Hanggang sa narinig na lang niya ang malakas na kalabog at ang dalawang pares ng braso na nakayakap mula sa likuran upang maprotektahan ang kaniyang katawan mula sa malakas na pagbagsak sa lupa. Tuluyan nang namutla si Hasina, pakiramdam niya’y iniwan siya saglit ng kaniyang kaluluwa. “Ayos ka lang ba, binibini?” napasinghap si Hasina nang maalala ang nagmamay-ari ng boses na iyon, dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang likuran at tuluyan nang tumambad sa kaniya ang naka-ngiting mukha ng binatang magnanakaw, bakas ang pag-aalala sa “Sigurado ka bang walang masakit sa’yo, bakit namumula ang iyong pisngi?” giit pa ng binata sabay sapo sa kaniyang kanan na pisngi gamit ang kanang kamay nito, at diretso pang nakatitig ang kulay berde nitong mata sa kaniya samantalang hawak pa rin ng binata a

