Sey POV Sa sobrang inis ko dahil sa nangyari kanina ay nag walk out ako sa room at nagpunta sa garden para magpahangin at mahimasmasan. Aaminin ko naman na hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko kanina dahil sobrang haba na ng pasensya ang naibigay ko sa kanila. ''Sey!'' narinig kong sigaw mula sa malayo. Napalingon naman ako sa tumawag at nakita ko si Syx na patakbong lumapit sa akin. ''S-Senior?'' nauutal at naguguluhan na tawag ko pagkalapit niya sa akin. ''Kaya pa?'' tanong nito at ngumiti ako nang mapait bago marahan na tumango. ''Wala rin namang choice. Kakayanin, Senior!'' sabi ko at napangiti rin s'ya bago tumango. Tanghali na at hinahanap ko ang isang ka-grupo ko para bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon na maipasa ang report n'ya. Kanina pa ako paikot-ikot sa school

