Sey POV Matapos ng ilang minuto pa naming paglilibot ay may nakitang isang jewelry shop si Alexa. ''Tara Sey,'' sabay hila nito sa akin papunta sa loob. Pagkadating namin sa loob ay may kaagad na sumalubong na sales lady sa amin at tinuro ko si Alexa para sabihin na siya ang bibili. Habang namimili si Alexa ay siya naman tingin tingin ko din sa mga nandoon. Sinuri ko ang bawat alahas at iba pang ka ekekan ng shop na yun hanggang sa napalingon ako kay Alexa at lumapit dito. ''Yes, ganiyan na ganayn yung style but kulay blue sana'' sabi ni Alexa at tumango naman yung sales lady bago umalis. ''Anong binili mo?'' tanong ko sabay tingin sa kaniya. ''Bumili ako ng wristwatch." ''Para kay Harvey?'' tanong ko at tumango siya. ''Talagang kinarir mo, ha?'' sabi ko at tumawa siya. ''Syempre

