Chapter 9

2513 Words
Inis na napabangon si Kate sa kanyang pagkakahiga at may iritasyon na inalis ang kumot na nakapatong sa kanyang katawan. Magmamadaling araw na kasi pero hindi pa rin sya makatulog ng ayos dahil sa mga pinagsasabi sa kanya ni Patrick kanina. "Be my girl Kate!" Bigla na namang umalingawngaw ang tanong na yan sa kanyang utak. For the nth time, inalog na naman nya ang kanyang ulo para maalis ito sa kanyang isipan, hindi na nya mabilang kung ilang beses na nya naalog ang kanyang ulo simula pa kanina para lang maalis ang tanong na yan ng binata sa utak nya. "Ano ba kasi ang iniisip ng lalaking yun? Kung makatanong ng ganung bagay, akala mo nagaalok lang ng pagkain?" inis na tanong nya sa kanyang sarili bago tuluyang tumayo sa kama para lumabas ng kanyang kwarto patungo sa kanilang kusina. Nang makarating sya sa kusina, dumiretso sya sa harap ng kanilang ref para maghanap ng makakain, ng makakita ng isang slice ng chocolate cake, kinuha nya ito kasabay ng gatas na gusto nyang inumin. Habang nilalantakan ang chocolate cake, bigla na naman pumasok sa kanyang isipan ang pinagusapan nila ni Patrick kanina at ang mga nalaman nya dito na nagdulot sa kanya ng matinding kaba. "Be my girl Kate." seryosong sabi ng binata sa pagitan ng pagkakatitig nila sa mga mata ng isa't isa. Agad naman napanganga sa gulat ang dalaga sa biglang pagkakatanong nito or rather say sa statement nito. Ilang segundo pa ang hinintay niya bago pa nagsink-in sa kanya ang sinabi ng binata. Inalis nya ang pagkatitig nya sa binata at dumistansya ng kaunti sa medyo magkalapit na nilang katawan. "What are you saying Patrick? Nahihibang ka na ba?" wala syang maisip na isasagot sa binata, kaya ito na lang ang nasabi nya. Ngayon lang sya namental block sa isang tanong na hindi nya alam kung ano ang isasagot. "Don't answer my question with another questions Kate. Oo o hindi lang ang kailangang kong sagot." Seryosong litanya nito "Hindi," mahinang sagot nito sa binata. Gusto na nyang iwasan ang binata, kaya lang naman sya nandito is because of this business proposal at hindi para sa proposal na gusto ng binata. "Okay, then no more good deal anymore." Kalmadong sagot ng binata sa kanya. Gusto nyang mainis sa inaakto ng binata pero hindi nya magawa dahil alam nya na sya ang may kailangan dito. "Seriously, your condition is very inconsiderate Patrick, very out related with the business. Pwede bang iba na lang? I'm sorry Patrick because having relationship with you is not and will never be part of my list" mahinahon nitong sagot sa binata. As much as she wanted to follow her heart to agree with your condition, my brain keeps on reminding me what will be the consequences of my actions. And following what my brain telling me is the right thing to do. Bakas sa mata ng binata na nasaktan ito sa kanyang sinabi at parang gustong nyang bawiin ang mga sinabi nya pero huli na ang lahat, nasabi na nya at nasaktan na nya ang binata. Seryosong tumitig ang binata sa kanyang mga mata, bakas ang galit at sakit sa mukha nito. "Tell me Kate, may nagawa ba ako sa iyo para ituring mo akong ganito na parang basura, ano ba ang nakakahiya sa akin na hindi mo ako kayang tanggapin bilang boyfriend mo, na hindi mo nagawa na ipakilala ako sa kapatid mong si Claire na kahit isang kaibigan man lang." galit na litanya nito sa kanya. "You know Claire is my sister?" tanong nya dito na halos mabingi na sa sobrang lakas ng t***k ng puso nya dahil sa sobrang kaba at pagaalala. All these years alam nya na magkapatid silang dalawa. "Why you are suprised about it? You already told me before that you have a sister." sagot nito sa may iritadong boses. "But I never told you it was her." sagot nito. Hindi nya tuloy maiwasan na magisip kung may alam ba ang kapatid tungkol sa kanilang dalawa. "Because that is how much I love you Kate, I wanted to know everything about you, all the people that you value, all the things that makes you happy and all the events that matters to you." seryosong litanya ng binata na nakapagpatahimik sa kanya. "But that was just before, you know what forget about my condition as well as of convincing me to accept your proposal. I already have an appointment with the Gomez Insurance Company the day after tomorrow, might as well look another company that will accept your proposal because that will definitely not our company." Tumalikod na ang binata sa kanya at bago tuluyang naglakad paalis, may sinabi ito na tila nagpagaan ng kanyang nararamdaman. "I never tell anything about the real thing between us to Claire kung yan ang iniisip mo, at wala rin akong balak gantihan ka sa pamamagitan nya kung yan ang pinag-aalala mo. Hindi ako ganoong kasamang tao, sana alam mo yan dahil pinakilala ko na sa iyo ang totoong ako Kate" "Bakit gising ka pa nak, hindi ka ba makatulog?" tanong ni Nanay Mona sa kanya, ang mayordoma ng mga katulong sa kanilang bahay. Agad naman natigil ang malalim nyang pagiisip ng marining itong nagsalita at lumingon sya rito. "Opo Nay Mona, ang dami ko po kasi iniisip." malungkot na sagot nya sa mayordoma. "May problema ba nak?" masuyong tanong nito sa kanya na hindi nya namalayan na nakalapit na pala sa kanya para hagurin ang kanyang likuran. "It's about him again Nanay Mona." mahinang sagot naman nito sa matanda. Agad naman nakilala ng matanda kung sino ang tinutukoy nya. Nanay Mona is the only one who has idea about what really between her and Patrick. Siya lang kasi ang palagi nito natatakbuhan at nakakausap kapag may problema sya na hindi nya masabi sa kanyang magulang at kapatid. "Ano ba ang nangyari?" tanong nito. Agad naman syang nagkwento sa matanda. "Binibigyan ka na ulit ng pangalawang pagkakataon nak na maging masaya, hindi mo pa rin ba ipaglalaban?" nakangiting tanong nito sa kanya pagkatapos nyang maikwento lahat ng pangyayari kanina. "Paano naman po ako sasaya nanay Mona kung alam ko naman na may masasaktan kapalit ng kasiyahan na hinahangad ko" malungkot na sagot nito sa matanda. Naramdaman nya na masuyong hinawakan ng matanda ang kamay nya. "Alam mo ba una kong nakita yung tunay mong ngiti noong una kang nagkwento sa akin tungkol kay Patrick, at nagpapasalamat ako sa binatang yun dahil nagawa nyang palabasin ang tunay mong mga ngiti, iyong hindi pilit na lagi kung nakikita sa iyo. Minsan nak, kailangan rin nating piliin ang magpapasaya sa atin kahit alam nating may ibang masasaktan, h'wag mong isipin na dahil ganito ka lang, wala ka nang karapatang maging masaya. Marami ka nang isinakripisyo sa sarili mo para sa iba, at ngayon turuan mo naman ang sarili mong ipaglaban ang kung ano man sa tingin mo ang magpapasaya sa iyo." Hindi na nya naiwasang maluha sa sinabi ng matanda at napayakap sya rito. "Salamat po nanay, sana po balang araw makaya ko rin piliin ang magpapasaya sa akin, pero alam ko po kasi ngayon nanay na hindi ko talaga kayang saktan ang mga taong nagbigay sa akin ng panibagong pamilya." mahina nyang sabi sa matanda habang nakayakap sya rito. "Naiintindihan ko nak, naiintindihan ko" masuyo nitong sagot habang hinahagod ang likod nya upang pagaanin ang bigat ng nararamdaman nya. ****** Masamang tingin ang sinalubong ni Patrick sa mukhang nagtataka na may halong pangaasar na titig sa kanya ng kararating lang na kaibigan nyang si Steve. "Wag mo naman akong titigan ng ganyan bud, baka mainlove ako sa iyo nyan, mahalikan kita bigla." pangaasar nito sa kanya "Subukan mo, tingnan natin kung saan pupulutin yang pagmumukha mo."pagbabanta nito sa kaibigan. Pero sa halip na masindak ito, tinawanan lang sya nito bago umupo sa tabi ni Fred para kumuha ng isang beer sa bucket. "Hoy, Greg ano problema nyang si Jake bat mukhang badtrip yata?" rinig nya na tanong ni Steve sa katabi nyang si Greg. "Tanong mo sa kanya, wala akong panahon para magpaliwanag sa pahuli-huling dumating" sagot naman ni Greg kay Steve bago itinuloy ang pagiinom nito. "Oo nga Steve, bat yata nahuli ka ngayon, eh ikaw lagi nauuna dito sa club ah" tanong naman ni Fred dito. "Natraffic eh" kibit balikat lang nitong sagot sa kaibigan. "Natraffic saan? Sa backseat ng kotse mo?" sagot naman ni Greg na natatawa "Alam nyo naman na hindi lang dito indemand sa loob ng bar ang kagwapuhan ko, meron din sa labas. And you know that I can't resist to grab the blessings." pagmamayabang nitong sabi "Hindi na talaga ako magtataka kung balang araw mauubusan ka ng supply ng similya, tone-tonelada lagi ang inilalabas gabi-gabi eh"sagot naman ni Greg dito na natatawa. "Don't worry Greg Buddy, napakaproductive nito, at kung sakaling maubusan ako nandyan ka naman para magdonate. What friends are for?" Natatawang sagot nito kay Greg "G$go!" sagot lang nito showing his middle finger. "Teka nga, wala pa nakakasagot ng tanong ko, ano ba problema ni Jake Buddy?" tanong nya sa dalawa nyang kaibigan. "Nabusted ulit sa pangalawang pagkakataon" Si Fred na sumagot. "Ow," manghang reaksyon naman ni Steve, tila di makapaniwala sa narinig. For all he know, sa kanilang apat, si Jake ang mas pinipilahan ng mga babae kaya nga di nya lubos maisip na may babae na babusted dito. "And who's the lucky girl?" Manghang tanong nito kay Fred. "Sino lang ba ang babaeng kayang mangbusted sa kaibigan natin?" Balik tanong naman ni Fred kay Steve. "What the f$ck Bud!? Hanggang ngayon baliw ka pa rin sa babaeng yun!?" wika ni Steve sa kanya. Sa halip na sagutin ang kaibigan, uminom na lang sya ng beer. Ayaw nya na kasing pagusapan ang kabaliwan na ginawa nya kanina, for the second time, nagawa na naman syang balewalain ng dalaga. Naramdaman nyang tumayo si Steve para tumabi sa kanya atsaka inakbayan sya nito. "Alam mo Jake buddy, bakit mo pa ba pinagpipilitan ang sarili mo sa babaeng yun, look around, there are so many girls out there na hindi mo na kailangang magmakaawa para mahalin ka. Like her" turo nito kung saan at nang sundan nito ang tinuturo nya, nakita nya ang isang babaeng nakangiting pinagmamasdan sya, and no matter how beautiful she is, hindi  pa rin nito mapapantayan ang pagtingin nya para sa kapatid nito. Napatayo sya sa kanyang inuupuan at pumunta sa kinaroroonan ng dalaga. Hindi na nya pinansin ang mga barkada na samu't sari ang komento sa kanya. "May kasama ka ba dito Claire?" tanong nya sa dalaga ng malapitan nya ito. "I don't have, will you accompany me?" sagot naman nito sa kanya. "I can't, ihahatid na lang kita sa bahay nyo. You can't stay here lalo't magisa ka lang, this place is not safe for you." sabi nito sa dalaga, kaibigan nito ang dalaga kaya kahit papano ay nagaalala rin sya para dito. Ngumiti naman ito sa kanya na napakatamis. "You never failed to amaze me Jake, that's the reason why I can't stop myself falling for you much deeper." masayang wika nito sa kanya. "Stop overreacting with this Claire, I'm just concern because you are one of my friends." paglilinaw nito sa dalaga, he don't want her to assume something special with his actions lalo't alam nyang may nararamdaman ang dalaga para sa kanya, ayaw nyang mamisinterpret nito ang magandang pakikitungo nya sa kanya. "Do you really have to say it?" malungkot nitong tanong sa kanya. "Yes, I have to. I don't want to give you a  false hope." Seryoso nitong sagot. "But I can't stop myself from hoping Jake, that someday you will see my worth as more than a friend." seryoso nitong sagot sa kanya. "You are just my friend Claire and that will never change into the way you wanted it to be." seryosong wika nito. "But you treated me differently from your other friends. You are very protective and you care to me a lot. Don't deny it Jake." seryoso wika ng dalaga "I really want to tell you the reason Claire but there's something that stopping me from doing it. At wag mo ng itanog kung ano iyon dahil hindi rin kita sasagutin. Now, kung ayaw mo pang magpahatid bahala ka na, I'm already tired and stressed, I already want to take a rest." inis na sagot nya sa dalaga, bakit kasi wala itong alam tungkol sa kanya at sa ate nito. There were a lot of times na sa sobrang kulit nito, gusto na nyang sabihin dito ang dahilan kung bakit protective sya dito is because she's very important to the person she loves, noon pa man gusto na nyang layuan si Claire, pero kapag nasa kapahamakan ito, hindi nya magawang iwan ito dahil alam nya na mas masasaktan ang babaeng mahal nya kapag nasaktan ito kahit pa nga nasaktan na sya nito at patuloy na sinasaktan ngayon. "I'm sorry, sige magpapahatid na ako" mahina nitong sagot at nauna ng naglakad palabas ng club. Napabuntong hininga na lang sya bago sumunod sa dalaga. Paglabas nya ng club naabutan nya ang dalaga na nakatayo sa tapat ng isang puting kotse na katabi ng kotse nya. "That's not my car Claire." sabi nito sa dalaga. Pero ngumiti lang sa kanya ang dalaga at may parang pinindot sa kamay nito na naglikha ng tunog sa sasakyang katapat nito. "Is that your car?" takang tanong nya sa dalaga, alam nya kasi na hindi ito marunong magdrive dahil noong nasa US pa sila, lagi itong nagpapasundo sa kanya tuwing ginagabi sya ng uwi sa trabaho. "Yeah." ngiting sagot nito sa kanya. "But you told me you can't drive." seryosong wika nya sa dalaga "I'm sorry about that. I lied to you, gusto ko lang kasi talaga na magkaroon ka ng time sa akin, and that's the only thing na pumasok sa utak ko kaya ginawa ko." sagot nya naman dito. "I really don't understand you Claire." sagot na lang nito sa dalaga. "Kapag ba naintindihan mo ako, mamahalin mo na rin ba ako gaya ng pagmamahal ko sa iyo?" Seryosong tanong nito. "Kapag ba sinabi ko sa iyo na hindi kita magagawang mahalin dahil mahal ko pa rin ang babaeng minahal ko noon kahit pa nagawa nya akong saktan noon, kakalimutan mo na ba yang nararamdaman mo para sa akin?" seryosong nyang balik tanong dito. "Hindi, dahil wala akong pakialam kung mahal mo pa ang babaeng nanakit sa iyo, she already lost her chance and now it's my turn at gagawin ko ang lahat para ikaw Patrick Jake Petterson ay tuluyang mainlove sa akin. Set that in your mind." seryosong sagot nito na hindi na hinintay ang sasabihin nya dahil agad na sumakay ito sa kanyang kotse at pinaharurot ito ng mabilis. "If Kate was the one who said that, I will very much happy to accept it. Pero hindi ikaw si Kate, ang babaeng mahal ko." He said with himself nang tuluyang mawala na sa paningin nya ang kotse na minamaneho ni Claire. A/N: Done with the Chapter 9. Enjoy reading 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD