LINGID sa tatlo na nag-uusap, unti-unti nang sumisikat ang araw, dahan-dahang umakyat sa kalangitan ang HAri ng Araw na si Apolaki dahilan upang mabigyan ng liwanag ng paligid, para bang sinasabi na bagong araw na naman ang kailangan nilang harapain. Marahang umiihip ang malamig na hangin sa kagubatan na pagmamay-ari ng Diwatang si Maria Cacao at tila ba'y kumalat sa paligid ang nakaka-adik at nakakagaang halimuyak ng mga bulaklak na nahahaluan ng mala-kahoy na amoy mula sa punong cacao na siyang nagbibigay empasiya sa Dyosang nangangalaga sa kagubatang iyon.
"Ursaillune Grae Moon, shield of Troop Endeavour!" nilanghap ni Ursaillune ang nakakagaan at mapanghilay na hangin sa paligid, marahang inihip ng hangin ang kulay pilak niyang buhok habang ang mata niya'y kumikislap, senyales na buo ang loob niyang ibibigay ang kaniyang puso sa haharapin ng kaniyang sinalihan.
"Welcome aboard, Saillune!" naka-ngiting giit ni Euzeine at binigyan ng saludo ang dalaga, nakatupi ang dalawang daliri sa kaniyang kamay samantalang ang natitirang tatlo ay nakatayo at inilagay niya yun sa ibabaw ng kaniyang dibdib, kung nasaan ang kaniyang puso.
"MAY problema ba Aveone?" hindi na napigilan ng binatang bampira na tanungin ang kaniyang kambal na babae, bukod sa may hawak itong libro na baliktad kapansin-pansin rin ang panginginig nito na hindi makatakas sa matalas na mata ng binatang si Devoene.
"Ano bang paki mo?" biglang wika ng dalagang bampira dahilan upang mapasinghap si Devoene sa gulat, hanggang ngayon ay nakatali pa rin siya ngunit wala siyang pakialam roon lalo na't nag-aalala siya sa kaniyang kapatid. Napaismid na lamang ang binatang bampira, ayaw niyang ipahalata sa kaniyang kapatid ang kaniyang pag-alala kung kaya pinuna niya ang paging tanga-tanga nito.
"Hindi ako makapaniwalang tinuringan kang pinaka-matalino ng mga marangal doon sa ating Kaharian." naka-ngising giit ng binatang bampira, kaagad na binaba ng dalagang bampira ang binabasa niyang libro at salubong ang kilay na hinarap ang kaniyang kambal. "May sinasabi ka ba, mamamatay tao?" pagpupukaw niya rito kaya sa mga oras na iyon ay pareho na silang napalibutan ng kulay itim at pulang usok. Isang pahiwatig sa naka-ambang na panganib na dala ng dalawang magkapatid na bampira.
Agad na napansin ng tatlo sa unahan ang nakakakilabot na tensyon at panggigipit na awra sa paligid, kabadong hinarap ng nakatalikod na si Octavus ang dalawang bampira at kahit na kinasusuklaman niya ang dalawang magkapatid hindi niya mapigilan ang mamangha at mangilabot sa kapangyarihan ng dalawa, para bang mismong kaluluwa mo ang lalayo kapag makakita ka ng ganitong pangyayari, para bang gusto mo na lang tumakbo kaagad ng napakalayo dahil iyon ang sinasabi ng iyong lohikal na utak. Napalunok si Octavus, pakiramdam niya'y natutuyo ang kaniyang lalamunan sa nakita. Alam niyang makapangyarihan ang dalawang bampira, lalo na't parehong nabilang ang mga ito sa royalidad at anak pa mismo ng Hari ng Edwarden pero hindi naman niya inaasahan na ganito kalakas ang mga ito.
Dahil sa labis na emosyong nag-uumapaw sa kaniyang puso, unti-unting natunaw ang mga lubid na tumatali sa katawan ng binatang bampira. Nalusaw iyon sa sobrang init, at lumatay iyon paibaba sa lupa. "Anong sabi mo, Avery?"pangungutya ni Devoene sa kapatid na babae, sinigurado niyang malakas ang kaniyang boses upang marinig iyon ng dalagang si Ursaillune na ngayo'y nanlaki na ang mata sa kaniyang narinig. Mas lalong nagsalubong ang kilay ng dalagang bampira, matalas niyang tinitigan ang kaniyang kambal at kung nakakamatay man ang paningin tiyak na matagal nang naratay ang binatang bampira.
"Mamamatay-tao." muling giit ng dalagang bampira at diniinan pa iyon kung kaya ay napa-ngisi ang binatang si Devoene, isang ngisi na nagdadala ng kilabot at delubyo sa kung sino mang makakita. Sa unang pagkakataon, nakita ni Octavus ang tanyag na ngisi ng Prinsipe ng mga Bampira. Isang ngisi na nakita ng mga mortal na alipin sa kanilang Kaharian bago sila namatay. Usap-usapan lamang ang narinig ni Octavus tungkol rito, ngunit nang makita niya ito ay likas na loob talaga siyang tatakbo, mas lalo siya naging mapagdepensa sa sarili. Hindi niya dapat banggain ang Prinsipe ng mga Bampira.
"Uulitin ko ba?" naka-ngising giit ng dalagang bampira, pati rin siya ay napapalibutan ng nakakakilabot at nakakamatay na awra, nangingislap pa ang pula nitong mata habang pinagkatitigan ang kaniyang kambal na nangangailiti na sa galit,inalis niya ang paningin sa kaniyang kambal at pinagkatitigan ang mahahaba at matatalim niyang kuko, kasing talim ata iyon ng espadang gamit ng kanilang Amang Hari. Mahigpit na napahawak si Devoene sa kaniyang espada at sa isang iglap ay iginuhit niya yun sa ere at sandaling iyon rin ay ang paglundag ng dalagang bampira papunta sa kaniyang direksyon. tila ba'y bumagal ang takbo ng oras sa mga sandaling iyon, mula sa nag-uumapaw na emosyon ng galit at frustrasyon ng dalawang bampira na handang-handang paslangin ang isa't-isa, konting-konti na lang at mahahawakan na ng dalawa ang leeg ng isa't-isa.
Mabilis na tinakpan ng dalagang si Ursaillune ang kaniyang mga mata, base sa kaniyang nakikita tiyak na isa sa magkapatid ang mamatay, hindi niya mapigilan ang mag-alala sa dalawa. Pakiramdam niya'y may kasalanan siya kung bakit nagka-ganito ang dalawa ngunit hindi naman niya kilala ang dalawa bukod sa alam niyang bampira ang mga ito.
Tila ba'y bumagal ang oras sa mga sandaling iyon, sa nag-uumapaw na emosyon ng galit at frustrasyon sa dalawang magkapatid, sa mga panghihinayang hindi mababayaran ng kahit ilang mortal na buhay, handang-handa ang dalawa na ilabas ang lahat ng iyon sa mga oras na ito at wala na silang pakialam pa sa mangyayari, ramdam na ramdam sa paligid ang nag-uumapaw na tensyon at presyur. Mainit at nakakakilabot, sumisigaw ng dugo at kamatayan--- isang metro na lang, palapit ng palapit ang magkapatid sa bawat isa, kitang-kita ang nag-aalab na emosyon sa kanilang mga mata. Naka-taas sa ere ang espada ng binatang bampira samantalang ang dalagang bampira nama'y ganoon rin, tila ba'y puro atake ang hinanda ng bawat isa sa kanila.
"Argh." magkasabay na daing ng dalawang magkapatid at iginuhit ang kanilang mga sandata sa isa't-isa.
"Tama na yan." at sa sandaling iyon, bago pa naman magsalpukan ang dalawang sandata, nakatayo na sa gitna ng dalawang magkapatid ang binatang si Euzeine, sa kaniyang kanang kamay ay hawak niya ang espada ng binatang bampira, nanlaki ang mata ni Devoene sa nakita. Paanong ang isang tontong mortal kagaya ni Euzeine ay mapigilan ang espadang hawak ng Prinsipe ng mga Bampira? Mas lalong nilagyan ng pwersa ng binatang bampira ang kaniyang espada, dalawang kamay na ang nakahawak roon at pilit niyang itinulak pababa ang kamay ng binata sa kaniyang harapan. Sa kabila nama'y mas lalong nag-umapaw ang galit ng dalagang bampira, sa iilang taon niyang pagtatago sa emosyon na ito ngayon lamang niya ito nailabas kung kaya ay ang kapal ng mukha ng binata sa kanilang harapan na pigilan ang kaniyang kamay, ang mas malala pa roon ay nakahawak ito sa kaniyang palapulsuhan na labis niyang pinandirihan.Kaagad na ipinilipit ng dalagang bampira ang kaniyang pala-pulsuhan upang makawala ngunit mas lalong humigpit ang pagkahawak roon ni Euzeine, ramdam ni Aveone ang panananakit roon at parang mababalian ata siya ng buto sa mahigpit na pagkahawak.
"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?" seryosong giit ng binatang si Euzeine, sa ikatlong pagkakataon nakita muli ng binatang bampira ang kulay gintong mata ng binatang si Euzeine. "Sabi ko, Tama na." patuloy ng binata at maski boses nito ay nag-iba, pakiramdam ng dalawang magkapatid na ibang tao ang nasa harapan nilang dalawa, parang kanina lang ay para itong bata na hinampas ng nakakatandang kapatid na babae, pero ngayon ay para itong nilalang na kahit sino mang makakakita sa kulay ginto nitong mata ay tiyak na iiwan ng kaluluwa. "Sino ka ba sa tingin mo, inutil na mortal? Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ng dalagang bampira na si Aveone, ayaw man niyang aminin sa sarili ngunit mas malakas sa kaniya ang binatang akala niya'y isang ordinaryong nilalang lamang. Base sa hitsura nito ngayon, mas nakakatakot ito keysa sa sarili niyang ama.
Dahan-dahang napalingon sa kaniya ang binatang magnanakaw, hindi mawala ang paningin ni Aveone sa binata. Pakiramdam niya'y natuyo ang kaniyang lalamunan at hindi niya mahabol ang kaniyang hininga hanggang sa nagtagpo ang kanilang mga mata, tumambad sa kaniya ang kulay ginto nitong mata na ngayon lamang niya nakita. Ramdam niya ang panindig ng balahibo sa lahat ng bahagi ng kaniyang katawan at aaminin niyang siya'y natatako. Natatakot siya sa matang kasalukuyang nakatitig sa kaniya. Parang hinuhukay ng matang iyon ang kaniyang kaluluwa, sumasagad ang titig na iyon sa kaniyang buto at para bang kitang-kita ng mga matang iyon ang kasalanang tinatago niya sa kaloob-looban ng kaniyang katawan.
"Pasensya ka na, naniniwala akong hindi pa pala ako nagpakilalala." ngumisi ang binatang si Euzeine, hanggang ngayon ay nilalagyan pa rin ng binatang bampira ang kaniyang espada ng pwersa upang tuluyan nang maputol ang kamay ng binatang magnanakaw ngunit hindi man lang natinag ang binata, kahit na rumagasa ang dugo mula sa kaniyang palad ay hindi man lang ito naapektuhan, sa halip ay pangisi-ngisi pang nagpakilala sa dalagang bampira.
"Euzeine Von Luiz, the Captain of Troop Endeavour." pagpapakilala ni Euzeine sa dalaga dahilan upang manlaki ang mata nito sa gulat, lalong-lalo na nung diretsong nakatitig ang binata sa kulay pula niyang mata, pakiramdam niya'y unti-unti siyang nawawalan ng lakas at para bang natunaw ang lahat ng iyon at iniiwan na siya.
Samantalang kanina pa namutla si Ursaillune sa kaba at ganoon rin si Octavus na tinakasan ata ng kaniyang kaluluwa sa sobrang gulat, ang rami niyang tanong tungkol sa Kapitan at iyon ang dahilan kung bakit mas lumala ang respetong naramdaman niya para rito. Alam talaga niyang hindi isang ordinaryong tao ang kapitan, noong una'y nagduda pa siya rito lalo na't paano nito napasunod ang prinsepe ng mga bampira nang sa gayo'y isa lamang itong mortal na kinulang sa aruga? Ngunit base sa kaniyang nakikita ngayon, mukhang alam na niya ang dahilan.
"Anong ginagawa mo tontong mortal! Bitawan mo ang espada ko!" galit na turan ng binatang bampira at mas diniinan pa lalo ang kaniyang espada, kung kaya ay malamig siyang nilingon ng binatang magnanakaw. "Devoene, diba sabi ko. Tama na?" seryosong giit nito dahilan upang manlaki ang mata ng binatang bampira, sa unang pagkakataon ay isinambit nito ang kaniyang pangalan sa seryosong tono, kaagad na nanlamig ang katawan ng binatang bampira. Andito na ulit yung nakakakilabot na pakiramdam at parehong-pareho iyon sa naramamdaman niya noong una silang nagkakilala ng binatang magnanakaw. Napaismid si Devoene at itinaas ang espada, napatango-tango si Euzeine nang makita niyang itinago na ng binatang ang kaniyang espada sa kaluban na naka-dikit sa suot nitong pantalon, samantalang unti-unti namang lumuwag ang pagkawahak ni Euzeine sa pala-pulsuhan ng dalagang bampira, nawalan na ito ng lakas kung kaya mula sa ere unti-unti itong bumagsak sa lupa, mabuti na lang kaagad na nasalo ng binatang bampira ang kaniyang kambal at kinarga ito ng puno ng pag-iingat na para bang isa iyong napakahalagang bagay.
"Pasensya ka na sa inaasta namin, kapitan." seryosong giit ni Devoene, sa unang pagkakataon ay tinawag niyang Kapitan ang binatang si Euzeine kung kaya ay hindi na napigilan ng binatang magnanakaw ang matawa na dahilan upang mapasimangot ang binatang bampira. "HAHAHA, matapos ang halos tatlong buwan nating pagsasama. Ito ang unang beses na itinawag mo kong Kapitan." natutuwang giit nito at may kinuha pa mula sa suot nitong maliit na bag, kinuha niya roon ang kulay itim na kwaderno at sa gitna nito nakaguhit ang isang angkla, sa ibaba nama'y naka-kursiba ang salitang TROOP ENDEAVOUR. Binuksan ni Euzeine ang kwaderno at gamit ang lapis na ninakaw lamang niya sa isang pamilihan, pumaltik siya ng ilang pahina hanggang sa umabot iyon sa isang blangkong pahina kung saan niya sinulat ang mga katagang.
"Sa ika-anim na pag-akyat ni Haring Apolaki sa kaniyang Trono ng Kalangitan, sa unang pagkakataon matapos ang higit dalawang buwan. Tinawag akong Kapitan ng itinuring na Prinsepe ng mga Bampira." naikagat ng binatang magnanakaw ang labi upang pigilan ang kaniyang sarili sa pag-ngiti ng malawak, ayaw niyang makalimutan ang sandaling ito kung kaya ay agad niya itong sinulat sa kaniyang kwaderno. "Buang na tontong mortal." naka-ngiwing giit ni Devoene, nagsisi tuloy siya na tinawag niyang Kapitan ang binatang magnanakaw. Bakit ba kasi yun lumabas sa kaniyang labi? Sobrang traydor talaga ng kaniyang katawan, ayan tuloy para ng timang ang binatang magnanakaw dahil hindi nito halos mapigilan ang mapa-ngiti ng napakalawak, parehong-pareho iyon sa ngiti na ibinigay niya noong una siyang tinawag na Kapitan ni Octavus.
"As the Captain of this Troop, I promised on my mortal life that my Troop can always hold on to me." at sa sinabing iyon ng binata ay ang tuluyang pag-sikat ng araw na tumatama sa kanilang kinaroroonan.
"HASINA, ayos ka lang ba?" halos maghysterika ang isang ginang nang makita ang patuloy na pamumutla ng kaniyang nag-iisang anak na babae, kaagad na tumango si Hasina. Ayaw niyang mag-aalala ang kaniyang Mamita lalo na’t iniwan pa talaga nito ang trabaho para lang maalagaan siya, ilang araw na rin kasi siyang nakaratay sa kama lalo na’t inaatake na naman siya ng kaniyang sakit. Isang sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanapan ng lunas.
"Ayos lang ako Mamita." huminga ng malalim si Hasina at ilang beses na napakurap upang maikalma ang mabilis na t***k ng kaniyang puso, hindi na napigilan ng ginang ang hawakan ang noo ng dalaga. Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkabalisa nang maramdaman ang init na nagmumula roon, parang sinusunog ang dalaga sa sobrang init nito ngunit nabalutan naman ng kumot ang buong katawan ni Hasina at nanginginig pa ito sa sobrang lamig.
Hindi na napigilan ng ginang ang mag-alala ng lubos, muli niyang inaalala ang pangyayari kahapon kung kailan bigla na lang nawalan ng malay si Hasina sa gitna ng daan habang sila’y namamalengke, sapo-sapo ng dalaga ang kaniyang dibdib at umiiyak pa ito sa sobrang sakit at kasabay ng pangyayaring iyon ay ang pagkaroon ng dalawang buwan sa kalangitan.