Patricia’s Point of View Looking at Trina’s expression right now, parang gusto kong maglupisay sa tawa. It’s just priceless and so epic, pero kailangan kong i-maintain ang coolness ko kaya nanatiling blanko ang expression ko. “How? Where’s---” “Iyong mga alipores mo ba ang hinahanap mo? Hmmm,” hinagis ko sa harapan niya ang mga armas ng kasama niya “I had a good fight with them though. Iyon nga lang, di pa rin sapat. Condolence!” pang-aasar ko. Bumaba na ko mula sa railing. Iyon ang tinutungtungan ko. Napadako ang tingin ko sa EVE at sa team ko. They’re smiling at me, mukhang nagkapag-asa sila. Ginantihan ko naman ang mga ngiti nila. Sumeryoso lang ang mukha ko ng balingan muli si Trina. “Hey. Easy! Wala palang akong ginagawa Trina nanginginig ka na. Scared of me that much huh?” pang-

