⚓Troop Episode 05

2246 Words
"TAGAPAG-pangalaga ng bundok Maquiling, sinasamba naming Diwata!" wika ng isang nakakatandang babaylan at iwinasiwas sa ere ang hawak niyang tangkay na napapalamutian ng klase-klaseng bulaklak, nakasunod naman sa kaniyang likuran ang ilang dalaga at may hawak rin itong tangkay at gaya ng nakakatanda ay iwinasiwas rin nila iyon sa ere. Tuluyang nagkalat sa ere ang halimuyak na dala ng mga bulaklak at nagsilaglagan na rin ang ilang polen nito sa lupa. "Ginagalang naming reyna, diwata at tagapag-pangalaga! Pakinggan nawa ang iyak ng aming mga puso, ipagumanhin nawa ang aming kalapastangan." muling giit ng matandang babaylan at isinagawa ang sagradong sayaw na nagmumula pa sa pinaka-unang babaylan sa kanilang lugar, sa likuran niya ay nakaluhod ang ilang dalaga at paulit-ulit ring iwinasiwas sa ere ang hawak nilang tangkay  habang tahimik na umuusal ng mga dasal para sa diawata.    Walong araw na ang dumaan mula noong nagambala ang kagubatang pinangangalagaan ng diwata, akala ng dalagang si Ursaillune na siya lang ang nakapansin sa mga nagsiliparang ibon pati rin pala ang buong nayon nila, kung kaya ay agad na nagsagawa ng ritwal ang kanilang pinaka-matandang shaman at ito na ang ika-apat na araw na isinasagawa nila ang ritwal, nagbabasakali ang lahat kumalma ang nasabing diwata baka kasi ito ay nagalit. Nanatiling tahimik sa isang gilid ang dalagang si Ursaillune, mukhang hindi alam ng mga taga-nayon na wala sa kagubatan ang diwata. Hindi niya mapigilan ang makuryoso, hanggang ngayon ay hindi mawala sa kaniyang utak ang boses ng tatlong binata na nagmumula sa gubat noong mga nakaraang araw, hindi niya mapigilan ang mapangiwi nang mapagtanto na nag-aaway ang mga ito na para bang sila lamang ang nilalang sa mundo.Nakamasid lamang siya sa kaniyang mga kasamahan na kanina pa nakaluhod at paulit-ulit na yumuyuko sa isang rebulto ng usa, iyon kasi ang simbolo ng diwata.  Wala sa sarili siyang naglakad palayo sa altar at tinungo ang gubat ni Makiling, tulad ng dati ay andoon pa rin ang nakakakilabot ngunit nakakalma nitong aura na para bang napalibutan ng isang pambihirang mahika ang buong kagubatan ngunit may kakaiba roon, para bang may mali sa kagubatan.    "Sa tingin mo Muyak? Alam mo ba kung nasaan ang iyong Ina?" tanong ni Ursaillune sa kaibigang lambana, nakatungtong na ito sa kaniyang balikat. Nanlaki ang mata nito ay malungkot na umiling, kaya nama'y napabuntong-hininga ang dalaga. Mabuti na lang at walang nakapansin sa maliit na nilalang nagtatago kasi ito sa kaniyang mahabang buhok, hindi niya maisip ang parusang ipapataw sa kaniya kung sakaling may makakita sa lambana alam niya kasi ang takbo ng utak ng mga taga-nayon, tiyak na siya'y sisihin sa pangyayari iisipin ng mga ito na dinukot niya ang lambana kaya nagalit tuloy ang diwata. Ngunit hindi ganoon ang nangyari, alam ni Ursaillune kung bakit nagambala at sino ang may pakana sa kaguluhang iyon, ang hindi niya alam kung ano ang nangyari sa diwata at kung nasaan ito.    Napasinghap si Ursaillune nang marinig ang isang kaluskos sa gubat, napalunok siya at agad na sinenyasan ang kaibigang lambana na magtago, agad naman itong nagtago sa kaniyang buhok ngunit pinagmasdan rin nito ang kaluskos na nagmumula sa gubat.Dahan-dahang naglakad si Ursaillune sa pinagmulan ng kaluskos, laking gulat niya nang makita ang isang bata nakasuot ito ng bestida na nababalutan ng itim na putik. Kapansin-pansin ang magulo nitong buhok para bang pinabayaan ang bata ng kaniyang mga magulang, tahimik rin itong himihikbi. Agad na nakaramdam ng awa si Ursaillune wala siyang pakialam sa magulo nitong hitsura kaagad siyang yumuko upang mailebel ang sarili sa bata sa kaniyang harapan.   "Nawawala ka ba, munting dalaga?" mahinhin niyang tanong at saka hinawakan ang bata sa balikat nito ngunit agad siyang nakaramdam ng kaba nang marinig ang hagikhik ng bata, dahan-dahan itong lumingon sa kaniya at tuluyan nang tumambad ang mata nitong kulay itim, purong itim.  "Pagsapit ng ika-limang pagsikat ng araw, sa gabi kung kailan dalawa ang buwan, magtitipon ang bayani na kakalaban sa sangkatauhan."   “MAY HINAHANAP KA BA MAGANDANG dilag?” napairap si Aveone nang marinig ang tanong ng isang lalaki, ito na ang ika-limang beses na nagtanong ito sa kaniya at kanina pa ito nakabuntot sa kaniya na labis niyang ikinairita. Kaagad niyang hinawi ang suot niyang manto at tuluyan nang hinarap ang lalaki—tuluyan na siyang napa-ngiwi nang makita ang bungi nitong ngipin at ang malawak nitong ngiti, nangangamoy lambanog rin ito at halos matumba na ito sa sobrang kalasingan.   “WAY HINAHAWAP KA?” tanong nitong muli kaya tuluyan nang nag-init ang dugo ng dalagang bampira, tuluyan nang nangislap ang kulay pula niyang mata at mariing tinitigan ang lalaking lasing na kanina pa nakasunod sa kaniya.   “Papaslangin kita inutil na mortal!” pabulong ngunit padiin niyang giit sa tenga nito, dahilan upang mamutla ang lalaking lasing tuluyan na siyang iniwan ng espirito ng kalasingan dahil sa takot nang makita ang sumisiklab at pulang mata ng dalagang bampira, agad itong kumaripas ng takbo palayo at naihi pa sa salawal habang sumisigaw sa takot. “Halimaw! Halimaw!” Halos magkandarapa ito sa sobrang taranta at takot. Pinag-tignan tuloy ito ng mga tao kaya nama’y agad na itinago ni Aveone ang kaniyang mukha gamit ang mantong suot niya at nagpatuloy sa paglalakad na para bang wala siyang ginawa. Siyam  araw na ang nagdaan mula noong magtungo siya rito sa Kaharian ng Sorealiz, ayon sa utos ng Amang Hari kailangan niyang siguraduhin na nagawa ng kaniyang kambal ang misyong iginawad sa kaniya ng Amang Hari ngunit sa ilang araw niyang paglilibot roon, hindi man lang niya nahanap ang kapatid. Imposible namang umabot iyon sa kabilang nayon, nasa sentro kasi siya ng Kaharian at ayon sa kaniyang nakalap na impormasyon dito nakabase ang misyon na dapat isagawa ng Prinsipe ng mga Bampira.   “Saan na naman kaya nag-tungo ang gagong iyon?” tahimik na bulong ni Aveone sa sarili, mas lalo siyang nakaramdam ng frustrasyon nang mapagtanto na wala siyang alam sa misyon ng kaniyang kambal. Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng inis, nais niyang pokpokin ang ulo ng kambal upang tuluyan na itong mawala sa mundo. Ganoon ang galit na naramdaman niya rito, hanggang ngayon kasi ay hindi niya mapatawad ang ginawa nitong kasalanan at ayaw niyang pakinggan ang mga rason nito. “Bwisit! Baka namiktima na naman iyon ng uto-u***g  mortal na babae.” Halos mag-usok ang ilong ng dalagang bampira nang maalala ang kapilyuhan ng kambal, hindi mabura ang ngiwing nakaguhit sa kaniyang mukha nang maalala kung gaano ka babaero ang naturing binata. “Oy mare, narinig mo iyong chismis doon sa kabilang nayon?” narinig ni Aveone ang usapan ng dalawang ale sa unahan, napailing na lamang siya at napabuntong hininga. Hindi talaga nagbabago ang mga taong mortal, sobrang chismosa talaga ng mga ito at akalain mo yun? Balita galing sa kabilang nayon umabot sa sentro ng Kaharian. “Agoy! Mahabaging Bathala! Balita ko’y siyam na bata raw ang nawala mula noong Martes!” giit pa nuong isa kaya nama’y umalis na si Aveone  dahil ayaw niyang umusisa pa. “Uuwi ka na sa bahay-tuluyan, mahal na Prinsesa?” muntik nang napatalon ang dalagang bampira nang marinig ang mahinhin na boses ng isang babae, doon lamang niya naalalang may kasama pala siyang alipin, kanina pa ito nakasunod sa kaniya dala-dala nito ang malaking payong at hindi man lang niya napansin ang presensya nito. “Gaga! ‘Wag ka ngang manggulat bigla!” naipaypay ni Aveone ang sarili niyang kamay sa mukha at inis na binalingan ang kaniyang alipin. Akala niya kasi ay natakasan niya ang mortal na ito, iyon pala’y nakabuntot ito sa kaniya at pangiti-ngiti pa. Nais ni Aveone na magwala sa gitna ng daan, ayaw kasi niyang may sumusunod sa kaniya ngunit ayaw naman niyang bastusin ang kabaitang ginawad sa kaniya ng kaharian upang siya’y mabantayan at mas mabuti na rin ito keysa mga maharlika ang susunod sa kaniya.   “Mahal na Prinsesa, sino ba ang hinahanap natin? Apat na araw na tayong naglilibot sa buong plaza.” Mahinang bulong ng alipin kaya nama’y natigilan si Aveone. Napasinghap ang dalagang alipin nang mapagtanto niya ang kaniyang sinabi at doon lamang nagsalita ang  dalagang bampira. “Hindi talaga kayo nagbabago mga mortal, napaka-chismosa niyo talaga!” nakairap niyang giit dahilan upang alanganing natawa ang dalagang alipin, ito ang unang beses na nanilbihan siya sa isang prinsesa at bampira pa talaga, karamihan kasi sa pinagsisilbihan niya ay mga anak ng mga maginoo at lakan sa kaharian nila kung kaya ay abot langit na lang ang kaniyang kaba nang malaman kailangan niyang panilbihan ang bampira. Bukod sa chismis na natanggap niya mula sa ibang nayon, malupit at mainitin raw ang dugo ng mga bampira bukod doon ay wala siyang masiyadong alam dito. Tahimik lang kasi ang prinsisa at nagkukulong lagi sa silid ng bahay-tuluyan. At ayon sa chismis na nakalap niya sa mga kasaping alipin, may napatay na daw na alipin ang dalagang bampira kung kaya ay halos mag-tulakan na silang lahat kung sino ang dapat manilbihan, sa huli ay siya ang naturo ng manedyer sa pag-asikaso dito at wala na rin siyang magawa. Ramdam kasi niyang mahirap pakisamahan ang mahal na prinsesa.   “Bwisit talaga ang lalaking iyon!” nagpupuyos sag alit ang dalagang bampira at agad na tumalima, sumunod naman ang dalagang alipin ngunit bago pa naman niya maapak ang kaniyang kaliwang paa muling nagsalita ang dalagang bampira. “Umuwi ka na mortal, hindi ko kailangan ang iyong serbisyo.” Malamig nitong giit at tuluyan nang nag-anyong uwak at saka lumipad palayo.   GABI na nang makauwi si Aveone sa bahay-tuluyan, nilibot niya ang buong kaharian ng Sorealiz ngunit hindi niya pa rin nahanap ang kambal, agad siyang sa sofa sa pagod at doon uminom ng dugo na galing sa sariwang manok na kinitil roon sa ibaba.   “Maayos lang ba ang kalagayan mo dito sa bahay-tuluyan, Prinsesa Aveone?” napatango si Aveone nang marinig ang tanong ng isang lalaki, baritone ang boses nito at sa pagkaalam niya’y nabilang ito sa royalidad. Nang malaman kasi ng palasyo ang kaniyang pagdating kaagad siyang sinalubong ng mga maharlika na may mataas ring posisyon sa kaharian ng Sorealiz, anak kasi ang mga ito ng mayayamang angkan sa buong kaharian. Napabuntong-hininga na lamang si Aevone, nakakapagod rin minsan ang pagiging prinsesa dahil bawat galaw niya ay binabantayan ng mga tao sa paligid, para bang sinusundan ng mga mata nito ang bawat mosyon na gawa niya at yun ang ayaw niya, sa loob-loob niya’y nais niya maging ordinaryong tao ngunit malabo ata iyon mang-yari lalo na’t anak siya ng Hari ng mga Bampira sa kabila.   Napatingin si Aveone sa Maginoo na abala sa pag-utos sa mga babaeng alipin, base sa suot nitong mamahaling damit masasabing nabilang sa mataas ang ranggo  kompara sa mga taong nakasalamuha niya kanina lang. “Pasesnsya ka na at dito ka namin ipinatuloy. ‘Wag kang mag-alala mahal na prinsesa, ibibigay naming ang iyong pangangailangan.” Nag-aalalang giit ng maginoo kaya tumango na si Aveone at hindi na pinansin ang pagsatsat nito, wala naman siyang ibang gawin kundi namnamin ang kambal niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mahanap. Alam niyang pagmamay-ari ng maginoo ang bahay-tuluyan, yari sa matibay na kahoy ang buong istruktura at mahahalatang mamahalin ang mga gamit na naroroon, tanging mga alta-sociedad ang nakakapasok sa bahay-tuluyan at isa siya sa mga taong may pribelihiyo sa pagpasok roon dahil isa siyang prinsesa, isang napakahalagang tao sa isang Kaharian.   “Salamat Seri Almaihab.” Napa-ngiti ng malawak ang matandang raja at dali-dali ring umalis dahil may aasikasuhin raw muna.  Kapansin-pansin rin ang ilang duwende at lambana na silang nagsisilbing serbidora upang aliwin ang mga bumibisitang turista sa bahay-tuluyan na iyon.   Habang nagpapahinga, muling narinig ni Aveone ang pamilyar na chismis gawa ng mga babaeng alipin, kaparehong-pareho iyon sa  narinig niya kaninang tanghali habang naglilibot siya sa sentro. “Nahanap na raw ang siyam na bata na nawawala.” “Talaga? Mahabaging Bathala, salamat naman at nahanap na ang mga paslit!” “Hay naku mare! Patay na raw ang walo, isa lamang ang nabuhay at balita ko’y patay na rin daw ang halimaw na siyang dumukot sa mga bata at ayon sa nakalap kung tsismis, sobrang kawawa raw ng sinapit ng mga bata!” nais ni Aveone na umalis sa lugar na iyon ngunit tuluyan na siyang sinakop ng kyuryosidad kaya siya ay nanatili. “Mahabaging Bathala, nawa’y mamayapa ang kaluluwa ng mga batang iyon! Sino ba ang pumatay sa halimaw?” napalingon-lingon sa paligid ang ale na para bang isang malaking sekreto ang kaniyang ibubuga at saka mahina itong bumulong sa katabi niyang ale ngunit kahit bumubulong, naririnig ni Aveone ang bawat salitang lumalabas sa labi ng ale dahilan upang mapantig ang kaniyang tenga.   “Iyong sikat na binatang magnanakaw daw ayon sa pamangkin ko,  may kasama daw itong lalaki na kulay pula ang mata at nakasuot ng kulay itim na manto at isang lalaki na nakasuot lamang ng kamiso at maong. Asus, sa tingin ko’y magkasanib-pwersa ang halimaw at binatang iyon! Alam mo namang criminal iyon at baka pati mga bata ay ninanakaw niya rin, baka ipinapalabas niya lang na mabait siya! Dahi nais niyang kunin ang tiwala natin! Hay naku!” nailing na giit ng ale kaya tuluyan nang napa-iling si Aevoene at muling nag-anyong uwak upang matunton ang binatang magnanakaw na tinutukoy ng mga alipin, baka kasi may alam ito sa kinaroroonan ng kaniyang kambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD