Chapter 16

797 Words
Clyde's POV Tinignan ko ang bahay na tinirhan namin ni Jared ng ilang taon bilang mag-asawa. Kailangan kong iwan ito ngayon pansamantala para sa trabaho. At para mabawi ang mga anak ko. "Don't worry. Babalik naman tayo ng Davao." wika ni Drake. Tumango ako. Naghihintay na ang sasakyan ni Michael. Isa raw sya sa mga kaibigan ni Ray dito sa Davao. "Finally, we meet Clyde." wika nito. Iniabot nya ang kamay nya para makipagshake hands sa'kin. "Parati kang kinukwento ni Drake at ni Ray sakin." dagdag pa nito. Nilingon ko si Drake. At nakita kong napakamot lang sya ng ulo. "Pasyensya na talaga. Hindi ko kasi alam na-" "Its okay. Ang mahalaga mukhang masaya naman si Drake sa pamamalagi nya sa inyo." wika ni Michael. "Huwag kang mag-alala hindi ka na malalapitan pa ng Simon na iyon. Dahil tyak sa kulungan na ang bagsak nya. " dagdag pa ni Michael. "Salamat." wika ko. "Huwag mong kakalimutang alagaan si Drake. Ikaw na ang bago nyang personal assistant ngayon." Pumasok kami sa loob ng sasakyanni Michael at hinatid nila kami sa Ninoy Aquino International Airport. Nakatingin lang sa labas ng bintana si Drake. Busy naman si Ray sa magkabilaang tawag. Kanina pa nag-iingay ang cellphone nya. "Clyde, paabot nga noong bottled water." utos ni Ray. Bago ko paman maabot ang bottled water ay kinuha na ni Drake iyon at ibinigay kay Ray. Natigil sa pagtatype si Ray sa kanyang ipad at tinignan si Drake. Masama ang tinging ipinukol nya rito. "What? Mas malapit ako sa bote ng tubig." sagot pa ni Drake. Bumaling naman si Ray sa'kin. "Alam mo naman siguro ang trabaho ng isang personal assistant diba?" mataray na tanong ni Ray sakin. "Yes Sir. Alam ko po." sagot ko. "Bakit tinawag mo na syang sir?' tanong ni Drake sakin. "Dahil sa pagkakataong ito ako na po ang empleyado nyo sir." sagot ko sa tanong ni Drake. "Pati ba naman ako?" Narinig kong tumawa si Michael dahil sa reaksyon ni Drake. Pinilit ako nitong tawagin na lang sya sa pangalan nya. Pero hindi ko iyon magagawa dahil ako na ang magtratrabaho ngayon para sa kanya. "Haist, bakit ba ang tigas ng ulo mo Clyde? You can call me by my name." "Its the safest she can do to protect herself lalo na't ikaw si Drake Montefalcon." wika ni Ray na busy sa pagtatype sa kanyang ipad. "People will misunderstand and that would lead to conflict." Dumating na kami sa Ninoy Aquino International Airport. Habang ibinababa ko ang mga bagahe sa compartment ng sasakyan ay pumunta si Drake at kinuha ang mga bagahe sakin. "Ako na." wika ko. "Mabigat to. Ako na." kinuha nya sakin lahat. "Clyde, ilagay mo-what the bakit ikaw ang may bitbit nyan?" ginala ni Ray ang paningin nya sa labas ng airport. "Give those bags to Clyde. Its her job. Magtataka sila kapag ikaw ang magbitbit nyan. " Magsasalita pa sana si Ray pero bigla na lang kaming dinagsa ng media. Nagulat ako ng dumugin nila kami. Nahulog ang cellphone ko at gumapang ako para hanapin iyon. Natatapakan na ako ng mga tao at tila hindi na nila ako napapansin. Napamaang ako nang makita na tinapakan na nila ang aking cellphone. Mabuti na lang at hindi naman nabasag ang screen. Tinawag ako ni Ray. Agad akong tumakbo at lumapit sa kanila. "You have to be alert at all times Clyde, hindi natin alam kung kelan at saan tayl dudumugin ng media. Your priority is to keep Drake safe." "Yes sir." First time kong sumakay sa business class na eroplano. Nagbabasa ng dyaryo si Ray. Habang si Drake namam ay natutulog. Maya maya lang ay niremind sakin ni Ray ang mga gagawin ko kapag nasa Manila na kami. Gaya nga ng inaasahan ko. Pinagkaguluhan si Drake ng mga tao sa NAIA. Pero di gaya kanina mas handa na ako at iniwasan ko na ang media. Ako na ang nagbitbit ng mga gamit ni Drake. Ako narin ang tumatakbo para ikuha sya ng tubig or ng mga bagay na kakailanganin nya. Isang malaking van ang sumundo samin sa airport. Dumiretso kami sa condo nya sa Makati. This will be your room Clyde". namangha ako ng ipakita sakin ni Drake ang magiging silid kim. Sobrang laki nun at ang ayos. Katabi iyon sa silid ni Drake. "Talaga bang dito ako mananatili?" tanong ko kay Drake. Ngiti syang tumango. Maraming iniwang mga paalala si Ray at mahaba na ang listahan na naisulat ko sa notebook. Babalik lang din daw sya kaagad at may aasikasuhin lang. Dumungaw ako sa bintana. Ibang iba na ito keysa sa lugar na kinalakihan ko. Ang tatayog ng mga gusali. Nasa ika 22th floor kami sa pagkaalala ko. Agad kong namiss sina Jiro at Riu. Pero magsusumikap ako. Babawiin ko sila at magkakasama kaming muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD