Inilibot ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang mga tao sa paligid halos lahat ay nakaluhod at nagdarasal ang iba'y naka tayo lamang sa sulok at nakatitig sa harapan at ang iba nama'y nasa gitna at nakaluhod kung maglakad kung saan walang silyang na kaharang
Makikita mo sa kanilang mukha ang labis na paniniwala para bang nakikita ko sa kanila ang aking sarili noong humiling ako kanina
nabaling naman ang aking tingin sa loob ng simbahan maganda ang mga disenyo nito mayroong kulay ang mga dingding ito'y pinag halong puti at ginto mayroong imahe ni Hesus ngunit ito'y kulay itim naroon yun sa bandang harapan na para sa akin ay ang pinaka magandang parte ng simbahan, mayroon ding mga malalaking bintana sa nakapalibot , ngayon lamang ako nakakita ng ganito kagandang simbahan dahil halos lahat ng nakita ko noon ay mga simbahang gawa sa bato at ni walang kulay at disensyo malaki rin itong simbahan kung nasaan ako ngayon kaysa sa mga dati ko ng napuntahan napakarami ng mga silyang pahaba na pupwede mong maupuan
muli kong sinuri ang mga tao sa paligid lalo na ang kanilang mga baro kung ikukumpara mo ang kanilang mga suot sa aking kasuotan ay napakalayo ng agwat ang mga kababaihan ay pawang nakasuot ng saya ngunit sinadyang putulin hanggang sa itaas ng tuhod hindi ko masasabi kung saya pa ba ang matatawag ko rito dahil sobrang ikli nito para maging saya ang sa pang itaas naman ay camisang may ibat ibang kulay at walang mga manggas wala rin silang alampay na poprotekta sa kanilang balikat upang hindi ito lantarang makita mahabagin hindi ko makakayang magsuot ng ganoon kaikling mga baro halos lahat ng kanilang balat ay makikita na... marami pa silang mga suot na hindi ko maintindihan at hindi ko magawang maipaliwanag
tatayo sana ako upang mas makita ang paligid ngunit tila umikot ang aking paningin pumikit nalamang ako at nangapa sa harapan ng pwede kong mahawakan nang may mahawakan ay dahan dahan ang umupo
"ate okay ka lang?" nakarinig ako ng tinig at pag harap ko doon ay mayroon akong nakitang dalaga, maputi ito kumpara sa akin at ang mga mata niya'y tila nagtatanong maganda ang hugis ng kaniyang labi masasabi kong maganda ang kaniyang mukha marikit ngunit pawang hindi mababakas ang kahinhinan sa kaniya
"Ate?" muling bigkas niya
"yuhoo? Naririnig mo ba ko?" tumingin ako sa kaniyang suot bughaw ang pangitaas niyang damit at nagpapasalamat ako dahil may manggas ito kumpara sa ibang kababaihang nakita ko at mahaba ang kaniyang pangbaba ngunit hindi ito saya hindi ko alam ang tawag rito pero ang dami nitong butas at sira (ripped pants)
"paumanhin" ang naibigkas ko at tumungin sa kaniya nangunot naman ang kaniyang mga kilay na waring nagtataka "huh paumanhin? sucks ang jeje"
Ako naman ang nagtaka sa kaniyang tinuran tanging paumanhin lang ang aking naiintidihan "So okay ka lang ba?.. Well nakita kasi kita and para kang nawawalang bata and then you went like this oh" pagkatapos niyang sinabi iyon ay tila ginaya kung papaano ako nahilo kanina, hindi ko man maintidihan ang ibang salitang ginamit niya ay naintindihan ko naman ang mensaheng gusto niyang iparating
"Mabuti naman ako sadyang nakaramdam lang ako ng kaunting hilo" sinabi ko yun habang nakatingin sa kaniya
"Seriously mabuti like good?.. ahh okey so you're okay naman why ka ba nahilo?"
Tumingin ako sa kaniya na may pag tataka mukhang ka agad naman niya itong nakuha
"ahmm so err bakit ka nahilo??" pagtatanong niya ulit
"hindi ko rin alam binibini"
Sagot ko bigla naman niyang tinakpan ang kaniyang bigbig at tila nagulat sa aking sinambit "Omo binibini goshh thats so old but it's so good pakinggan naman"
"Binibini?" pagtawag ko muli sa kaniya agad naman itong tumingin sa akin at tila nag hihintay ng aking sasabihin
"Pupwede ba akong mag tanong?"
"nagtatanong ka na eh" hindi ko mahimigan kung anong tono ang kaniyang ginamit ngunit para itong nanunuya
"hmm well okay go ahead"
ito nanaman ang estrangherong salita na hindi ko maintindihan ngunit parang alam ko ang ibig niyang sinabi kaya't tumuloy nalamang ako sa pagtatanong
"Maari ko bang malaman kung nasaan ako ngayon?"
"Are you lost baby gurl?"
nangunot ang aking nuo b-baby gu-gurl ano?? Hindi ko mahagilap sa aking isip kung ano iyon
"Opps sorry nasa Quiapo church tayo dito sa manila"
"m-manila? Maynila?"
"yup tinagalog mo lang ang sinabi ko why ba? Naliligaw ka nga"
"anong araw ngayon?"
"so daming questions ahh it's May 12, 2015" hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi dahil banyaga nanaman ang kaniyang ginamit
"May? Ano iyon? Pupwede mo bang ulitin binibini?"
"okay hmm its May 12, 2015 in tagalog ika la-labing dalawa?" nag isip muna siya bago ipagpatuloy muli mukhang nahihirapan siya sa pagbigkas gayon pa man ay nakukuha ko parin ang ibig niyang sabihin
"Yes its ikalabing dalawa ng mayo sa taong ano ba dalawang libo...... Fifteen eshh im so bad talaga sa tagalog dalawang libo labinglima ayun!!!" masayang masaya siya dahil nabanggit niya ng tama ang mga salita
"okay gusto ko perfect so ikalabing dalawa ng mayo sa taong dalawanglibo labinglima" pag uulit niya na mas nagbigay sakin ng kaliwanagan ngunit ng lubos kong maintindihan ang kaniyang sinabi ay nanlaki ang aking mga mata at nanlamig ang aking mga kamay
"hala you're so maputla ate"
Tumingin ako sa paligid alam kong nasa ibang lugar ako ngunit hindi ko aakalaing nasa ibang panahon na rin ako kaya pala iba ang mga tao pati na rin ang awrang nararamdaman ko sa paligid maging ang hangin ay parang nagiiba din biglang sumikip ang aking dibdib at tila nandidilim nanaman ang aking paningin
"houyy ate! Hala! Kuya here daliiii!!"
"Sino yan Amanda??" ayun nalamang ang huli kong narinig bago ako panawan ng ulirat
""Houyyy!! Amanda sino ba tong napulot mo?"
"shhh kuya you're so maingay"
Iyan ang mga boses na naririnig ko sa pagbalik ng aking kamalayan ngunit hindi ko pa binubuksan ang aking mga mata at pinakikiramdaman ang ang paligid nakahiga ako ngayon sa napakalambot na higaan mas malambot pa ito kaysa roon sa higaan ko sa aking kwarto
"sino nga yan??"
"I don't know"
"Anong i dont know?? Hindi mo kilala tapos dinala mo rito"
"excuse me ikaw ang nagbuhat at nagdala rito so eventually ikaw ang nagdala sa kanya dito"
Unti unti ko nang dinilat ang aking mata at sa aking pagdilat ay natunghayan ko ang isang binibini at ginoo na nasa aking harapan na para bang nagtatalo
"Ikaw ang nagsabing dalhin ko siya dito kaya ko ginawa"
"so who's the uto uto ngayon edi ikaw duhh"
"houyy Amanda yang bibig mo ahh"
"what's with my bibig ba? its maganda"
"wala ka talagang matinong masasabi"
Pabalik pabalik ang tingin ko sa dalawang taong naguusap sa aking harapan iyong babae ay natatandaan ko siya iyong kausap ko sa simbahan sandali..... Nasa simbahan lang ako kanina nilibot ko uli ang aking mata at namalayang wala na ako sa simbahan nakahiga ako sa isang kutson may kulay puting sapin at kulay puti rin ang mga ding ding amoy panlalaki ang aking naamoy sa buong kwarto maliit lamang ito kayat dinig na dinig ko ang kanilanh pag uusap
"Paumanhin ginoo at binibini bakit tila kayo'y nag tatalo?"
Sabay silang lumingon sa aking direksyon tila ba nagulat
"dahil sayo" sabay din nilang sambit na pinagtakahan ko
"papaanong ako ang naging sanhi?" tanong ko sa kanila
"anong nagawa kong kamalian upang pagtalunan ninyo ako?" takang taka ko silang tinignan dahil wala akong ginagawang kamalian nagising na lamanh ako at narito na ko anong mali sa nagawa ko? Mali ba ang gumising ako? Ipipikit ko bang muli ang aking mga mata?
"don't mind us ate are you okay?" gumamit muli ng banyagang salita ang binibining nakausap ko sa simbahan kaya't hindi ko maiwasang bigyan siya ng nagtatakang tingin
"paumanhin binibini ngunit hindi ko maunawaan ang iyong salita maari ka bang gumamit ng filipinong wika upang maintindihan ko ang iyang ipinapabatid" sa aking palaga'y ay ingles ang kaniyang iwiniwika mayroon na akong narinig na ganoon noon sa aming bisita ngunit dahil i***********l sa amin ang pag aaral ng ingles ay hindi ko na ito tinapunan ng interes
"opps oo nga pala okay ang sabi ko po ay wag mo nalang kaming pansinin.. At okay....ayos kana ba?"
"ayun ba.... Mabuti na ang aking nararamdaman maraming salamat" nakangiti kong sabi at naglibot muli ang tingin ko sa paligid simpleng kwarto lang ito malinis itong tignan may mga litrato sa dingding sa palagay ko'y silang dalawa ang naroroon
"houyy babae wag kang tumingin kung saan saan" yung ginoong kausap noong dalagang nakausap ko kanina ang nag salita kaya naman napabaling ang tingin ko sa kaniya mayroon siyang makapal na kilay ngunit tila may bahaging inalasin ng buhok roon mayroon siyang matangos na ilong at makinis na mukha ang kaniyang mga mata ay katulad noong babae kanina tsokolate ang kulay mayroon din siyang maliit na nunal sa may kaliwang mata at ang nuo niya ay nakakunot at kung titignan siya ngayon ay mukha siya banyaga na may masungit na mukha
"patawad ginoo " ayun lamang ang aking nasambit
"Ano daw Ginoo? " presko ang kaniyang dating na para bang may lumalabas na hangin mula sa kaniyang katawan
"I told you kuya she's kinda weird pero i think harmless naman siya" nag salita muli iyong binibini kanina
"Hindi ikaw ang kausap ko amanda wag kang sabat ng sabat... Sino ka?" sinabi niya ang mga iyon na sa akin lang nakatingin
"Ako nga pala si Hustia Celestina Petrine De Salazar ikinagagalak ko kayong makilala ginoo at binibini" nakangiti ko iyong sinabi
"why so haba naman you're name ate" ang binibini ang nagsabi
"mukhang hindi nag tipid mga magulang mo ahh parang kunti nalang eh ilagay lahat ng letra sa pangalan mo" mahihimigan mo ang panunuya sa kaniyang boses ngunit hindi ko nalamang iyon pinansin
"Maraming salamat sa pagtulong sa akin kahit pa na hindi ninyo ako kilala ay tinulungan niyo pa rin ako napakabusilak na inyong mga puso" buong puso ko iyong sinambit ngunit nagtaas lamang ng kilay ang lalaking nasa aking harapan
"Mang gagatcho ka noh ano toh budol budol?" nariyan nanaman ang mga salitang mahirap hagilapin kung ano nga ba ang kahulugan
"mang gagatcho?? Budol budol Ano ang mga salitang iyon ginoo" nagtataka kong turan
"mang gagatcho like manloloko" ang binibini ang sumagot sa aking katanungan
"Naku nagkakamali ka hindi ako masamang tao ginoo ang totoo'y hindi ko alam kung nasaan ako ngayon at hindi ako pamilyar dito sa lugar na ito kaya't lubos akong nag papasalamat sa inyo sa pagkat tinulungan ninyo ako" mahaba ang aking naging sagot upang mas maintindihan nila ako
"eh ganyan na ganyan ang mga linyahan ng mga budol budol eh pinalalim mo lang yung tagalog mo.. taga saan ka ba at ng maibalik ka na namin sa pinanggalingan mo" iyong ginoong presko ang nag salita
"nakatira ako sa maliit na barrio ng mabayo sa moron"
doon ang lungsod kung saan ako nakatira hindi ko rin alam kung naroroon pa ba ang aming tahanan sa panahong ito
"is there any place na ganoon? "
"Ngayon ko lang din narinig yang lugar na yan tsk kita mo na mamaya niyan manghihingi na yan ng itlog"
"kuya ahh your so judgmental.... Ate hustia well yun nalang tawag ko sayo ang haba kasi ng name mo eh" ngumiti ako sa binibini
"ayos lang binibini ngunit hindi ko pa rin batid ang inyong mga pangalan"
"I'm Amanda Lueline Zamora amanda nalang and this is my Kuya" turo niyo roon sa ginoo na hindi naman mukhang maginoo
"Venidicttus Ghent Zamora or Dos kahit dos nalang ang itawag mo sa kaniya" si binibining amanda ang nagsabi noon tumingin naman ako kay ginoong Dos na seryoso akong tinitignan
"saang lupalop ka ng mundo nakatira?"
"sa may barrio ng mabayo ginoo" sagot ko sa kaniya at tinugunan ang kaniyang pagtitig
"ilang taon kana?"
"gulang ko ba ang nais mong malaman.... labing walong taong gulang na ko ginoo" nakangiti kong sambit hindi ko parin malaman kung nasaan nga ba ako ngayon tumingin muli ako sa paligid at nag mamasid may mga kagamitang ngayon ko lamang nakita at hindi pamilyar sa akin
"omo ate one year ekk isang taon lang pala yung age gap natin" mahihimigan mo ang kasiglahan ng kaniyang boses
"bakit ganyan yang suot mo?" tanong muli sa akin ni ginoong dos
"dahil ganito ang kasuotan sa amin ginoo"
"sainyo? Mukha kang...... Manang o di kaya'y mag ninang sa kasal " nagtaka akong muli manang? Habang iniisip ko ang kahulugan ng kaniyang sinabi ay nag salita na si binibining amanda
"okay manang is like matandang gurang or mukhang matanda"
Nanlaki ang aking mga mata at tinignan ang aking sarili papaano niyang nasabing mukha akong matanda sa aming bayan ay ako ang pinaka maganda at halos ng kalalakihan ay nais akong makilala
"tampalasan kang tunay ginoo" binigyan ko siya ng isang matalim na tingin
"ta-tampalasan?? Ano??"
"wait kuya I've heard that kay ma'am Biyaya hmm i think its bastos"
"ako bastos?? Hah eh sa mukha ka naman talagang manang hindi ako bastos ang tawag sakin ay matapat" napaka mapanlibak ng ginoong ito
"hindi ka karapatdapat na tawaging ginoo dahil hindi ka naman tunay na maginoo isa kang talapindas na binata" kahit pa na galit ako ay hindi ko parin magawang itaas ang aking tono pasimple ko lamang siyang tignan ng matalim sa pagkat ang tunay na binibini ay hindi dapat palasigaw
"talapindas?? Putspa anong mga words yan parang hinukay pa sa kailaliman houy amanda ikaw nga kumausap jan hahanapin ko muna si tres bantayan mo yan baka may kunin yan pagbalik ko ibabalik natin yan sa simbahan"
Mauulinigan mo ang pang aakusa sa kaniyang boses at tinapunan ako ng mapanumbat na tingin ipinikit ko nalamang ang aking mga mata upang magtimpi ng aking inis na nadarama
"don't mind her ate he's just.." hindi na niya naituloy ang kaniyang sinasabi dahil tinignan ko siya ng nagtatakang tingin
"opps sorry ang sabi ko wag mo nalang siyang pansinin kulang lang siya sa aruga" nakangiti niyang sambit
"bakit nga pala your outfit i mean yung damit mo bakit ba ganyan ang luma kasing tignan" sunuri niya ang aking kasuotan tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at ibinalik iyon sa mukha
"maganda ka naman it just medyo mukha kang luma eh cguro its your outfit" umikot siya sa akin
"let's go ate doon tayo sa room ko i will dress you up" hinawakan niya ang aking kamay at lumabas sa kwartong pinaggalingan namin sandali kong inilibot ang tingin sa may sala na kanilang tahanan may mga silya sila roon ngunit tila may malambot na nakabalot at maraming gamit doon ang hindi pamilyar sa akin ang tanging alam ko lamang ay ang silya at ang lamesa bukod doon ay wala na
Dinala niya ako sa isang kwartong may kulay rosas ang dingding mabango sa loob nasa ayos ang mga gamit mayroon din siyang kama tulad ng kanina ang pinag kaiba nga lang ay kulay rosas ang sapin na nakapatong rito pinatayo niya ako sa harapan ng salamin at doon ay nakita ko ang aking sarili nagulat ako sa pagkat nagulo ng kaunti ang aking buhok ang bulaklak na naka ipit sa aking buhok ay lumuwang hindi ito maari kung naririto man si ina ay tiyak na pagagalitan niya ako sapagkat hindi ito ang ayos na isang binibini
"look ... Tignan mo dba maganda ka yun nga lang dat ayusin natin yang buhok at damit mo omooo im so excited feel ko tuloy mayroon akong kapatid na babae" tumingin ako sa kaniya matapos niyang sinabi iyon paano na nga ba ang pakiramdam ng mayroon kang kapatid na babae wala akong alam bukod kay ishyang ay wala ng malapit pa sa akin parati akong mag isa lalo na kung wala si ishyang sa bahay
"ano ang iyong gagawin binibini"
"shh wag mo na kong tawaging binibini gosshh amanda nalang"
"amanda nalang?"
"yup amanda nalang... Ano bang tawag jan sa damit mo is that a baro't saya? "
"siya nga" maikli kong sagot
"eh anong tawag dito" tinuro ni amanda nalang ang alampay na nasa aking balikat
"ang tawag rito ay alampay isinasampay ito ay ibinabalot sa balikat"
"eh itong nasa beywang mo"
"ito ay patadyong tineterno ito sa sayang susuotin"
"oww cool one time i will make a photoshoot na yan ang suot ko dalagang pilipina yeah" tila umaawit pa ang tono ng kaniyang sinabi ang huling kataga
Pag katapos noon ay sinusuri ko ang kaniyang mga galaw kumuha siya ng damit doon sa may damitan sa tingin ko, kumuha siya ng mga damit roon
"it will look good on you" mukhang kailangan kong sanayin ang aking sarili at kailangan pag aralan ang salitang ingles upang mas magkaintindihan kaming dalawa
Itinaas niya ang isang baro na walang manggas kulay puti iyon at isang itim at napakaikling pang ibaba
"ano ang mga yan??"hindi ko mapigilang magtanong
" you don't know this?? Ahm ito.. "itinaas niya iyong puting baro na walang manggas "sleeveless at ito" tinaad niya iyong napakaikling itim na pang ibaba "ang tawag dito ay shorts "
"wala ka bang baro na mayroong manggas tulad nito at saya para sa aking pambaba?" pagtatanong ko
"ate that's so old fashion mas maganda to sayo trust me"
"ngunit hindi ako sanay sa ganiyang mga damit... Iyong sanang hindi masyadong nagpapakita ng balat"
"ahh so conservative ka hmm mukhang taga province ka pero hindi naman ganiyan ka luma ang mga damit sa province eh"
"mayroon ka bang ganoon"
"wait let me check"
Naghalungkat pa siya roon sa mga damitan at noong makahanap ay agad niya iyong pinakita sa akin mukhang mas maganda nga iyon kaysa sa kanina kulay bughaw na may manggas iyong kinuha niya at isang mahabang pangibaba parang maihahambing mo iyon sa mga suot noong mga kalalakihan sa amin
" ang tawag dito t-shirt at jogging pants.. Dali na bihis kana tatalikod ako or sa cr gusto mo?"
"Cr?? Anong lugar iyon?"
"iyon oh" turo niya doon sa may pituang kulay krema
"sige doon na lamang"
Tumango lamang siya at inakay niya ko malapit sa pituan
"sige na ate take your time"
Pagpihit ko ng sendura ng pinto ay may nakita akong tila silya ngunit mayroong malaking butas sa gitna hindi ko alam kung pupwede akong maupo roon sa kuryusidad ay sinubukan kong umupo roon ngunit pakiramdam ko'y mahuhulog ako kaya't tumayo nalamang ako
"ano bang silyang ito hindi ka naman makauupo kaya't bakit pa ito inilagay rito"
Nagtataka man ay inilibot ko pa ang tingin hanggang sa may makita akong hindi pangkaraniwang bagay bahagya iyong nakausli sa may ding ding may mahabang nguso sa ibaba at tila may maliit na isang pakpak sa itaas nilapitan ko ito at hinawakan
Hinawakan ko ang nguso nito at nararamdaman kong basa ito inamoy ko ito at wala naman itong amoy
"laway ba ito?" takang taka ko muling inamoy
Ngunit ng walang maamoy ay sinuri ko iyong maliit na pakpak pinisil pisil ko iyon ngunit walang nangyayari hindi ko tuloy malaman kung gamit ba ito o uri ng insekto
"napaka laki namang insekto nito kung nag kataon ngunit kataka takang hindi ito gumagalaw" kausap ko ang sarili habang pinag mamasdan iyon nang bigla kong naitulak iyong pakpak at lumagaslas ang tubig mula roon sa aking pag ka bigla ay pinigilan ko ang tubig sa paglabas gamit ang aking kamay ngunit dahil doon ay nabasa ang aking damit gusto ko mang sumigaw ay hindi ko magawa dahan dahan ko nalamang inalis ang aking kamay at inilagay yun sa aking bibig tuloy tuloy lang ang tubig sa pag lagaslagas kaya naman minabuti ko ng lumabas at humingi ng tulong kay amanda nalang
"amanda nalan?" pagtawag ko rito
"yes ate... Omo bakit basa ka at hindi ka pa nakapag palit"
"ahh mayroon kasing bagay roon na natamaan ko ng hindi sinasadya at nag labas ng tubig, pinigilan ko naman iyon gamit ang kamay ngunit hindi ko napatigil"
"gosh faucet? Ahhh okay common tulungan nalang kita" pumasok kaming muli sa loob ng tinatawag nilang cr
"faucet ang tawag dito and ganitong way mo mapaphinto yung tubig" pinihit niya iyon pabalik at kamangha mangha ngang tumigil ang tubig
"ang faucet ay naglalabas talaga ng tubig ate para panligo mo or what"
"ganoon ba kamangha mangha walang ganiyan sa amin kaya't nagulat ako noong biglang lumabas ang tubig" natawa siya sa sinabi ko
"it's okay ano tulungan ba kita sa pag bibibis?"
"ahh naku hindi na amanda nalang kaya ko na ito.maraming salamat amanda nalang"
"wait what? Anong tawag mo sakin amanda nalang?"
"oo hindi ba iyon ang iyong nais?"
"yes.. No ang ibig kong sabihin ay amanda yun lang ang itawag mo sa akin huwag mo ng isali pa ang nalang"
"ahh amanda yun lamang?"
"oo amanda" pagtuturo niya sa akin
"amanda" panggagaya ko sa kanya
"yan okay labas na ko just tawag moko kung may kailangan ka okay"
"hmm" tumango ako at pumasok muli
Una kong inalis ay ang alampay sunod ang patadyong ang saya at camisa na pare parehong basa isinuot ko ng dahan dahan ang mga barong ibinigay sa akin ni amanda
Paglabas ko ng pintuan ay naka abang na roon si amanda "ayan ate maganda yung buhok mo nalang akina iipitan kita"
Tila isa akong batang sumunod sa kaniya pinaupo niya ako sa kama at inayusan ang aking buhok hindi ko alam kung anong tawag rito sa kaniyang ginawa may tatlong parte ng buhok siyang kinuha at pinasalit salit iyon hanggang sa maitali na niya ang buo kong buhok
Tumingin ako sa salamin maganda nga at tila ibang iba sa babaeng nakita ko kanina lamang ngumiti ako roon ng dahan dahan at minagmasdan pang mabuti ang aking suot mukha akong tao na nangaling sa panahong ito
"I told you ate maganda ka oh dba" ngumiti ako sa kaniyang tinuran
"Amanda!!!!!!!!!"