#

1013 Words
7 days have passed..pero parang ang tagal...nakalabas na si Mike sa ospital..Nagrereport na din siya sa work..kaso hindi pa din kmi ngkikita..The last time was in the hospital..Bukod sa hindi magtagpo ang schedule namen dahil nightshift na kami samantalang siya ay nanatili sa morningshift.. Updated naman kami sa nangyayari sa isat isa coz every now and then nagkakachat kami..Pero siyempre...gusto ko pa din siya makita ng personal.. "Namimiss mo noh?"sabi sa kin ni pearl habang naghahalo ng pancit canton na may nilabon na itlog courtesy of Family Mart..kung ano anong pagkaen na naiimbento ni Beshie..Pero syempre masarap namen..Masarap din toh magluto..Siya lang ata nakakagawa ng sopas na walang sabaw..haha..Parang macaroni salad ang itsura pero lasang sopas naman talaga..Pramis! "Namimiss?Sino naman aber? "Ako nga NobNob ay wag mong pinagloloko..hindi uubra yang i dont know what you are talking effect mo sa kin noh.. "Halata ba?" "Ay naku...hindi..hindi halata..simula sa locker up to here sa B1 mayat maya mong tinitingnan yang cp mo.." Breaktime lang namen ngayon.1hr. and 20 minutes break kami ng 10:30pm then another 1hr and 20 minutes ulit mamayang 3am..Pero kadalasan hindi na kami nakaen ng 3am..nakakaantok na yun kaya oras na ng tulog yun.. "Bakit hindi ba ngchat simula ng umuwi? "Nagchat naman kaso..hindi siya nagchat na matutulog na eh.. "Ay wow...time keeper..dapat alam ang oras ng tulog.. "Beshie..hindi naman sa ganon kaso lang kasi..simula ng lumabas siya ng hospital parang nagbago na siya.. "Bakit ang praning mo Beshie..yung totoo bothered ka ba dahil hindi siya nagsabi na matutulog na o dahil nanaman sa nanay niya? "oh..Bakit naman pati nanay niya sinali mo sa usapan? "Kasi tingnan mo naman itsura mo now?" "Bakit ano ba itsura ko now? "Maganda...kaya mo nga nakuha ang loob ni Engineer eh.. "Praning ka!Eh ano nga Beshie..halata ba na... "Na natatakot ka..na baka nag iba na yung nararamdaman ni Mike sayo simula nung dun sa hospital?Na feeling mo magiging Ala Dao Ming Zi at San Cai ang story nyo..minus syempre yung amnesia thing..hindi na makatotohanan yun."pagpapatuloy ni pearl..she really can see into me..hindi pa ko ngsasalita alam na agad niya sasabihin ko.. "Kasi naman Beshie..hindi ko alam kung anong kultura meron sila..Paano pala kung totoo nga yung napapanood natin sa telenovela..Paano nga kung humadlang yung nanay niya.." "Malay mo din ipaglaban ka din ni Dao este ni Engineer..tsaka Mau wag kang nagiisip ng wala pa..Pinangungunahan mo na agad ang mangyayari eh "Tsaka malay mo kaya hindi nagchat ng goodnight kasi hindi pa natutulog... "Beshie huh..11pm na noh..anut hindi pa natutulog?May pasok pa yun bukas..kaya hindi magpupuyat yun" "Dami mo sinabi..sabi ko lang naman baka..."napapailing na wika ni pearl Tiningnan ko ulit ang orasan sa cp ko 11:15pm..imposibleng gising pa siya..baka nakaligtaan niya lang talaga.... Time check: 11:40pm..Gutom na ata mga kapalitan namen kaya dali dali na ko pumunta sa puwesto ko para palitan ang karelyebo ko..Hindi ko na inantaysi Pearl na kasalukuyang kausap ng taiwanese leader namen.Mukhang may urgent na ipaguutos na naman..Yun lang mahirap sa pagiging Pinay leader..utusan ng mga Taiwan ren(people)Pinalabas ko na ang kapalitan ko para makabalik din siya on time..Mahirap kapag overbreak ang mga tao..Mhirap maghabol ng trabaho lalo na at need namen bantayan ang labas ng product every now and then... Abala ako sa pagiinspect ng panel ng kuhitin ako ni Pearl "Ako na diyan..Punta ka daw Wǔ lóu "Fifth floor Beshie?Anu gagawin ko dun? "Magghoghost hunting..mag 12am na..Balita ko madami nagpapakita dun"at tuluyan na niyang kinuha yung ginagawa ko.. "Ayoko Beshie abah..Alam mo naman takot ako sa Multo..At ngayong oras mo pa ko pinapunta.. "Beshie .ako sana ang pupunta kaso in 10minutes..may emergency meeting ako sa qa..Ang dami nanaman Ng..Ihahanda ko pa yung excel na gagamitin.. "Eh ano ba gagawin ko dun..hindi ba pwede ipagpabukas na lang?" Sandali akong tiningnan ni Pearl bago ibinalik ang paningin sa ginagawa... "Nakalimutan ni jiějiě yung papipirmahan sa atin..Need yun for tomorrow..Para sa meeting with the boss. Wala akong nagawa kundi pumunta na lang sa fifth floor at badly needed naman pala yung kukunin ko..bibilisan ko na lang para hindi ako abutin ng 12..Kaya dali dali na kong naghubad ng bunnysuit at lumabas na ng tripod. Dumaan muna ako sa locker para kunin ang cellphone ko dahil tiyak na madilim na ng ganung oras sa fifth floor..Kasi malamang wala ng tao dun dahil puro executives naman ang umookopa ng floor na yun.. 11:56Pm Nasa fifth floor na ko..kaso alumpihit padin akong tumuloi sa room na kukuhaan ko ng mga papel..Paano ba naman..patay na mga ilaw..Ang dilim pagkalabas ng elevator..buti na lang dala ko cp ko at binuksan ko na lang ang flashlight...Sinimulan ko nang humakbang na magkaroon ako ng konting liwanag galing sa aking telepono...Mabilis at tiyak ang kilos ko..wala ng lingon lingon at baka iba may makita pa akong kakaiba..Nang makarating ako sa pakay kong silid..agad kong binuksan ang pinto..at kinapa ang switch ng ilaw..subalit hindi ko pa naioon ang switch ng kumalat ang liwanag sa buong silid..Agad akong kinilabutan at pumikit ang mata ko at sisigaw sana kung hindi ko narinig na may nagsalita "Happy 100 days Mo lin! Parang pamilyar ang boses...Pero it cant be..kaya naman dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko para makita kung tama nga hinala ko..Tinatanggi ng utak ko Pero nahiling ng Sana ang Puso ko... Pagmulat ko ng mata..tumambad sa akin ang nakangiting mukha niya na may hawak ng cake na may nakasinding numbered candle na 100.inilibot ko ang mata ko at may nakita pa akong bouquet of roses sa mesa at isang nakagiftwrap na kahon..May pa Balloons din si Mayor.. "Did you not like it?"tanong ni Mike.. I was overhelmed na hindi ko alam ang isasagot ko...At nang tingnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding...eksaktong alas dose... Oras na paalis na si Cinderella sa sayawan dahil patapos na magic at babalik na siya sa tunay niyang katauhan..Pero sa akin..baliktad ang alas dose.. dahil ito ang oras na isinuko ko na ng tuluyan ang puso ko ulit..sa panibagong Prince Charming ng buhay ko... Nakangiti kong hinipan ang kandila sa cake na nakaumang sa harapan ko pagkatapos kong humiling ng "Sana Road to Forever na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD