"SALARIN, kayong lahat mga salarin! Dapat kayong parusahan ng kamatayan!" kaagad na naidilat ni Ursaillune ang kaniyang mga mata nang marinig isang nakakakilabot na boses sa kaniyang utak, tumatagaktag ang malalaking butil ng pawis mula sa kaniyang noo paibaba sa kaniyang mukha. Ilang beses siyang huminga ng malalim upang maikalma ang sarili, paulit-ulit niyang nakikita ang ang mukha ng batang babae nakakakilabot ang iginawad nitong tingin sa kaniya lalo na't purong itim ang mga mata nito na para bang nakatitig sa kaniyang kaluluwa. Idagdag pa ang boses nito na para bang galing sa pinakaila-ilaliman ng lupa. Ramdam niya ang panginginig kaniyang kamay, ngunit hindi niya magalaw yun lalo na't para siyang nakatali, pakiramdam niya'y pinipiga ang kaniyang katawan sa sobrang higpit ng pagkatali sa kaniya.
"Grae! Grae! Kumalma ka! Grae!" halos magpanik ang kaibigan ng dalaga nang makita itong sinumpong habang nakadilat ang mga mata, nagpatuloy sa pag-agos ang luha ni Ursaillune naiiyak siya sa frustrasyong hindi niya magalaw ang kaniyang katawan. "Grae, grae! Kalma!!" niyugyog ng isang babae ang kaniyang balikat kung kaya ay napa-singhap siya ng dahan-dahan at unti-unting nagising mula sa isang masamang panaginip.
"Grae! Grae, ayos ka lang ba?" nag-alalang giit ng kaibigan, dahan-dahang napatango si Ursaillune at inilibot ang kaniyang tingin sa paligid. Doon lamang niya napagtanto na nasa loob na pala siya ng kaniyang silid at kasalukuyang nakahiga sa kama.
"Anong nangyari?" ramdam niya ang p*******t ng kaniyang ulo, parang may pumokpok roon ng martilyo at pakiramdam niya rin ay iginapos siya ng mahigpit na para bang intensyon ng mga tali ay patayin siya sobrang higpit.
"Grae! Mabuti na lang at ayos ka lang!" madamdaming giit ng kaniyang kaibigan. "Akala ko hindi ka na magigising, alam mo bang tatlong araw kang nakahimlay dito!" frustrated nitong giit at tuluyan nang tumulo ang luhang ilang araw na niyang pinipigilan. Napakurap na lamang si Ursaillune. Hindi niya maintindihan ang sinabi ng kaibigan, ang huli niyang maalala ay ang pagpasok niya sa gubat ni Makiling. Kaagad na tumayo ang kaibigan at nagsalin ng tubig sa isang baso na yari sa kahoy saka iyon binigay sa kaniya, ngunit dahil wala pa siyang lakas na bumangon inalalayan na lamang siya ng kaibigan na uminom, sumenyas lamang siya dito bilang pasasalamat.
"Natagpuan ka ng isang bampira sa loob ng gubat ni Makiling! Mahabaging Bathala at iginagalang naming Diwata ng Makiling! Salamat sa pag-ligtas ng aking kaibigan, napaka-mabuti ng taong sumagip sa kaniya! Nawa'y bigyan mo siya ng karampot na biyaya at ligaya dahil karapatdapat iyon sa kaniya!" halos maiyak ito sa tuwa, tatlong araw na kasi ang dumaan mula noong may nagpakitang bampira sa kanilang nayon. Dala-dala nito ang namumutlang katawan ni Ursaillune at sinabing natagpuan niya raw ito sa gubat. Napalingon ang babae kay Ursaillune at agad itong binigyan ng pitik sa pisngi dahilan upang mapakurap ang dalaga at mapangiwi ng saglit.
"Naiistress ako sa'yo Indai Grae! Ano ba ang ginagawa mo sa loob ng gubat ni Makiling! Gaga ka, alam mo namang ipinagbabawala ng pagpasok sa gubat kung hindi mo isasagawa ang isang ritwal lalo na't magagalit ang Diwata!" sermon nito sa kaibigan kaya tuluyan nang natahimik si Ursaillune, alam niya ang patakaran tungkol sa pagpasok sa kagubatan ni Makiling ngunit hindi man lang niya nasunod iyon lalo na't ang huling niyang maramdaman ay ang pang-aakit sa kaniya ng gubat, para bang tumatawag ito sa kaniya at sinasabing pumasok siya roon.
"Pasensiya na at labis kitang ipinag-alala, Harmonia." matamlay niyang giit, nasapo na lamang ni Harmonia ang kaniyang noo at napa-iling. "Ano na ngayon ang gagawin mo Grae? Alam mo ba ang mga parusang haharapin mo dahil sa nilabag mong batas?" hindi na napigilan ni Harmonia ang mag-alala sa kaibigan, sobrang close kasi nilang dalawa lalo na't sabay sila naging babaylan.
"Nasaan ba yung taong sumagip sa akin?" tanong ni Ursaillune kaya tuluyan na siyang nasampal ng kaibigan, kaagad siyang napahawak sa kaniyang pisngi at salubong ang kilay itong binalingan. "gaga, ano ba problema mo?" mahina ngunit may diin niyang bulong lalo na't baka sila ay marinig ng matatanda sa labas, tiyak na sila'y papaluin ng kawayan at ipag-dasal ng ilang oras habang nakaluhod sa munggo bilang parusa sa pagmumura at p*******t sa kapwa.
"mas gaga ka, nag-alala ako sa'yo dito tapos iba hinahanap mo!" pasigaw ngunit mahinang giit ni Harmonia na hindi halos makapaniwala sa takbo ng utak ng kaniyang kaibigan, hindi ba nito alam na sobra-sobra ang pag-alala niya at muntik na siyang atakehin sa puso nang makita itong walang malay habang karga ng isang estranghero?
"Alam ko, ngunit mas nag-alala ako sa parusang haharapin ko sa paglabag ng mga patakaran natin kung kaya ay bago ako parusahan nais kong pasalamatan ang taong sumagip sa akin." serysosong giit ni Ursailluen kaya tuluyan nang natigilan si Harmonia at napatitig sa kaibigan. Napabuntong-hininga siya upang mamasmasan ang pag-alala sa haharapin ng kaibigan, wala siyang nagawa kundi ang tumayo at ipinatawag ang taong sumagip sa kaibigan
"Andito na siya." giit ni Harmonia matapos nitong buksan ang pinto upang makapasok ang isang tao, mabuti na alng at abala ang lahat sa mga gawain kung kaya ay walang nakapansin sa ginawa niya. Naningkit ang mata ni Ursaillune habang nakatitig sa estranghero, nakasuot kasi ito ng itim na kapa at tumatakip iyon sa mukha ito.
"Ipinatawag mo raw ako." seryoso nitong saad at tuluyan nang hinubad ang suot niyang kapa. Tumambad tuloy ang napaka-puti at makinis nitong mukha, napa-awang ang labi ni Ursaillune nang mapagtanto na isa pa lang bampira ang sumagip sa kaniya at sobrang ganda pa nito. Kumikislap kasi ang kulay pula nitong mata at labi nitong kulay dugo.
"SALAMAT sa pag-sagip mo sa akin ha?" naka-ngiting giit ni Ursaillune kaya tuluyan nang napa-ngiwi si Aveone, sa totoo lang ay hindi niya dapat sasagipin si Ursaillune ninais nga niya itong iwan sa gitna ng gubat hanggang sa mamatay ito lalo na't may prioridad siyang dapat unahin ngunit nang marinig ang boses ng dating kaibigan, tuluyan na siyang natulak na sagipin ito kahit na labag iyon sa kaniyang kalooban.
"'Wag mo kong pasalamatan, ginagawa ko lang ang dapat." kahit ayaw ko. giit ni Aveone, ngunit natawa lamang si Ursaillune doon lamang napagtanto ni Aveone na silang dalwa na lamang ang naiwan sa silid at wala na yung babaeng laging nagbabantay kay Ursaillune sa loob ng tatlong araw.
"Bakit naman? Karapatdapat kang pasalamatan dahil sinagip mo ako." litanya pa nito ngunit napairap na lamang si Aveone, sobrang tigas ng ulo nito. "Iniwan na lang sana kitang mamatay." diretso niyang giit kaya agad na natigilan si Ursaillune, hindi siya makapniwala sa kaniyang narinig kapagkuwan ay napa-ngiti siya at mahinang natawa.
"Mabuti nga no, mamatay lang rin naman ako bilang parusa sa paglabag ng patakarang ipinatupad ng Shamaness." wala sa sariling giit nito kaya si Aveone na naman ngayon ang natigilan, hindi siya makapaniwalang kamatayan kaagad ang parusa ng pag-labag sa mga patakaran. Akala niya ay mahaba ang pasensya ng mga mortal pagdating sa ganito ngunit sa tingin niya ay mas malala pa pala ang mga ito sa mga bampira.
"Kaya, salamat at sinagip mo ko." sa mga oras na yun, ay tuluyan nang napatango si Aveone. Napabuntong-hininga na lamang siya at tinitigan ang mukha ng babaylan na ngayo'y nakapikit na ang mga mata. Kapagkuwan ay tumalikod siya at nagtungo sa upang iwan ito, nais na niyang umalis dahil may kailangan pa siyang hanapin ngunit bago pa naman niya mapihit ang pintuan tuluyan na siyang nanigas sa kaniyang kinatayuan nang marinig ulit ang boses nito.
"Salamat Avery."
**
"SALAMAT Avery!" masayang giit ng isang babae, kaagad na napairap si Aveone at ipinag-cross ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib at tinitigan ang dalaga. "Gaga!" maikling giit niya ngunit ngumiti lamang ng malawak ang babae hanggang sa unti-unti itong nawala na para bang bula.
"Ayos ka lang po ba, Edward-seri?" kaagad na napakurap si Aveone nang marinig ang boses ng isang babaylan, napaka-pamilyar ng mukha nito ngunit wala siyang pakialam na kilalanin pa ito. Tumango lamang siya at tinungo ang pintuan upang buksan ito dahil nais na niyang umalis, hahanapin pa niya ang kaniyang kambal.
"Aalis ka na ba, mahal na prinsesa?" biglang tanong ng babaylan na babae, doon lamang naalala ni Aveone na kaibigan pala ito ng babaylan na sinagip niya sa kagubatan ni Maquiling. Napabuntong-hininga si Aveoene, hindi alam ng mga taga-rito na isa siyang prinsesa kaya paano nalamang ng babaeng to na isa siyang prinsesa? Inihanda niya ang karaniwang ekspresyon ng kaniyang mukha at hinarap ang babaeng kasalukuyang nakatalikod dahil pinupunasan nito ang kamay ng babaeng sinagip niya noong nakaraang tatlong araw.
"Isama mo si Grae." biglang saad nito kaya pagak na natawa si Aveone, pakiramdam niya'y nabingi siya dahil hindi niya halos matanggap ang sinabi ng babae. "Nagbibiro ka ba?" nabalutan ng sarkasmo ang kaniyang boses at nagsalubong na ang kaniyang kilay. Ang dami pa niyang dapat gawin ngunit inaabala siya ng mortal.
"Paki-usap, kung aalis ka na isama mo ang kaibigan ko." nagmamaka-awa nitong giit, nanginginig na rin ang kamay nito at halos lumuhod na sa kaniyang harapan, ngunit matigas ang puso ni Aveone imbes na maawa ay tinalikuran niya ang babae at kaagad na binuksan ang pinto upang lumabas roon.
"Paki-usap, itakas mo si Grae." paulit-ulit na giit ng babae, akala niya'y lalambot ang puso ng prinsesa ngunit narinig na lang niya ang malakas na kalabog ng pintu at ang pag-mura ng prinsesa.
"Mga pabigat." at saka ito nag-anyong uwak bago lumipad paitaas sa asul na kalangitan, mag-aalas diyes na ng umaga. Bigong naupo si Harmonia sa sahig at pinagkatitigan ang mahal na kaibigan, naikagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdamang nag-iinit na naman ang sulok ng kaniyang mga mata, napaka-iyakin niya talaga. Ilang araw na ba siyang umiyak mula noong nakita niya ang namumutla at walang malay na katawan ng kaibigan?
"Grae naman eh. Lagi mo talaga akong pinag-alala ng ganito." mahinang bulong niya at kaagad na pinahiran ang luhang tuluyan nang lumandas sa kaniyang pisngi dahil sa labis na pag-alala. "lagi kang ganito, simula pa noong bata pa tayo." patuloy pa niya nang maalala ang lahat ng kalokohang ginawa ni Ursaillune noong sila'y musmos pa.
Naalala pa niya ang unang beses kung paano at kailan sila naging kaibigan, sa lahat ng mga bata sa kanilang nayon. Tanging si Ursaillune lamang ang hindi biniyayaan ng angking talento upang maging ganap na babaylan, lagi itong naiiwan at napapabayaan dahil sakitin ito at laging naka-kulong sa isang silid, naalala pa niya kung paano siya binawalan na makipag-usap kay Grae ngunit hindi niya mapigilan ang sarili, inilabag niya ang patakarang ginawa sa kanila at ipinasok ang silid ni Ursaillune doon niya ito unang nakausap at malayong-malayo ito sa sinasabi nilang may malubha itong sakit at nakaka-hawa, dahil sa katunayan ay sobrang ganda nito, mula sa kulay puti nitong buhok na nagniningning kagaya ng buwan sa kalangitan at sa kulay asul nitong mata na lumiliit tuwing ito'y tumatawa. Naalala niya rin ang maliit na sandali kung paano sila naging magkaibigan, at hinding-hindi niya makakalimutan ang sinabi nito sa kaniya 'yon kasi ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay lumalaban pa rin siya.
"Gaga ka, 'wag mong sabihing matulog ka lang diyan at hayaan ang parusa na magdesisyon sa buhay mo!" hindi na napigilan ni Harmonia ang yugyogin ang balikat ng kaibigan upang ito'y magising ngunit mahimbing itong nakatulog na bara bang tanggap na nito ang kapalaran ng kaniyang buhay.
"Ursaillune Grae Moon! Leche ka, bangon!" hinila ng dalaga ang kamay nito at paulit-ulit na niyugyog ang balikat, nais niyang ipatakas ang dalaga bahala nang siya ang maparusahan, wala siyang pakialam roon at alam niyang hindi pa oras ng kaniyang kaibigan, nag-iinarte lamang ito kaya gawin niya ang lahat upang ito'y magising.
"Hindi ka pa naman patay ah, gising hoy!"
"Grae, 'wag mong sabihin na susuko ka na sa pangarap mo, hindi ba't sinabi mo sa akin na maghahanap ka ng ibang kaibigan dahil nakikita mo ang sarili mo na isa sa mga mandirigmang sasagip sa lupain? Sinampal pa kita noon dati kasi sobrahan ka na sa pantasya! Tangina ka, bumangon ka diyan tuparin mo pangarap mo!" naiiyak nitong niyugyog ang balikat ng kaibigan hanggang sa unti-unting tumaas ang sulok ng kaniyang labi, muli niya kasing narinig ang sa kaniyang utak ang sinabi ng kaniyang kaibigan tungkol sa panaginip nito noong sila'y bata pa.
"Ayon sa panaginip ko kagabi, Kung hindi ko gusto maging babaylan, maging mandirgma na lang daw ako na gagawa ng maraming anting-anting para sa mga kaibigan kong lumalaban!" ganiyan ang sinabi ng batang si Ursaillune, ngunit sinampal lamang siya ni Harmonia dahil ang pagiging babaylan ay hindi lang basta-bastang trabaho, isa itong responsibilidad at kinakailangan ng sapat na karanasan upang maging ganap at matawag na babaylan, isa itong pribelehiyo sa mga kagaya nilang nasilang sa nayon ng mga babaylan kung kaya ay ganoon na lang ang kaniyang reaksyon nang marinig ang sinabi ng kaibigan tungkol sa panaginip nito.
"Buang ka, alam mo namang hindi dapat natin tinatalikuran ang responsibilidad natin! We are meant to 'wear white and pray' to spirits everyday!" giit pa niya ngunit inismiran lamang siya ng batang si Ursaillune. "Pwede ka namang magpray sa spirits at kay Bathala, kahit na anong suot mo saka tayo lang ba may karapatan na magdasal?" naka-ngiwing giit pa nito dahilan upang siya ay matawa ng todo.
"Ewan ko sa'yo Grae, basta sa ayaw at gusto mo. Maging babaylan ka." at sa sinabi niyang yun, limang taon ang nakalipas at naging babaylan nga si Ursaillune, tandang-tanda pa niya ang nakasimangot nitong mukha habang pinapaliguan ito ng malamig na tubig bilang pasasalamat at ritwal na rin upang siya'y maging ganap na babaylan.
"Grae, gising ka na please! Tumakas ka na, binabawi ko na sinabi ko sa'yo dati pwede ka maging babaylan at maging mandirigma!" niyugyog niya ulit ang balikat ng kaibigan ngunit hindi man lang ito nagising, napa-buntong hininga na lamang siya at naiyuko ang ulo hanggang sa makarinig siya ng pagkalikot sa pintuan, kaagad siyang namutla at hindi na halos makagalaw sa kaniyang kinaupuan.
Sinigurado niya kasing ilock ang pintuan upang walang makapasok sa silid ni Ursaillune, tanging siya lamang ang pinayagan mag-labas pasok rito kung kaya ay ganoon na lang ang kaniyang kaba nang marinig ang pagkalikot ng siradora, may kumakatok rin at palakas iyon palakas na para bang namimilit ang tao sa labas na ito'y papasok. Ilang beses na napahinga ng malalim si Harmonia, kaagad niyang tinakpan ang katawan ng kaibigan gamit ang kumot at nilagyan ito ng basang tuwalya sa noo upang maging kapani-paniwala na nilalagnat ito at natutulog hangga't sa kaya niyang mag-sinungaling, gagawin niya yun upang protektahan ang kaibigan, hindi siya papayag na basta-basta lang itong parusahan ng kamatayan dahil lamang sa isang pagkakamali.