"Bilisan mo na nga Mau"
"Ang dami mo naman.kasi dinala ayan hirap na hirap kang bitbitin"
"Ospital pupuntahan natin hindi Camping!" sunod sunod na pahayag ni Pearl.Kanina pa yun naglilitanya simula ng umalis kami ng dorm..Hindi ko naman siya masisisi..Literal na ang dami kong dala..May Basket of Fruits..May chamomile tea..My thermos..May kumot..May pillow pa..
Kasalanan ko naman kasi kung bakit sinugod sa ospital si Mike..Ako sana ang nasa ospital ngayon at hindi siya..Dahil sa nangyari lalong lumakas ang hinala ng lahat na may namamagitan sa min..At wala na ko pakialam dun..Me nasaktan na nga...uunahin ko pa ang lintik na tsismis na yun ng mga walang magawa sa buhay..
Hindi ito yung una namen pagbisita kay Engineer..kaya naman alam ko na kung anong mga kailangan niya para kahit papano maging maginhawa ang pakiramdam niya..Hindi nga lang namen siya nakausap nung time na yun kasi natutulog pa siya..Takas na bisita lang yun dahil may pasok pa kami kaya hindi na namen naantay ang paggising niya..
Sabi ng doktor..simpleng bone fracture lang naman daw..pero ang daming tests ang ginawa sa kanya..kakaiba pala dito sa Taiwan...yung simple parang ang kumplikado..Pero atleast effective ang mga gamot dito.And Taiwan was nominated as one of the cointry that has the best medical services..
Dito ko nga lang nalaman...na kapag banyaga ka at naoperahan ka sa Taiwan...Government pa mgbabayad sayo..Kaya pala ang daming Pinoy na tiwalang magpagamot dito..
Nakarating kami sa room ni Mike na hingal na hingal...Punuan sa elevator kaya naghagdan kmi..Hindi na nakibo si Beshie..Badtrip na siguro..After that incident..hindi na siya ulit ngtanong about sa status namen ni Mike..Siguro inaantay niya akong mgsabi ng kusa..kaso wala naman ako masabi..wala pa kong sasabihin...Oo..lumalabas kami..we dine out...we watch movies together..Tuwing off niya tpos me pasok ako..hatid sundo niya ko...Ibig sabihin ba nun..kami na?We didnt even say the magic world..Pero may halaga pa aba ang magic world sa real world?License ba ang ILoveYou para masabing may relasyon kayo?Hindi ba sapat na nagkakaintindhan kayo kahit hindi opisyal na kayo...?Dapat ba talaga lahat may label?Napapaisip din ako..pero kasi magkaiba kami ng kulturang kinalakihan..bka sa knila hindi big deal ang salita..bka mas more on gawa sila..Unlike sating mga Pinoy na pinuno ka ng mabulaklak na salita yun pala "pechay"lang habol sayo...After makuha ang gusto..Goodbye "Bataan" na..
Isang magandang chinese ang naabutan namen na nakaupo sa may gilid ng bed ni Mike..The way she looks Mike..halata yung concern sa mga mata niya..Maaring singkit si tisay pero kita mo sa mga mata niya ang labis na pag aalala niya para kay Mike...
Sino siya?Tsaka bakit ang ganda niya..sobrang puti pa..Ito ba yung dahilan kung bakit hindi ajo inaILoveyou ni Mike.His heart is already taken?Kung ganon..ano kami?bakit nalabas kami ng kaming dalawa lang...bakit hatid sundo niya ko
"Nǐ shì mò lín ma?"ngulat ako ng tanungin niya ko..Huh..kilala niya ko..grabe ha...Alam kong dapat kilalanin mo.ang mga kaagaw mo sa puso ng mahal mo..pero yung parang masaya ka na makita siya.eparang ang weird...Masaya ba kung nakangiti kang tinanong?Kung hindi masaya anong tawag dun?
tumango ako bilang sagot sa tanong niya..
"oh where's my manners"at tumayo siya para lumapit sa min..sa kin literally...Ang tangkad...para akong duwende sa tangkad kong 5'4..
"Wǒ shì tā de jiějiě"
ah...ATE pala..kaya pala oa kung magalala...nabunutan ako ng tinik sa narinig ko..kala ko failed relastionship n agad kahit hindi pa matatawag na relasyon kung anong meron kami.
"Wǒmen māmā yě zài zhèlǐ"
nanlaki ang mata ko sa narinig..sabay kaming nagkatinginan ni pearl..Pati nanay andito?sa oras na toh talaga?Ano toh..meet the Family ang peg?!Oh my...Ang dugyot ko pa naman...
and speaking of the devil...papalapit sa min ang older version ng ate ni Mike..pero unlike his ate na sobra makangiti sa akin..The mother was kinda serious...ni hindi ako tiningnan at dire diretsong chineck si Mike habang nagtatanong sa kapatid nito...Diretso kung magsalita na akala mo galit sa kausap..Hindi ko masyado naintindihan ang paguusap nila pero mukang tinatanung nito kung kumusta na ang lagay ni Mike...
"Mo lin.."..nalipat ang tingin ko ke Mike na gising na pala at nakahawak na sa kamay ko..At yun din ang dahilan kung bakit nalipat ang tingin ng Mama niya..mula kay Mike papunta sa kamay na nakahawak sa akin..Pero agad niya din naman binalik kay Mike ang paningin niya..Ni hindi tumaas ang tingin nito sa mukha ko..tanging sa mga kamay lang ni Mike na nakahawak sa akin siya tumingin..after nun..kinumusta na niya si Mike..
Sandaling nagpaalam sa kin si Pearl na me tatawagan lng sa cp niya..mahina kasi ang signal sa loob ng room kung kayat kinakailangan niya pang lumabas...Ayoko sana pumayag kasi maiiwan akong mag isa..parang ginigisa na nga ako sa sariling mantika habang kausap ni Mike ang Mama niya..Buti na lng buong duration ng usapan nila..hawak ni Mike ang kamay ko...Kung hindi baka bumigay na ang tuhod ko..
"Ma this is Mo lin..The one i've been telling you lately"haist sa wakas naisingit din ni Mike na ipakilala ako sa kanyang ina..Knina niya pa naman sinisingit na ipakilala ako..kaso dire diretso ang litanya ng mother niya..Hindi ko alam kung sinasadya bang wag pansinin pagpapakilala sa kin ni Mike o sadyang sobrang alala niya lang para sa bunsong anak..
Tiningnan naman ako ng Madam Chu..Chu ang surname nila Mike..at kung magkakatuluyan kami ni Mike...magiging Maureen Chu ako..Lufet noh...parang Maureen na pinaalis..Chu eh...Tpos sa uri pa ng tingin ni Madam para ngang tuluyan na kong pinaalis..hindi lang sa ospital kung ata sa buhay ng anak niya...Literal na pinakita niya pagkadisgusto skin..5 seconds niya lang akong tiningnan..at tinanguan pero wala ng sinabi at kinausap na ang kapatid ni Mike..Apologetic na tiningnan ako ni Mike..Gets ko na yun...Mas magtataka pa nga ako kung mahigpit akong yayakapin gayong ako yung dahilan kung bakit asa ospital si Mike ngayon..Sinong ina ba ang gugustuhing masaktan ang anak niya hindi ba?At siguro ang tingin sa akin ni Madam Chu as of the moment ay dangerzone..Hindi ko naman siya masisisi...Nagpaalam na ko ky Mike na uuwi na..Ngdahilan na lang ako na nagpapasama sa kin si pearl sa Costco..At tulad knina..hindi pa din ako tinapunan ng tingin ni Madam Chu..tanging si Big sister lang ang ngumiti sa akin...
Paglabas ko ng pinto...saktong kakatapos lng makipag usap ni Pearl
"Akala ko magtatagal pa tayo..teka papaalam lang ako ke Engineer.."sabi nito at pumasok na sa room para magpaalam..Hindi ko na siya pinigilan...Wala din naman ako sa mood para pigilan siya..Para maexperience niya kung paano tingnan ni Madam Chu..Para hindi na ko magexplain ng bongga sa kanya kung bakit biglang uuwi na lang kmi..
Pero nagulat ako ng pagbukas niya ng pinto...nahagip ng tingin ko ang nakangiting mukha ni Madam Chu habang kumakaway na nagbabye kay pearl...
Luh..Pag ako mangot to the max...Pag iba..ngiting wagas?
Ano toh?dont tell mag aala Dao Ming Zi at San Cai ang drama namen ni Mike.....Hayst.....Wag naman...baka mauwi sa amnesia toh ah..hindi ko lang alam kung si Mike o ako....Sa bilis kasi ng pangyayari parang like ko ng magfast forward sa amnesia scene...harooooooh...dios mio.....Kaya ko toh Maureen Nobnob...hindi ka magiging Nobnob kung mahina ang loob mo kaya laban lang...Fighting!