Iminulat ko ang aking mga mata at nasilayan ko ang kaniyang pagluha "Dos." iwinika ko ang kaniyang panagalan ngunit binaling niya sa ibang direksyon ang kaniyang paningin.. Iniiwasan niyang mag kasalubong ang aming mga mata
"Dos." tawag ko uli sa kaniya at marahan kong hinawakan ang kaniyang mukha upang maiharap ito sa akin ngunit hindi ko pa rin mahagilap ang kaniyang paningin... "Dos makinig ka... Makinig ka sa akin, hindi ito maari hindi mo..." napahinto ako sa aking sasambitin sapagkat kumawala na ang masaganang luha mula sa aking mga mata naririnig ko na rin ang kaniyang mahinang paghikbi
"Hindi mo ko maarig mahalin.... Ang salitang tayo ay hindi maaring mangyari"