“MARAMING SALAMAT, Troop Endeavour!” hindi halos matigil sa pagsasalamat ang isang Datu matapos sagipin ng Troop Endeavour ang kaniyang anak na kinidnap ng mga aswang. “Walang anuman po!” naka-ngiting giit ni Euzeine at kumaway sa mga batang nakabalik na muli sa piling ng kanilang pamilya. “Paalam mga Kuya at Ate, nawa’y bigyan kayo ni Bathala ng maraming biyaya!” sambit ng mga ito kung kaya ay tuluyan nang kumaway pamamaalam ang tatlo, maliban sa magkapatid na bampira na hanggang ngayon ay iniisip pa rin ang bruha at mga aswang na sugo nito. May nahanap kasi silang pamilyar na bagay sa kweba nito, isang bagay na minsan lang nilang nakita sa kanilang Kaharian. Maglalakad na sana palayo ang lima paalis, nang biglang humarang ang kabayo sa kanilang harapan dahilan upang magsinghapan ang l

