Sey POV Matapos ng nangyari kahapon ay hindi na ako muling bumalik doon sa gymnasium.Naiinis at nagagalit ako dahil sa nangyari, sa ginawa ni Justine. Sigurado ako na dahil doon ay mas lalo akong hindi titigilan ng mga chismis sa paligid at mas lalo akong magiging target ng mga bullies. “Oy, narinig niyo ba ang bagong balita?” “Tungkol kay Sey?” “Hindi pero involved pa din ang pangalan ni Sey” “Oh? Ano ang balita?” “Si Justine daw, natagpuang bugbog sarado sa likod ng Tourism Building!’’ bulungan ng ilang mga estudyante at napakunot naman ang aking noo dahil sa aking narinig. Si Justine? Tumingin ako sa mga nag uusap na mga babae at napatingin din naman sila sa akin bago umalis. Nagtatakat akong nagtuloy sa aking paglalakad hanggang sa makasalubong ko si Alexa. “Oy Sey, alam mo ba

