SA KABILANG Kaharian ng Edwarden, kanina pa nagpaikot-ikot ang taga-payo ng Amang Hari. Kanina pa niya hinila ang suot niyang kappa at kanina pa siya balisa at wala sa sarili. Tahimik siyang bumubulong sa sarili habang hinihintay ang pagdating ng Amang Hari. Nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan, doon lamang siya napakurap at hinarap ang Hari ng mga Bampira.
“Amang Hari, maligayang pagdating!” naka-yukong bati niya rito. Napatitig lamang sa kaniya ang malalamig at pulang mata ng hari kung kaya ay hindi na niya napigilan pa ang manginig. Wala kasing sinasanto ang Hari at lahat nang nagkakamali ay pinapatay nito, bukod roon ay hindi siya tunay na bampira. Siya ay kalahating tao kung kaya ay ganoon na lang ang kaniyang kaba tuwing hinaharap ang Amang Hari.
“Mukhang may problem ka ata, Agonzillito?” naka-ngising tanong ng Hari ngunit sa likod ng ngising iyon ay ang demonyong nag-hihintay na lumabas sa tamang oras, bukod roon ay kapansin-pansin rin ang marking nakaukit sa noo ng Amang Hari. Isa iyong bituin na may anim na tatsulok, at ang nakakakilabot roon ay ang mata sa gitna na para bang buhay iyon at nakatingin sa kaniya. Napailing na lamang si Agonzillito, aaminin man niya o hindi labis niyang kinatatakutan ang Hari. Sa lahat kasi ng Haring ginabayan niya noong mga nakalipas na panahon ay tanging ito lamang ang may awtoridad na baliin ang batas ng mga bampira, bukod doon ay hindi rin niya masyadong kilala ang nasabing Hari lalo na’t hind siya ang nanilbihan rito noong mga nakaraang taon.
“Kumusta ang aking mga anak?” tanong nito at kasabay iyon ng pag-ungol ng mga bampirang nagtatago sa kadiliman ng kastilyong iyon. Napa-hinga ng malalim ang matandang tagapag-payo, at muling nagsalita. “Nakarating na ho sa Kaharian ng Ilaw ang mahal na prinsesa, amang hari.” Giit nito kung kaya ay napatango lamang ang Amang Hari at saka ito naupo sa kaniyang trono, kaagad naman siyang nilapitan ng mga mortal na alipin na para bang handang-handa ang mga ito na mamatay sa kamay ng malupit na Hari.
“Hmm, anong araw ngayon Agoncillito?”
“Ika-anim na Araw ng Avrile ho, Amang Hari.” Sambit ng matandang tagapag-payo. Napa-ngisi na lamang ang malupit na Hari at napatingin sa kaliwang gawi kung saan makikita ang buwan na siyang nagbibigay liwanag sa buong Kaharian ng Kadiliman. “Siyam na gabi na pala ang lumipas. Ano kaya ang gagawin ni Ethanor?” lumabas ang pilyong ngiti sa labi ng malupit na Hari dahilan upang mas lalong makaramdam ng kilabot ang matandang tagapag-payo.
“TULUNGAN niyo ako! Nawawala si Lucita!” hindi halos maka-hinga ng maayos ang isang binatilyo dahil sa labis na pag-iyak. Ilang araw na niyang hinahanap ang nakababatang kapatid na babae ngunit kahit ni isang palatandaan ay wala siyang mahanap, bigla-bigla na lang itong nawala.
“Lucita, ang kapatid ko! Nakita niyo ba si Lucita?” nagmistula siyang baliw sa gitna ng daanan habang tinatanong ang mga taong dumadaan roon, hindi na napigilan ng mga taga-baryo ang maawa sa kalagayan ng binate. Ilang araw na kasi itong hindi kumakain dahil hinahanap nito ang nawawalang kapatid at limang araw na ang lumipas.
Halos mahila na ng binata ang lahat ng kaniyang buhok dahi sa sobrang frustrasyon, sinisisi niya ang sarili sa pagkwala ng kaniyang kapatid na babae. Muling binalikan ng binata ang lugar kung saan niya huling nakasama ang kapatid at iyon ay ang bundok ng Diwalwal ang bundok na pinangangalagaan ng Diwatang si Diwata, ngunit nitong mga nakaraang araw ay hindi nila naramdaman ang presensya ng Diwatang nagbabantay roon.
“Huwag kang bumitaw kay Kuya ha?” bulong ng binatilyo s akapatid na babae kung kaya ay tumango lamang ang bata at mahigpit na humawak sa laylayan ng kaniyang damit habang sila’y umaakyat sa madulas at makipot na daanan ng Kabundukang iyon. Dala-dala ang mabibigat na kahoy panggatong, tahimik na nilakad ng magkapatid ang madilim at tahimik na daanan. Tanging buwan lamang ang nagsisilbi nilang ilaw sa madilim na gabi at wala pa silang suot na makapal na damit kung kaya ay ramdam na ramdam nila ang malamig na ihip ng hangin.
“Kuya, nilalamig ako.” Nanginginig na giit ng batang babae, tuluyan nang sumidhi ang pag-alala sa damdamin ng binatilyo kung kaya ay agad niyang inilagay ang hawak na mga kahoy panggatong at kinarga ang kapatid na babae sa kaniyang braso at saka ito niyakap upang ito’y mainitan.
“Kuya, nasaan ba sina Mama at Papa?” tanong nito sa munting boses kung kaya ay hindi na napigilan ng binatilyo ang maluha nang marinig ang tanong ng kaniyang nakababatang kapatid. Ilang taon na rin kasi ang lumipas mula noong namatay ang kanilang mga magulang dahil sila’y pagkabaon sa utang, kung kaya ngayon ay sila na lang dalawa at wala pa silang matitirahan. Napatingin ang binatilyo sa buwan at saka itinuro iyon dahilan upang mapalingon din ang nakakabatang kapatid sa maliwanag at kumikislap na buwan sa kalangitan.
“Nasa buwan sila ngayon, Lucita.” Naka-ngiting giit niya rito at ngumiti rin ang kaniyang kapatid na babae, lingid sa kaniyang kaalaman ‘yon na pala ang huling beses na makita niya ang naka-ngiting mukha ng kapatid.
Inilibot ng binate ang paningin sa buong kagubatan, napapalibutan iyon ng malalaking punung-kahoy at kung sino mang papasok roon ay tiyak na mawawala kung kaya ay umaasa ang binatilyo na baka sakaling nasa loob lamang ng Kagubatan ang kaniyang kapatid at hinihintay nito ang kaniyang pagdating.
“Hintayin mo ko Lucita ha, parating na si Kuya!” naka-ngising giit niya at kasabay noon ang malakas na ihip ng hangin mula sa loob ng gubat na tila ba’y may pumapagaspas roong pakpak ng isang malaking hayop. Hindi na napigilan ng binatilyo ang mapalunok, dahan-dahan niyang sinuong ang bahagi ng gubat na iyon at ganoon na lang ang kaniyang pagkagimbal nang makita ang isang dambuhalang halimaw na nakapugad sa gitna ng gubat, ngunit ang mas lalong nakapagkilabot sa kaniya ay ang malansang amoy na nanggagaling sa halimaw. Parang natuod ang binatilyo habang tinitigan ang halimaw, para itong ibon na kilala sa tawag na agila ngunit ang kaibahan nga lang ay mas malaki ito keysa naturing ibon, bukod roon ay kitang-kita niya rin na mas matalim at mahahaba ang kuko nito.
Inilibot ng binate ang paningin sa paligid, doon lamang niya napagtanto na nagkalat pala sa lupain ang patay na katawan ng mga taong hindi niya kilala. Tuluyan nang nangilabot ang binate sa kaniyang nakita,hindi na niya napigilan ang sarili na mapasigaw kung kaya ang dambuhalang ibon ay natigilan at dahan-dahang napalingon sa kaniya gamit ang nanlilisik nitong mga mata.
Umungol ang nilalang sa kaniyang harapan at rinig na rinig sa buong gubat ang nakakakilabot at nakakabingi nitong iyak, para bang galit ito dahil dinisiturbo ng binatang kaniyang tanghalian. Parang namanhid ang binata nang makita ang pamilyar na laso na nasa bibig ng halimaw, at kasabay noon ay pagtulo ng kaniyang luha.
“Kinain mo ba si Lucita?” hindi na niya mapigilan ang magtanong, dahan-dahan niyang nilapitan ang dambuhalang halimaw na ngayo’y ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain, rinig na rinig ang bawat bali ng buto sa bibig nito na para bang pinapakita nito sa binata na kinain nga niya ang kapatid nitong babae. Tuluyan nang nanghina ang binatilyo, nais niyang tumakbo palayo sa halimaw ngunit hindi niya yun magawa lalo na’t umiikot na ang kaniyang paningin, tuluyan na siyang natumba sa lupa at walang kamalay-malay na tumabi sa mga patay na katawan na naroon, miserable siyang napalingon sa kaliwa at bumungad sa kaniya ang ulo ng kapatid na babae. Naikagat ng binate ang kaniyang labi, nakadilat ang mata ng kaniyang kapatid at mababasa roon ang emosyon ng takot na naramdaman nito bago ito binawian ng buhay.
“Patawarin mo si kuya, Lucita.”
“HARMONIA, halika na, magsisimula na!” giit ng isang babaylan kung kaya ay tahimik na tumango si Harmonia at sumunod sa dalaga. Nakasuot ng kulay pulang bestida at may nakatali ang dalawang kamay, lumuhod si Harmonia sa isang banig kung saan nakalatag ang klase-klaseng bulaklak, habang tahimik namang bumubulong ng ilang dasal sa mga anito at anita ang mga babaylan sa kaniyang paligid.
“Mahabaging Bathala, gabayan nawa kami sa gagawin naming ritwal!” giit ng pinaka-matandang babaylan habang nagsasayaw sa gitna at tahimik namang inulit ng dalagang babaylan ang mga sinasabi nito, isa na roon si Harmonia na hanggang ngayon ay kabado pa rin sa mga pangyayari. Ilang lingo na rin ang lumipas noong tinulungan niyang tumakas ang mahal na kaibigan, hinihintay na lang ng dalagang si Harmonia ang parusang ipapataw sa kaniya ng mga nakakatanda.
“Handa ka na ba, Harmonia?” tanong sa kaniya ng nakakatandang babaylan, dahan-dahang napatingala si Harmonia mula sa pagkayuko at matapang na sinalubong ang nanlilisik na mata ng nakakatandang babaylan. Nang makita ito ng mga tao ay nagsinghapan ang mga ito at muntik pang natumba ang nakakatandang babaylan sa nakita, para kasing wala sa sarili ang dalagang si Harmonia at sa tingin nila ay nasaniban ito ng masamang espiritu kung kaya ay pinasuot nila ito ng kulay pulang damit sa ritwal imbes na puti na lagging suot nila.
“Parusahan! Parusahan ng Kamatayan!” paulit-ulit niyang sigaw habang tinuturo ang dalagang si Harmonia na ngayo’y nakaluhod pa rin sa lupa. Napalunok na lamang si Harmonia at napatingala sa kalangitan, handa na siyang tanggapin ang kaniyang kapalaran. Simula kasi noong pinatakas niya ang kaibigang si Grae ay sunod-sunod ang kamalasang nangyari sa kanilang nayon, at ang pinaka-malaking malas ay nang-yari noong ika-dalawampu’t lima ng Marzo kung kalian nagpakita ang dalawang buwan sa kalangitan.
Bilang isang babaylan na sumasamba sa mga Diyos at Diyosa, isang senyales ng kamatayan ang pagkakaroon ng dalawang buwan sa kalangitan, dahil roon mas lalo nagging agresibo ang mga halimaw sa pag-aatake na nagging dahilan sa pagkawala at pagkamatay ng mga tao. Nang makita ito ng mga taga-nayon wala silang ibang sinisi kundi ang dalagang si Harmonia dahil pinatakas nito ang kaibigan na mas mabigat ang kasalanan keysa sa kaniya, sinisi sa kaniya ang mga buhay na nawala ngunit walang pakialam roon si Harmonia. Sa tingin niya ay tama ang kaniyang ginawa at matagal nang nagsimula ang delubyo.
Kaagad na isinagawa ang ritwal kung saan mag-aalay sila ng katawan sa Diyosang si Mayari na siyang nagsisilbing Diyosa ng Buwan at si Harmonia, siya ang alay na iyon.
“Mahal at Kahabag-habag na Diyosa ng Buwan, tanggapin nawa ang alay naming mortal! Iaalay namin sa iyo ang katawan nitong makasalanang nilalang.” Giit ng nakakatandang babaylan at kasabay noon ay ang kantahan ng iilang taga-nayon, isang senyales na sila’y sumasang-ayon sa sinabi ng matanda. Habang abala ang lahat sa pag-sambit ng ritwal, ang utak ni Harmonia ay lumilipad kung saan hanggang sa unti-unti niyang naramdaman ang mainit na sensasyon at tuluyan nang pumasok sa kaniyang ilong ang nakakasulasok na amoy ng nasusunog na bulaklak sa kaniyang gilid. “Tuparin mo ang pangarap at ang pangakong binitawan mo Grae.” Iyon ang huli niyang iginiit bago tuluyang malamon ng apoy ang kawawang katawan ng dalaga.
“Ayos ka lang ba, Saillune?” nag-aalalang tanong ni Euzeine matapos makita na namutla ang dalagang babaylan. Kasalukuyan kasi silang nagluluto ng agahan lalo na’t nakapagpahinga na sila kahapon. “Ayos lang ako, Kapitan no.” naka-ngising giit niya rito para hindi na ito mag-alala pa, napa-ngiti naman ang binatang si Euzeine at ipinagpatuloy ang pagluluto.
“Kapitan, bakit Troop Endeavour?” biglang tanong ng dalagang si Ursaillune kung kaya ay natigilan ang binatang si Euzeine sa pagsandok at nilingon ang dalagang babaylan na may ngiti sa kaniyang mukha.
"TROOP ENDEAVOUR is a group of the so-called hero that will save the Land of Soar from the invasions of evil monsters, not only that they also helped and assist a lot of people that's why they are loved and respected by many!" madamdaming giit ni Euzeine bilang sagot sa tanong ni Ursaillune. Tuluyan nang napairap and dalagang bampira sa kaniyang narinig, samantalang nasapo naman ni Aveone ang kaniyang noo at nagpupuyom na sa galit si Devoene, hindi na napigilan ng binatang bampira ang batukan si Euzeine na ngayo'y naka-nguso na.
"Sinasagot ko lang naman mga tanong niyo, tungkol sa Troop Endeavour ah?" si Euzeine. Ika-dalawampu't anim na araw na ng Avrile, ilang araw ang nagdaan simula noong magsama-sama silang lima sa iisang bahay, wala namang masiyadong ganap bukod sa pagiging feeling superhero ni Euzeine na labis na ikinapikon ng binatang bampira.
"Kapitan, alam mo bang tatlong araw na ang dumaan mula noong itinanong ko yan?" problemadong tanong ni Ursaillune, nagmukha siyang nanay na ilang taon ng nagkukunsumisyon sa ipapakain niya sa kaniyang anak. Ngunit imbes na pansinin siya ng binatang si Euzeine, ngumisi lamang ito at nagpatuloy pa sa pagsasalita. "Syempre, Troop Endeavour consist of five warriors, which is us!" masayang giit nito kaya imbes na ganahan, napasimangot lamang ang tatlo samantalang si Octavus ay kanina pa nakikinig sa kapitan kahit na paulit-ulit ang sinabi nito mula noong nakaraang mga araw.
"Troop Endeavour, consist of us! I, the captain, Devoene the sword." itinuro ng binatang magnanakaw ang binatang bampira kung kaya ay inis namang winakli ng binata ang kamay nito. "Iguguhit ko lang ang espada ko kapag leeg mo na ang target ko." sumilab ang kulay pula nitong mata ngunit natawa lamang si Euzeine. "Octavus, the strength, Aveone the b---" tumatangong giit pa niya kaya sa mga oras na iyon ay nagsalita na ang dalagang bampira na kanina pa tahimik ngunit sa loob-loob niya'y sumasabog na siya lalo na't paulit-ulit ang sinabi ng binatang magnanakaw.
"Why are we in this Troop, anyway?" pinutol ng dalagang bampira ang pagsasalita ni Euzeine kung kaya ay napa-awang ang labi ng binata at sinapo pa nito ang kaniyang dibdib na para bang nasasaktan. Kapwa nagkatinginan ang tatlo nang marinig ang tanong ng dalagang bampira, maski sila ay nagtaka pero ang mas lalong nakapagtataka roon ay sobrang dali lang nilang naakit sa pagsali sa Kultong ito, sa totoo lang ay pwede naman silang umalis lalo na't alam nilang may kinikimkim silang galit at pagsisi sa isa't-isa, hindi nila kayang makita ang naka-ngiting mukha ng kinamumuhian nila ngunit habang nagtatagal ay pakiramdam nila'y nabibilang sila sa grupong ito, para bang malaya sila sa kanilang mga hinanakit tuwing sila'y magkakasama ngunit ayaw nilang aminin iyon sa isa't-isa lalo na't nangingibabaw pa rin ang galit at mga pagsisi mula sa kanilang nakaraan.
"Kita niyo to, sabi ni Mama ayon daw sa alamat ng Soar ang mga bayaning sasagip sa Lupain ay may tatu bilang simbolo ng kanilang matatapang na puso." tinanggal ni Euzeine ang suot niyang sising sa gitnang daliri at ipinakita ang tatung nakaukit roon, isa iyong agila na may dalang kulay puti at maliit na bulaklak, ngunit imbes na pansinin ang kaniyang sinabi tinawanan lamang siya ng kaniyang tropa.
"Naniniwala ka pa rin sa mga fairytales, Zie?" si Ursaillune, halatang nagpipigil ng tawa.
"Tontong mortal na isip bata." si Deveoene na ngayo'y humagikhik na. Napanguso na lamang si Euzeine, sobrang mapang-api talaga ng mga ito sa kaniya. Napakamot lamang siya ng ulo at tinignan isa-isa ang mukha ng mga taong kakapit sa kaniya. Kaparehong-kapareho ito sa sinabi ng kaniyang Ina, napatitig ang binatang si Euzeine sa binatang bampira na nagmumukhang siga sa ginagawa nitong pagsisigaw at ganoon rin ang ginawa niya sa dalagang bampira na kanina pa hindi pinapansin ang kambal niyang namumutok na sa pagsisigaw. Sa dalagang babaylan at sa binatang lobo na sa tingin niya'y matino sa kultong ito, pero hindi pala.