JARED's POV
"Alin ba dito? Ba't ba kasi ang daming susi!" rinig kong wika nong lalaking nagngangalang Ray mula sa labas ng pintuan ng banyo.
Pinagsisikapan nilang buksan ang pinto ng banyo. Napabuntong hininga ako. Paano ako mapapatawad ni Clyde kung nasa katawan ako ng ibang tao! Nakakainis.
"Drake, don't do anything stupid! Ako talaga ang papatay sa'yo!" maiyak iyak na sigaw ni Ray. Ano ako sira? Double kill ang tawag don.
Anyway. This face seems familiar. Saan ko ba nakita ang pagmumukha na'to.
"Drake!" nagulat ako ng bumukas ang pinto at talunan ako ni Ray. Natumba kami sa sahig. Siya iyong nakapaimbabaw sa'kin. Ang sakit lang ng katawan ko.
"Aray ko. Baliw ka ba?" daing ko.
"Ray, ano bang ginagawa mo. Papatayin mo na ba siya?" inis na tanong ng doctor.
"Drake. Huwag ka na ulit magpapakamatay. Alam mo namang ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko ngayon. Huhuhu" hagulgol nito. Bakla ba to?
Niyakap niya pa ako.
Buong lakas ko siyang itinulak.
"Aray ang harsh mo!" daing neto. Tumayo ako at inayos ang sarili ko.
"Okay na'ko. Pwedi na ba akong umuwi? Mas gusto ko doon sa bahay magpahinga keysa dito." wika ko sa Doctor. "lalo ata akong magkakasakit dito sa ospital." dagdag ko pa.
"Let's wait for your laboratory results. Kapag okay naman. Pwedi na kitang palabasin mamayang gabi." aniya.
"Ray, right?" tawag ko sa lalaking nakahiga parin sa sahig at nagdra-drama.
"Naalala mo na ako?" tanong niya na mukhang nabuhayan ng loob.
"Gusto ko ng ice cream pwedi mo ba akong bilhan?" tanong ko. Nagkatinginan sina Ray at ang doctor.
"Sa tingin ko kailangan kong i review ulit ang mga test results niya noong nakaraang araw. Magpahinga ka muna dito. Pwedi ka namang kumain ng ice cream. Magpa deliver kana lang, Ray." wika nito at lumabas na ng silid.
Alam ko namang walang patutunguhan kapag nag insist ako na hindi ako iyong kilala nilang si Drake. Isa pa baka isipin pa nilang baliw ako at ipatapon nila ako sa mental ospital. Kaya for the mean time ay magpapanggap na lang nga akong siya. Pero una sa lahat kailangan ko muna siyang kilalanin.
"P*tangina. Anong sabi mo?" malutong kong mura ng mapag-alaman na si Drake Montefalcon ay isa palang artista. At hindi lang basta basta isang artista, isa siya sa pinakasikat na lead actor ngayon sa mga pelikula at teleserye. Nanalo na rin siya ng maraming awards sa pag-aacting. Magaling rin siyang kumanta at sumayaw.
Sobrang perfect nga niya. Pero napapaisip ako kung bakit ang isang gaya niya ay naisipan pang magpakamatay?
"Ano ka ba? Nahulog ka lang sa ilong nagmumura ka na. Saka hinayaan mong boses mo marinig ka ng ibang tao tiyak masisira ang image mo." saway ni Ray.
Kinakain namin iyong binili niyang ice cream.
"Wala ka ba talagang naaalala?" tanong ni Ray.
Lumingo lingo ako. "Wala siguro nalagyan ng maraming tubig iyong utak ko kaya naman wala akong maalala."
Sinapak niya ako sa balikat.
"Aray! Namumuro ka na!" sigaw ko.
"Buti nga yan sayo! Alam mo bang maraming tao sa ospital na tu ang lumalaban para mabuhay? Tapos ikaw sasayangin mo lang ang buhay mo?"
May point naman si Ray. Bakit nga ba tumalon sa ilong si Drake? Sabagay sobrang stressful at pressure naman talaga kapag nag-aartista. Buti na lang di ko pinasok ang larangan na iyon.
"Gusto ko sanang magpahinga muna ng ilang araw bago ako bumalik sa trabaho. Pwedi bakong mag stay sa Davao?" Nabasa ko kanina sa isang resibong nakakalat sa lamesa na nasa Maynila kami ngayon.
Naibuga ni Ray ang tubig na iniinom niya sa mukha ko.
"Salamat ha? Will I take this as a Yes?" nandidiri kong wika habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang tissue.
"Davao? Nasisiraan ka na ba? Bakit ang layo?" tanong ni Ray. " Pwedi ka naman sa resthouse mo sa Tagaytay." aniya.
"Ayoko doon. Mas gusto ko sa Davao. Mas makakapagrelax ako doon." wika ko.
"Well, I don't think that's a bad idea. Mas mabuti nga sigurong lumayo muna siya sa stress ng showbizness. Makakatulong iyon sa recovery niya." wika ng doctor na kakapasok lang.
"Pero Davao of all? Hindi ko siya masasamahan dun kung ganun kalayo. Sinong magmamanage sa mga negosyo mo dito sa Manila?"
"Sino bang nagsabi na isasama kita? Pupunta ako sa Davao mag-isa."
"Baliw ka ba? After what happened sa tingin mo papayagan kitang mag-isa?"
"Andun ang kapatid ko sa Davao. You can stay with Michael if you want. Para panatag naman ang loob ni Ray." wika nung doctor.
"Pero Chad-"
"I check all his lab results and all came out well. I guess his traumatic experience in the river made him loss his memories temporarily. Kailangan niya munang magpahinga habang hindi pa bumabalik ang memorya niya."
"Gusto ko rin sanang itago muna sa media ang pagkakaroon ko ng amnesia." Wika ko pa. Napabuntong hininga si Ray.
"Two weeks ka lang sa Davao. Hindi ka pweding tumagal doon. I'll check on you from time to time kaya huwag mong i-ooff ang cp mo kung ayaw mong mapasugod ako roon. Kilala ko naman si Michael, alam.kong di ka niya pababayaan doon. Just don't do something stupid again."
Isang private plane ang sinakyan ko kinabukasan. From airport ay sinundo ako ng isang van at dinala sa isang first class subdivision.
"Dad, siya ba talaga si Drake Montefalcon?" tanong ng isang batang babae sakin. Sa tantya ko nasa apat o limang taong gulang pa lamang siya.
"Yes sweetie at dito siya magste-stay satin ng ilang linggo." lumapad ang pagkakangiti ng bibong bata.
"Welcome sa Davao, Drake. Hindi ko aakalain na mapapadpad ka rito." ani Michael.
"Sobrang gulo sa Maynila gusto ko munang magrelax dito." wika ko.
Matagal kaming nagkwentuhan ni Michael sa terrace nila. Kasama namin ang kanyang mabait na asawa at makulit na anak na si Lucy.
"Oh, baka gusto mo ng magpahinga sa kwarto mo." ani Michael.
"Gusto ko sanang maglibot libot muna sa Davao."
"Sure sasamahan kita." ani Michael.
"Nakakapagtaka mukhang alam na alam mo ang Davao keysa sakin. Sa pagkakaalam ko first time mong pumunta dito ngayon." kantyaw ni Michael. Nasa loob kami ng kotse at nagmamaneho siya.
"Naniniwala ka ba na may mga pangyayari o bagay bagay sa mundo na mahirap maipaliwanag?" tanong ko.
Tinignan niya ako tapos ibinalik niya ang atensyon niya sa kalsada.
"Ou, dahil minsan ko naring naranasang mahiwalay sa katawan ko ng ilang buwan. "
Tinignan ko siya.
"Siyam na buwan akong na comatose noon. Isang aksidenteng nagpabago sa buhay ko. It was the scariest part dahil akala ko hindi na'ko makakabalik sa pamilya ko. Thank God at naawa siya sakin. Pinatawad niya ako at pinagbigyan na makasama pa muli sina Lucy at Grace."
"Kung sasabihin ko ba sayong hindi ako si Drake Montefalcon maniniwala ka ba?"
Napatapak sa break ng sasakyan si Michael. Ikinwento ko sa kanya lahat lahat. At nakiusap ako na huwag niyang sasabihin kay Ray ang nalaman niya.
"Dito ba ang bahay niyo?" tanong ni Michael. Tumango ako nasa loob parin kami ng kotse. Lalabas sana ako ng pigilan niya ako.
"Alalahanin mo. Hindi ka si Adrian kundi si Drake Montefalcon. Hindi ka pweding basta basta na lang magpakita in public. Mapapahamak ka. Mapapahamak si Drake. Ang pakiusap ko lang ay huwag mong pababayaan si Drake. Isang mabuting tao si Drake Montefalcon."
Ganun na lang ang kabog ng puso ko ng makita ang pamilyar na mukhang hinahanap ko.
Nakangiti siya habang naglalakad sa labas kasama ang kambal na sina Jiro at Riu. Apat na taong gulang pa lamang ang kambal ko.
Gusto kong yakapin ang mag-ina ko. Gusto ko silang halikan. Gusto kong sabihin na nagbalik na ako. Gusto kong maglakad kasama nila. Mga bagay na bihira kong gawin noong nabubuhay pa ako dahil abala ako sa iba ibang babae.
"Bakit niya ginawa sakin to? Bakit niya ako pinarusahan ng ganito?" wika ko habang umiiyak.
"Minsan binibigyan tayo ng kakaibang pagsubok ng nasa Itaas para itama niya tayo sating pagkakamali. Huwag mong isipin na pinaparusahan ka Niya Adrian. Dahil tulad ng isang ama na mahal ang anak niya ginagawa niya lamang ito upang ituwid ka. Hindi pa huli ang lahat, mswerte ka parin at binigyan ka niya ng pagkakataon na makita at makasama sila ulit kahit sandaling panahon man lang."
"Huwag kang mag-alala tutulungan kita. Hahayaan kitang makalapit sa kanila basta ipangako mo lang sakin na pro-protektahan mo rin si Drake. Alam.kong may rason kung bakit kayo pinagtagpong dalawa. Ako na ang bahala kay Ray."
"Salamat Michael." lumabas ako ng kotse na may suot na sumbrero at shades. Gumamit rin ako ng itim na facemask.
Naglakad ako papunta sa bahay namin. May nakita akong karatola sa gate. Naghahanap ng Babysitter si Clyde.
Pinindot ko ang doorbell sa gilid. Maya maya lang ay bumukas ang gate. Ganun na lang ang pagtambol ng puso ko halos hindi ako makahinga.
"Sino ka?" takang tanong ni Clyde. Matagal bago ako nakapagsalita.
"Baka maling bahay iyong pinuntahan mo." isasara niya sana ang gate ng ipinangharang ko ang kamay ko.
"Aray!" daing ko.
"Naku, okay ka lang ba kuya? Bakit mo kasi hinarang ang kamay mo."
"Mag-aapply akong Babysitter."
I saw how her jaw dropped. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Tapos ,tinignan niya ang karatola sa kanyang gate.
"Sorry pero babae ang hinahanap ko."
"Magaling akong magluto, maglaba, maglinis ng bahay at mag alaga ng mga bata! Please maawa ka sakin wala nakong ibang pupuntahan."
"Pasyensya na talaga pero babae ang hinahanap ko. Subukan mo na lang sa iba." pagtataboy niya sakin.
Mukhang mahihirapan ako kay Clyde.
"Mommy! Mommy!" dali daling pumasok sa loob si Clyde dahil sa sigaw ni Jiro. Tumakbo rin ako papasok sa loob ng bahay.
"Riu!" sigaw ni Clyde. Nakahiga si Riu at walang malay sa sahig.
"Anong nangyari?" sigaw ni Clyde.
"Mommy, my snake!" sigaw ni Jiro.
Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ng malaking ahas na papunta sa isang bukas na silid. Dali dali akong tumakbo sa may kusina at kinuha ang itak na nasa may cabinet. Pagkatapos ay agad kong pinutulan ng ulo ang ahas.
"Riu! Gising! Riu!" pumunta ako kaagad kay Riu at itinaas ko ang pajama niya nakita ko ang bakas ng kagat ng ahas sa kanan niyang paa. Sinipsip ko ang kamandag ng ahas doon.
"Ang susi ng sasakyan kailangan natin siyang madala kaagad sa pagamutan." Sigaw ko. Kinakabahan ako ng husto ng oras na iyon. Dahil labis akong nag-aalala para kay Riu.
Dali daling tumakbo si Clyde at kinuha ang susi ng sasakyan. Binuhat ko si Riu at tumakbo ako papunta sa parking lot. Pumasok sina Jiro at Cylde sa backseat. Ibinigay ko kay Clyde si Riu. Kitang kita ko ang panginnginig ng mga kamay niya.
"Kailangan mong pakalmahin ang sarili mo, mhie. Kailangan ka ni Riu ngayon." patakbo kong binuksan ang gate pagkatapos ay bumalik ako sa sasakyan para magmaneho.
May malapit na ospital sa tinitirahan namin kaya agad na agapan ng lunas si Riu. Mabuti na lang at hindi agad kumalat sa katawan ni Riu ang kamandag ng ahas. Sobrang nagpasalamat ako sa Diyos dahil ligtas na si Riu.
Panay naman ang tinginan ng mga tao sakin. Binalot ko ng maigi ang pagmumukha ko dahil baka makilala nila ako. Sa lahat ng tao bakit kasi si Drake Montefalcon pa? Nahihirapan tuloy akong kumilos ng normal.
"Huwag kang mag-alala Misis okay na ang anak nyo." tinignan ako ng doctor. Iyong tingin na para akong isang hindi magpagkakatiwalaang tao o isang takas sa mental.
"Mommy, kailan po gigising si Riu?" tanong ni Jiro.
"Kailangan nya munang magpahinga anak. Mamaya gigising na si Riu."
"Salamat nga pala sa pagtulong mo samin kanina." wika ni Cylde. Takang tinignan niya ako dahil sa balot na balot ang mukha ko. Hindi naman ako mapakali at panay ang tingin ko sa paligid. Mahirap na baka may makakilala kay Drake. "Tinawag mo'kong Mhie kanina?"
Nagulat ako at napatingin sa kanya. "Ha?"
Napalingo siya. "Wala. Mali lang siguro ang pagkakarinig ko." Aniya. Hindi ko pala napigilan ang sarili ko at natawag ko siya sa nakaugalian kong itawag sa kanya noong nabubuhay pa ako.
"Bakit di natin i report sa village ang nangyari? Sa laki ng ahas na iyon sigurado akong nakawala iyon mula sa isa sa mga kapitbahay natin."
"Natin?"
"Ah? I mean, kapitbahay nyo? "
Maya maya lang ay tumunog ang cellphone ni Clyde. Lumayo siya sakin at kinausap ang nasa kabilang linya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil napapadalas ang pagkakadulas ng dila ko.
"Pwedi po bang samin ka na lang po tumira? Natatakot na po ako umuwi sa house po namin." wika ni Jiro.
"Gusto mo bang tumira ako sa inyo?" tanong ko sa kanya. Tumango siya ng tumango.
"Kung andun lang po si dadi, siguro hindi nakagat ng ahas si Riu."
Andito na si Dadi Jiro.
"Jiro..."
"Pasyesnya ka na kay Jiro." Ani Clyde.
"Naku, okay lang ganyan naman talaga ang mga bata."
"Kanina ko pa napapansin na binabalot mo ng maigi iyong mukha?"
"Ah? Eto ba? Nagka allergy kasi ako. hahaah. Sobrang nakakahiya."
Mukhang naniwala naman si Clyde. Pero pansin ko na para bang malaki ang problema niya.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya. Matagal bago nagsalita si Clyde na para bang nag-aalangan siyang sabihin sakin.
"It's okay mahirap naman talagang magtiwala sa taong di mo kilala." Tinignan niya si Riu. Tapos napabuntong hininga siya.
"Tumawag kasi sa'kin iyong Company na inapplayan ko. At gusto nila akong ma interview ngayon. Kaso walang magbabantay kina Jiro at Riu."
Simula ng maikasal kaming dalawa pinatigil ko na si Clyde sa pagtratrabaho. Hindi na niya na pursue ang pangarap niya dahil nagfocus siya dalawa naming anak at sa pamilya namin. Samantalang ako ng mga panahon na iyon ay hindi man lang nakita ang naging sakripisyo ni Clyde para sa pamilya namin.
"Hindi ka naman siguro magtatagal dun. Ako muna ang magbabantay sa mga bata. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako masamang tao. Pwedi mo'kong mapagkatiwalaan Clyde."
Nangunot ang noo niya.
"Kilala mo ba ako? Sino ka?"