Patricia’s Point of View 2 weeks na ang nakalipas. Madami na ang nagbago sa loob ng maikling panahon. Ang EVE, mas naging tight ang friendship, pero syempre hindi pa din mawawala ang tampuhan paminsan-minsan. Still, nandoon pa din ang pagkakaintindihan. Sa case ni Lance at Vaughn, they may have a quiet rivalry but they take it privately between them. Hindi nila hinahayaan ma-involve ang EVE sa sitwasyon nila. Pinagkatiwala ko na sa team ko ang paghahanap kay Trina Valencia, the last thing I heard ay nasa Japan siya dahil may nahuling shipment ng droga doon. And they were very busy with the yakuza’s na gusto nilang maka-merge. As for me, 3 days na ko na tambay dito sa dorm nila. Pagkapull-out nila sa akin sa hospital, sila na ang nag-alaga sa akin. they won’t let me do anything sa dorm,

