bc

Mga Tambay ng Kaligay Alley (Book 1): Baldo

book_age18+
29
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
love-triangle
family
HE
second chance
friends to lovers
single mother
drama
small town
secrets
like
intro-logo
Blurb

Sa murang edad, namulat si Rolando “Baldo” Valdez sa kahirapan sa isang isla na ang tawag ay Barrio Puso-Puso— isang barrio na payak, puno ng ingay, at may halong lungkot na tinatago sa halakhak ng mga tao. Nagsikap siyang mabuhay sa tulong ng kanyang Inang Tunon… hanggang dumating ang gabi na tuluyang nagbago ang mundo niya.

Isang maling ugnayan.

Isang trahedyang hindi niya ginusto.

Isang kasong nagkulong sa kanya—at nagwasak sa natitirang inosente sa puso niya.

Paglabas niya ng kulungan, dala niya ang bigat ng kahapon. Pero dala rin niya ang apoy na gusto niyang patayin—o yakapin.

Bumalik siya sa Barrio Puso-Puso na may pangalawang pagkakataon sa buhay. Doon siya napiling scholar ni Prince Magnus may ari ng Euphoria— at mula sa isang batang mangingisda, naging isa siyang prestihiyosong Chef na hinahangaan ng buong isla.

Wala na siya sa kalye ng Kaligay Alley.

Wala na siya sa pilas ng kahoy na kubo.

Siya na ngayon ang nag-aangat ng kabuhayan ng barrio.

Pero may isang alaala ang hindi niya kayang talikuran:

ang maamong ngiti ng dating kalaro at naging kaibigan si Natalia Herrera— ang unang babaeng kumalabit sa puso niya bago pa siya wasakin ng mundo.

Ngayon, nagbalik si Talia sa buhay niya.

Mas maganda. Mas matapang.

Mas hindi na takot sa kanya.

Dahil ang lalaking bumalik—ay hindi na si Baldo na kilala niya noon. Ito na ang Baldo na may sugat, galit, at kontrol na kaya nang manakit… o magmahal nang lubos.

At sa muling pagtatagpo nila,

mapipilitan silang harapin ang tanong:

May lugar pa ba ang pag-ibig

sa puso ng lalaking galing sa dilim—

at sa babaeng minsang naging liwanag niya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 01: Si Baldo
KANINA pa nakatitig si Baldo sa isang piraso ng papel. Nakalakip iyon sa isang sobre na may pangalan niya na Rolando Valdez at may kumpletong address ng Barrio Puso-Puso. Ang tanging naiintindihan niya lang basahin ang pangalan niya, Barrio Puso-Puso at kung kinino galing ang sulat, sa kanyang ina na si Jane Valdez. Nakaupo siya sa pangalawang baitang ng kanilang maliit na kubo at nakasalung-baba. Nadatnan naman siya ni Aling Iska nag dumaan ito sa may bakuran nila. "Oh batang, ire, ba't ka naman naka- salung- baba riyan at magkakanda malas ka niyan buong araw, sige ka." "Aling Iska, nagpadala kasi ng sulat si Nanay." Kumamot siya sa ulo niya. "Hindi naman po ako marunong magbasa. Ang inang naman, hindi makakita." Nakasimamgot nitong sagot. "Are, halika dito, ako na magbabasa niyan." "Salamat, Aling Iska." Nakangiti niyong wika. "Ba't kasi hindi ka marunong magbasa?" "Hindi na kasi ako pinag-aral ng nanay, mahina daw ang utak ko. Wala rin magbabantay kay, Inang Tunon." "Hay nako. Kailangan mo mag- aral, Baldo. Yun lang ang pag-asa mo para may marating ka sa buhay." Paalala ni Iska sa bata na may kaunting habag dahil sa sitwasyon nito. Napailing na lang si Iska at binulatlat ang papel na sulat ni Jane. Kaibigan din kasi ni Iska ang nanay ni Baldo. Binasa niya ang sulat sa bata. Naglinis muna ng lalamunan niya si Iska bago umpisahan ang pagbabasa. "Anak, sana nasa mabuti kayong kalagayan ni Inang. Maayos naman ako dito sa Saudi. Huwag kayong mag-alala. Magpapadala ako diyan ng panggastos sa katapusan. Hindi na muna ako makakauwi sa atin dahil nanganak ang amo ko at walang mag-aalaga sa kanya. Pasensya na anak at may awa rin ang Diyos sa atin makakaahon rin tayo — Nanay." Halos maluha si Baldo sa narinig. Kung pwede lang mayakap niya ang ina niya, kahit saglit lang gagawin niya. "Oh... Halika nga rito, Baldo." Malapad na ibinuka ni Iska ang mga braso niya senyales na yakapin nito ang bata. Hinagkan din naman siya ni Baldo at tinago ang mukha nito sa may mayamang dibdib ni Iska. Hindi naman ito binigyan ng malisya ng babae. "Aling Iska, sa tingin mo? Babalik pa kaya ang nanay?" Hinaplos nito ang buhok ng bata at tumugon, "oo naman. Basta magdasal ka palagi. Saka sinabi naman ng nanay mo babalik siya." Lumipas ang isang taon, wala na silang natanggap na sulat mula sa kanyang nanay Jane. Wala na rin silang naging balita rito. Kahit man lang mag-text kay Aling Iska dahil binigay naman ni Iska ang numero nito, kahit isang mensahe ay wala silang natanggap. "Baldo." Tawag ni Aling Iska sa kanya mula sa labas ng kubo nila. Sumilip muna ang bata sa maliit na bintana at kumaway ito sa naturang babae. Dumungaw rin si Inang Tunon kahit na walang makita ay narinig naman ang boses ni Iska. "Oi Iska! Kailan mo ulit ako dadalhan ng manga. Ang tamis kasi ng binigay mo noong nakaraan." "Sige ho, Inang Tunon at bukas po dadalhan ko po kayo. Pero iluto niyo muna itong dalagang bukid at madami kaming huli ni Puroy." "Aling Iska, nag- text na ba si Nanay?" Bungad ni Baldo habang kinukuha ang inabot ang supot na may lamang isda ni Iska. Ginulo- gulo muna ni Iska ang buhok ni Baldo, at ngumiti. "Haruy wala pa eh. Pero kapag nag-text na, sasabihin ko agad." "Sige po. Salamat sa isda." "Oh marunong ka ba magluto niyan? Paksiw ang masarap diyan." "Opo tinuruan ako ni Inang." "Mainam. O siya! Alis na ako." Kinurot ni Iska ang pisngi ni Baldo bilang paglambing nito. Guwapong bata kasi si Baldo, dahil isang Amerikano raw ang ama nito ayon sa kaibigan niya na si Jane. Tuluyan nang umalis si Iska. Hinanda na ni Baldo ang kakailanganin siya sa pagluto ng paksiw. Madali lang naman ito dahil kaunting sangkap lang naman ang mga kailangan at may pang-ulam na sila. Nagpapasalamat pa rin sila dahil kahit na salat sila sa buhay ay may mga ka Barrio nila ang tumutulong sa kanila mula noong tumigil na ang Nanay Jane niya na magpadala ng pera sa kanila. Mabuti na rin ay may mga doktor na bumibisita sa kanila at mga magagaling talaga na galing ng Euphoria. Pinangangalagaan rin sila ni Dr. Bree na asawa ni Prince Magnus para sa mga gamot na kailangan nila. Nasa labas kasi ng Euphoria ang kanilang Barrio. Sa luxury resort kasi na 'yon halos lahat ng taga sa kanilang Barrio ay kumukuha ng kabuhayan. Gusto na nga lumaki ni Baldo dahil gusto niya magtrabaho sa naturang resort ng mga mayayaman para naman kumita siya ng pera na pangkain nila sa araw-araw ng kanyang Inang Tunon. Nang makaluto si Baldo ay pinakain niya muna ang kanyang Inang. "Baldo, hijo. Huwag mo na ako subuan, kay, kaya ko naman ang aking sarili." "Hindi Inang, kalilinis ko lang ng papag natin lalanggamin nanaman tayo niyan mamayang gabi eh." Natawa ang bulag na matanda. "Pasensya na apo ko. Dati ikaw ang pinagsasabihan ko, ngayon baliktad na. Ako na ang pinagsasabihan mo." "Hindi ho ganun 'yon Inang. Ikaw din kasi magrereklamo mamaya niyan sa pagtulog kapag kinagat ka ng langgam." "Oh siya sige na nga." Natatawa nitong wika dahil aliw na aliw sa kanyang apo na batid niyang lumalaki ng maayos. Pagtapos nila kumain ng pananghalian, may sumipol naman mula sa labas. "Baldo!" Saka ay nag sabay- sabay sa malalakas na pagtawag sa kanyang pangalan ng mga kalaro. "BALDO!" "Inang?" Tawag ni Baldo sa Inang Tunon niya na may pag- aalinlangan. "Sige na apo, iwan mo na ako dito. Makipaglaro ka. Lubusin mo ang pagiging bata mo." Winasiwas ng matanda ang kulubot niyang kamay at pinapaalis si Baldo. "Pero, Inang?" May pag-aalala pa rin. "Sige na apo, kaya ni Inang ang sarili. Mamaya naman dadaanan ako ni Iska." Ngumiti si Baldo at nagmano sa matanda bago umalis at harapin ang mga kalaro. "Tara na Baldo. Mamalimos tayo doon sa mga turista sa resort." Tawag ni Kulas sa kanya. Medyo may kaputian si Kulas, palibasa ay taga Maynila ang ama at mayaman daw ito doon. "Pinapaalis na nga tayo doon ni Mang Carding eh." Sabi naman ng mestizo rin na si Berting. Hindi alam ng nanay niya kung sino ang ama dahil madaming naging karelasyon ang nanay niya na foreigners. Iba-iba rin ang mga lahi nila na magkakapatid na lima. "Papagalitan ako ng nanay kapag lumapit daw ako sa resort. Madami daw kasing bold do'n at bawal sa bata." Inosenteng aabi naman ni Rocky. Sila ni Chong ang mukhang Pilipino sa kanilang lima. May katangusan rin naman ang mga ilong nila pero ang kulay ng balat ay katulad sa mga lokal sa kanila na mga kayumanggi. "Bold? Ano yon?" Nakakunot noo naman na tanong ni Chong. Bungal pa ito. Dahil late bloomer at ngayong sampung taon pa lang naglalagas ang mga ngipin. Kaya medyo bulol din magsalita. "Di ba ayon yung kapag kakapalan mo ang letra sa kumpyuter?" Tanong ni Kulas. "Tanga! Hubad 'yon. Hindi ka kasi nag-aaral." Maangas na sabi ni Berting at binatukan pa si Kulas. "Gagi ka! Tama naman ako, bold letter." Ni- headlock ni Kulas si Berting. "Ah- ah- aray!" "Magsitigil nga kayo. Kung sinabi ng mga nanay niyo sundin niyo kaya? Mabuti nga may mga nanay pa kayo." Napatigil ang apat nang marinig ang sinabi ni Baldo. Biglang tahimik. Parang may humigop sa ingay nilang lima. Si Kulas ang unang lumuwag ang headlock at kumalas. Si Berting, napakamot. Si Rocky, napatingin sa lupa. Si Chong… napa akbay sa kaibigan na si Baldo. “Uy… hindi namin sinasadya,” sabi ni Rocky, halos pabulong. Umiling si Baldo. “Okay lang. Totoo naman, ’di ba? Kung may nanay ako… hindi naman siguro ako ganito.” “Bakit? Ano bang masama sa’yo?” biglang tanong ni Chong, bilog ang matang parang unggoy na nagtataka. “Gwapo ka nga eh. Mas gwapo ka sakin. Aaminin ko na.” Nagkatinginan silang lahat kay Chong. Dahil walang sense ang sinasabi ng ugok nilang kaibigan. “Tangina Chong, hindi ka namin tinatanong,” sabi ni Berting pero nakatawa na. "Walang sense ang sinabi mo." Naiiling na wika ni Rocky. Nagbalik ang ingay, pero ramdam ni Baldo—iba yung ngiti ng mga kaibigan niya. Para bang sinasabi ng mga 'to, 'kasangga ka namin, pre. All for one, one for all tayo!' Kahit hindi sinasabi nito ng diretso. “Eto na lang!” sabi bigla ni Kulas, at may iniisip na kalokohan dahil ang ngiti ay mala demonyo. “Mag tumbang- preso tayo. Pero si Chong pa rin ang lata.” “Ano ba! Ba’t lagi ako?!” reklamo ni Chong. “Kasi mukha kang lata,” sagot ni Berting. “At amoy lata,” dagdag ni Rocky. “At tumutunog din kapag binatukan,” sabi ni Kulas. Sabay-sabay nilang sinubukan batukan si Chong—pero mabilis itong tumakbo, pa-zigzag, pa-parang unggoy. Sa sobrang bilis, hanggang ngayon, hindi nila alam paano nakakaiwas si Chong sa limang kamay nang hindi nadudulas. Pero si Baldo? Napangiti na lang. Yung ngiti na gugustuhin niya araw-araw na makita dahil sa mga kasama. “BALDO! Tara naaaa!” sigaw ng apat habang nagtatakbuhan pa-punta sa bakanteng lote kung saan sila madalas maglaro. “Teka!" Pasigaw na sagot niya sa mga kaibigan dahil ilang dipa na ang layo ng mga ito sa kanya. "Bilisan mo, Baldo!” dagdag ni Chong. Napalingon si Baldo pabalik sa kubo. Nakita niya si Inang Tunon sa may pinto—nakaupo, nakangiti, tahimik na nakikinig sa ingay nila. Bulag man, na kangiti itong tumatango- tango sa ingay nila at parang sinasabi ng matanda: “Sige apo… tumakbo ka muna at maging bata. Ako na ang bahala dito.” Huminga nang malalim si Baldo. Tapos tumakbo papunta sa kalaro niya. Sa wakas, tumawa rin siya nang malakas. At sa gitna ng araw, alikabok, at tawanan— bata pa siya. At sa sandaling ito— siya'y masaya. Basta kasama ang mga kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
8.2K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
31.4K
bc

YAYA SEÑORITA

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.6K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
82.8K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
9.5K
bc

Dr. Dave Dela Torre's Legal Wife

read
20.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook