“The so-called hero adventurers that saved the Land of Soar against the countless invasions of evil monsters.” Bulong ng Maharaja sa sarili at saglit na napa-ngisi, ngunit hindi iyon nakita ng lima kung kaya ay hindi na nila mapigilan ang mangilabot lalo na’t nabalutan ng kakaibang tension ang paligid. Ito ang unang beses na ipinatawag sila ng Maharaja kung kaya ay ganoon na lang ang kanilang kaba. “Paumanhin ho, Maharaja… ngunit maari ba namin malaman kung bakit niyo kami ipinatawag?” magalang na tanong ni Aveone, ramdam niya ang panginginig ng kaniyang mga daliri lalo na’t napaka-tindi ng presensya ng Maharaja sa kanilang harapan at ang pangingilabot na kaniyang nararamdaman ay kaparehong-kapareho sa nararamdaman nya tuwing kaharap niya ang Amang Hari ngunit pinilit niya ang magpaka

