Samu't saring kaba ang nararamdaman ni Lorraine habang naglalakad papunta sa opisina ng ama, ngayon nya kasi sasabihin rito na hindi sya nagtagumpay sa pangungumbinsi sa binata na tanggapin ang inaalok nilang business proposal. Alam nya na buo na ang desisyon ng binata at hindi na mababago iyon. Isa pa, hindi na ulit nya hahayaan ang sarili na magmukhang desperada sa harapan ng binata. Once is enough and twice is too much.
Nang malapit na sya sa opisina ng ama, napansin nyang hindi nakasara iyon dahil may kawang ito ng kaunti.
Tahimik syang naglakad papunta roon at kita mula sa kawang na iyon na kausap nito ang kapatid ng ama na tumatayong vice president ng kompanya.
Aalis na sana sya dahil wala naman syang balak istorbohin ang dalawa pero bigla syang napatigil sa pagalis nang marining nya mula sa kapatid ng ama ang pangalan nya.
"You're too much trusting Lorraine Kuya. Bakit mo ba pinagkatiwala ang project na ito sa kanya, you know this project will be our big lost if she will not succeed to do it." wika nito sa ama nya
"She's my daughter Philip and I have so much believe that she can do it dahil kilala ko ang anak ko, she never dissapoint me at all times. If you worry because she is just my adopted? Stop it already, I am his father, and a father should have trust on his child, so stop making it a big issue. I know my daughter too well."
"I'm sorry Kuya, I'm just worried because of the news I received this morning that Gomez Insurance Company, our biggest competitor will offer the same kind of proposal to PFC, and they have a big chance to get the deal." may pagaalala nitong wika.
After hearing those words came from his father, hindi nya magawang maluha sa sobrang saya ng kanyang naramdaman. Ito kasi yung unang beses na narinig nya ang ama na pinuri sya at pinagtanggol pa sa ibang tao.
Dahan-dahan syang umalis roon at dumiretso sa pinakamalapit na rest room. Kailangan nya kasing mag-isip kung ano ang kanyang gagawin, kung kanina handa na syang harapin ang dissapointment ng kanyang ama dahil kung papayag sya sa kagustuhan ni Patrick, si Claire ang masasaktan. Pero dahil sa nalaman nya kung gaano kalaki ang tiwala ng ama sa kanya at ayaw nya mawalang kwenta lang iyon, hindi na nya magawang sabihin dito ang gusto nyang sabihin dahil mas gusto na nyang gumawa ng paraan para magbago ang isip ng binata sa business proposal nya.
"This is really stressing me out, hindi ko kayang manimbang kay Claire at kay Dad. They are both important to me." kausap nya sa sarili habang nakakulong sa isang cubicle.
Natigil lang ang pagiisip nya ng naramdaman nya na may taong pumasok.
"Alam mo girl parang gusto ko nang maniwala doon sa tsismis na kumakalat na ampon lang si Ms Lorraine." wika ng isang babae
"Bakit naman?" tanong ng kausap nito.
"Noong isang araw kasi nakita ko sina Mam Beatriz at Ms Claire na pumunta sa opisina ni Sir Henry. At kamukhang kamukha ni Ms Claire ang ina nito at may anggulo ito na kamukha naman ni Sir Henry, samantalang si Ms Lorraine, ang layo ng itsura nya sa mag-asawa, idagdag mo pa yung kulay asul nyang mata na hindi ko alam kung saan nya namana, wala namang blue eyes sa magasawa di ba?" kwento nito sa kausap niya.
"Medyo may point ka, Curious din ako sa blue eyes ni Ms Lorraine. Pero alam mo kung sakaling totoo ang tsismis na yan, ang swerte ni Ms Lorraine kasi napunta sya sa isang magandang pamilya. Kaya kung ako sa kanya dapat hindi nya iddissapoint ang pamilya niya kasi baka saang kangkungan sya pulutin kung sakali." sagot naman nito sa kasama nya.
"Tama ka girl speaking of dissapointment, alam mo bang nagkaroon ng BOD meeting sila Sir kahapon at hindi kasama si Ms Lorraine. Ayon sa narinig ko, kapag di daw napapayag ni Ms Lorraine ang PFC sa business proposal nito, papalitan na daw sya sa pwesto nya bilang COO, eh di ba umayaw ang PFC nung isang araw. Kung sakaling mangyayari yun, siguradong madidissapoint sa kanya si Sir Henry, dahil si sir Henry daw nagbigay ng project na yun sa kanya." kwento nito sa kasama niya.
"Tsismosa ka talaga girl, dami mong alam. Tara na nga at baka hinahanap na tayo ng boss natin."
Tumawa lang ito at tuluyan na ngang lumabas ang dalawa.
Dahil sa mga narinig, hindi nya maiwasan na maikuyom ang mga kamay nya dahil sa sobrang inis.
Nabalitaan nga nya nagkaroon ng BOD meeting noong isang araw at wala syang idea kung ano ang pinagmeetingan nila, hindi nya alam na sya na pala ang pulutan ng mga ito.
Dahil sa iritasyon na nararamdaman nya, she made a self-conviction.
"I'll show you all guys kung ano ang kaya kung gawin, Dad will never trust me this much for nothing." Mabilis syang lumabas sa cubicle na pinagkukulungan nya at mabilis na bumalik sa kanyang opisina.
Nang makita ang business proposal nya, agad nya itong kinuha at mabilis na umalis dala ang bag at susi ng kotse nya.
Habang naglalakad, dinial nya ang numero ng opisina ng binata para ikumpirma kung nandoon ngayon ang binata at ilang ring palang ay may sumagot na rito.
"Good morning, this is Kiko, from the CEO's office of Petterson Finance Company. How may I help you?" sagot nito sa kabilang linya
"Hi Kiko, this is Lorraine of AIC, itatanong ko lang sana kung nasa opisina ngayon ang boss mo?" sagot nito sa sekretaryang sumagot
"Ms. Lo...raine?" nauutal nitong tanong, parang hindi makapaniwala na siya ang nasa kabilang linya.
"Oo Kiko si Lorraine ito, nandyan ba ngayon ang pinakahot mong boss dito sa ating bansa?" tanong nya rito.
"Sorry Ms Lorraine pero nakaleave po ang hot kong boss, ang hot nya lang po na secretary ang nandito" masayang sagot naman nito sa kanya.
"May nasabi ba sya sa iyo kung bakit sya nakaleave?" tanong nya rito
"Ang sabi nya lang po sa akin gusto muna nyang magrest day, baka nasa condo nya ngayon yun" wika naman nito.
"Ah ganun ba Kiko, sige salamat" akamang papatayin na nya ang tawag ng pigilan sya ng sekretarya.
"Wait lang po Ms Lorraine. Itatanong ko lang po sana kung meron pa kayong nagugustuhan na ibang pabango ng lalaki?" tanong nito sa kanya.
"Huh? Wala na eh, perfume lang talaga ni Patrick ang gusto ko ang amoy. Bakit mo naman natanong?" Takang sagot nya sa kabilang linya.
"Awwtss, ganun po ba Ms Lorraine." malungkot na sagot nito sa kanya.
"Sorry Kiko but I have to end this call, medyo nagmamadali ako eh. Salamat ulit" then she ended the call at sumakay na ng elevator pababa.
Sa condo na lang sya ng binata didiretso tanda pa naman nya kung saan ito eh.
*******
Nang makarating sya sa harap ng Condo unit nito, pinindot nya agad ang doorbell nito. Pero ilang minuto na syang naghihintay pero wala pa ring lumalabas kaya paulit-ulit nyang pinindot ang doorbell.
Nang wala pa ring lumalabas, tumalikod na sya kasi baka wala naman talagang tao sa loob.
Pero hahakbang na sana sya paalis ng narining nyang bumukas ang pinto.
"Wala ka bang doorbell sa bahay nyo at kung makapindot ka sa doorbell ko ay parang gusto mo ng sirain!?" inis na litanya ng baritonong boses sa likuran nya.
Nang harapin nya ito, hindi nya maiwasan na mamula sa nakikita nya sa harapan nya.
Patrick only wearing a boxer short kaya halos nakabilad sa kanyang harapang ang matipunong katawan nito.
His big arm muscles, his well-toned chest, his eight pack abs, at nang mapababa pa ang tingin at mapansin ang bakat nitong alaga ay halos buong katawan na nya ang namula.
"Are you enjoying the view?" nakangising tanong ng binata sa kanya na kahit parang bagong gising lang ay napakagwapo pa rin nito.
Agad naman na tumalikod ang dalaga dahil ayaw nya nang pakatitigan ang nakakalaway nitong katawan. For Pete's sake, ngayon lang sya nakaramdam ng ganitong klaseng init sa katawan. Parang gusto na tuloy nyang maniwala kay Kiko na this man is the hottest boss in this country.
"Pwede bang magdamit ka muna, I have something important to tell you." nahihiya nyang wika sa binata habang nakatalikod.
Narinig nya lang na tumawa ito, bago nagsalita.
"Pumasok ka na, magbibihis lang ako." naramdaman nya na umalis na ang binata kaya humarap na ulit sya para pumasok sa loob ng condo unit nito.
Umupo lang sya sa pangisahang sofa habang hinihintay ang binata. Maya-maya rin naman ay lumabas na ito suot na ang white tshirt at gray na pajama.
Humarap ito sa kanya ng may ngiti sa labi na labis nyang pinagtaka, the last time she remembered galit ito sa kanya kaya hindi nya maiwasan na magtaka kung bakit kung makangiti ito ngayon ay parang wala lang syang ginawa dito na ikinairita nya.
"Why are you smiling? The last time we talked galit ka sa akin." Hindi mapigilang komento nya sa binata,
Hindi naman nawala ang ngiti nito sa labi at mas lalo pa ngang nadagdagan.
"Maganda lang ang gising, bakit masama na ba ang ngumiti ngayon?"
kibit-balikat naman nitong sagot sa kanya.
"I really don't understand you Patrick." sagot na lang nito sa binata para matigil na ito.
"You know what, I remember that I also said that last night to a person, and I wanted to ask you the same question that this person asked me after saying it. But in my second thoughts, wag na lang pala, alam ko naman ang isasagot mo eh, and I don't want to ruin this beautiful day just like that." mahabang wika ng binata na wala naman syang naintindihan. Ano ba ang nakain nito at bakit ganito ang mood nito ngayon?
"There are many things that are occupying my whole mind today kaya pwede ba walang space ang utak ko para isipin pa yang mga pinagsasabi mo."seryoso nitong litanya sa binata
Tumawa lang ito na parang nagbigay ito ng nakakatawang joke sa kanya.
"Okay fine, ano ba ang gusto mong inumin? Orange juice or Iced Tea?" tanong naman ng binata sa kanya.
"As if naman na may stocks ka?" mahinag tanong nito sa sarili na hindi nakaligtas sa pandinig ng binata.
"Of course I have, ang yaman kaya ng sponsor ko at maganda pa." ngiting sagot nito na may kasama pang kindat bago tuluyang umalis papuntang kusina.
What's with that man today?
But after realizing the last words he said, agad syang namula. Did he just said that I am beautiful? Di ba ako ang naggrocery sa kanya? tanong nya sa kanyang isipan.
Nakaalis lang sya sa malalim nyang iniisip ng mapansin na may inilapag ang binata sa harapan nyang isang slice ng chocolate cake at orange juice.
"Orange juice na lang ang ginawa ko, I remember that you have allergy with any type of tea. Siguro naman paborito mo pa rin ang chocolate cake hanggang ngayon." mahabang paliwanag ng binata sa kanya bago umupo sa pangisahang sofa na nakaharap sa kanya.
Hindi nya mapigilan na mapangiti ng lihim dahil sa mga sinabi nito. She can't believe that he still remembers those little things about her.
"Thank you. I still love chocolate cakes." sabi na lang nya sa binata bago kinuha ang tinidor sa gilid ng platito at tumikim ng hinain nitong cake.
Nang lumukom sa bibig nya ang lasa ng chocolate cake, hindi nya naiwasan na mapapikit dahil sa sarap nito. Napamulat lang sya bigla nang marinig ang mahinang bungisngis ng binata. Bigla tuloy syang napatigil sa pagkain dahil narealize nya ang kanyang ginawa.
"You still have that kind of admiration when it comes to chocolate cake, huh!?" nakangiting komento ng binata sa kanya.
"I'm sorry about that." sagot na lang nya. Sa halip na sumagot ang binata, lumapit ito sa kanya na labis nyang ipinagtaka at ng ilapit nito ang isang daliri sa tagiliran ng labi nya doon nya lang naintindihan kung ano ang pakay nito.
"Kahit kailan ang kalat mo pa ring kumain ng chocolate cake, para kang bata eh" natatawa nitong litanya habang pinapahid ang kumalat na chocolate icing sa gilid ng labi nya. Hindi nya maiwasang mapatitig sa nakatawang mukha ng binata.
Lalo kasi itong naging gwapo dahil lumalabas ang maganda nitong mga dimples habang tumatawa.
"You have to pay a lot for too much staring at me Kate." nakangisi nitong komento nang mahuli sya na nakatitig sa kanya.
Dahil rito mabilis na iniwas ng dalaga ang paningin nya sa binata at agad nagisip ng sasabihin para mabaling atensyon nito dito.
"Bakit ka nagrest day? Wala ka naman ginagawa rito" sabi nya naman dito.
Natatawa naman na bumalik sa upuan nya ang binata at tumingin sa kanya.
"Kaya nga diba rest day? Araw ng pahinga, may nagpapahinga ba na maraming ginagawa?" pilosopomg sagot nito sa kanya, may point nga naman ang binata, napakabobo lang ng tanong nya.
"What I mean is, and dami mong trabaho na naghihintay sa opisina mo tapos may gana ka pang magrest day." palusot na dahilan nya.
"I'm not like you Kate na halos paikutin na ang mundo sa trabaho. Because the last time I checked, nagtratrabaho tayo para mabuhay, hindi para magpakamatay." seryoso nitong sagot sa kanya and speaking of trabaho, ito nga pala ang pinunta nya dito. Ang trabaho nya.
"Forget about it. I almost forgot why I'm here. Nandito nga pala ako dahil...." hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil ang binata na ang tumuloy nito.
"... Dahil pumapayag ka nang maging girlfriend ko?" nakangiting wika nito.
Agad naman syang napatingin na nagtataka sa binata, paano nya nalaman?
"How did you know?" takang tanong nito sa binata.
"Well it is very obvious to what you have in your table. I know you so well Kate." nakangiting wika nito habang nakaturo ang kamay sa business proposal nya na nakalapag sa center table.
"Yeah, this is how I desperate for this business proposal. Now tell me Patrick, Paano ba ang maging girlfriend mo?" seryosong tanong nito sa binata.
Medyo nagulat ang binata sa tanong nya pero agad rin namang nakabawi at malapad na ngiti ang lumabas sa labi nito.
"Simple lang Kate, Just be yourself. That's all you need to do."
"Huh?" takang tanong nya sa binata.
Sa halip na sagutin sya ng binta, mabilis lang itong tumayo, nagulat na lang sya ng bigla lumapit ito sa kanya at agad na sinakop ang kanyang mga labi, dahil sa gulat hindi agad sya nakabawi sa ginawa ng binata.
Tumigil ito sa paghalik sa kanya pero nanatili pa rin ang malapit nitong labi sa mga labi nya bago ito nagsalita.
"Kiss me back Kate, you're my girlfriend now or else I'll change my mind" he said with husky voice na lalong nagpatakam sa dalaga na sundin ang puso nya, with that inilapat nito ang mga labi nya sa labi ng binata na buong puso namang tinugon ng binata.
Sa pagkakataong ito, ayaw nya munang isipin ang mararamdaman ng iba, dahil sa mga oras na ito gusto naman nyang subukan piliin ang nararamdaman nya na nagdudulot sa kanya ng sobrang kasiyahan na ngayon na lang nya muling naramdaman sa mahabang panahon.
Parehas silang agaw hininga matapos ang kanilang maalab na halikan, nanatili lang na magkalapit ang kanilang mukha at nang makabawi ang binata sa kanyang malalim na paghinga, ngumiti ito sa dalaga.
"That is what I'm meant Kate, choosing to follow what your heart says, That's what being yourself Kate" he said with so much sincerity in his eyes while intensely looking at her eyes.
There is no words coming from her mouth. She can't explain what she's feeling right now. Ngumiti na lang sya sa binata at mahigpit na niyakap.
Ang gusto nya lang ngayon ay sulitin ang kasiyahang nararamdaman nya ngayon at hayaang iparamdam sa binata ang tunay nitong nararamdaman kahit sa maikling panahon lang.
A/N: Done with the Chapter 10 Thank you ulit sa mga masusugid for reading :)