"Pasensya na po, tulog pa po si Ursaillune." naka-yukong giit niya at itinago ang nangangatal niyang daliri sa likod, nag-aakala siyang isang gwardiya ang narito sa kaniyang harapan at andito ito upang kunin si Ursaillune dahil isasagawa na ang kaniyang parusa ngunit napakurap ng ilang beses si Harmonia nang makita ang pamilyar na sandales, dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang ulo at tumambad sa kaniya ang naka-simangot na mukha at salubong na kilay ni Aveone.
"Mahal na Prinsesa!" hindi makapaniwalang giit niya kaya agad na tinakpan ng dalagang bampira ang kaniyang bibig. "Callate, mortal!" mahinang bulong nito kaya agad na napatango si Harmonia.
"BUMALIK ka, mahal na prinsesa!" mukhang mawawala na ang kulay pulang mata ni Aveone dahil kanina pa siya umiirap, labis siyang naiirita sa babaeng kanina pa siya tinatawag na mahal na prinsesa. Ayaw niya kasing tinatawag siya ng ganoon, ayos lang sa kaniya na pangalan lamang ang itawag sa kaniya lalo na't wala naman siya sa palasyo.
"Edward-seri." maikling giit niya at diniinan pa yun dahil ayaw nga niyang tinatawag siyang Prinsesa. kaagad na tumango ang dalaga sa kaniyang harapan at bakas ang malawak na ngiti sa mukha nito.
"Andito ka ba upang itakas si Ursaillune?" eksayted na tanong nito kung kaya ay walang nagawa si Aveone kundi ang tumango.
"Nasaan siya?" tanong niya rito, kaagad na tumalima ang dalaga at inalis ang kumot na nakatakip sa katawan ni Ursaillune na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Tahimik at maingat na binuksan ng dalaga ang bawat aparador at ipinasok roon ang ilang kagamitan saka itinali ang magka-bilang dulo upang hindi malaglag ang kagamitan na naroon sa loob.
"Anong ginagawa mo?" nanlaki ang mata ng dalaga nang marinig ang boses ng kaniyang kaibigan na nagising na ata. "Bangon diyan, tatakas ka!" giit niya at inayos pa ang kailangan dalhin ng kaibigan, pakiramdam niya tuloy isa siyang nanay na ipinatakas ang kaniyang anak mula sa isang arranged marriage na isenet-up ng malupit na ama, ipapatakas niya ito kasama ang jowa na totoong mahal ng anak at wala na siyang pakialam sa parusang matatanggap niya sa aswa ang importante ay masaya ang kaniyang anak.
"Mag-ingat ka sa labas anak ha?" hindi na napigilan ni Harmonia ang maging emosyonal, napangiwi na lamang si Aveone sa tabi habang pinagmasdan ang babae na kanina pa nagpapahid ng luha. "Alam kong, first time mong mag-explore outside dahil bawal sa atin ang umapak sa labas ng teritoryo ngunit anak, go explore the world outside!" patuloy pa nito. "Subukan mo lahat nang hindi mo nagawa dahil alam kong doon ka makakakuha ng panibagong leksyon at karanasan sa buhay." sunod nitong giit kaya nagmumukha na itong nanay na sinesermonan ang kaniyang kaisa-isang anak.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ulit ni Ursaillune na mukhang lutang pa rin sa pangyayari, ni hindi pumasok sa kaniyang utak ang pinagputak-putak ng kaibigan. "Pero 'wag mong subukan makipag-jugjug ha? Hindi pa pwede!" patuloy pa ni Harmonia habang paikot-ikot na naglalakad sa paligid, kasalukuyang iniisip kung may nakalimutan ba siyang ilagay sa bagae. Tuluyan na siyang nalamon sa imahinasyong isa siyang ina kaya hindi na napigilan ni Ursaillune ang mapangiwi, bumalik na ang kaniyang lakas dahil sa pag-aalaga sa kaniya ng kaibigan kung kaya ay laking pasalamat niya rito. Dahan-dahan siyang bumangon a napakurap ng ilang beses hanggang sa unti-unting nanlaki ang mata nito nang makita ang kaniyang kumot na nilalagyan ng kung ano-ano sa loob nito.
"Gaga, Harmonia! Ano to?!" hindi halos makapaniwalang giit ni Ursaillune at itinapik ang kaibigan, kaagad naman itong nagising sa realidad at nilingon pa siya. "Tumakas ka Grae." diretsong giit nito habang nakatitig sa kaniyang mata. Napa-awang ang labi ng dalagang si Ursaillune, kaagad siyang umiling nang mapagtanto ang sinabi ng kaibigan.
"Gaga ka ba, pano ka na kung tatakas ako?" galit niyang bulong ngunit ngumiti lamang ang kaibigan na labis niyang ikina-bwisit. "Gusto mong lumabas dito diba?" tanong nito sa kaniya kaya tuluyan na siyang natahimik, ni hindi niya napansin ang pag-lagay nito ng mahika sa kaniyang kagamitan upang ito'y lumiit at madali lang dalhin.
"Teka lang, Harmonia!" hindi makapaniwalang giit ni Ursaillune nang makita ang sarili na nasa likuran na ng kaniyang bahay, dito sila pinalabas ni Harmonia upang hindi sila makita ng mga taga-nayon. "Magiging ayos lang ako Grae, tuparin mo pangarap mo." giit nito matapos sila basbasan ng dasal ni Aveone na kanina pa naiinip.
"Bilis." maikling giit ng dalagang bampira sabay hatak palayo kay Ursaillune na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na tatakasan niya ang responsibilidad at parusang dapat niyang harapin, napailing na lamang si Harmonia at pinagmasdan ang nakatalikod na katawan ng kaibigan.
"Ingatan mo ang kaibigan ko, Edward-seri." naka-ngiting saad niya bago bumalik sa silid ni Ursaillune.
"ANDITO NA po tayo sa sentro, gurang." giit ni Euzeine nang marating nila ang sentro, pagkatapos kasi ng dalawang araw nilang pag-byahe ay narating na nila ang destinasyon ng matandang babae. Dahan-dahang yumuko si Euzeine upang makababa ang ginang na naka-angkas sa kaniyang likuran. "Salamat, mahabaging Bathala! Iningatan at ginabayan niyo kami ng maayos!" giit ng matanda kaya nama'y naka-ngiting tumango-tango si Euzeine. Salamat nga kay Bathala at hindi na siya nasakal at nasigawan ng ginang mula noong nakapag-pahinga ito sa Baryo ng Argoa, tama nga ang desisyon niyang magpahinga muna sila.
"Ano pang ginagawa mo rito?" striktang tanong nito sa kaniya kay napa-ngiwi na si Euzeine. "Inggrata." mahinang bulong niya ngunit kaagad nama siyang nilingon ng ginang kung kaya ay alanganin siyang napa-ngiti. "Hinihintay ko po kung kailan dadating ang inyong apo, saka na po ako aalis." tumango na lamang ang matanda lalo na't alam niyang matigas ang ulo ng binata.
Lingid sa kaalaman ng dalawang nakatayo sa gitna, may isang dalaga na kanina pa nakatingin kay Euzeine at kanina pa namumula ang pisngi nito sa magkahalong gulat at saya habang nakatitig sa naka-ngiting mukha ng binatang mag-nanakaw.
**
"ANO ba 'yang tinitignan mo diyan Hasina, may bibilhin ka pa ba?" tanong ng isang ale sa kaniya kaya agad naman siyang napakurap at nag-iwas ng tingin sa lalaking nakatayo sa gitna ng daanan. "Wala na po." naikagat niya ang ibabang labi at muling tinignan ang lalaking may dalang basket na naglalaman ng klase-klaseng prutas, hindi niya mapigilan ang malakas na t***k ng kaniyang puso nang makita ulit ang binata. Mag-iisang buwan na rin ang nakalipas mula noong huli niya itong nakita at habang tumatagal ay lalong lumalala ang t***k ng kaniyang puso.
"Anong nangyari?" naitanong niya sa sarili, akala niya'y simpleng pag-hanga lang yung naramadaman niya noong una, isang tontong pakiramdam sa isang binatang walang ibang ginawa kundi ang magnakaw sa ilang nayon. Ngunit naroon ang pambihirang kaba sa kaniyang puso, sa tingin niya’y matagal na niyang kilala ang binate, pero wala naman siyang naalala na nakipag-usap ito sa kaniya.
"Hasina! Hasina!" hinila ng ale ang manggas ng suot niyang blusa upang kunin ang kaniyang atensyon, ngunit mukhang wala sa sarili si Hasina dahil kanina pa ito nakatitig sa binata na ngayo'y nakasimangot na at kasalukuyang pinapagalitan ng matandang babae na kasama nito. Kinakamot rin ng binata ang kaniyang ulo na senyales ng kaniyang pagka-irita kaya hindi mapigilan ni Hasina ang matawa ng mahina.
"Hasina!" itinawag muli ng ale ang atensyon ni Hasina, kilala niya kasi ang dalaga dahil isa itong guro sa malapit na paaralan at guro rin ito ng kaniyang anak. Suki niya rin ito sa pagbibili ng kagamitan sa eskwela na ginagamit ng mga bata, nireregaluhan kasi ni Hasina ang kaniyang mga estudyante kung kaya ay hinahangaan ito sa angking kabutihan at minamahal ng lahat.
"Binibining Hasina!!!" tuluyan nang naagaw ang atensyon ni Hasina nang marinig ang maliliit at masasayang boses ng kaniyang mga estudyante, nasa edad apat pataas kasi ang tinuturuan niya kung kaya ay ganoon na lang kakulit ang mga ito. Hindi na napigilan ni Hasina ang mapa-ngiti ng malawak, tuluyan na nang nawala ang atensyon niya sa binata dahil sa mga batang kasalukuyang naghahagikhikan at nagtakbuhan sa kaniyang harapan.
"Nasaan ba ang mga magulang niyo, mga chikiting?" naka-ngiting giit ni Hasina at napayuko upang makalebel ang mga bata, kaagad niyang pinanggigilan ang mga pisngi nito kung kaya ay nagsitawanan ang mga ito at nagsalita.
"Andoon po!" sabay-sabay nitong giit at itinaas ang maliliit nilang braso sa ere saka tinuro ang magkaibang direksyon, natawa lamang si Hasina, "Ginawa niyo na ba ang mga pagsusulit na binigay ko sa inyo, noong Luniez?" tanong niya rito kaya nama'y sabay-sabay na napatango ang mga bata kaya hindi na napigilan ni Hasina ang panggigilan ang mga ito. Kapagkuwan ay natahimik ang mga ito na tila ba'y nahihiya sa kaniya, kanina pa niya napapansin ang pagtutulakan ng mga ito kaya nama'y napabuntong hininga na siya at tinitigan ng mariin ang sampung bata na nasa kaniyang harapan.
"Mga bata, may problema ba?" naka-aalalang tanong niya sa mga ito, ngunit mas lalo itong natahimik na tila ba'y nahihiya. "Ano, Binibining Hasina.." namula ang pisngi ng isang batang lalaki at pinaglaruan ang maliit niyang daliri, isang senyales na ito'y nahihiya kaya nama'y agad na hinawakan ni Hasina ang maliliit nitong kamay upang ito'y kumalma.
"Marco, naalala po ba yung sinabi ko sa'yo tuwing ika'y nahihiya?" malambing na tanong ni Hasina, kaya nama'y dahan-dahang napasinghap ang batang lalaki na si Marco at unti-unting tumaas ang sulok ng labi nito hanggang sa naibunyag ang malaki nitong ngiti. Dagdag pa ang bungi nitong ngipin sa harapan kaya nama'y napa-ngiti na rin ng malawak si Hasina.
"Mabuti na lang at isinaisip at isinapuso mo ang aking turo Marco." humahagikhik ang batang si Marco, saka tinignan ni Hasina ang iilang mga bata at nagpatuloy sa pagsalit. “Sa tuwing kayo ay natatakot, nahihiya at makaramdam ng kung ano mang emosyon na bumabagabag sa inyo, ito ang gagawin niyo.” Nanlaki ang mga mata ng mga bata, at hinintay ang sunod na sinabi ng kanilang mahal na guro. Naka-awang ang kanilang mga labi sa labis na kagalakan dahil may bagong turo na naman ang kanilang Binibining Hasina. “Tingnan niyo ang inyong mga sarili sa isang salamin at sabihing ‘Kaya ko to, ginagabayan ako ng Mahabaging Bathala’.” At sa sinabing iyon ni Hasina, tuluyan nang dumadagundong ang hiyawan ng mga bata na nagkumpulan sa gitna ng sentro, natawa na lamang si Hasina. Samantalang ang tatlong bata naman ay napatango-tango sa isa't-isa na para bang nagkasundo silang lahat at iisa lamang ang kanilang iniisip.
Kapagkuwan ay napalingon ang isang batang babae sa aleng nagmamay-ari ng tindahan na binibilihan ni Hasina kanina lang. "Naibigay niyo na ba kay Binibining Hasina?" seryosong giit nito kaya doon lamang natigilan si Hasina at nilingon si Alice. Sa labing-limang bata na tinuturuan niya, ay si Alice ang pinaka-mature mag-isip, halatang-halata iyon sa pananalita ng bata kaya nama'y hindi na napigilan ni Hasina ang mapahanga at matawa.
"Alice..." nabalutan ng hudyat ang boses ng matandang ale, isa iyong babala na dapat ay ginagalang ni Alice ang kaniyang ina ngunit napa-nguso lamang ang bata. Samantalang ay natawa lamang si Hasina dahil sobrang listo ng batang babae.
“Sobrang listo talaga ni Alice, Ginang Samonte! Tiyak na ito’y magiging kahanga-hanga kapag siya’y magiging dalaga na at natitiyak rin akong hahabulin siya ng mga kalalakihan dahil alam kong lalaki iyang maganda!” natutuwang wika ni Hasina dahilan upang mamula ang pisngi ng batang si Alice, samantalang napailing na lamang ang matandang ale at napabuntong hininga.
"Kayo, na magbigay non kay Hasina." naka-ngiting giit ng ale kaya nama'y napalingon rin si Hasina rito at doon na siya nilamon ng kyuryosidad. Bago pa naman niya maibuka ang kaniyang labi, isa sa kaniyang mga estudyante ang lumapit na may dalang maliit na kahon. Magkasing-laki lang ata yun ng kahon ng posporo, kaya nama'y natigilan na si Hasina nang makita ang seryosong mukha ng kaniyang mga estudyante, kadalasan kasi ay makukulit ang mga ito at sobrang likot pa, kaya nama'y nakakapanibago sa kaniya ang pagiging seryoso ng mga ito.
"May problema ba, mga chikiting?" sa mga oras na iyon, unti unti nang nakaramdam ng kaba si Hasina, hindi niya maalis ang pambihirang kaba sa kaniyang dibdib, iniisip niyang may problema ba ang mga estudyante sa kaniya. Masyado ba siyang maluwag sa kaniyang pagtuturo? Masiyado ba siyang strikta kaya ganoon na lang ang mga ito makapag-akto ngayon? Hindi niya mapigilan ang pag-alala, tatlong taon na siyang nagtuturo sa paaralan ng sentro, ngunit wala naman siyang natanggap na reklamo kung kaya ay naisip niya na tama ang kaniyang ginagawa.
"Binibining Hasina.” muntik nang napatalon si Hasina nang marinig ang pag-tawag sa kaniyang pangalan, sobrang nerbyusin niya talaga kaya nama'y agad niyang nasapo ang dibdib at dahan-dahang huminga ng malalim. "Ano iyon, Ara?" tanong niya sa bata, ngunit ganoon na lang ang kaniyang pagkagulat nang makita ang maliit na kahon na nakalahad sa kaniyang harapan.
"Binibining Hasina, balita namin ay mawawala ka ng isang buwan kaya tanggapin mo ang regalo namin sa inyo bilang pamamaalam." Sabay-sabay na giit ng mga bata kay doon lamang napagtanto ni Hasina ang lahat, kinakailangan niya palang pumunta sa ibang nayon upang turuan ang mga bata na hindi makapunta dito sa sentro dahil malayo at hindi rin pinapayagan ng ilang magulang na maglakbay ang kanilang mga anak sa sentro dahil delikado. Hindi na napigilan ni Hasina ang maging emosyonal at agad na tinanggap ang maliit na kahon at pinagmasdan iyon.
"Hindi na dapat kayo nag-abala pa." naiiyak niyang giit ngunit napailing lamang ang kaniyang mga estudyante at mukhang pursigido pa ang mga ito sa ibinigay nilang regalo. "Buksan mo na po, Binibining Hasina!" naka-ngiting sigawan ng mga ito kaya nama'y napailing na lamang si Hasina at dahan-dahang binuksan ang maliit na kahon, unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata at tuluyan nang rumehistro ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.
Sa loob kasi ng kahon ay ang kwintas na hugis angkla, bukod roon ay napalibutan rin ito ng bulaklak na dahilan upang mas lumawak ang kaniyang ngiti, mukhang alam ng kaniyang estudyante kung ano ang pinaka-paborito niyang bagay at iyon ay ang bulaklak na ito. Ayon sa mga librong nababasa niya, ang bulaklak na ito ay makikita lamang sa isang espesyal na hardin at tanging mga dyos at dyosa lamang ang nakakapasok roon kung kaya ay ganoon na lang ang kaniyang saya nang makita ang bulaklak na nakaukit sa anchor na nagsisilbing palawit sa kwintas.
Hindi alam ni Hasina ngunit pakiramdam niya ay nakita na niya ang bulaklak na iyon, doon lamang niya naalala ang pulseras na nanakaw noong nakaraang buwan. Dali-daling tumayo si Hasina kaya nama'y nagulat ang kaniyang mga estudyante, inilibot ni Hasina ang kaniyang paningin sa sentro upang mahanap ang binata na pinagmamasdan niya kanina lang, ngunit ganoon na lang ang kaniyang pagkadismaya nang makita na wala na ito sa kaniyang kinatayuan kanina. Wala na rin ang matandang ale na kasama nito.
"Ayos ka lang po ba, Binibini?" nag-alalang tanong ng mga bata, napatango lamang si Hasina at hinarap ang mga ito, "Maraming sala-----" naputol ang kaniyang pangungusap nang may dumaan sa kanilang harapan, sobrang tulin ng takbo nito na para bang hinabol ito ng mga kabayo yun pala ay hinahabol ito ng mga maharlikang nag-aapoy na sa galit, hindi na rin napigilan ni Hasina ang mainis lalo na't muntik na nitong mabangga ang mga bata sa kaniyang harapan ngunit kaagad ring nawala iyon nang marinig niya muli ang tawa na akala niya hindi na niya maririnig pa.
"HAHAHAHA, ang bagal niyo talaga mga maharlika!" giit nito at may dala pang ilang piraso ng saging at hindi lang iyon, may dala rin itong ibang pagkain. Tiyak na ninakaw ang lahat ng mga iyon ng binatang kasalukuyang tumatakbo palayo sa kanila, at iyon ang ikalawang beses na nakita niya ang binatang tumatakbo habang tangay ang mga pagkaing nanakaw at sa mga oras na iyon, sa ikalawang pagkataon muling nanakaw ng binatang kawatan ang puso ng dalagang si Hasina.