Patricia’s Point of View
“Seriously? Bakit ngayon pa tayo nawalan ng driver!” iritadong sabi ni Drew.
“Ako na lang ang mag-drive?” suhestyon naman ni Pierce. Sinamaan lamang siya ng tingin ni Drew.
“Pierce, please. The last time you drove our van ay napunta tayo sa kanal,” wika ni Drew. Nag-peace sign na lamang si Pierce.
“Kung hindi lang injured itong ring finger ko ay ako na ang magda-drive, but I’m saving my energy for the performance later,” Drew said as he massaged his fingers.
“I wonder what kind of performance are you talking about Drew, band performance, or bed performance?” tanong ni Blake na pumu-pwesto na sa pag-upo.
“Both Blake, both.” Sagot naman ni Drew at saka umirap.
“I’ll drive sana kaso puyat ako sa pagmo-mobile games so I’ll pass,” sambit naman ni Blake habang naglalagay ng cucumber sa kanyang mga matang may eyebags.
“How about you Vaughn?” tanong ni Blake kay Vaughn na prente nang naka-upo. Hindi naman niya iyon sinagot, mukhang ayaw din niya.
“Ako na lang?” sabi ko habang nag-aayos ng mga gamit nila na dadalhin.
Napatingin naman silang lahat sa akin. Why? May mali ba akong nasabi?
“Nah, you’re a woman,” sabi ni Drew. Excuse me? Dahil lang sa babae ako ay mamaliitin na niya ako? Women could be superior too.
“Do you even know how to drive?” tanong ni Blake na lilinga-linga dahil hindi naman niya ako nakikita.
“Oo naman, may lisensya pa nga ako eh at saka natuto ako sa probinsya dahil ako ang nagmamaneho ng elf kapag aani na ng palay ang amo namin sa sakahan nila,” sabi ko.
Wow, ang galing ko talagang gumawa ng kwento.
“Sige, sabi mo eh, just make sure na safe kaming makakarating sa destination.”
Inabot sa akin ni Drew ang susi pagkasabi niya noon. Tinanggap ko naman iyon at saka umikot para makapunta sa driver’s seat.
Isasara na sana nila ang pintuan ng ma-realize na wala pa pala si Lance, sakto naman na dumating siya. Nagtaka pa siya kung bakit ako ang naroon. Ipinaliwanag na lamang ni Drew ang sitwasyon, inalok niya pa kung gusto ko ba na siya na lang ang mag-drive pero tinanggihan ko iyon and besides hindi pa rin ako palagay na makipag-usap kay Lance dahil na rin sa pag-uusap namin kagabi. Si Pierce ang katabi ko ngayon dahil walang may gustong tumabi sa kanya dahil makulit at maingay daw siya.
“Ready na kayo?” tanong ko.
“Ang dami mong satsat Happy, late na tayo baka pag- aaahhh!” hindi na natapos ni Drew ang kanyang sasabihin dahil mabilis ko na pinaandar ang sasakyan. Napamura din naman ang ibang members. Si Pierce ay bigla na lamang naisipan na pahigpitan ang kanyang seatbelt.
Ngayon, matutuklasan ninyo ang bagsik ko. Sisiguraduhin ko na magiging memorable ang byahe nyo ngayon.
Pagdating namin sa destinasyon ay nag-aayos pa lamang ng mga gamit sa stage. Lumapit naman sa amin ang event organizer na kasama ang manager ng EVE.
“Bakit ang aga nyo naman? We’re not expecting you until, 11 am it’s only 10 in the morning.” bungad sa amin ng manager nila.
“Napa-aga kasi ang gising namin sir Jeremy,” sabi na lamang ni Blake na hanggang ngayon ay namumutla pa dahil pagkababa niya sa sasakyan ay nagsuka na agad siya sa gilid. Poor Blake.
“Since wala pa naman ang band na naka-schedule, baka gusto ninyong kayo na ang sumalang para makapag-markings at mag-adjust ng keys and volume or maybe rehearse?” tanong ng organizer.
“Thank you for the offer, pero pwede ba muna kaming magpahinga? We’ll just follow the schedule, if its 11am then we’ll go at 11am,” suhestyon ni Drew na halatang nahihilo pa rin sa bilis nga byahe.
“Yeah sure, may well ventilated tent kami that way, doon na lang muna kayo,” sabi naman ng organizer saka tinuro ang daan papunta sa tent.
Sumunod naman ang miyembro ng banda. Ang mga assistant na ang nagdala ng mga gamit na naiwan sa loob.
“Grabe Happy, you’re a freak!” sabi sa akin ni Pierce pagkatapos niyang uminom ng tubig. Nag-sorry na lamang ako sa kanila. Malay ko ba naman di’ba? Sabi nila ay nagmamadali sila kaya binilisan ko.
“Takbong chubby lang naman iyon sir,” sabi ko at saka nag-peace sign.
Umirap na lamang sa akin si Drew. Wala naman imik sina Lance at Vaughn. Sana lamang ay maging maayos ang kanilang performance mamaya kahit na may konting alitan.
Nagpahinga pa ng ilang sandali ang grupo bago sumalang sa stage para i-ayos ang kanilang mga instruments. Magsisimula ng alas kwatro ang event at marahil mga 10-11pm na sila makakasalang dahil sila ang main performer ng gabi.
“Since you’ll be our personal assistant for the day you should know the rules. Gawin mo lahat ng inuutos namin, mostly mga magagaan na gawain lang naman iyon pero dapat ay palagi kang alerto sa tuwing mag-uutos kami at bilis-bilisan mo ang kilos.” Paalala ni Drew sa akin, mukhang nabadtrip yata siya sa akin dahil sa mabilis ko na pagpapatakbo ng sasakyan. Nasa hallway na kami ng hotel kung saan sila mananatili for a while habang naghihintay sa event na magaganap mamaya. Katatapos lamang namin kumain sa restaurant kanina, napatagal lamang ang pag-stay namin doon dahil madaming nagpa-autograph at picture sa kanila.
“Happy! Nakikinig ka ba?” siniko ako ng Blake ng sabihin iyon.
“Opo sir!” sagot ko naman. Lutang na yata ako, ngayon ko naramdaman ang antok dahil na rin sa konti lang ang naitulog ko kagabi. Masyado kong inisip kung papaano nalaman ni Lance ang tunay ko na pangalan. Nais ko sana siyang komprontahin pero mamaya na lamang o bukas, pagkatapos ng kanilang performance.
Pumasok na kami sa elevator. Masama ang kutob ko na may mangyayaring hindi maganda ngayong araw na ito, particular na sa lugar na kinaroroonan namin. Nasesense ko lang naman. Pero mas nasesense ko na may masamang amoy!!! Tinignan ko sila at lahat din sila ay nagtataka, matatalim na tingin na bumaling kay Pierce. Naalarma na rin yata sila sa amoy kaya napatakip na rin sila ng ilong.
“Pierce!” sigaw ni Drew sa kanya. So siya pala ang salarin, napadami kasi ang kain niya kaninang lunch. Grabe, parang first time niyang makatikim ng ganoong klase ng pagkain.
“Hehehe, sorry!” paumanhin ni Pierce habang nagkakamot ng batok at naka-peace sign.
“Umamin ka! Tae ba ang kinain mo?” sabi ni Blake na halos masuka, siya kasi ang katabi ni Pierce.
“Seriously Pierce?” sambit ni Vaughn na iritang irita, pinantakip na rin niya ang kanyang jacket.
“I can't breathe,” kahit si Lance na tahimik ay hindi napigilang magbigay ng reaksyon.
“Pwede ka ng maging natural source ng teargas!” reklamo muli ni Drew.
Nagtataka naman silang nakatingin sa akin dahil hindi man lang ako nag-takip ng ilong o nabahuan. The thing is, pinigilan ko ang paghinga ko.
Nang magbukas ang elevator ay nag-unahan na silang lumabas at tumakbo. Hindi na talaga nila kinaya! Ako naman ay pinakawalan na ang hangin na pinigil ko kanina.
Pag talikod ko ay may mga tao din na pumasok sa elevator pero muli ding lumabas dahil sa amoy, grabe talaga ang amoy ng utot ni Pierce. Napa-iling na lamang ako saka naglakad upang makasunod sa mga amo ko.
“Pumunta ka na sa kwarto mo, tatawagan ka na lang namin kapag may kailangan kami sa iyo. Here’s the phone,” wika ni Drew at saka binigyan ako ng isang telepono na mukhang kalalabas na unit lamang. Nandito na kami sa tapat ng room niya, ang ibang room ng mga members ay nasa katabi lamang o tapat.
“Nakalagay na diyan ang mga numero namin, naka-save na rin sa amin ang numero mo,” wika muli ni Drew saka winasiwas ang kanyang kamay tanda na pinapaalis na niya ako sa lugar na iyon. Nagtungo na sila sa kani-kanilang room habang ako ay nagpa-iwan pa. I need to check the area first. Nilagay ko muna ang gamit ko sa loob at saka lumabas upang magmasid sa paligid. All clear naman ang area.
Babalik na sana ako sa kwarto ko ng tumunog ang aking telepono na bigay ni Drew. Tinignan ko ang tumatawag sa screen, si Blake lang pala. Sinagot koi yon.
“Bakit ang tagal mong sumagot? Kuhanan mo nga ako ng mineral water,” aniya.
“Sige po sir,” sagot ko. Para saan pa at may staff dito sa hotel kung sa akin lang din pala nila iuutos lahat? Napakadali lang tumawag sa front desk para magpadala ng water. At wala bang fridge sa loob ng room?
Sinunod ko na lamang iyon kaysa humaba pa ang diskusyon.
“Heto na po sir Blake!”
“Thanks, tawag ka ni Drew sa kwarto niya,”
Nakakahalata na ako, pinag-papasahan na lamang nila akong dalawa. Kahit naiinis ay pinuntahan ko pa rin si Drew sa kwarto niya at ang walang hiya ay may babae sa loob ng kwarto niya. Naabutan ko na nagbibihis ang babae.
“Happy, ihatid mo siya sa baba, make sure walang makakakita sa kanya,” sabi ni Drew habang nagsusuot ng pang-itaas niya, ang babae naman ay nagsusuklay ng buhok niyang nagulo.
Naging challenging ang pagpuslit ko sa babaeng kasama ko ngayon, hindi ko rin maintindihan kung bakit ang daming media sa labas. Mabuti na lamang at may naka-abang ng SUV ng makalabas kami ng elevator, hinatid ko siya hanggang sa makaalis na sila. Who’s that girl anyway?
Nadaanan ko naman ang media, ang isa sa kanila ay tinanong pa ako kung nagtatrabaho ako sa hotel, ng malaman niyang guest lang ako doon ay tinanong niya kung nakita ko si Winona. Pinagmasdan ko ang babaeng nasa screen ng phone niya, at iyon nga ang babaeng kasama kanina ni Drew. Napag-alaman ko na isa pala siyang singer-actress na magpeperform din mamaya sa event. Nakita daw nila na pumasok siya dito sa hotel kanina at nais nilang malaman kung sino ang sinadya niya dito, dahil hindi lang pala ang bandang EVE ang narito, kundi marami pang celebrities. Sinabi ko na lamang na hindi ko siya nakita, napailing na lang ako habang pabalik sa kwarto ko. Babaero talaga si Drew.
I checked the time as I lay my back on the bed, magaalas tres y media nap ala. Alas nuebe pa naman ang alis namin dito, siguro naman ay puwede ang magpahinga ng saglit. I closed my eyes at wala pang ilang minuto ay nakatulog na ako.
Naalimpungatan na lamang ako ng maramdaman ang mainit na hangin na tumatama sa mukha ko. I opened my eyes and immediately saw Lance, nakahiga ako sa kanyang didib. What the hell happened? Mabilis akong lumayo sa kanya.
“It’s not my intention to do that, believe me.”
He explained at saka tumayo. “Pinuntahan kita dito sa kwarto mo pero tulog ka, I was just going to ask you where did you put my bag and then I saw it beside you so I tried to get it but you suddenly caught my arm and pushed me to the bed, saka mo ko dinaganan. It wasn’t really my fault,” pagpapatuloy niya ng eksplanasyon. Halos hingalin pa siya sa pagpapaliwanag.
“So was it mine?” maarteng sagot ko sa kanya. Napakunot na lamang ang noo niya sa inasal ko, muntik ko na masapo ang noo ko, oo nga pala, Im on disguise. “Sorry sir,” paumanhin ko na laman. Tumango naman siya.
Kinuha na niya ang bag niya sa tabi ko at saka naglakad papunta sa pintuan. Bago pa man siya makaalis ay pinigilan ko na siya. “Sir Lance, paano mo nalaman ang tunay kong pangalan?” DIretsong sagot ko sakanya.
Lumingon naman siya at saka humarap sa akin at sinabing, “that? I heard our manager talking to the CEO the day you got into the house. I only heard certain things like your real name is Patricia and that our manager should watch over you, that’s all.”
“Iyon lang ba talaga?” tanong ko.
“Yes, I really don’t care what your real motive is, as long as it’s not harming anyone,” aniya saka pinasadahan ng hawi ang kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha.
“Pero bakit ngayon mo lang sinabi na alam mo pala? At hindi mo sinabi sa iba?” tanong ko.
“I just don’t care. If I intended to do that believe me, your first day will also be your last day there. Aren’t you grateful that I did that? Do you want me to tell them instead?”
Nagulat ako sa response niya, parang hindi si Lance ang kausap ko ngayon, malayong malayo sa dating Lance na nakakasama ko. What happened to him? He suddenly became cold.
“Salamat kung ganoon,” sagot ko na lamang.
“Just, you do you, and I’ll try to do the same.”
Pagkasabi niya noon ay tuluyan na siyang umalis. Naiwan akong tulala, di pa rin makapaniwala sa naging enkwentro namin na dalawa.
Pilit ko man tanggalin sa isip ko ang nangyari kanina ay hindi ko magawa. Nakakahalata na din ang banda sa bigla kong pagtahimik. Tila nantindihan naman iyon nila Blake at Drew kaya hindi na muna sila nag-utos. Pierce is trying to cheer me up and I appreciate it. Halos hindi rin ako nakakain ng maayos.
Alas siete na dumating ang mga stylist at make-up artists, sa iisang room na lamang naglagi ang buong banda, si Vaughn na ang nagpa-unang ayusan, hindi ko nga alam kung bakit siya nagmamadali, may lakad pa yata siya.
“Happy get my wallet in my room it’s on the table beside the bed,” utos ni Vaughn ng matapos siyang i-retouch. Tumayo naman ako para magtungo sa kwarto ni Vaughn, pagpasok ko ay nakita ko kaagad na naka-ayos ng tupi ang mga gamit niya sa kama, obsessed talaga sa pagsasa-ayos ng gamit si Vaughn, tapos simpleng neck tie at medyas ay ipapahanap niya sa akin, kakaibang trip ang mayroon siya.
Pagkakuha ko ng itim na wallet ay tamang pumasok din naman si Vaughn.
“Let’s go,” aniya.
“Huh, saan po?” tanong ko naman at lumapit sa kaniya.
“Out,” simpleng sagot niya at saka hinawakan ang kamay ko at hinila na palabras ng kwarto. Hanggang sa makarating kami sa ground floor kung nasaan ang parking area ay hawak niya ang kamay ko, hinigit ko naman iyon, “ sandali lang sir, paano po sila?” naguguluhan kong tanong.
“Don’t think about them too much, kaya na nila ang sarili nila,” iritado niyang sagot saka muling kinuha ang kamay ko at hinila. May kinuha siya sa bulsa niya, susi ng kotse, pinindot niya iyon at nagpalinga-linga, hinahanap kung saan ang tumunog na sasakyan. “There,” sambit niya ng makita iyon.
Nagtungo kami sa isang itim na SUV, heavily tinted ito at mukhang bago pa. Pero sandali, di’ba naka-van kaming pumunta dito? Paano siya nagkaroon ng sasakyan dito?
“Kanino ito sir?” tanong ko ng buksan niya pintuan at ginabayan akong umakyat para makaupo.
“Mine,” sagot niya habang nakatingin sa akin, parang nangungusap ang kanyang mga mata, saka siya bahagyang lumapit at inabot ang seatbelt sa gilid ko at siya na rin mismo ang nag-secure noon sa akin. Nahigit ko ang aking hininga sa ginawa niyang iyon. It’s like the world stopped for a while. What the hell was that?
Pagkatapos ikabit ang seatbelt ko ay sinara na niya ang pintuan saka naman siya umikot para pumunta sa driver’s seat. Nakatulala pa rin ako sa nangyari, I shaked my head para makabalik sa katinuan. What is he doing to me?
“Paano ka nagkaroon ng sasakyan dito sir?” tanong ko na lamang para mawala ang awkwardness sa paligid, o ako lang ang awkward?
“I told my secretary after we had dinner, to immediately buy me a car and deliver it here asap,” walang gana niyang sagot habang nagmamaneho. Napa-awang naman ang bibig ko sa sagot niya. Hindi ko maabot ang level ng richness niya.
“Agad-agad mayroon na? Wala pang isang oras ang nakakalipas noong naghapunan tayo ah!” napataas ang boses ko ng sabihin iyon.
Natawa naman siya ng bahagya, “Connections,” aniya.
“Saan po ba tayo pupunta sir? Alas otso pa lang at alas dies pa ang pagpunta ninyo sa event, mauuna na ba tayo doon?” I asked.
“Nah,” he replied.
“Hala, eh saan ho tayo pupunta sir?” tanong kong muli habang nagmamasid sa mga nadadaanan namin.
“You’ll see when we get there,” aniya. Hindi na ako sumagot pagkatapos noon, hindi na rin ako muling nag-open pa ng topic na pag-uusapan. Tumahimik na lamang ako habang bumabyahe. Ilang sandal pa ay huminto kami sa isang atm, bumaba siya para mag-withdraw. Pagkatapos niyon ay pumasok na siya muli sa sasakyan saka binigay sa akin ang pera na tig-iisang libo, limadaan at hundreds.
“Bakit sa akin sir,” nagtatakang tanong ko, hindi ko kinuha ang inaabot niyang pera.
“You have my wallet, right?” aniya.
“Heto na sir, ikaw na ang maghawak dahil sa iyo iyan,” sabi ko saka binigay ang wallet niya na tinanggihan din niyang kuhanin.
“No, you keep it. You have my permission to bring my wallet anytime you want,” aniya na nagpataas ng isang kilay ko, does he think I’m a gold digger or some sh*t?
Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Bahala siya. Muli siyang nagmaneho, kahit anong pilit ko sa kanya na sabihin kung saan kami pupunta ay nanatiling tikom ang kanyang bibig. Nanlaki na lang ang aking mga mata ng mag-park siya sa isang tabi, malapit sa night market kung saan may mga iba’t ibang klase ng pagkain ang tinitinda.
“Dito sir?” tanong ko.
“Yeah,” sagot niya saka tinanggal ang seatbelt niya.
“Let’s go, I know you’re starving,” aniya at saka bumaba, nagmadali siyang umikot para pagbuksan ako ng pintuan. I rolled my eyes and was about to tell him that I’m not paralyzed and I can manage myself. Pero iyon ang gusto niya e, hayaan ko na lang siya.
Pagkababa ko ay hinawakan niya agad ang kamay ko at hinila. Nang malapit na kami ay hinigit ko ang kamay niya, “Sir, ang daming tao!”
Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay ng lumingon siya sa akin, “so what?” aniya.
“Baka pagkaguluhan ka dito sir! Tiyak na makikilala ka ng mga tao, wala ka man lang takip sa mukha!” exaggerated ko na sabi.
Kung titignan mo naman kasi siya ngayon ay talagang mahahalata na hindi siya ordinaryong mamamayan lang. He’s wearing a black sumptuous sweater, and white graphic-printed button-downs, at black skinny jeans and black matte boots. Idagdag pa na mukha siyang modelong lumabas sa magazine, kahit pinasadahan lamang ng spray ang buhok niya at bahagyang ginulo at ni-brush back ay sobrang bumagay pa din sa dirty rugged look niya. Kung makakakita ka ng ganyang tao, siguradong mapapahinto ka at tititigan na lamang siya. Kaya’t hindi ko maintindihan kung bakit nagtataka pa siya na nag-aalala ako na makita siya ng maraming tao.
“And? Are you ashamed to be seen in public with me?” tanong niya, halos malaglag ang panga ko sa response niya. What is he thinking?
“No, are you?” huli na ng mapagtanto ko na pine-personal ko na ang nangyayari at nawawala ako sa focus. Naloloka na kasi ako sa lalaking ito.
“Of course not, I want everyone to see that I’m with you,” sagot niya na lalong nakadagdag sa sakit ng ulo ko. Saan ba ang brain cells ng lalaking ito? Pag nakita kami ng mga tao na magkasama, for sure magiging issue iyon. He even dared to say he wanted everyone to see me with him, ano lang ba ang suot ko? White t-shirt at black rugged jeans at converse shoes, ang buhok ko naman ay nakalugay lamang dahil nga hindi ko pa rin mai-ponytail dahil sa sobrang kulot. Anong pinagsasabi niya? Calm down, Patricia. Don’t let him get into you. Pagsubok lamang ang kakulitan niya. I composed myself bago siya muling kausapin, I need to knock some sense into him.
“Sir, pagkakaguluhan ka nga dito, pag nagkagulo tiyak, lagot tayong dalawa. Mapapagalitan tayo sigura- ahh,” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang lumapit at hinila ang kamay ko. It became his habit na hilahin ako and why am I letting him do that anyway?
“You talk too much, you’re just hungry,” aniya habang gina-guide ako papunta sa mga stalls. Kita ko naman na napapatingin ang mga tao sa amin, ang iba ay nagbubulungan na, I even heard someone mentioned his name.
Huminto kami sa isang stall, may mga pritong kung ano-ano, proven, isaw, tokwa, hotdog, at iba pa. Nakaramdam tuloy ako ng gutom.
“Get all you want,” aniya saka siya kumuha ng cup at pantusok, binigyan na rin niya ako.
“Sandali sir, wala akong pambayad,” sabi ko saka binalik sa kanya ang cup at stick.
“You have my wallet, remember? Now, get all you want, no more questions,” napa-irap na lamang ako sa kanya. Tila naka-isip naman ako ng magandang ideya, get all I want pala ha, sige, lustayin natin ang pera mo!
Kumuha ako ng madaming pagkain, napatingin naman siya sa akin na nagtataka habang kumakain din siya. “You’re that starved huh?” aniya, inirapan ko lamang siya saka kumain.
Ng matapos sa mga pritong pagkain ay nagtungo naman ako sa barbeque stall at kumuha ng paborito ko na balun-balonan, kumuha na din ako ng ballot, sigurado ay ayaw ni Vaughn ng ganito. Nagbukas ako ng isa at ibinigay iyon kay Vaughn, tinanggap naman niya iyon at saka sinumulan na kainin. What? I thought ayaw niya ng ganoon dahil maselan siya sa pagkain saka rich kiddo siya kaya naisip ko na hindi pa siya nakakatikim ng ganoon. Napamangha niya ako sa part na iyon.
Sobrang nabusog ako ng umalis kami sa barbeque stall, pero hindi, nakakita ako ng mango graham shake kaya naman nag-order na din ako ng pinakamalaki. Bahala ng maghalo-halo sa tiyan ko ito.
Marami pa kaming pinuntahan na stalls, lustay kung lustay ang pera niya, nag take-out pa ako para may makain mamaya at saka mai-share ko din sa mga kabanda ni Vaughn. Speaking of banda, sh*t! May performance pa nga pala sila. Sobrang na-enjoy ko ang gabi, hindi ko na naisip ang mga responsibilidad ko. Hindi ko na rin namalayan na sinusundan at tinitignan na pala kami ng mga tao.
Tinignan ko ang relo ko at halos lumuwa ang mata ko ng makita kung anong oras na, bumaling ako kay Vaughn, “Sir Vaugh 10:30 na! Kailangan na nating pumunta sa event naku baka ma-late ka!” nagpapanic ko na sabi.
“Easy, we’re lined up at 11 pm,” aniya.
“Pero baka hindi tayo maka-abot!” sabi ko.
“We’ll get there on time, trust me,” aniya saka marahan na kinuha ang kamay ko at naglakad na kami hanggang makarating sa sasakyan, medyo naging mahirap nga lamang ang aming pag-alis dahil madami ang sumasalubong na fans sa amin na gustong makita at makapagpa-picture sa kanya. May mga mangilan-ngilan siyang napapa-unlakan pero karamihan ay tinatanggihan na niya.
Katulad kanina ay pinagbuksan niya ako ng pinto at kinabit ang seatbelt ko saka siya nagpunta sa driver’s seat. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan saka nagmaneho paalis sa lugar.
“Sir yung wallet mo,” sabi ko saka nilahad ang wallet niya, nasa 5 thousand din siguro ang nagastos namin ngayong gabi.
“Keep it,” aniya habang naka-focus sa pagmamaneho.
“Huh, hala sir, hindi naman sa akin ito,” sabi ko at pilit pa rin iniaabot ang wallet niya sa kanya.
“Keep it cause we’re gonna use it for some other time,” aniya.
“Libre mo ba ulit?” sabi ko, wow ang kapal ng mukha ko.
“Yeah, that’s why you need to keep it,” napa-awang na lamang ang labi ko sa sinabi niya. Totoo ba?
“Naku ayaw ko nga sir, ikaw na magtago niyang wallet mo, baka maiwala ko pa yan, o kaya ay magastos ko,” sabi ko saka inilagay sa loob ng center console ng sasakyan ang wallet niya.
“Spend it all, I don’t care, just keep it,” aniya. Anong trip ng lalaking ito? Saan niya hinuhugot ang mag sinasabi niya ngayon sa akin.
Tumahimik ako saglit, nag-iisip ng sasabihin sa kanya. Why the hell did the atmosphere became awkward suddenly?
“Libre lang hinihiling ko, binigay mo na wallet mo. Bahala ka sir, baka masanay ako niyan,” pabirong sabi ko. Wala na akong maisip na sasabihin pa sa kanya. Lumiko siya sa isang private entrance papunta sa event hall, nandirito na pala kami. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako muli ng pintuan aka tinanggal ang seatbelt ko. Hinawakan niya ang bewang ko at ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kamay ko saka niya ako tinulungan bumaba. Buong akala ko ay wala siyang reaksyon sa sinabi ko kanina pero kinagulat ko ng magsalita siya patungkol doon.
He smiled at me and then said, “That was the plan all along, Happy.”