⚓Troop Episode 13

2604 Words
"HANGGANG kailan ba tayo magtatago?" naka-ngusong tanong ni Ursaillune, nakasuot silang lima ng kulay itim na manto upang matago ang kanilang mga mukha lalo na't delikado na kung makita sila ng mga tao. Nagnakaw na naman kasi ang binatang si Euzeine kung kaya ay todo tago sila ngayon. Mahirap nang madakip sila ng mga maharlika, wala naman silang pang-piyansa at bukod roon ayaw nilang mapunta sa ilalim ng palasyo, kung saan kinukulong ang mga sikat at nakakatakot na mga kriminal.   “Hanggang sa matigil sa pagnanakaw ang Tontong to.” Giit pa ni Deveoene sabay batuk sa kapitan na ngayo’y naka-nguso na. “Nakaw is life.” Giit pa nito kaya sabay kagat ng ninakaw niyang saging. Agad na nagbago ang timpla ng mukha ni Ursaillune. Limang araw na ang nagdaan simula noong nagsama-sama silang lima at nang-yari ang away ng dalawang magkapatid na bampira at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabati ang mga ito, hindi tuloy mapigilan ni Ursaillune ang mag-alala, kung kaya ay nilapitan niya ang dalagang bampira.   "AYOS ka lang ba, Avery?" kaagad na napasinghap ang dalagang si Aveone nang marinig niya ang tanong ng dalaga sa kaniyang tabi, napintahan ng pag-alala ang mukha nito kung kaya ay sinubukan na mapigilan ang sarili na umiyak. Hinarap niya ang dalaga at diretsong tinignan ang kulay lilang mata ng dalagang babaylan. Kaagad namang namula ang pisngi nito at nag-iwas pa ng tingin.   "Pasensya ka na, narinig ko kasing tinawag kang Avery ni Devo." nanginginig labi nitong giit at saka idinala ulit ang kaniyang mga daliri sa bibig upang ngatngatin iyon, isang gawain ng dalaga tuwing ito'y kinakabahan, ngunit imbes na kausapin ang dalaga sa kaniyang harapan. Inirapan lamang ito ni Aveone at saka nag-anyong uwak upang makalipad paitaas, habang inilibot ang paningin sa paligid. Mula sa itaas kitang-kita niya ang matataas at matatayog na mga gusaling yari sa matibay na kahoy ng nara, halos magkadikit ang mga ito pero hindi naman masama tignan lalo na't angkop iyon sa  lugar na kanilang kinaroroonan, kasalukuyan kasi silang naglilibot sa siyudad ng Oro na nasa kanluran ng Kaharian ng Sorealiz, isa iyong siyudad na malapit sa ma-asul na dagat ng Bora kung kaya ay kapansin-pansin ang maliliit na balangay na sumasayaw sa bawat alon ng tubig, pangingida rin ang pinaka-unang hanapbuhay ng mga taong nakatira sa siyudad na to, bukod roon ay pinagkukunan rin ng pera ang pagbebenta ng iba't-ibang souvenirs at kagamitan pang-luto.        Napatingin si Aveoene sa dagat na nasa kaniyang kanluran, rinig na rinig ang mahinang hampas ng alon mula sa malayo ay naririnig niya ang tawanan ng mga tao, nagtatampisaw sa malamig na tubig. Habang binabalanse ang kaniyang sarili sa hangin, tumingala si Aveoene sa kalangitan at pinagmasdan ang kulay gintong Araw. Kakasimula lamang ng buwan ng Avrile at ito ang tinuringang pinaka-mainit na panahon sa buong lupain ng Soar, kung kaya ay ganoon na lang ang init na naramdaman ni Aveone. Mabuti na lang at nakasuot ng proteksyon mula sa araw si Aveone kung kaya ay hindi siya gaanong naapektuhan sa mainit na sikat ng araw. "May napansin ka bang kakaiba mula sa taas Avery?" naka-ngising tanong ni Euzeine sa dalagang bampira na ngayo'y nasa ibaba na ng lupa at naka-anyong tao na. Umiling lamang ang dalaga, kabaliktaran sa maingay na ugali ni Devoene tahimik lamang ang dalagang si Aveone ngunit pareho ang dalawa tuwing sila'y sasabog sa galit. "Siya! Sa dagat!" eksayted na giit ni Euzeine at patalon-talong pang naglakad palabas sa kanilang pinagtaguan, ngunit bago pa naman siya masinagan ng araw sa labas tuluyan nang natigil ang kaniyang mga paa sa paglakad. "Otso, bitawan mo ko!" nagpapanic niyang giit nang maramdamang hinihila ng binatang si Octavus ang kaniyang hoodie, para tuloy siyang nasakal sa ginawa ng binatang lobo. "N-nasasakal ako." pagda-drama pa niya upang mabitawan ni Octavus ang kaniyang hoodie habang dahan-dahang naglakad palabas, ngunit imbes na bumitaw mas lalong hinila ng binatang lobo ang kaniyang suot kaya tuluyan na siyang nadala, muntik pa siyang nawalan ng balanse mabuti na lang at kaagad siyang nasalo ng binatang lobo na ngayo'y sobrang talim na ng tingin sa kaniya.   "Ano bang problema mo Otso, Kapitan mo ko!" madiing giit ni Euzeine at nilabanan rin ang matalim na titig sa kaniya ng binatang lobo, ngunit imbes na sagutin mabilis na tinakpan ng binatang lobo ang bibig ng binatang magnanakaw at sinenyasan itong manahimik.   Sa kanilang harapan kasi ay dumaan ang iilang maharlika na may dalang iilang matatalim na sandata at papel, may hinahanap ang mga ito lalo na't kapansin-pansin ang paglilibot ng mga ito sa paligid iyon ang ikalimang beses na dumaan ang mga ito sa kanilang harapan, mabuti na lang at may kadiliman ang kanilang pinagtaguan at hindi sila gaanong nakikita dahil sa suot nilang kulay itim.   "Hanapin niyo ang binatang magnanakaw na iyon!" giit nung isang maharlika.   "Kapitan, ilang beses na kaming nag-libot! Baka umalis na sa siyudad na ito ang binatang kawatan!" hinihingal na giit ng isang maharlika, kanina pa kasi nito nilibot ang buong siyudad para lamang mahanap si Euzeine. Inis namang tinignan ng Kapitan ang maharlika at saka sinampal ito sa mukha na ikinasinghap ng dalagang si Ursaillune, kaagad namang tinakpan ng dalagang bampira ang kaniyang labi upang hindi ito marinig ng maharlika na ngayo'y natigilan na at nakatingin na sa kanilang direksyon.   "May tao ba diyan?" giit nito kaya nanlaki ang mata ng apat habang pinipigilan ang kanilang sarili na huminga, mas lalong dumiin ang kamay ni Octavus na nakatakip sa labi ni Euzeine na ngayo'y nagpupumiglas na dahil hindi ito makahinga.   "Mnnnm, mnnmm!!" ungol ni Euzeine kung kaya ay pinanlakihan siya ng mata ng apat. Natigilan naman ang kapitan ng maharlika at napakurap, dahan-dahan itong naglakad papunta sa pinagtaguan ng lima at muling nagtanong. "May tao ba diyan?" paninigurado pa nito, lalo na't aaminin man niya o hindi natatakot siya sa sulok na iyon. Bali-balita kasing may nagpapakita raw multo dito kung kaya ay binibigyan niya ng distansya ang sarili mula sa sulok, ngunit sigurado rin siyang may naririnig siyang ungol na parang humihingi ng tulong kung kaya bilang isang mandirigma na nabilang sa mayamang angkan, kailangan niyang magpakalalaki upang sagipin ang taong nasa panganib, jackpot pa kung babae ito tiyak na magkakaroon siya ng panghimagas pag-uwi niya sa Sentro.    "'Wag ka nang matakot, Binibini! Andito na ang iyong maharlika na nakasuot ng magarang sandata!" naka-ngising giit pa ng Kapitan ng Maharlika kung kaya ay mas lalong tinakpan ng apat ang kanilang mga labi upang pigilan ang sarili sa pag-hinga.   "Lumabas ka na magandang binibini." pangisi-ngisng giit pa ng Kapitan ng Maharlika, habang dahan-dahang lumapit sa sulok kung saan nagkumpulan ang lima. Hindi naman pwedeng mag-anyong ibon at paniki ang kambal na bampira lalo na't mapapansin iyon ng maharlika, kung kaya ay nagyakapan na lamang sila sa sulok upang hindi makita.   "Mnmm, mnmm!!" si Euzeine na mukhang clueless pa rin sa pangyayari, wala ng nagawa ang apat kundi ang batukan ang binata na ngayo'y salubong na ang kilay na nakatingin sa kanila. Ngunit imbes na himingi ng tawad, pinanlakihan rin nila ng tingin ang binatang si Euzeine kung kaya ay pakiramdam ni Euzeine nanliit siya sa tinging iginawad sa kaniya ng mga tropa. Hindi tuloy niya mapigilan ang mag-tampo, sobrang bully kasi ng mga ito sa kaniya lalo na ngayon, lahat ng kanang kamay ng mga ito ay nakatakip sa kaniyang labi at nakadiin pa iyon.    "Kapitan, hindi namin mahanap ang binatang kawatan!" ulat ng isang maharlika, di hamak na mas bata ito tignan keysa maharlikang kasalukuyang lumalapit sa kanilang kinaroroonan. Napailing na lamang ang Kapitan ng Maharlika at muling hinarap ang kanilang kinaroroonan.       "Wala namang tao diyan Kapitan." giit ng isa pang maharlika kaya nama'y napailing ang Kapitan ng Maharlika. "Paano ka nakasigurado bata?" tanong pa nito lalo na't sigurado siyang may narinig siyang umungol ng tulong kanina, kaagad namang kumuha ng maliit na bato ang binatang maharlika at tinapon iyon sa sulok kung saan nagkumpulan ang lima. Walang sumagot roon kaya tuluyan nang nakombinse ang Kapitan ng Maharlika. "Sige." tumatangong giit nito at tumalikod upang umalis, hihinga na sana ng maluwag ang apat ngunit lumingon ulit ang maharlika kaya ay kagat-labing nagpigil ng hininga ang apat dahil sobrang talim ng iginawad na tingin ng Kapitan ng Maharlika, kapagkuwan ay natawa ito na parang baliw sabay sabing. "It's a prank!" at saka naglakad ito paalis, lingid sa kaniyang kaalaman ay nalaglag na pala ang hawak niyang papel. Nang makaalis ang Kapitan ng maharlika, doon na nakahinga ng maluwag ang apat at doon lang rin nila binitawan ang labi ni Euzeine na ngayo'y naka-yuko na sa lupa habang hawak ang kaniyang maliit na Euzeine, iyon kasi ang natamaan sa itinapon na bato ng binatang maharlika kanina. Hindi na napigilan ni Euzeine ang mapagulong sa sahig sa sobrang sakit, pakiramdam niya'y tinanggalan siya ng karapatang makaraos sa maka-mundong pantasya kasi mismong si Euzeine jr ang tinarget ng maliit na bato.   "Tontong mortal." "Inutil na Mortal." "Gagong Kapitan." "Abnoy na Kapitan."    Sabay-sabay na giit ng apat kung kaya ay mas lalong naiyak si Euzeine, nakatayo na siya ngayon. Sapo pa rin ang kaniyang Euzeine Jr habang inis na tinignan ang ang apat na ngayo'y hindi man lang nakitaan ng konting pag-alala sa mukha. Si Devoene ay halatang pinipigilan ang sarili na matawa, samantalang si Aveone ay nakatitig sa kalangitan, halatang nagpipigil rin. Habang si Octavus ay mahinang humahagikhik habang tinatakpan ang mata ng dalagang si Ursaillune na nakasimangot, ayaw kasi niyang makita ng dalaga ang kasalukuyang pormahan ng binatang magnanakaw.     "Bakit niyo ginawa iyon?" sigaw ni Euzeine, nakahawak pa rin sa kaniyang Euzeine Jr. Nagkibit-balikat lamang ang dalawang kambal na bampira at kasabay noon ang pag-ihip ng hangin dahilan upang malipad ang papel na naiwan ng Kapitan ng Maharlika, saktong natampal sa mukha ni Euzeine ang papel na iyon kung kaya ay muntik na siyang matumba lalo na't diniinan talaga ng hangin ang papel na iyon sa kaniyang mukha. Hindi na napigilan ng tatlong imortal ang matawa lalo na't mukhang ginasa ng hangin ang binatang magnanakaw sa kanilang harapan. Kapagkuwan ay inis na kinuha ni Euzeine ang papel na nakaharang sa kaniyang mukha at minura ang hangin na nagdala noon sa kaniya. "Pati ka ba naman, Amihan?" naiiyak niyang giit at saka inis na binuka ang papel na hawak, tumambad roon ang ilang pangungusap na dahilan upang mapangisi ang binatang magnanakaw at iyon rin ang dahilan kung bakit napa-ngiwi na sa pandidiri at takot ang apat lalo na't kitang-kita nila ang masamang awra na bumubuga mula sa Kapitan, para kasing may masama itong balak at iyon kinatatakutan nila. " Pupunta tayo sa LuViDa." biglang anunsyo nito kung kaya ay napa-nganga na ang apat, ilang araw na rin silang walang pahinga dahil wala silang matuluyan lalo na't hinahabol sila palayo ng mga maharlika at tao palagi. Magrereklamo sana sila ngunit ayaw nilang lapitan ang Kapitan na ngayo'y tumatawa na mag-isa habang nakatingin sa papel. "MALIGAYANG pagdating sa ating bahay mahal kong Tropa!" mayabang giit ni Euzeine, matapos ang apat na araw nilang paglalakbay papunta sa Kabukiran ng Luvida. Kaagad namang natigilan ang apat at napatingin sa direksyong tinuro ng Kapitan ngunit wala naman silang nakita kung kaya ay napinturahan ng magkahalong pag-alala at disgusto ang kanilang mukha. "Grabe, ganiyan talaga kapag matamaan ng bato." giit ni Ursaillune kaya tumango naman ang tatlo. "Ganiyan talaga kapag hindi makanawak." tumatangong dagdag pa ni Octavus. "Ganiyan talaga kapag tonto/inutil na mortal." magkasabay na dagdag ng kambal na bampira kung kaya ay binatukan sila ni Euzeine na ngayo'y inis nang nakatingin sa kanila. Sa totoo lang ay hindi talaga bahay  ang nasa kanilang harapan, isa iyong angkla na yari sa bato at nakatayo sa lupa, kapansin-pansin ang lumot na pumalibot sa mga bato at kung titigang maigi parang masisira iyon sa isang tulak lang. "Tontong mortal! Anong naka-bahay diyan? Pagod na kami." pagrereklamo ng binatang bampira kung kaya napa-ngisi lamang si Euzeine at saka inapakan ang isang bato na may kakaibang hugis at sa mismong pag-apak niya roon ay ang pagbukas ng isang pintuan sa kanilang harapan, nalaglag ang panga ng apat nang makita ang angkla na nagkaroon na ng pinto, sa gilid noon ay nakatayo ang binatang magnananakaw na ngayo’y naka-ngisi na sa tabi ng entrada.   “Welcome to the headquarters, Troop Endeavour.” Saad niya at nauna pang pumasok sa loob ng angkla, sagli na nagkatinginan ang apat tila na’y nagdadalwang isip kung papasok ba sila o hindi. “Ano bang tinatagal niyo diyan, pagod kayo diba?” walang pasensyang giit ni Euzeine at saka hinila ang kamay ni Ursaillune na ngayo’y nagpapanik na sa sobrang kaba. “Teka lang Zie.”   “Kapitan, Saillune.” Striktong giit nito at tinulak ang dalaga sa loob, tuluyan nang nanlaki ang mata ng dalagang babaylan nang makita ang loob ng angkla, pagpasok kasi ay tatambad ang hagdanan na nagtutungo paitaas. Napatingala si Ursaillune habang inilibot ang paningin, napalibutan ng rails ang ibabaw na bahagi kaya nag-mukha iyong terasa at  kung aakyat ka roon ay makikita mo ang sinu mang papasok mula sa pintuan, bukod roon ay kulay kape ang paligid, liban na lamang sa mga kagamitan na naroon. Sa sobrang pagkamangha ay hindi na napansin ni Ursaillune ang oag-akbay sa kaniya ng Kapitan.   “Ganda no? Ninakaw ko lang mga ‘yan.” naka-ngising giit ni Euzeine sabay turo sa isang vase, na nasa gitna. Hindi iyon namalayan ni Ursaillune lalo na't ang hagdanan ang unang kumuha sa kaniyang atensyon. Kapagkuwan ay inalis niya ang pagka-akbay sa kaniya ng binatang magnanakaw at binatukan ito.   “Ogag ka talaga, Kapitan!” giit niya sa binata, ngunit tinawanan lamang siya nito. “Oh, siya maglilibot lang ako.” Giit nito kung kaya ay nagkibit-balikat lamang si Ursaillune at tumalikod upang pagmasdan ang labas, nasa sanga ng punong manga ang dalawang magkapatid na bampira kaya imbes na tawagin papasok sa loob, hinayaan na lamang ni Ursaillune ang dalawa. Mula sa pintuan, dahan-dahan niyang nilanghap ang preskong hangin na nagmumula sa labas. Napangiti siya ng malawak nang maamoy ang nakakalmang halimuyak ng mga kahoy ng punong apalit na nagbibigay rin ng kagandahan sa kabukiran ng Luvida.  Muling pumasok ang dalaga sa loob at inilibot ang kaniyang sarili, sa mga oras na to ay naglakad-lakad na siya. Mula sa hagdanan na nagtutungo paitaas, sa ikaliwang bahagi ng bahay ay naka-estasyon ang sala at sa kanan naman ay ang kusina. Sobrang lawak rin sa loob kung kaya ay hindi na niya napigilan ang sarili na magtakbo sa buong lugar. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay nabibilang siya sa lugar na ito, the place somehow screams home.   "Bahay mo to, Kapitan?" hindi matago ang kamanghaan sa mukha ni Octavus habang inilibot ang kaniyang paningin. Hindi siya mag-aakalang ganito kaganda sa loob at mahahalata mo talagang matibay ang pagka-yari nito. Kung sa labas ay para lamang itong lumang angkla na napag-iwanan ng panahon, sa loob naman ay para iyong mansyon na inalagaan ng mabuti. "Hindi, natagpuan ko lang to sa gitna ng gubat na to, tatlong taon na ang nakalipas." giit nito na habang blangko ang mukha, para bang wala lang yung sinabi niya. Nagsinghapan naman ang dalawa at nagtinginan. Hindi sila makapaniwalang natagpuan lamang ang angklang to sa gitna ng gubat at sa bukid pa mismo ng LuViDa, ang hangganan ng Kaharian ng Sorealiz at hangganan rin ng Kaharian ng Edwarden. Nagsisilbing hangganan ang tatlong malalaking bukid sa dalawang Kaharian, nagsisilbi itong linya na naghahati sa dalawang Kaharian.   "Saka, ninakaw ko lang ang mga kagamitan na narito kung kaya handle with care." kumindat pa ito kaya ang dating manghang mukha ng dalawa ay unti-unting napalitan ng ngiwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD