Chapter 9

1937 Words
Jared's POV Nanghina si Clyde nang makaalis na si Vinz. Hindi ako makapaniwala na gagawin iyon ni Vinz kay Clyde. Gusto ko siyang bulyawan at suntukin pero hindi ko magawa dahil baka ikapahamak pa ito ni Drake. Putcha naman oh. Kapag talaga nakalabas ako sa katawan ni Drake mumultuhin ko talaga ang asungot na iyon. "Okay ka lang ba?" tanong ko kay Clyde. Marahan syang tumango. "Mommy, bakit ka po inaaway ni Tito Vinz?" tanong ni Riu. "Bad po sya Mommy." dagdag pa nito. "No, hindi ako inaway ni Tito Vinz, Riu. " wika ni Clyde sa anak namin. "Kukunin po ba ni Tito ang car natin Mommy?" tanong ni Jiro. "Papasyal pa naman po tayo sa beach diba Mommy. Nagpromise po kayo sa'min na mamasyal po tayo palagi kapag marunong na po kayong magdrive." Hinawakan ni Clyde ang pisngi ni Jiro at Riu. "No, hindi kukunin ni Tito Vinz ang car dahil by Monday marunong ng magdrive si Mommy ng car." Clyde is very determined. "Pwedi mo ba ako turuang magdrive?" tanong ni Clyde sa'kin. "Sure. Pweding pwedi." wika ko sa kanya. "Paano mo nakukumbinsi si Manang Luz na bantayan ang mga bata?" manghang tanong ni Clyde sa'kin. "Siguro dahil sa gwapo kong mukha?" Natawa si Clyde at napailing. Ang totoo niyan ipinakita ko kay Manang Luz ang totoo kong itsura kaya sya pumayag na bantayan ang mga bata kapalit ng pagpapicture nya sakin at nang autograph. Sinabi naman niyang makakaasa akong ililihim nya kung sino talaga ako. Dahil isa daw sya sa mga taga hanga ni Drake Montefalcon. Nakita ko nga ang mga poster ni Drake sa bahay nya. Ipinaliwanag ko muna kay Clyde ang lahat ng parte ng sasakyan na kailangan nyang malaman at ang mga functions nito. Medyo nanginginig siya at pinagpapawisan habang hawak hawak ang manibela. "Kailangan mo munang pakalmahin ang sarili mo. Hindi ka pweding magmaneho ng kinakabahan. Mababangga ka." saad ko. "Kailangan mo ring talasan ang mga mata mo at ang pakiramdam mo. Bawal din ang mainit ng ulo kapag nagmamaneho." paliwanag ko. Tumango tango naman si Clyde at nakinig lang sa mga pinagsasabi ko. "Isa pa huwag na huwag mong kakalimutang gumamit ng seatbelt." ako na mismo ang nagkabit ng seatbelt nya. Nang iangat ko ang paningin ko para tignan sya ay ganun na lang ang gulat ko dahil sobrang magkalapit na ang mga mukha namin. Hindi makagalaw si Clyde at tulala lang na nakatingin sa'kin. Simple lang naman si Clyde. Pero sobrang ganda nya. Iyong klase ng gandang hindi ka magsasawang titigan buong araw. Nag-aalburuto na naman ang puso ko. "Ma-Magsisimula na tayo." wika ko. Umupo ako ng maayos at nagbigay na naman ng mga instructions kay Clyde. Kita ko ang determinasyon niya na matutong magmaneho para hindi makuha ni Vinz ang sasakyan. Buong araw kaming nagpractice. Madali siyang matuto at hindi ako nahirapan. "You're a fast learner, Clyde." puri ko sa kanya. "Actually, nakapag practice narin ako noon. Pero matagal na iyon." wika niya. Naalala ko na tinuruan ko pala sya noon mag drive ng sasakyan. Pero hindi ko lang sya naturuan ng mabuti dahil mas inuna ko ang pambabae ko. "Dito ka lang. Bibili ako ng tubig baka nauuhaw ka na." tumango si Clyde. Nagsuot ako ng cap. At pumasok ng convenience store. Pagkapasok ko nakita kong tulala ang mga tao habang nakatingin sa'kin. Patay mali lang ako at dumiretso ako sa Ref. Pero pagkarating ko doon ay laking gulat ko nang makita ang mukha ni Drake sa salamin ng ref. Nakalimutan ko pa lang magsuot ng facemask. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ng mga tao nang pumasok ako. Nagulat na lang ako nang magkagulo ang mga tao at kunan ako ng larawan. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang sumbrero. Tumakbo ako palabas ng convenience store. Pumasok ako sa kotse at umupo sa front seat. "Clyde, bilis paandarin mo na ang sasakyan." wika ko at tinignan ang mga taong humahabol sa'kin na parang mga zombies. "Ngayon na? Ako ang magda drive?" she asked. "Ou! Bilisan mo na!" sigaw ko. Lumingon ako sa likuran ko. Putcha naman oh. Bakit ba parang gigil na gigil sila kay Drake? Di hamak na mas gwapo naman ako keysa sa kanya. "Ba't ka nga ba nila hinahabol?" "Mamaya ikwekwento ko. Bilis na!" "Eto na." "Ahhhhhh!" napakapit ako at napasigaw nang magdrive si Clyde. Pagewang gewang kasi ang pagdrive nya. Siguro dahil narin nataranta sya sa pagmamadali ko sa kanya at nang makita nya ang mga taong humahabol sa'min. "Hoy, mababangga tayo!" sigaw ko pa. Habang nakatingin sa nakaparadang sasakyan sa kanto. "Iyong break. Apakan mo iyong break!" sigaw ko. Nakahinga ako ng maluwag nang huminto ang sasakyan bago paman tumama ito sa likod ng sasakyang nakaparada. "Mukhang kailangan mo pa ng practice. Maraming practice."wika ko. Hindi pa kasi nasusubukan ni Clyde ang pag drive sa mismong kalsada kung saan maraming sasakyan. "Sa tingin ko nga. " wika nya. Tapos nagtawanan kaming dalawa. First time kong marinig ang tawa nya. Ang ganda sa pandinig. "You're more beautiful when you laugh Clyde." out of nowhere ay lumabas sa bibig ko. Maging ako ay nagulat sa sinabi ko. "No need to say it. Di madadagdagan ang sahod mo sa pambubula mo sakin." wika niya pa. "Sino nga ba sila? Bakit ka hinabol ng mga tao kanina?" she asked. "Ewan ko nga napagkamalan ata nila akong ibang tao. Tama na siguro sa ngayon. Ako muna ang magda-drive pauwi. " wika ko. "Mabuti pa nga." wika nya. Nagpalit kami ng pwesto. Umuwi na kami sa bahay. Pero nagulat ako nang maabutan si Ray doon. Galit syang nakatingin sa'kin. "Si-Sino ka?" tanong ni Clyde. "Drake, mahahampas talaga kita ng balde. Alam mo ba ang pinagagawa mo?" Clyde's POV "Magkape ka muna." inis akong tinignan ni Ray. Iyong kaibigan daw ni Drake na bagong dating galing abroad. Masinsinan ang pag-uusap nila. At kapag sumisilip ako o napapadaan ay matalim ang tinging pinupukol sa'kin nito. May gusto ba sya kay Drake at nagseselos sya sa'kin? Bakla ba sya? "Bibili lang ako ng pagkain." wika ko. Iniwan ko sina Jiro at Riu na naglalaro ng tablet sa may sala. "Manang Luz, pabili nga po ng tinapay." wika ko. "Sadya nga talagang pinagpapala ang mga mabubuting tao." wika ni Manang Luz sa'kin. "Ho?" taka kong tanong sa kanya. "Alam mo bang maswerte ka sa babysitter mo. Bukod sa mabait ay napagwapo pa. Ano bang kabutihan mo sa nakaraan mong buhay at kayo talaga ang pinagtagpo ng Langit?" tanong nya pa. "Siguro nga iyan ang regalo ng kalangitan sa mga pasakit sa'yo ng yumao mong 'babaerong' asawa " Nawe,-weirduhan ako kay Manang Luz. Pero hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi nya. Pagkatapos kong bilhin ang tinapay ay dumiretso na ako sa may kusina. "I'm not going anywhere, Ray. Dito lang ako." rinig kong wika ni Drake. "Are you nuts? Alam mo ba ang possibleng mangyari kapag pinagpilitan mo ang kabaliwan mo? You can afford a five star hotel for goodness sake bakit ka ba nagtya-tyaga rito?" "Clyde, needs me Ray. Walang magbabantay sa mga anak nya." Hindi na ako nakinig sa usapan ng dalawa. Malamang kinukumbinsi ni Ray na samahan sya ni Drake sa tirahan nya. Hindi ko man lubos na maintindihan ang pinag-uusapan nila ay may tiwala naman ako na isang mabuting tao si Drake. Linggo ngayon at nagpra-pratice parin akong magmaneho. Medyo gamay ko na ang pagmamaneho. Pero talagang natatakot pa ako na magmaneho sa may kalsada kung saan maraming sasakyan. "Heto, uminom ka muna ng tubig." wika ni Drake. Iniabot nya sakin ang isang bottled water. "Drake, sa tingin ko may napakagandang opportunidad na naghihintay sa'yo keysa maging babysitter lang nina Jiro at Riu. Si Ray mukhang hindi sya isang ordinaryong tao.Tama ba ako?" Tumawa si Drake. "Gusto ko ang ginagawa ko. Napamahal na sakin sina Jiro at Riu Isa pa. Masaya ako habang nakikita kong inaabot mo ang pangarap mo." Napanganga ako sa sinabi ni Drake. At sa kauna unahang pagkakataon pagkalipas ng ilang taon ay bumilis ang t***k ng puso ko. Jared's POV Gulat ako at hindi makapaniwala. Ang mga sinabi ko kay Clyde ay kusa na lang lumabas sa mga bibig ko. Na parang hindi sa'kin nanggaling iyon. "Salamat ha, mukhang handa nakong makipagtuos kay Vinz bukas." wika ni Clyde. Sa maikling panahon ay natutunan na nyang magdrive ng sasakyan kahit na nga halatang takot pa rin sya sa kalsada. Lunes. Inaasahan na nya ang pagdating ni Vinz. Maaga akong nagising at naghanda narin for breakfast dahil may pasok si Clyde at ang mga bata. Pero imbis na si Vinz lang ay nagulat ako ng kasama si Mama. "Ma, " rinig kong wika ni Clyde. Matalim nya akong tinignan. "So, totoo pala ang sabi ni Vinz? Ang kapal din ng mukha mo para patirahin ang lalaki mo dito sa bahay na pinundar ng anak ko?" nkapameywang pang wika ni Mama. "Ma, wala po kaming relasyon. Sya po ang nagbabantay sa mga bata." wika ni Clyde. "Sinong niloloko mo?" inis nitong wika. "Hindi ka na nahiya? Andito pa man din ang mga bata." "Ma, mali kayo ng iniisip." hindi ko napigilang hindi sumabat Galit nya akong tinignan. "Ano kamo?" tanong nya. "Ang lakas ng loob mong tawagin akong Mama?!" Hindi ko napaghandaan ang ginawa nya hinila nya ang buhok ko at pinagkakalmot ako. "Hindi kita anak! Kaya huwag mo'kong tatawaging Mama!" "Arayyy. Araaaayyy. Tama na po!" Hindi nagpaawat si Mama kahit anong pagmamakaawa ko. Nang matanggal nya ang facemask na suot ko ay nagulat sya at nahinto sa pagkalmot sa'kin. Dali dali syang tumayo. At inayos ang kanyang sarili. "Vinz, let's go. " "Ma, pero paano ang kotse. " "Saka na yan halika na!" hinila nya si Vinz na nagmamaktol dahil hindi nito nakuha ang kanyang gusto. "Mommy gamutin nyo po si Tito Drake." naiiyak na wika nina Riu. "A-Aray," reklamo ko. Ginagamot ni Clyde ang mga sugat ko sa mukha. "Sorry ha, at nadamay ka pa. " wika ni Clyde. Nasa magkabilang gilid naman sina Riu at Jiro na tinutulungan si Clyde. "Wa-Wala iyon." Pero grabe si Mama hindi ba nya alam na anak nya iyong pinagkakalmot nya. Ang sakit. Parang bumaon sa mukha ko ang mahahaba nyang mga kuko. "My God, what happen?!" tinakpan ko ang tenga ko dahil sa walang tigil na katatalak ni Ray. Nasa school kami at nang makita nya ang mga kalmot ko sa mukha ay gusto nyang sugurin ang nanay ko at ipapulis ito. "I have to talk to our lawyer may kalalagyan ang babaeng iyon." wika nya pa. "Hayaan mo na hindi naman kasi nya ako nakilala." sabi ko pa. "I still don't get it. Sa dami dami ng tao sa mundo bakit kay Clyde kapa nagkagusto. Madaming mga international models at mga award winning actress ang naghahabol sa'yo Drake. She's nothing special Drake. Isa lamang syang simpleng babae. To think na byuda sya at may dalawa pang anak! " "She's everything to me Ray. Nagkamali na ako noon. At hindi na mauulit iyon. I will stay by her side hanggang sa matapos ang oras ko dito sa mundo." "Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo ha Drake Montefalcon?!" "Hindi ako si Drake Montefalcon. Ako si Jared Adrian Sandoval. At hanggang nandito ako sa katawan ni Drake, ang prioridad ko ay ang aking asawa at ang aking mga anak. " "Alam kong mahirap paniwalaan. Pero sana maintindihan mo. Kaya kong ikwento sa'yo ang talambuhay ko para maniwala kang hindi ako ang kaibigan mo." "He's saying the truth Ray. Sa maniwala ka man o hindi. Ang kaharap mo ngayon ay ibang tao at hindi ang sikat na si Drake Montefalcon." wika ni Michael na kakarating lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD