Chapter 8

2699 Words
"Boss Jake, may gusto raw po kumausap sa inyo. Kate Lorraine of AIC daw po" wika ng kanyang sekretarya na lalaki na pabirong nakatingin sa kanya ng masama. "What's with that look?" takang tanong naman ng binata na pinagpatuloy lang ang pagpirma sa mga dokumento na nakalatag sa kanyang lamesa. "Ngayon ko lang po naisip na napakaunfair ng mundo. Imagine kahapon ang pumunta sa inyo ay ang bunsong anak ni Mr Atienza na sobrang hot na fashion designer na si Ms Claire Louise at ngayon naman ang almost perfect nyang panganay na si Ms Kate Lorraine. Halos maubos na ang sahod ko boss sa kakabili ng mga men's product na katulad ng ginagamit mo pero heto ako ngayon wala pa ring jowa. Bakit kasi ganyan kayo kagwapo, nagiging mukha tuloy ako nakatuxedo na basahan kapag katabi ko kayo" pabirong malungkot nitong sagot sa kanya. "Ang ingay mo talaga kahit kailan, gusto mo ba talaga mawalan ng trabaho ha?" pananakot nito sa sekretarya. Pero sa halip na matakot ito sa kanya, ngumisi lang ito. "Malakas kapit ko sa ama mo boss, at mahigit isang linggo mo na yang pananakot sa akin, wala man lang bang iba boss?" mayabang na sagot nito sa kanya. This is what he getting from being not strict boss to his secretary but he is very okay with it. Kasi ganito man ito makipagusap sa kanya, hindi pa rin nito nakakalimutan ang pagitan nila between employer and employee, he's very loyal and efficient secretary at the same time. "Don't worry I'll take note of it, bukas ban na yang pagmumukha mo dito sa kompanya." pagbabanta nito sa kanyang secretary. "Whatever Boss, Pero we are already getting out with the main topic here, ano papasukin ko ba si Ms Kate  Lorraine Boss?" sagot nito sa kanya na hindi man lang nasindak sa pagbabanta nya. Napatigil sya sa kanyang ginagawa and his face expression automatically change into serious face, na napansin naman agad ng kanyang sektretary. "Ayos ka lang ba boss?" tanong nito sa kanya. "Oo ayos lang ako, sabihin mo wala akong oras para sa kanya, I have so many works to do." sagot nito sa kanya. Kahit nagtataka man, hindi na nagtanong ang sekretarya at nagpaalam ng umalis. Nang marinig ang mahinang pagsara ng pintuan ng kanyang opisina hudyat na nakalabas na ang kanyang sekretarya. Awtomatikong napasandal sya sa kanyang inuupuang swivel chair. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan nya ang pinagusapan nila ni Claire kahapon tungkol kay Lorraine. Matagal na nyang alam na magkapatid ang dalawa, when Lorraine told him before that she has a sister, kahit saglit lang nilang napagusapan yun noon ng dalaga hindi nawala sa isip nya yun kaya palihim nyang inalam kung sino ito and he was surprised when he found out that it was Claire. He was not suprised knowing that Claire is her sister, what he surprised about was, parang walang alam si Claire sa pagitan nilang dalawa ng Ate nya dahil before their graduation nagconfess ito ng nararamdaman nito para sa kanya na agad naman nyang nireject dahil si Lorraine lang ang babaeng mahal nya. He wanted to tell about it to Lorraine before, but he was never got a chance to do it dahil sa ginawang p*******t nito sa kanya, he already forgot about it because all he could remember was the extreme pain that he was felt that time. At bumalik lang ang alaala na yun when he accidentally mention Lorraine out of a sudden kahapon sa lunch nila ni Claire. And based on her reactions, she seemed suprised because from the way he said it, parang ang tagal na daw nilang magkakilala and that made him confused. Bakit hindi ba? he asked betweeh his thoughts. "Galing ako sa company nyo kanina, pinaattend ako ni Daddy doon para sa isang partnership na inooffer ng company niyo sa amin, and Lorraine was the presentor." He said casually without any hesitation. "You know my sister?" Claire asked him with undefine suprised expression. Hindi nya alam kung masaya ba ito or hindi "What do you mean by that and why you looked suprised about it?" he can't avoid to ask. "Sorry about that, so how is she? Hows your first met?" Mahinang tanong nito sa kanya. "First met?" He can't avoid to laugh sarcastically from his thoughts. What is she talking about? Wala ba syang alam tungkol sa aming dalawa? And now, he starting to be curious about it. Ako lang naman ang lalaking pinaasa at sinaktan ng ate mo, for f*cking anyone sake. "Yeah, bakit nagmeet na  ba kayo dati? When I asked her about you kung kilala ka nya personally kasi same university kayo, ang sabi nya sa akin paano raw kayo magiging magkilala eh hindi naman kayo ni minsan nagusap o nagtagpo kahit kailan. She just know you because you are one the varsity players na sikat sa campus." Wika ni Claire na syang biglang nagpatahimik sa kanya. And now all his questions already answered and he can't avoid to get irritated about it. Now he understands why Claire don't have any idea about what's between him and Lorraine all these years kasi hindi naman pala sya nito naikwento sa kapatid  at ang tungkol sa kanila, isa lang pala syang hamak na estranghero para sa kanya. "So, how is she?" Ulit na tanong sa kanya ni Claire na nakapagpaahon sa kanya sa malalim nitong iniisip. "She's okay" walang emosyon nyang sagot at bumalik na sa kanyang pagsubo ng pagkain. "My sister is beautiful." malungkot nitong wika sa kanya. "She is, but not a type of girl I want" anymore. Tuloy nya sa isip na sasabihin after all his realization. Napansin nya na ngumiti ito kaya napatigil sya sa pagkain at kunot noong napatingin dito. "Why are you smiling?" takang tanong nito sa kanya, as far as he remembered wala naman nakakatawa sa mga pinagsasabi nya, dahil kung meron bakit puro iritasyon lang ang nararamdaman nya ngayon. At ang iristasyon na nararamdaman nya ay nagsimula ng maging isang galit sa huling sinabi nito. "I'm just glad, I thought you will like her. At isa pa kung sakaling nagustuhan mo sya, wala ka rin namang pag-asa doon, sobrang mahal nun ang first love nya eh na una nyang nakita sa resto kung saan sya nagpapartime bilang singer noon." At ang matamis na dessert na kinakain nya ay tila naging mapait ang lasa because of so much bitterness he is feeling right now. Napahilot na lang ang binata sa kanyang sintido matapos maalala ang mga napagusapan nila ni Claire kahapon and with that bigla na lang syang nawalan ng gana magtrabaho. Tiningnan nya ang wrist watch nya at nakaramdam bigla ng gutom ng makita na malapit na palang mag 12 o' clock. Balak sana nyang magpahatid  na lang ng pagkain kanina pero dahil kailangan nyang lumanghap ng sariwang hangin para makalimutan ang dalaga na nagpapagulo ng kanyang isipan ngayon, nagdesisyon syang sa labas na lang kumain. Habang inaayos ni Patrick ang pagkakaseatbelt nya bigla na lang may bumukas ng pinto sa passenger seat at bago pa sya nakapagreact ay nakaupo na ang pangahas na ito sa passenger seat at malapad na nakangiti sa kanya. "What are you doing in my car Kate? Get out!" galit na wika nito sa dalaga. Pero sa halip na masindak ito sa kanya, tila nangasar pa ito ng bigla itong nagsuot ng seatbelt na lalong nagpainit ng ulo nya. "Nangaasar ka ba?" galit na tanong nya sa dalaga. Tumingin naman ang dalaga sa kanya na lalo pang nilapadan ang ngiti bagong nagsalita. "I know my presentation so well Patrick, and I am very confident that I reached your expections yesterday with my reports and information. Kaya nga narito ako ngayon to know what made you disagree about it so can we talk about it now and have a good deal later. This time, I will not accept any rejection from you unless it is really reasonable but that will not gonna happen." wika ng dalaga sa kanya. "Ano pa bang di malinaw sa pinautos ko sa aking sekretarya na ayaw kitang makausap? Di ba matalino ka? Dapat naiintindihan mo na ibig sabihin lang nun na hindi rin ako interesado sa kung ano man yang gusto mong ipakita o sabihin sa akin" galit na sagot nya sa dalaga pero ni hindi man lang ito nakaramdam ng kunting takot sa sinabi nya. "Akala mo naman basta-basta lang ako mapapaalis dahil sa sinabi mo sa sekretarya mo. Don't underestimate me Mr Patrick Jake Petterson, I'm not come here just to recieve nothing. I am here for something and I'll do everything just for you to consider this thing" pakita nya sa hawak nyang folder na sa tingin nya ang laman nito ay business proposal nito. "I don't have f$cking care, might as well don't give it to me if you don't want to see that importang thing to you burning in the trashcan" giit nito sa dalaga. "Don't worry, I still have many copies of this. Ikaw lang mapapagod sa pagsusunog" pangaasar na sagot nito. "You know what, pasalamat ka at hindi ako nanapak ng babae Kate. If you don't want to leave  my car....." sabay tanggal ng seatbelt nito. "I will be the one will do it, so enjoy your stay here hanggang sa magsawa ka and don't you dare to follow me." galit na wika ng binata sabay bukas ng pinto ng driver seat para lumabas at malakas na isinara iyon. Agad namang naalarma si Lorraine ng lumabas ang binata sa kotse nito, nagmadali syang tanggalin ang pagkakaseatbelt nya at mabilis na lumabas ng kotse para sundan ang binata. This is how desperate she is for him to accept her business proposal. Bakit kasi ang tigas ng ulo ng lalaking yun? Hindi ba nya alam na makakatulong rin ang proposal nyang ito sa kompanya nya, yun nga lang their company is needed this much more than the company of Patrick. Nang makalabas sya ng kotse agad na nakita nya ang binata na papasok na ng kompanya kaya naman mabilis syang naglakad at hindi pa sya nakuntento ay tumakbo na ito. "PATRICK!?" malakas na tawag nito sa binata para kunin ang atensyon pero hindi man lang ito lumingon. Nagmadali na lang syang tumakbo kahit medyo sumasakit na ang paa nya dahil sa suot nitong sapatos na may heels na di naman kataasan. Habang tumatakbo sya, hindi nya napansin ang isang plastic bottle na nagkalat kaya naapakan nya ito dahilan para madapa sya. Kahit naririnig nya ang pagtawag ng dalaga sa pangalan nya, nagpatuloy lang ito sa paglalakad at nagbingi-bingihan. Napatigil lang sya sa paglalakad ng mapansin na parang tumahimik ito at nang lingunin nya ito, nakaupo na ito sa sahig na halatang may dinaramdam na sakit. Dahil sa nakitang sitwasyon ng dalaga, awtomatikong napatakbo sya pabalik para tulungan ito. "What happened?" tanong nya dito habang chinicheck ang tuhod nito kung saan nakakapit ang kamay ng dalaga. "You really have the guts to ask that kind of question matapos mong magpahabol sa akin" inis na sagot nito habang pinipilit na tumayo pero muntik lang itong matumba sa ginawa nyang ito kung hindi agad sya nasalo ng binata para alalayan. "Sino bang nagsabi sa iyo na habulin ako" inis na sagot naman ng binata bago binuhat ang dalaga na parang bagong kasal patungo sa kotse nya. Kahit hindi komportable si Lorraine sa pagkakabuhat sa kanya ni Patrick, hindi na sya nagreklamo. Masyadong masakit ang tuhod nya para pairalin pa ang kanyang kaartehan. Hindi nya mapigilan na mapalapit ang ilong nya sa mabangong leeg ng binata na nakatapat sa mukha nya habang bitbit sya nito. Hindi nya maiwasan na mapangiti ng lihim na pareho pa rin ang pabango na ginagamit nito na sya mismo ang pumili para dito noong college pa sila. Nang makarating sila sa kotse ng binata, dahan-dahan syang ibinaba nito para makaupo sa passenger seat. Umalis muna ito saglit at may tinawagan sa cellphone at nang matapos ang tawag, agad na lumapit sa kanya ang binata para echeck ang paa nito. Bigla syang napangiwi sa sakit ng maramdaman na pisilin ito ng binata. "Bakit ka kasi tumakbo na nakasuot pa ng sapatos na may takong?" inis na sabi sa kanya ng binata habang sinisimulan ng emassage ang paa niya. Gusto pa sana nyang magreklamo sa sinabi nito pero hindi na nya nagawa nang maramdaman na medyo nawawala ang kirot ng paa nya dahil sa ginagawa ng binata sa paa niya. Nanatili lang silang dalawa sa ganoong pwesto ng bigla may dumating na isang lalaki na nakasuot ng tuxedong itim at may dala itong first aid kit. "Boss, ito na po yung pinapakuha nyo." wika ng bagong dating na lalaki at bigla na lang napangiti ito ng ewan ng makita sya nito. "Ikaw po di ba si Ms Kate Lorraine Atienza of AIC? Ako nga po pala si Kiko Martinez, the very hot secretary of this freaking hot boss in this country" sabay turo nito kay Patrick habang nagpapakilala sa kanya. Agad naman tumigil si Patrick sa ginagawa nya at kinuha ang first aid kit na hawak nito at agad na pinukpok sa ulo ng kanyang sekretarya. "Aray naman boss, syempre kapag hot ang boss, automatic hot din ang secretary nya. Saan pa ba ako magmamana kundi sa iyo." pagtatanggol nito sa sarili. Hindi tuloy maiwasan ni Lorraine na mapangiti sa kakulitan ni Kiko. May itsura naman si Kiko, maputi ito na medyo chinito but not handsome as Patrick. Nang akmang hahampasin na naman si Kiko ng boss nya, bahagyang napalapit ito sa kanya at ang amoy ng pabango nitong katulad kay Patrick ay hindi na nakaiwas sa pang-amoy nya. "You smell good Kiko, paborito ko talaga ang amoy na pabango na gamit mo, the same with Patrick" wika ng dalaga sa sekretarya na nakapatahimik sa dalawa. Biglang napangiti naman si Kiko na napatingin kay Patrick. "Umalis ka na nga dito Kiko" utos naman ni Patrick kay Kiko na tinulak tulak pa ito palayo sa kanya at parang may sinasabi dito na hindi nya masyadong marinig. Napansin nya na lang nakabusangot na ang mukha ni Kiko habang nagrereklamo ito kay Patrick. "Boss naman, kakabili ko lang kaya nito. Ang mahal mahal kaya nito halos maubos na dito pa lang ang sahod ko." pagrereklamo ni Kiko sa binata na hindi nya alam kung ano ang tinutukoy nito. "I'll pay for it. Dapat bukas mapalitan mo na yan kung hindi ako mismo gagawa ng resignation letter mo. Malinaw?" Sagot naman ng binata kay Kiko na may halong pagbabanta "Haist, Whatever Boss!" sagot nito sa binata at pagkatapos lumingon naman ito sa kanya para magpaalam bago tuluyang umalis. Bumalik na sa pwesto niya ang binata dala ang first aid kit. Kumuha ito ng alcohol at iniligay sa bulak at dahan dahan nilisan ang sugat nya. Dahil sa hapdi na naramdaman, hindi nya maiwasan na mapadaing. Agad naman hinipan ng binata ito at ng maramdaman ang paglapat ng hininga nito sa balat nya, hindi nya maiwasan na gumaan ang pakiramdam. "Mahapdi pa ba?" tanong ng binata sa kanya. "Hindi na masyado" sagot naman nya rito. Tumingin lang ang binata sa kanya bago kumuha ng betadine sa box at pagkatapos pahiran ang sugat nya, nilagyan nya ito ng band aid. "Ganoon ka ba sa lahat ng kausap mong businessman kapag ayaw sa business proposal mo?" tanong nito matapos ligpitin ang lahat ng laman ng first aid kit na ginamit nya. "Hindi no, wala pa naman tumanggi sa akin ikaw lang ang bukod tangi" Sagot naman nya sa binata. Totoo naman yun, ang binata palang ang kauna-unahang tumanggi sa business proposal nya. "So, I have to feel flattered about it. I think I'm special" pangaasar sa kanya nito. "Seriously Pat, I'm really desperate to get your yes for this proposal. Tell me Pat, Ano ba ang kulang? Ano ba ang kailangan kung gawin para mapaoo ka sa business proposal kong ito?" wika ng dalaga na nanunuyong nakatitig sa mga berdeng mata ng binata. Tumitig na din ang binata sa asul na mga mata ng dalaga and a sudden smile flashed on his lips before saying his words that makes her mouth hangs open. "Be my girl Kate" A/N: Enjoy reading
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD