Chapter 1
This story is inspired from the song I like you so much you'll know it :)
CHAPTER 1
JARED's POV
Naranasan mo na bang maKARMA?
Ako? Oo.
Ilang beses na. Di ko na nga mabilang sa dami.
Pero alam niyo kung anong matindi. Hindi man lang ako nadala.
Ilang linggo matapos kong tamaan ng karma ay balik na naman ako sa dating gawa.
Mambabae. Ou. BABAERO ako.
Nagsisisi ako. Sobrang nagsisisi. Dahil kahit ilang beses akong kinalabit nang nasa ITAAS thru Karma. Hindi talaga ako nadala.
Kaya nga siguro nangyari sa'kin to.
Namatay ako. Ou. DEAD ON THE SPOT mga pre. Dead on the spot ako kasama ang babaeng kalandian ko sa bar na hindi ko man lang matandaan ang pangalan. Ni hindi man lang ako nakapag-explain lahat na lang galit sa'kin.
KARMA.
BAGAY LANG SA KANYA YAN.
TIYAK SA IMPYERNO ANG BAGSAK NIYAN.
WALANG KWENTANG ASAWA.
Ilan lang iyan sa sandamukal na mga narinig ko noon sa burol ko. Gusto ko nga silang pagmumultuhin pero AYOKO namang madagdagan ang kasalanan Ko sa ITAAS kaya hinayaan ko na lang.
Wala naman akong paki sa iisipin sa'kin ng ibang tao. What bother's me eh kung ano ang nasa isip ni Clyde. Simula kasi ng mamatay ako ni hindi ko man lang siya nakitang umiyak.
You know what's worst about my parting? Ni hindi ako nabigyan ng pagkakataon na humingi ng tawad sa mga taong nagawan ko ng kasalanan lalo na kay Clyde. Ramdam ko ang matinding galit niya. Iyong galit nga niya ang dahilan kung bakit hindi ako makatawid papunta sa kabilang buhay. Kung bakit hindi ko magawang mag Rest In Peace.
Nakatayo ako ngayon sa isang silid na tanging lamesa at upuan lamang ang nakikita ko sa aking harapan. Puting puti iyon at walang kahit anong frame o palamuti na nakasabit sa dingding o kisame. Siguro dito ako hahatulan. Tiyak sa impyerno ang bagsak ko. Sa dami ba naman ng mga kasalanang nagawa ko.
Lumingon lang ako sa kanan at pagtingin ko uli sa aking harapan ay may isang matandang lalaki na ang nakaupo sa upuan at abala sa kanyang sinusulat sa isang makapal na libro na nakapatong sa mesa.
Kasing kulay ng mga ulap ang kanyang makapal na buhok at bigote. Kumikinang naman ang suot niyang barong at slocks. Sa tantya ko nasa mid fifty's na sya. May katabaan at mukhang si Tatang na coach ng slamdunk.
"John Adrian "Babaero" Sandoval" banggit niya sa pangalan ko.
"Grabe naman ho kayo kung maka tag ng babaero sa'kin manong."
"Hindi pa nga napuputol ang umbilical cord mo babaero ka na talaga!" exaggerated pang wika ni Manong. Para siyang may galit sa'kin eh no.
"Ano pong ginagawa niyo? Naglilista po ba kayo ng utang dyan manong?" I asked. "Sa pagkakaalala ko po wala po akong utang sa kahit kanino." dagdag ko pa.
"Gusto mo bang dumiretso sa impyerno Jared Adrian "Babaero" Sandoval?"
"Grabe naman si Manong hindi na mabiro! Sayang naman po ang gwapo kong mukha kong dun ang bagsak ko. Sorry na po!"
"Maswerte ka pa rin dahil isa ka sa iilang mga tao na nabigyan ng second chance para huwag ma barbeque sa impyerno. Dahil sa taos puso mong pagtulong sa isang batang muntik ng masagasaan ng sasakyan noong ikaw ay nabubuhay pa napagdesisyunan ng Langit na bigyan ka uli ng pagkakataon na hingin ang kapatawaran ng taong may matinding galit sa'yo. May forty five days ka lang para maisakatuparan ang misyon mo. Kapag hindi ka nagtagumpay i handa mo na ang gwapo mong pagmumukha sa nag-aalab na apoy ng impyerno Jared Adrian "babaero" Sandoval." nakita ko pa ang mapang-asar na ngiti ni Manong bago tuluyang nagliwanag ang buong kapaligiran. Tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking mga kamay. Grabe iyong liwanag para akong mabubulag. Ang tindi!!!
"Drake! Walang hiya ka pinag-alala mo'ko ng husto!" may yumakap na lang sa'kin ng sobrang higpit ng imulat ko ang aking mga mata. Kaagad ko siyang itinulak. Tinignan ko siyang mabuti. Sino ba ang kupal na'to? Tsaka nasaan ako?
"Sino ka? Nasaan ako?" I saw how his jaw almost dropped sa naging tanong ko.
"Hi-Hindi mo'ko nakikilala?" itinuro niya ang sarili niya.
Lumingo. Lingo ako.
"Oh, my god! Ano kasing pinaggagawa mo! This is insane!" matapos niyang sabunutan ang kanyang buhok ay dali dali siyang lumabas ng kwarto. Pagbalik niya ay may kasama siyang doctor at nurse.
"Chad, may malaki tayong problema. As in sobrang malaki." wika noong lalaki kanina. Problemadong problemado talaga siya habang nakatingin sa'kin. Dinaig pa niya ang taong nasunugan ng mga ari arian.
"Hi, Drake. Welcome back." kaswal na wika ng doctor. Teka kanina pa nila ako tinatawag na Drake ah.
"Sa tingin ko nagkakamali kayo. Hindi ako si Drake okay?" tumayo ako at nilagpasan ang doctor sa harapan ko.
"Ugggghhh!!!! Paano na ang mga naka line up na commercials, movies at teleserye ng hinayupak natu!!!" nagwawala na iyong lalaki kanina. Pilit naman siyang pinapakalma nung nurse at ng doctor.
"Calm down, Ray. Teka Drake saan ka pupunta kailangan mo pang magpahinga. You're body needs to recover hindi biro ang pinagdaanan nito matapos mong tumalon sa Ilog." wika noong doctor. Tulala naman ang mga nurse habang nakatingin sa'kin.
"Tumalon ako sa ilog?" tanong ko.
"Hindi mo ba na aalala? You almost drown yourself to death nuthead. Mabuti na lang at may mabuting loob na tumulong sayo!"
Ako nalunod sa ilog? Eh ang galing kung lumangoy. Navy ata ako.
"Teka lang ha na we-weirduhan ako sa inyo. Hindi ko kayo ma gets. Ma-mag ccr lang ako..." dali dali akong pumasok ng banyo at naglock ng pinto. Hindi naman sila magkaundaugaga sa pagbukas ng pintuan ng banyo.
"Mga praning sino ba sila...binabangungot ba ko?"
Ganun na lang ang gulat ko nang makita ang aking mukha sa salamin na nasa banyo.
Sobrang gwapo ng pagmumukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Mukha siyang isang Korean Actor. Singkit ang mga mata na pinaresan ng makapal na kilay, matangos na ilong, mapulang labi,kulay auburn na buhok na medyo may kahabaan at langya may dimples pa. Ang tindig at pangangatawan naman niya ay tiyak na kababaliwan ng sinumang babae. Mala babae rin ang kinis ng kanyang kutis. Tinitignan ko pa lang siya nababakla na ata ako.
"Drake! Buksan mo ang pinto! Drake! Langya ka! Madami pakong babayarang utang! Huwag ka munang magpakamatay!"
Doon nag sink in sa'kin ang mga sinabi ni Manong kanina. At ang realidad na patay na pala ako.
Ubod ng lakas kong sinapal ang mukha ko. "Aray!" mura ko. Halos matanggal ang panga ko. Hindi ako nananaginip.
Totoo nga talaga ang sinabi ni Manong kanina na babalik ako sa mundo. Pero ibinalik ako gamit ang katauhan ng ibang tao.
Sino siya? tanong ko sa hindi pamilyar na mukha na nasa harapan ko.
Atsaka.
Napamura ako.
GAGO. Ang gwapo talaga.