Unang kabanata

1975 Words
Unang kabanata Nakarining ako ng marahang katok sa aking pituan  "Binibini? Binibini? Binibining celestina?" napabaling ako roon at nagpasiyang tumayo  at isalansan ang aking mga kagamitan sa pagbuburda, hilig ko na ito mula bata palamang dahil nakakaengganyo ang sining at ito ang nagsisilbi kong libangan sapagkat hindi ako maaring lumabas dito sa aming tahanan, sa tuwing may espesyal na okasyon lamang ako nakakatunghay sa labas o di kayay kapag dumadalo sa sermon ng simbahan ang aking pamilya "Binibini? Hali na po kayo at magsisumula nang kumain roon sa ibaba." "nariyan na Ishyang itatabi ko lamang ang aking mga kagamitan" "kung yan ang inyong nais binibini" Hindi na ako muling nakipag palitan ng salita sa kaniya at humarap nalamang ako sa malaking antigong salamin at inayos ang aking sarili upang mas maging ka aya-aya ang aking itsura Pag baba ko ng hagdanan ay nakita ko ang aking ina at ama na tila ba'y may argumentong pinagtatalunan at tumigil lamang sila noong masilayan nila ang aking pagbaba " magandang umaga Ina, ama. " ngumiti ako pagkatapos ko silang batiin at tahimik na umupo sa aking silya, marahan kong kinuha ang mga kobyertos ngunit sa tuwing titingin ako sa kanilang banda ay hirap akong hagilapin ang kanilang mata Kumain lamang kami ng tahimik at mukhang nahuhulaan ko na ang susunod na kaganapan, mayroon nanaman silang nais na ipaggawa sa akin kaya't ganito nalamang nila akong pagmasdan tuwing ako'y nakamasid sa pagkain "Ina.. Ama kung mayroon man po kayong nais na sabihin sa akin ay isambitla niyo na po." paghihimok ko sa kanila kahit pa ang totoo  ay bumibilis na ang tahip sa aking dibdib hindi man ito bumabakas sa aking mukha ay binabalot na  ako ng pangamba sa kanilang sasabihin "Celestina" pagsiaimula ng aking ama, tumingin lamang ako sa kaniya na mayroong halong pagtatanong "anong edad mo na  ngayon ija?" nagtataka ma'y sinagot ko parin ang kaniyang katanungan " dalawampu na po ama." nang marining ang aking sagot ay bumaling ang kaniyang paningin sa aking ina na panakanaka akong tignan "Hindi bat nasa tamang edad na siya para makapag asawa victoria?" nagitla ako sa naging turan ni ama, pag aasawa? Tanong ko sa aking isipan "Alberto tila maaga pa para sa ating anak ang kasal na iyan." nagkaroon ako nang pag-asa sa naging sagot ni ina, ngunit agaran din yung nawaglit sapagkat nakikita kong sumisidhi na ang inis sa mukha ni ama at alam kong sa oras na ito ay wala ng papanig pa sa akin dahil wala nang magagawa pa si ina kung hindi sumangayon na lamang , ganoon naman talaga ang mga kababaihan walang karapatan sa pag papasiya o pag dedesisyon ang kanilang gampanin ay sa maguumpisa sa loob ng bahay at magtatapos din doon, lugmok akong tinignan ni ina na tila ba humihingi ng dispensa sapagkat wala nanaman siyang magagawa, ngumiti nalamang ako upang mabawasan ang lungkot na unti unting lumulukob sa akin... Ito nanaman ako.. para lamang akong isang sunod sunuran sa pamilyang ito,lahat ng kanilang ipaguutos at nais ay dapat kong sundin hindi ko na rin maalala noong huli kong nagustuhan ang ipinaggawa nila sa akin.... Pero ang kasal?? Hindi ko yata maatim na ikasal lalo nat nasisigurado kong mula sa mayaman na angkan ito manggagaling at malaki ang tyansa na hindi ko ito kilala... isa itong malaking kahibangan  nais ko man itong isa tinig hindi ko magawa Pagkatapos nang pangyayari sa hapag kainan ay nagpasiya akong magtungo sa terresa sa itaas at wari kong susunod din sa akin si ishyang Kumawala ang malalim na bunton hininga sa akin   "Binibini?"  na patingin  ako kay ishyang sandali at ibinalik ko rin ang paningin sa malawak na taniman ng palay  na pag - aari ng aking angkan "ano iyon ishyang may nais kang sabihin hindi ba?" batid kong patungkol ito sa usapan kanina sa ibaba dahil kilala na ako ni ishyang halos kasing edad ko lamang ito at tanging siya lamang ang nakakausap ko at napagsasabihan ko ng  aking mga hinaing " Binibi alam kong hindi niyo kagustuhan ang ipakasal kaya't bakit kayo pumayag nang ganoon ganoon na lamang?" napangiti ako nang mapait sa kaniyang sinambit tama ayaw ko ang sitwasyon na ito sino bang nanaising ipakasal ka sa lalaking hindi mo kilala "tama ka ishyang ngunit gustuhin ko man o hindi ay wala naman iyong halaga dahil ang tanging pupwede ko lamang gawin ay ang sumunod sa kanilang pasiya" "Celestina" napabaling ako sa kaniyang gawi sa pagtawag niya sa aking pangalan mahihimigan na seryoso na siya sa kaniyang sasabihin at hindi nalamang si ishyang na taga pag silbi ang aking kausap kundi si ishyang na aking kaibigan " Ishiana " pagtawag ko rin sa kaniyang pangalan "Celestina mayroon kang magagawa, kung hindi mo talaga nais ito ay tutulungan kita" seryoso pa rin na turan niya "at ano ishiana ikaw ang mapapahamak? Tigilan mo na ito kung may gagawin man ako ay hindi na kita gagambalain dahil ayaw kong madamay ka man kung sa kali" nakatanaw ako sa malayo habang binabangit ko ang mga salitang iyon nag iisip ng malalim.. Nagiisip kung paano makatakas.. hawak ko ang kwintas isa itong antigong kwintas na orasan ang palawit ngunit hindi mo aakalaing isa iyong orasan sa pagkat mayroon itong takip na bubukas lamang gamit ang isang maliit na susi ang takip nitoy nag sisilbing disenyo ng kwintas ma may  mga maliliit na diamanteng kulay dilaw na nakapalibot at may isang kulay puti ang nasa pinaka gitna ito ang pinaka paborito ko sa lahat ng aking alahas kahit pa na hindi na umaandar ang orasan ay maganda parin ito kayat lagi ko itong suot suot nabili ko ito sa isang lalaking naglalako ng alahas sa may malapit sa simbahan noong unay ayaw ko pa itong kunin ngunit mapilit ang lalaki kayat sa huli binili ko nalamang at hindi ko inakalang magugustuhan ko ito.. sa aking pag iisip sa kwintas ay mayroon akong napagtanto mahalaga nga ang oras at hindi lahat nabibiyayaan nang mahabang panahon kayat bakit ko sinasayang ang ibinigay sa akin  nasayang ang labing limang taon nang aking buhay at oras sa pag sunod ko sa kanila at ni wala akong kalayaang pumili sa aking gustuhin, nabuhay ako na parating nakaplano ang lahat mula sa aking kasuotan hanggang sa aking mapapangasawa ay hindi ko pa rin hawak  ang pasiya Tanaw ko sa labas ng bintana ang madilim na kalangitan ngunit may mumunting bituin naman  huminga ako ng malalim nagdadalwang isip kung itutuloy ko ba ang balak o susundin nalamang ang aking mga magulang  sa huliy pinili ko ang una ngayon ko lamang pipiliin ang aking sarili nagyon lamang ayaw kong makulong sa lungkot habang buhay, kailangan ko nang mabusising plano sa pagkat hindi naman ako makakaalis dito nang ganoon ganoon lamang... sa susunod na linggo ay mayroong bibisita ritong taga sa kabilang bayan kayat nawawari kong magkakaroon nang kaunting salo salo at sa araw din yun ay dadalaw kami sa simbahan kayat mag papaiwan ako roon at idadahilan ang aking pangungumpisal alam kong kaagad din silang uuwi upang salubungin ang mga bisita napangiti ako sa aking naiisip ngunit may tahip din ng kaba akong nadarama Lumipas ang mga araw at ang pinakahihintay ko ay dumating na nag pahanda nga sila ama ng maliit na bangkete kayat pati si ishyang ay tumutulong din natupad ang plano kong hindi siya nakasunod sa akin nang sa gayon kung ako man ay mawawala ay hindi na siya madadamay pa nakasuot ako camisang puti na tinernuhan ng kulay kremang saya pinatungan din ng puting alampay at bulaklaking puti naman ang aking patadyong nakapusod ang maalon at maitim kong buhok at mayroong malaking bulaklak na disesnyo ang nakapatong roon suot ko parin ang kwintas dahil mas lalo nitong pinarikit ang aking kasuotan at mukha humarap ako sa salamin at pinag masdan ang aking sarili malantik ang aking mga pilikmata at Natural ang pula na aking labi may kayumangging balat at matangos na ilong bilugan ang aking mata ngumiti ako sa salamin na tila  sinasabing ito na ang aking araw Sa pagbaba ko sa hagdanan ay naroon na ang aking ama at ina ako lamang ang nag iisang anak kayat wala na silang ibang hihitayin pa nakita ko naman ang paghanga sa kanilang mga mata batid ko naman sa aking sarili na mayroon akong kagandahang tinataglay at hindi ako  nag tataas na aking silya o nagmamalaki kung sasabihin kong maraming pumipila sa aming bahay para lamang akoy masilayan at hingin ang kamay ko sa aking mga magulang huh sa ganda ng kamay ko ay hindi ko na pinag takahan kung bakit ayaw itong ibigay nila ama kahit kanino kung ako man ang tatanungin ay wala sa kanila ang aking tipo mga mukha silang barakuda.. tama na ang pagyayabang Sa aming pag alis ay sumakay kami sa karwahe upang kaagad marating ang simbahan nang makapasok sa loob ay kaagad gumala ang aking mga mata marami ngang tao tulad ng inaasahan umupo kami may bandang unahan  Tahimik lang sa loob nang simbahan at lahat ay nakikinig sa sermon ng pari ngunit gustuhin ko mang makinig ay hindi na pumapasok sa aking isipan ang bawat sabitla at sermon nito dahil sa balisa ako sa gagawing pag takas hindi ko na tuloy namalayan na tapos na ang misa kayat tumayo na ang lahat, nag mano naman ako kila ama at ina upang magbigay galang at inaanyayahan  na nga nila akong umuwi "celestina halika na anak at may darating pang bisita" sabit ni ama "maari po ba akong maiwan sandali mangungumpisal lamang po sana ako sapagkat ito ang araw nang aking pangungumpisal ama" kahit nag dadalawang isip ay wala ring magagawa si ama kung usaping simbahan ay roon lamang siya nawawalan ng kapangyarihan "sige at mauuna na kami.." nagbabadya ang ngiti sa aking labi ngunit agad din iyong napawi sa pagkat "ngunit iiwanan ko sa mang perding at Julio rito upang mayroon kang bantay" kahit gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko magawa maghihinala na sila kung gagawin ko iyon kayat ngumiti nalamang ako bago paalam "mang perding dumito ho muna kayo at mangungupisal lang ho ako" "sige lang po Binibini hihintayin ka nalamang naming matapos" Tumalikod na ko at pinagpawisan at unti unting tila nilulukob ng lungkot ang aking puso at nag babadya ang aking luha mukhang wala na talaga akong magagawa ito na ang aking kapalaran ang maging sunodsunuran kahit wala pa ang pari ay pumasok na ko sa loob ng kumpisalan "Ama naming mahabagin naway tulungan ninyo akong makaalis sa sapatos na aking lulan masikip na ito sa akin at tila hindi na ko makahinga dahil mula pagkabata ito na ho ang aking suot suot wala akong ibang pagpipilaan kung hindi ito lamang  nais ko ho sanang kumawala sanay gabayan ninyo ako sa kung anong landas ang aking pipiliing tahakin gusto ko lamang sumaya at maranasang magpasiya para sa aking sarili"  sa pag desperada ko ay humuling ako nang bagay na imposibleng mangyari  "oh Panginoon ko sanay gawin niyo nalamang akong isang usok na pupwedeng maglaho o kayay bula " naninikip ang aking dibdib dahil alam ko sa aking sarili na wala na akong pwedeng gawin pumikit nalamang ako at humiling "dalhin niyo ho ako sa lugar kung saan matatagpuan ko ang tunay na kaligayahan ang tunay na sukat ng sapatos na babagay sa akin sa lugar kung saan ako ang pipili at mag papasiya " pag dilat ko ng aking mga mata ay tila nahilo ako kayat pumikit ako muli at dumilat ngunit nagulilat ako sa aking namasdan hindi ito ang simabahan ng san nicholas inilibot ko pa ang tingin at ganoon na lang ang aking panlalabot sapagkat ibang iba ang lugar pati narin ang mga tao sa paligid iba ang kanilang kausotan ngunit nasisiguro kong simbahan parin ito dahil mayroong imahe ni Jesus sa itaas nanlambot ang  aking mga tuhod dulot ng  pag kabigla kayat napaupo ako sa silyang pahaba na nasa aking likuran 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD