Chapter 8

2790 Words
Patricia’s Point of View “Bakit nasa iyo ang picture ko, Pierce?” I asked as my tears are running down and I can’t help it. Nanatili siyang tikom ang bibig na siyang kina-iinis ko. Bakit ayaw niyang magsalita? Napakadaming tumatakbo sa isipan ko. Ang daming konklusyon na ang aking naisip. If he was really Vince or was it just coincidence? Why did he change his name? Was it really him? “Please magsalita ka, Pierce! Wag mo akong gawing tanga dito!” sigaw ko sa kanya at samantalang siya naman ay nakatulala lamang sa akin. “Patricia…” may lungkot sa mga salita niya, damn it. It was him. He knows my real name. Pierce was Vince all along. How could I be so stupid? Bakit wala ito sa mga impormasyon na nakalap ko? Was he really that powerful para baguhin ang kanyang pagkatao? Ramdam ko na lumapit siya sa akin kahit nakayuko ako. Tumingala ako sa kanya at buong lakas ko siyang sinampal. Binuhos ko lahat ng sama ng loob na dinala ko sa matagal na panahon mula sa sampal na yon. Kulang pa. Kulang pa ang lahat ng iyon. “Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!” sigaw ko. “Sandali lang, Happy. Calm down. Patricia yu-” Hinawakan niya ang braso ko. “Get your filthy hands off me,” ma-awtoridad ko na sabi sa kanya. Tinanggal naman niya agad ito. “I’m sorry,” mahina niyang sabi habang nakayuko. Ano ngayon? Hindi ka makapagsalita? Bistado ka na! Now I know kung bakit pinipilit mong lumapit sa akin. I walked out on him. I can’t believe it! Kasama ko lang pala yung taong kinamumuhian ko, ang dahilan ng poot at galit na dinadala ko hanggang ngayon. Ang tanga tanga mo Patricia! Author's Narration “Kanina pa umalis si Happy ah. Bakit hindi pa siya bumabalik?” tanong ni Drew na nakahiga ngayon sa sofa habang pinapa-ikot ang drum stick sa daliri niya. “Hoy Pierce, ikaw ang huling nag-cr. Hindi mo ba siya nakasabay pabalik o nakasalubong man lang?” tanong ni Blake kay Pierce. Nagtataka sila kung bakit ang tahimik ngayon ni Pierce samantalang kanina lamang ay masigla siya. “Hindi,” diretsong sagot ni Pierce. Something’s wrong with him, sa isip ng mga kasama. Hindi ganoon umasta si Pierce noon pa man. Kahit sinasakit ay energetic pa rin siya. He’s like the happy pill of the band. “Baka nagkusa na siyang umalis, that’s good,” komento ni Drew. “I’ll look for her,” biglang sabi ni Lance. Nagulat pa ang iba sa pagsasalita niya dahil ang tagal din niyang nanahimik. Ayon nga kay Drew ay para siyang babae na nagtatampo na may pa-silent treatment pa. They are actually amazed that Lance pulled off that stunt. Kung sila ang hindi makikipag-usap kanino man sa loob ng ilang araw? Baka mabaliw sila. “No. You still have sanctions remember, Lance?” pigil sa kanya ni Drew. Yes, after what happened in Pampanga ay pinatawag kaagad sila ng CEO para magreport sa kanya. It was a really heated argument between the CEO and Vaughn. Sobrang kulit ni Vaughn, to the point na sarado na ang isip niya. Ipipilit niya talaga ang gusto niya. Mabuti na lamang at pumayag si Lance sa gusto ng CEO na wag lumapit kay Happy, though nalungkot siya dahil kailangan pang ungkatin ng CEO ang nakaraan niya para mapapayag siya. According to the CEO the band should retain their employee and employer relationship with their maid, she’s there to work for them, nothing less and nothing more. But of course, Vaughn could not accept that, alam naman nilang lahat na may gusto siya kay Happy, tanga na lamang ang hindi makakapansin noon, kasama na si Happy mismo dahil mukhang wala siyang kaide-ideya na may pagtingin na sa kanya si Vaughn. Wala siyang ideya na ang lahat ng nangyayaring ito ay dahil sa kanya. “I’ll go,” nagulat sila sa biglaang pagsasalita ni Vaughn at saka ito tumayo mula sa sofa at naglakad patungo sa pintuan. Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad si Happy. “Bakit ang tagal mo? saan ka ba nagpunta? May ipapagawa pa ako sa iyo,” sabi ni Drew sa kanya, bahagyang nagulat siya ng samaan siya ng tingin ni Happy. Yung mga titig na parang tumatagos. Something’s changed, hindi man ma-pinpoint iyon pero sigurado sila na may nagbago kay Happy. “H-hoy! S-sumagot ka,” wika ulit ni Drew. He’s really provoking Happy. Samantalang si Happy ay tahimik lang at matalim ang titig sa kanya. This is the first time na makita nilang ganoon si Happy. Nakakatakot. Nakakapangilabot. Mas nakakatakot pa siya kay Vaughn kung magalit. “Ang mabuti pa. Umuwi na tayo!” sabi naman ni Blake. Mas mabuti ng mai-divert ang atensyon ni Happy dahil hindi nila ma-estima ang pwedeng gawin ni Happy. She’s gone mad. Kung magpapatuloy ang pagprovoke sa kaniya ni Drew ay baka may masamang mangyari pa. Hindi si Happy na nakilala nila ang kaharap nila ngayon. “Yeah, let’s go,” pagsang-ayon naman ni Pierce. Sa wakas ay nagsalita na siya, bakas ang pag-aalala niya kay Happy. “I’ll drive,” pagvovolunteer ni Lance, nilapitan niya si Happy. Ramdam niya rin siguro na iba ang aura ngayon ni Happy. “Ako na,” malakas at buo ang pagkakasabi noon ni Happy. 2 words, 5 letters. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ang buong banda ng matinding takot. Tila isa siyang mabangis na hayop na handang sumunggab ng kalaban at mas nakakapanindig balahibo ang boses niya. “Alright,” tumango na lamang si Lance. Kahit na kinakabahan na sa tulin ng pagmamaneho ni Happy ay walang nagreklamo, kahit na si Drew ay hindi naka-imik. Ito ba ang totoong Happy? Tanong nila sa kanilang isipan. Pagkarating sa dorm ay namumuntawi pa rin ang katahimikan. Nanatili lamang sila sa living area samantalang dumiretso naman sa kwarto si Happy, hinayaan na lamang nila siya. “Ano yung kanina?” seryosong tanong ni Blake sa mga kasama ng mawala sa paningin nila si Happy? “She’s a different person a while ago,” si Lance naman ang nagsalita, he looked so worried. “Yeah, like she’s ready to kill,” nakatulalang sambit ni Pierce, napansin din ng mga kasama na kanina pa siya parang lutang. Ano ba ang nasa isip niya? “Enough! Just let her rest, she’ll cool down sooner or later,” sabi naman ni Vaughn saka sila iniwanan. “As she should be, marami pa akong ipapagawa,” Drew said while smiling widely, mukhang marami na naman siyang binabalak. “Would you please stop this madness, Drew? This is too much already and the only thing you’re thinking right now ay ang mag-utos sa kanya? Pagpahingahin mo naman yung tao, wala ka bang konsiderasyon?” nagulat ang lahat sa pag-burst out ni Lance. This is the first time na magalit siya. Hindi na umimik pa si Drew. Alam kasi niyang seryoso na si Lance dahil sa tono ng pananalita niya, at aminado din naman siya. “Pero napansin nyo ba, sobrang iba siya kanina? Yung mga titig niya, yung pananalita nuya, yung paggalaw nuya. Ibang iba sa Happy na nakilala natin,” pagco-conclude ni Pierce, saka biglang tumayo. Tatlo na lamang naiwan sa living area sila Blake, Lance at Drew. Tulala sa mga pangyayari na naganap kanina. Patricia’s Point of View Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nahiga. Damn it, I have to calm myself. Hindi ako dapat ma-sway ng dahil lamang doon. Bakit ba ako nagsasayang ng mga luha para sa walang kwentang Pierce na yun. He’s not even worth it. It’s just frustrating dahil ang yung taong gusto ko na paghigantihan ay kailangan kong protektahan. Nagfaflashback sa akin ang mga ginawa niya. Ang ginawa ng pamilya niya. Yung pagluhod at pagmamakaawa ko sa kanila ng magulang niya. Masakit pa rin pala kahit lumipas na ang panahon, never maghihilom ang sugat na tinamo ko dahil sa kanya sampu ng kanyang pamilya. I loathe them. Nagpalit lamang siya ng pangalan pero hindi mapapalitan yung sakit na dinulot niya sa akin. Dahil na rin sa pagod kaya maka-ilang minuto ang nakakalipas ay nakaramdam ako ng antok, I let myself sleep. Pagkagising ko ay sana maayos na ang lahat. “Sandali nasaan ako?” nagtatakang tanong ni ko. Malabo ang aking paningin at tila ako lamang ang tao sa paligid. Nilibot ko ang aking paningin, pamilyar ang lugar na ito sa akin. Nakita ko naman ang dalawang bata na nakatalikod sa akin, isang batang babae at batang lalake, nakaupo sila sa isang mahabang silya at naglalaro ng barilan. Lumapit ako sa mga bata pero nagmistulang hangin lamang ako na walang mahawakan. Natigilan ako ng makita ang mga mukha ng mga bata sa harapan ko. “It was me and Vince when we were younger. We were close back then he was my childhood best friend.” Nangilid ang mga luha ko. Why am I here? Natatandaan ko ang pangyayaring ito na halos 20 taon na ang nakakaraan, 5 taong gulang lamang ako noon. Kasama ko ang matalik ko na kaibigan, si Vince. Kahit na nakakatanda siya sa akin ay naging malapit pa rin ako sa kanya sapagkat nagta-trabaho ang mga magulang ko sa pamilya niya bilang isang agent na naatasan para protektahan ang angkan nila. “Patricia!” sigaw ng batang lalaki. “Oh?” tanong ng batang babae habang kumakain ng sandwich. “Pag laki ko pakakasalan kita,” sagot niya habang pinipisil ang pisngi ng batang babae. “Kuya Vince naman, ang sakit ng kurot mo! At saka, bawal pa magpakasal kasi sabi ni mama!” reklamo ng batang babae. Pinipilit niyang alisin ang mga kamay nito sa pisngi niya. “Hindi naman ngayon ah, madaming tulog pa bago kita papakasalan,” sabi ng batang Vince. “Ilang tulog na lang kuya?” tanong ng batang Patricia. “Hindi ko alam, sabi ng Papa mo 10,000 na tulog na lang daw pwede na kitang pakasalan,” pagmamayabang ng batang Vince. “Matagal pa naman yon ah! Baka patay na tayo noon, magiging butterfly na tayo,” At nagtawanan silang dalawa. Those were the happy times, kahit sobrang babaw ay maligaya kami. Nagulat ako ng makarating sa ibang dimension. Halos manlambot ang mga paa ko sa nakitang bagong scenario. Ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko that happened 15 years ago. I was only 10 years old at that time. I saw myself kneeling next to my parent’s dead body na natatabunan ng putting kumot. “Kuya Vince, dalhin natin sila sa hospital!” umiiyak na sabi ng batang Patricia. Vince was also covered in blood, gayun din ang kanyang ulo. Dumating ang ambulansya ngunit si Vince lamang ang kinuha nila. Samantalang naiwan ang mga bangkay ng magulang ko, kinuha na lamang ito ng rescue unit para dalhin sa punerarya. Sa ibang dimension na naman ako napunta. Sa mansion ng mga Guidotti, kasama ko ngayon ang aking tiyo na si tiyo Manuel. “You should take responsibility for what happened to my brother and sister-in-law!” sigaw ni tiyo Manuel. “Wala kaming responsibilad sa mga nangyari. It was an accident, Manuel! And it’s their job to protect my son!” sigaw ng ama ni Vince. “Walang aksidente na mangyayari kung hindi nilito ng anak ninyo ang radar ng kapatid ko, ang sinasabi ninyong prank ng anak ninyo, katumbas ay buhay nila!” sigaw muli ni Tiyo. I remember, kung ano ang pinagmulan ng aksidente ayon sa kwento ni Vince ng marinig ko siyang kausap ang mga pulis. He pulled a prank on my papa! Nakataas ang warning sa mansion ng araw na iyon dahil nakatanggap ng death threats ang ama ni Vince kaya nanatili lamang sina papa at mama para bantayan si Vince sa mansion. Vince, being a brat kid, pulled a prank by picking all the buttons on my dad’s radar remote. Dahilan para mag-alarm ang buong mansion, inakala naman ng aking mga magulang ay nilusob na sila kaya nagmadali silang umalis kasama ni Vince. Ang hindi alam ng mga magulang ko ay may nag-aabang na um-ambush sa kanila sa labas. Nakipaglaban hanggang sa huli ang mga magulang ko. Kahit sugatan ay lumaban sila para maprotektahan si Vince. Yes, Vince is safe but my parents did not survive. “He was just a kid! And he’s hurt too, Manuel,” sigaw naman ng in ani Vince. “And they’re dead! This is so unfair, paano na lamang ang anak nilang naiwan?” nanlulumong sabi ni tiyo Manuel. “We’ll take care of her, after all, Vince needs someone para maprotektahan siya. Patricia will be a good replacement for her parents. We just have to teach her, I’m sure she has the skills too since her parents are both agents,” wika ng ama ni Vince. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Nawalan ng mga magulang ang pamangkin ko at ngayon ay gusto mo siyang isabak sa larangan na siyang pumatay sa kanyang mga magulang. Hindi ko akalain na ganyan kayo ka walang hiya. I quit, hinding hindi na ako muling magtatrabaho pa sa angkan ninyo. Ang pagseserbisyo ng pamilya namin ay natatapos na ngayon,” diretsong wika ng aking tiyo. Doon na natapos ang eksenang iyon. Napaiyak ako sa nasaksihang eksena. “Kung panaginip ito, pakiusap, ayoko na. Gisingin ninyo ako. Isa itong bangungot!” sigaw ko. Nanlabo ulit ang paningin niya at napunta sa ibang dimension. Ito ang eksena na pilit ko ng kinakalimutan. Dalawang taon pagkalipas ng pagkamatay ng aking mga magulang ay muli kong naramdaman ang sakit. Na sa kauna-unahang pagkakataon na lumuhod ako at nag-makaawa. “Kuya Vince, please, tulungan mo akong hanapin ang pumatay sa aking mga magulang. Sabi ng lawyer namin ay dapat makakuha ako ng witness para mabuksan ang kaso, ikaw lamang ang nandoon ng mangyari iyon!” naluluhang paki-usap ko kay Vince. “Hindi kita matutulungan Patricia. Patawarin mo ako,” sagot ni Vince. “Bakit? Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Bakit mo ako tinatanggihan ngayon, naging mabuti naman ang mga magulang ko sa iyo! At matalik kitang kaibigan,” sigaw ko. “Hindi na ngayon, simula ngayon, hindi na tayo magka-ibigan,” aniya saka siya tinalikuran. “Pakiusap Vince, tulungan mo ako. Walang ibang tutulong sa akin. Hindi ko kayang mag-isa. Hindi ko kaya. Kailangan kita!” iyak ko saka hinawakan ang braso niya, unti-unti akong lumuhod para magmakaawa sa kanya. “Kung ganoon ay dapat ka nang masanay na mag-isa. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong humingi ng tulong sa iba. Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa at hindi lang nakadepende sa ibang tao. Tigilan mo na ang paghingi ng tulong sa akin, at wag ka ng pupunta sa mansion para magmakaawa sa mga magulang ko. Tigilan mo na ako,” wika ni Vince, nakatayo lamang siya at hindi natitinag, ni hindi man lang ako matignan. “Anong naging kasalanan ko sa iyo? Bakit? Bakit!” sigaw ko. “Wala dahil ako ang may kasalanan sa iyo!” sigaw din niya. Natulala lamang ako. Unti-unti na akong tumayo. Pinagpatuloy naman niya ang pagsasalita. “It was all my fault. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo. I pranked your mom and dad that’s why we drove away from the mansion dahilan kung bakit kami na-ambush. Di’ba alam mo na yon? Tanga ka ba? Bakit nagmamaang-maangan ka na hindi mo alam o wala kang pakialam?” pagalit na sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Natauhan ako. Oo, alam ko ang lahat na siya ang may kasalanan. Hindi ko alam kung bakit pinagtatanggol ko pa rin siya, bakit dine-deny ko na siya ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ko. But now, I came to my senses. Siguro iyon lang ang kailangan ko para tuluyang matauhan. “Alam mo ba hanggang sa huli ay iniisip ko na iba ka sa mga magulang mo? Pero hindi pala. Katulad ka din nila. Ganid sa kapangyarihan, ganid sa yaman. Walang pakialam sa iba, maliban na lamang kung napapakinabangan. Salamat na lang sa lahat Vince. Akala ko may pag-asa pang matulungan mo ako, pero hindi pala. Wag kang mag-alala, hinding hindi na ako hihingi pa ng tulong sa iyo! I hate you, very much!” Napa-igtad ako ng maramdaman ang sakit ng katawan ko, nahulog pala ako sa kama. Pinunasan ko ang aking mukha, nagulat ako ng may mga ilang luha ako. Was it because of my dream? Naikuyom ko ang palad ko. Hindi ko nalilimutan ang lahat. Tumayo ako saka inayos ang aking sarili. Sa ngayon, kailangan ko na lamang tapusin ang obligasyon ko. May tamang panahon para kay Pierce, hindi lahat ng araw ay para sa kanya, may araw din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD