Paulit-ulit na binabasa ni Lorraine ang lahat ng data and information na nakapaloob sa kanyang business partnership proposal na eprepresent nya sa Board of Directors ng Petterson Finance Corporation maya-maya lang. Sa loob ng dalawang linggo na nakalipas dito nya itinuon lahat ng atensyon nya. Gusto sana nyang tanggihan ang Daddy nya ng ibigay sa kanya ang project na ito dahil pagmamay-ari ito ng pamilya ni Patrick pero dahil nakiusap sa kanya ang Daddy nya kaya sya napilitang gawin ito.
Nang matapos nyang basahin lahat, sakto naman na pumasok ang kanyang secretary.
"Ms Lorraine, kumpleto na po ang BOD ng PFC sa conference room. Pwede na daw po simulan ang presentaion" balita nito sa kanya.
"Okay na ba lahat ng gagamitin sa presentation?" tanong naman nya dito.
"Opo Ms Lorraine." Sagot naman nito.
"Sige susunod na ako."
"Sige po." sabi nito at lumabas na ng kanyang opisina.
Inayos nya muna ang kanyang sarili, chineck ang kanyang damit at ang kanyang make up kung kailangan pa nyang magretouch. Nang masatisfied na sya sa kanyang itsura, lumabas na sya sa kanyang opisina at tumungo na sa conference room.
Her secretary open the door for her, before entering the room, she composed herself to be look professional and elegant at the same time. She wants to be look confident in front of everyone.
Nang makapasok sya sa conference room, nasa sampung tao ang naroon kabilang na ang Dad nya na nakaupo sa unahang bahagi, and her eyes can't avoid to settle at the most handsome guy sitting beside his father. He wearing a three pieces dark blue business suit, and his low fade haircut really gives good compliment with his good looking face. Why this man is so handsome and looking hot at the same time just like that? Dalawang linggo lang silang hindi nagkita pero ang laki na agad ng ipinagbago nito, mas lalo itong naging gwapo sa paningin nya.
Naalis lang ang tingin nya sa binata ng tumayo ang kanyang ama na tumabi sa kanya para ipakilala sya sa lahat ng tao na naroon.
"Good morning ladies and gentlemen, this is Kate Lorraine, my daughter. The Chief Operation Officer of Atienza Insurance Corporation." pagpapakilala sa kanya ng ama.
"Good luck Lorraine," bulong ng kanyang ama sa kanya bago bumalik sa upuan nito.
Her presentation almost took 1 hour to finish, she recieves different questions from BOD's na nasagot naman nya and based on their feedbacks, medyo confident sya na magkakaroon ng good deal between two corporations after this presentation. When her eyes settled on the seat of Patrick, seryoso lang itong nakatingin sa kanya habang pinapaikot ang ballpen sa mga daliri nya gamit ang kanang kamay.
And his baritoned voice filled the room with silence when he's the one who speaks up.
"Is that all Ms. Atienza?" seryoso nitong komento with a half mixed of sarcasm.
And now all the eyes in the room are all settled with him.
"Excuse me Sir? What do you mean by that?" tanong nya rito in a very formal way.
Inikot muna nito ang kanyang inuupuang swivel chair para humarap sa kanya at inayos ang pagkakadequatro nitong upo.
Tinuro ng binata ang television kung saan napapaloob doon ang kanyang presentation gamit ang ballpen nito na kanina pa nya pinaglalaruan gamit ang kanyang mga daliri.
"I don't want to offend you Ms Atienza, but your presentation has no difference from those non-special typical presentations I have seen. I'm sorry to tell you that I won't risk our company for that kind of proposal that never satisfy the standard quality of our services." seryoso komento ng binata.
Kahit medyo nagulat sya sa mga sinabi ng binata, pinilit nya pa ring ngumiti rito. Nasa harapan sila ng Daddy nya at ayaw nyang mapahiya sa harapan nito.
"Our company has so much to offer with your company Sir Petterson. Tell me Mr Petterson, what kind of standard quality are you looking for?" sagot nito sa binata with so much confident in her voice.
"I need a service that will provide us an assurance of sure profit and not like your proposal, that giving us only a false hope. Hindi namin kailangan ng isang pangako na magaling lang sa umpisa pero papaasahin lang kami sa huli." seryoso nitong wika.
Parang nawalan sya ng dila sa mga sinabi ng binata, she can't able to respond to him. Walang salita na gustong kumawala sa mga bibig kahit pa ang dami nyang gustong sabihin, nanatili lang syang tahimik sa harapan until one of the members in the room speak up
"Honestly speaking, I am very satisfied with your presentation Ms Atienza but we can't do against the decision of our soon-to-be CEO. We're sorry to tell you that we will not accept your proposal unless Mr. Petterson will change his decision." wika nito and all in the room except her and her Dad are agree with it.
Kahit nakaramdam sya ng sobrang dissapointment sa katawan, pinilit nya pa rin ngumiti at kumamay sa mga tao na naroon na isa-isang nagsi-alisan hanggang sa silang dalawa na lang ng ama nya ang natira sa conference room.
"I'm sorry Dad. I didn't make it." malungkot nitong wika sa ama nya hindi man magawang makatingin rito ng deretso, nanatili lang syang nakayuko.
Naramdaman nyang lumapit ang ama sa harapan nya at tinapik sya nito sa kanyang balikat.
"It's okay, Lorraine." kalmadong wika ng ama sa kanya.
Napatingin sya sa ama na kalmado lang ang ekpresyon ng mukha na nakatingin sa kanya.
"Hindi ka ba galit Dad? I just lost one of your big projects." tanong nya sa ama.
"Why would I? In fact, I'm so very impressed with you a while ago." ngiting sagot naman nito sa kanya.
"But still, I didn't make it." malungkot nyang wika rito.
"You have still a chance to make it Lorraine." Komento ng ama nya sa kanya.
"Dad they already rejected us." sagot nya rito.
"I am more than thirty years in the business world Lorraine and this is kind'a typical event, Mr Petterson only wants to prove, if you can really make that assurance you are talking about.".sagot naman nito sa dalaga.
"Take the rest of this day to relax Lorraine, you already look exhausted and tomorrow start thinking on how you can make Mr Petterson agree with your proposed partnership. This time I will not accept any rejection from him, understand? We can't lose this big project just like that!? Make me proud Lorraine." tapik nito sa balikat nya bago tuluyang lumabas ng conference room.
Napabuntong hininga na lang sya ng makaalis na ang kanyang ama at sya na lang ang naiwan sa conference room. God knows how much she wanted to make him proud of her, pero nangako sya sa sarili nya na kakalimutan na nya si Patrick at hindi makakatulong sa kanya kapag makikita ulit nya ito.
Katulad kanina, as she presenting her proposal pinilit nya talagang hindi mapatingin sa pwesto ng binata dahil tuwing nagtatagpo ang mga mata nila, agad na bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso.
At nagpapasalamat sya dahil mabilis itong umalis at hindi na nya nagawang makipagkamay sa kanya kanina.
Napatingin sya sa hawak nyang folder na naglalaman ng proposal nya. Her dad is looking forward for this partnership that is why she can't give it up just like this because of Patrick.
Alam nyang hindi totoo na hindi nasatisfied ang binata sa presentation nya kanina. She is not a type of person na nagbubuhat ng sariling banko but she's very sure that her presentation a while ago was impressive. Galit lang ang binata sa kanya kaya nireject nya ang proposal na iyon, kaya alam nya na mahihirapan sya na iconvince ang binata.
Sa isiping iyo bigla tuloy syang napahilot sa sintido nya dahil biglang sumakit ito.
Hindi nya tuloy maiwasan na sisihin ang kanyang sarili kung bakit pumayag sya sa Daddy nya na sya ang humawak ng project na ito. Pero sa ayaw nya man o sa hindi, nandito na sya at wala na syang magagawa kundi gawin ito at puntahan ang binata sa kung saang lupalop man ito naroon para mapapayag ito.
Nagmadali syang lumabas sa conference room para bumalik sa kanyang opisina para kunin ang gamit nito dahil pupunta sya sa opisina ng binata ngayon.
Kailangan nyang makausap ang binata, hindi nya hahayaan na masayang lahat ng pinaghirapan nya sa loob ng dalawang linggo dahil lang sa personal issue nilang dalawa. This project is very important to her Dad kaya gagawin nya ang lahat para mapapayag ang binata.
Nang makarating sa kompanya ng binata, dumiretso muna sya sa reception area para tanungin kung saan ang opisina ni Patrick.
"Do you have any appointment Mam?" tanong ng receptionist sa kanya.
"I don't have. Just tell him, this is Kate Lorraine of Atienza Insurance Corporation" sagot naman nya lang sa receptionist.
"Wait a second Mam" sagot nito at nagdial ng numero sa telepono nito.
Ngumiti naman sya dito.
"Mam, wala daw po si Sir Jake sa kanyang office, at hindi na rin daw po sya makakapasok ngayon dahil meron daw pong urgent meeting sa labas" sabi nito sa dalaga
"Ganun ba? Sige salamat." malungkot nitong sagot sa receptionist bago lumabas sa kompanya ng binata na bagsak ang magkabilang balikat. Nagmadali pa naman syang pumunta rito pero wala naman pala rito ang binata na hinahanap nya.
Napasandal na lang sya sa upuan ng sasakyan nya dahil bigla syang nakaramdam ng pagod at gutom. Nang tingnan nya ang oras sa wrist watch nya, it's already 12:30 pm kaya naman pala sya nagugutom dahil lunch time na.
Pinaandar na nya ang makina ng sasakyan at nagdrive patungo sa paborito nyang restaurant. Nang makarating sa restaurant, masigla syang binati ng gwardya. Kilala na sya nito dahil madalas sya sa restaurant na ito kumakain. Pero nang makapasok sya sa loob ng restaurant hindi na natuloy ang paglakad nya ng makita ang binata na kanina ay hinahanap nya. Para syang isang estatwa roon habang pinagmamasdan ang nakangiti nitong mukha habang pinupunasan ang gilid ng labi ng kasama nitong babae na walang iba kundi ang kapatid nya.
Agad na tumalikod sya at nagmadaling umalis palabas ng restaurant ng biglang mapadako ang tingin ng binata sa kanya. Hindi dapat sya makita nito, lalo pa't kasama nito ang kanyang kapatid.
Nang makabalik sa kanyang sasakyan, pilit na pinigilan nya ang sarili na hwag umiyak sa kanyang nakita. She promised herself na hindi na sya iiyak dahil sa binata, she want to move on with Patrick at dapat hindi na sya nakakaramdam ng kahit ano sa binata. Pinilit nyang pakalmahin ang sarili at nang sa tingin nya ay ayos na sya, nadrive na sya paalis sa restaurant at nagdesisyon na lang na kumain sa nadaanang fast food chain.
Bukas na lang nya lang pupuntahan ang binata sa kanyang opisina para sa business partnership proposal nito. Tama lang siguro na di muna sila magkita ngayon dahil kailangan nyang ihanda ang sarili nya sa pagkikita nila. She wants to make sure that after they talk, it will end up with a good deal.
But for now, let her enjoy first this fried chicken in front of her that supposed to be a delicious beef stake.
Thanks for Patrick for ruining her proposal and supposed to be a delicious lunch at the same time.
Akmang isusubo na nya ang pagkaing nasa kutsara nya ng bigla syang napatingin sa labas at napansin ang isang batang palaboy na nakatingin sa kanya.
Hindi na nya naituloy ang pagsubo at sinenyasan ang bata sa labas na pumasok sa loob na nakangiti.
Ngumiti naman ang bata sa kanya at excited na pumasok sa loob. Pinigilan pa nga ito ng guard kaya napilitan syang tumayo sa pwesto nya para sunduin ang bata.
Pinaupo nya ang bata sa kabilang upuan na nakaharap sa kanya at inilipat roon ang pagkain nya na mabilis namang sinunggaban ng bata.
Masaya lang na pinagmamasdan ng dalaga ang bata habang mabilis itong kumakain.
"Hwag kang magmadali baka mabulunan ka," masayang sabi nito sa bata.
Tumingin naman ang bata sa kanya na parang nahihiya.
"Sorry po Ate, gutom na gutom na po kasi talaga ako. Naagawan ko pa po tuloy kayo ng pagkain." malungkot nitong wika sa kanya
"Ano ka ba? Ayos lang ako, nagorder naman na ulit ako. Kumain ka lang dyan" ngiting sagot lang nya sa bata.
Nagpatuloy lang sa pagkain ang bata at dumagdag pa sya ulit ng order dahil halatang kulang pa ang inorder nya para dito.
"Nasaan ba ang mga magulang mo? Bakit ka naging palaboy?" Hindi maiwasang tanong nya rito.
"Wala na po akong magulang, magisa na lang po ako ngayon dahil ayaw naman po akong tanggapin ng mga kamaganak ko kaya ito po naging palaboy ako." malungkot na sagot nito.
"I'm sorry dapat di ko na tinanong."
"Okay lang po yun" sagot naman nito habang patuloy na kumakain.
"Alam mo bang wala na rin ang mga tunay kong mga magulang katulad mo. Pero may isang pamilya na umampon sa akin at tinuring ako na parang tunay na parte ng kanilang pamilya, siguro kung hindi nila ako inaruga, baka katulad mo na rin ako na isang palaboy. Kaya nga mahal na mahal ko sila eh at gagawin ko lahat para maging masaya sila" nakangiti nitong kwento sa bata.
"Sana po Ate, may tumanggap din sa akin na tulad mo po." malungkot nitong wika
"Gusto mo sumama sa akin?" tanong nito.
"Saan naman po? Ayaw ko po, baka po ebenta nyo mga lamang loob ko." sagot ng bata na halata sa mukha ang takot. Hindi nya tuloy maiwasan na matawa sa sinabi ng bata.
"Matapos kitang pakainin, pagkakamalan mo pa akong sindikato? Kung hindi lang masama manapak ng bata, nasampulan na kita." wika ng dalaga na natatawa dahil sa huling sinabi ng bata.
"Saan mo po ba ako dadalhin?" tanong ng bata na wala na ang takot sa mukha.
"May alam ako na foundation na tumutulong sa mga batang katulad mo na palaboy. Bibigyan ka nila ng damit, tulugan, pagkain at kapag mabait ka, papaaralin ka pa nila. Gusto mo ba doon?" tanong niya sa bata.
"Opo Ate, gusto ko po doon. Gusto ko po makapagaral" excited naman na sagot nito.
"Eh kung ganun, bilisan mo na dyan kumain. At dahil napatawa mo ako kanina, may reward ka sa kin, bibilhan kita ng damit pero kailangan muna natin maghanap ng maliliguan mo kasi medyo ang baho mo na eh" may ngiting sabi niya sa bata
"Sige po Ate, Salamat po." may ngiting wika nito
"Kate Lorraine ang pangalan ko, ikaw ba anong pangalan mo?"
"Jimboy po Ate Kate." bigla syang napatigil ng marining na tinawag siya nitong Kate.
"Jimboy, Ate Lorraine na lang, may isang tao kasi na gusto na sya lang ang tumatawag sa akin ng Kate eh" sagot nya dito.
"Boyfriend nyo po Ate?" ngumiti lang ito.
"Hindi ko sya boyfriend, pero sya lang ang lalaking minahal at minamahal ko." sagot nya rito.
"Sana po kayo ang magkatuluyan Ate Lorraine. Napaswerte nya po sa iyo kung sakali dahil napakabait mo po at napakaganda pa" masayang wika ng bata sa kanya.
Katulad ng hiling ni Jimboy, gusto nya ring hilingin ang bagay na ito pero alam nya na malabo na itong mangyari. May mga bagay kasi talaga dito sa mundo na hindi natin pwedeng ipilit na maging atin kahit pa ito ang nagpapasaya sa atin.
A/N: Done with the Chapter 7. Please don't forget to comment your reactions below. Pafollow na rin po ako kung okay lang po Thank you for reading