihan ko naman na nag-aalala lang sa akin si Harvey pero ayoko naman na umasa na naman sa kan'ya para lang makaiwas kay Syx. "Okay na ako, Harvey. Magkita na lang tayo mamaya," nakangiti ngunit walang gana kong sabi sa kan'ya. "Pero, Sey―" "Okay lang talaga ako, please. Just go." Tinignan ko s'ya sa kaniyang mga mata at sinenyasan s'ya na umalis na. Sa una ay nag aalinlangan pa it

