“MAHARAJA, napaslang na araw ang dambuhalang halimaw na nanggulo sa iilang nayon.” Maligayang ulat ng Datu sa maharaja. IIlang araw na ring hinahanap ng mga maharlika ang naturing halimaw at sa wakas ay nawakasan na ang buhay nito. “Sino ang nakapaslang?” tanong ng Hari at sinulyapan ang Datu na ngayo’y nanlalaki na ang mata sa di malamang dahilan. “Pasensya na ho, Maharaja. Bukod sa natagpuan ang dambulang nilalang sa gitna ng Bundok Diwalwal, wala na rin ang ulo nito na para bang pwersahan iyong pinutol.” Sambit ng Datu at hindi na natago pa ang panginginig ng kaniyang mga daliri kung kaya ay mabilis niyang ikinuyom ang kaniyang kamao upang hindi iyon mapansin ng Maharaja na kanina pa siya kinikilatis. Naitaas lamang ng Maharaja ang isa niyang kilay at ikinurap ng ilang beses ang kan

