"Huwag kang masyadong magkalat jan, Ikaw pa naman maiwan lang saglit sumasabog na ang mga gamit ko!"
Lumabas na ako ng bahay pagkatapos kong magpaalam kay Oikawa. Iniwan ko siyang nanonood ng TV sa sala. Naglakad naman na ako papuntang school. Najogging pants at jacket ako ngayon. Pwede na akong maglaro ulit dahil puno na ulit ang baterya ng sarili ko.
Kinakabahan naman akong pumasok ng gymnasium. Bigla ko kasing naalala na may pinost na photo si Oikawa sa social media! Alam kong nakafollow ang mga 'to sa kaniya dahil sa tuwing may nilalabas na news ang Miyagi, bungad ng timeline nila ang numbawan pretty boy ng Miyagi. Iniisip ko palang ang itsura ni Tanaka, napapahalakhak na ako. Sinuot ko na ang volleyball shoes ko bago makapasok ng gym.
Nakakakaba. Puro kasi kalokohan si Oikawa e'.
"Oh, Mikazuki-san! Hello!" Boses ni Hinata. Mukhang lively na naman 'to ah. Bilhan ulit kit ang ice cream!.
"Hello, nasaan ang iba?" Tinuro naman niya ang stage kung saan naroroon ang team. Tumambad sa akin ang mukha nilang mapanukso habang hawak hawak ang kani-kanilang smartphone.
"Oiky little girl, I love you.... Panga!" Naestatwa na ako sa kinatatayuan ko. Unang nang-asar sa akin si Tanaka saka ako nilapitan at ipinakita ang post ni Oikawa. Ganun din si Daichi at Tsukishima. Gulat nga ako dahil nakisali makipagbwisitan sa amin.
"Oiky? Ano 'yun? Oikywa? NYAHAHAHHA"
Tanaka hindi na tayo bati.
Sumingit naman si Chikara. "Kailan lang naging sila, hindi pa sila nuong first round ng spring tapos may chismis sa kanila." Tama! Tama! Ganiyan! BFF talaga kita chikara!
"Ay wow, tinotoo ang rumors!" Singit ni Azumane.
"Wala bang meet the friends?" dagdag pa ni Nishinoya.
Nilapitan naman ako nina Shimizu at Sugawara. Sa kanila ako mas nahihiya dahil noong masama ang pakiramdam ko dahil kay Oikawa sila kaagad ang pumunta sa akin. Baka isipin nila ang rupok rupok ko sa kaniya!
'Hindi naman sa ganon!'
Hinawakan naman ako ng sabay ni Shimizu at Sugawara sabay sabing "Ang rupok mo" Na ikinatawa ng buong team.
"So, kayo na official na? Ano nangyari duon sa babae?" Tanong ni Sugawara.
"Anong babae?"
"May kabit si Oikawa? Anak ng- teka pupunta muna akong Aoba Josai..."
Nanggagalaiting sabi ni Tanaka at Nishinoya.
"Sandali, hindi ganun. Magpapaliwanag ako... So." Inexplain ko sa kanila kung ano ang nangyari. Kung sino 'yung girl na kasama ni Oikawa noong nakaraang gabi.
"Nung sinabi mong mamimili ka ng stocks mo 'yan diba? Buti na lang hindi ako sumama kundi magagalusan ko ang mukha ni pretty boy. Baka maging destroyer pa ang pangalan ko. Phew"
"So? Kapatid ni Oikawa 'yun. Tapos sa sobrang selos mo pinutulan mo ng connection ng ilang araw. Mali 'yun... no, Shimizu mali 'yun" Boses ni Sugawara.
Tinanguan naman siya nito.
"So, wala siyang alam sa nangyayari tapos biglang pinutulan mo nalang siya ng connection. Isa pa, hindi mo man siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Ang mas nagpadagdag pa sa sama ng pakiramdam niya e' natalo sila sa atin" Sambit naman ni Daichi.
'Teka guys...Parang kinokonsensya nyo ako ah'
"Pero hindi ka naman masisisi, siguro wala kang pinanghahawakan nuon kaya ka nagparide sa conclusions mo. Valid naman 'yang nararamdaman mo." Dagdag ni Daichi. Nagkwentuhan pa kami saglit at saka ako binigyan ng mga advice. Tuwang tuwa naman ako sa loob-loob ko. Hindi ko maipaliwanag yung feeling na may karamay ka at may napaglalabasan ng mga nararamdaman. Sa ganito palang, swerte na akong may kaibigang kagaya nila.
"Parang inlove ka yata Daichi?" Pang-eechos ni Tanaka.
'Nagsalita ang hindi in love.'
Nagsitahimikan naman kami nung napansin namin ang pamumula ng tenga at pisngi nito. Exaggerated akong napatakip ng bibig nang marealized.
"Daichi?"
"Daichi-san?"
OMG, who's the lucky girl? Kung tutuusin ang perfect na ni Daichi. Parang boyfriend material at husband material na siya! Sobrang caring at napakabait saan ka pa.
Si Sugawara na ang unang nagtanong at bumasag sa katahimikan. "S-sino?"
Huminga ng malalim si Daichi saka sumagot. "Si Michimiya, Captain ng volleyball girls."
Para namang nabunutan ng tinik ang mga kasama ko saka nagsitawanan.
"Shet, mutual"
"Badtrip sana all."
"How to be you po."
Napuno ng kantyawan ang paligid dahil sa kanila. Bagay naman sila ah, dalawang beses ko palang nakita 'yung captain ng girls at masasabi ko namang mabait ito. Isa pa, ang ganda ganda niya! Bagay na bagay sila ni Daichi! Isipin mo goals 'yun! Captain ng volleyball boys saka volleyball girls no! shet
"Sana all may ka-goals!" Sabi ko sa kaniya.
"Mas goals naman kayo ni Oikawa. First meeting girlfriend agad." Aaa, akala ko naman nakalimutan na nila ang sa akin dahil kay Daichi! Huhu.
"Saka tinotoo pa nga!" Hoy Chikara FO na tayo! Nagpatuloy pa ang kantyawan nila sa akin saka kay Daichi. Dumating naman na sina Sir Takeda at Coach Ukai kaya nagstart na sila mag warm up at magpersonal practice.
Habang ako ay tulaktulak kona ang scoring board saka ito nilagay sa gilid ng court. Nilabas ko narin ang mga upuan para sa amin nila Coach, Sir Takeda at Shimizu. Machismosong nilapitan naman ako ni coach saka pabulong na nagtanong.
"Kayo daw ni Oikawa Tooru?"
"Ehh Coach!" Namumula na ang pisngi ko! Si Sir Takeda naman ay tinataasan lang ako ng kilay saka maechos na nginitian. Napahilamos na lang ako ng mukha sa kanila saka na kami nagupo nang magline up na ang tean para sa practice match.
Dahil 12 lang sila at nagsaktong 6 vs 6. Red vs yellow. Setter si Kageyma sa kabila habang si Sugawara naman sa isa.
"Okay, pag natalo diving receive ha" Ani ni coach na nagpafired up sa mga boys.
"Arara- Mukhang kawawa si Tanaka-san sa kabila" Mapang-asar na sabi ni Tsukishima sa gitna ng net kay Tanaka.
"Watch and learn Tsukishima babasagin ko 'yang salamin mo!" Ganti nito.
"Oh oh magsisimula na tayo."
Pumito na si Coach para sa serving. Tumayo naman na ako para maglagay ng tubig sa mga tumbler nila. Bumili nadin ako sa canteen ng mga biscuits para sa kanila mamayang pagkatapos ng game.
3:00 PM na nung natapos ang game. Natalo ang team nila Tanaka kaya sila ang nagpunishment. Todo asar naman si Tsukishima kay Tanaka kaya nagsimula na naman silang magkulitan.
"Tanaka! Tsukishima! Tigilan nyo!"
Phew, sa tuwing nagagalit si Daichi napapatahimik nalang ako e'. Si Hinata naman ay mukhang nagpipigil ng tawa kaya siya naman ang tinarayan ni Tsukishima.
Inabutan kona sila isa-isa ng tubig at biscuits nung nagsilapitan na sila sa bench. Tahimik naman umupo sa sulok si Tsukishima kaya siya ang dinaluhan ko. Muka kasing malalim ang iniisip nito dahil hindi nagreact nung lumapit ako sa kaniya dahil nanatili lang ang tingin nito sa malayo.
"Mikazuki-san." Tawag nito. "Anong pwedeng gawin kapag may nakaharap kang mas malakas o mas matangkad sa'yo sa court? At ikaw ang natoka sa blockings"
"Ano bang pinaka importante sa blockings?" tanong ko dito.
"Height?"
Inilingan ko ito saka sumagot.
"It's the timing"
-
"Thankyou guys! Ingat kayo pauwi!" Sambit ko sakanila nang makalabas na kami ng campus, 7:00 PM na ng gabi. Dumaan muna ako sa convenient store malapit sa campus saka namili ng almonds, strawberry yogurt at ointment. Kagabi kasi dahil sa sobrang lamig nagsikirutan ang binti at likod ko, para na akong matanda tapos sinusumpong ng arthritis. Pumunta na ako sa counter at saka na umuwi.
Tumunog naman ang phone ko dahil may nagtext.
From: Pretty Boy.
'San kana?'
Agad naman akong nagreply ng 'Pauwi na' saka na tinago ang phone. Masyado ng malamig ang gabi kaya dinalian kona ang paglalakad. Kumatok ako sa pintuan nang marating ko ang bahay. Binuksan naman kaagad ni Oikawa ang pinto at saka ako pinapasok. Inabot nito ang mga gamit ko saka ako hinalikan sa noo,
'Gabing gabi ha'
Napansin ko namang naka apron ito saka ko tinignan ang kusina. "Nagluluto ka?" May nakaluto narin na kanin sa rice cooker.
"Obvious ba?"
"Oh, ano na namang ginawa ko." Asik ko dito. "Himala hindi ka yata nagkalat. Very good ka jan." Napunta na akong kwarto saka na nagbihis habang nagluluto pa si Oikawa. Marunong pala siyang magluto though halata naman sa kaniya dahil nung minsan ay siya pa ang nagsabi sa akin ng recipe ng isang ulam.
Nagsuot lang ako ng pajama at isang malaking t-shirt saka nagbun ng buhok bago lumabas. Hindi naman ako masyadong pagod ngayon dahil hindi naman maghapon nagtraining ang boys saka saglit lang nagpatulong si Tsukishima.
Naalala ko nga ang tanong niya kanina. Mukhang iniisip niya si Ushijima, isa sa mga top 3 ace ng bansa. Siguro ako 3 over 10 ang maboblock ko sa kaniya, mukha naman kasing hindi siya kagaya ni Kotarou na madaling basahin e though pareho silang may power at kakayanin ng kamay ko nagpapaiba dito ay ang style nila e. Kung hindi ako nagkakamali left handed si Ushijima, Isang nakakabwisit na special traits.
"Hey, diba nakalaban niya na ang Shiratorizawa?" tanong ko kay Oikawa na nakaharap sa stove. Umupo naman ako sa gilid ng sink para makita ko ang itsura ni Oikawa.
Tinaasan ako nito ng kilay. "Oo, buong 3 years ko sa Aoba Josai."
"Paano ang game play nila?" Gusto ko kasing malaman para naman may mabuo akong strategy at tips sa Karasuno. Tutal si Oikawa ilang beses niyana palang nakalaban.
"Tsk, pinaka power force nila si Ushiwaka. Left handed siya, wala siyang ibang techniques or mga delayed attacks. High toss lang mula sa setter nila mailalabas niya ang 80-100% power niya." Ohhh. Nakakatakot 'yun ha. "May middle blocker sila, 'yung kulay pula ang buhok."
"Oh si Tendou?"
"Kilala mo?"
"Oo, nung semifinals." Sagot ko dito. Oo nga pala 'yung coat ni Semi-semi ibabalik kopa sa finals.
Nagkibit balikat lang ito saka pinagpatuloy ang sinasabi. "120% ang guess blocking nun. Hindi basta basta nakakalusot pero nasa inyo naman si Prodigy Tobio at Hinata na may malupit na decoy skills. Baka, baka lang baka makalampas kayo." Grabe pinakadiin pa ang 'baka'.
"The rest mga kasing kalakasan na ni Iwaizumi. Their libero... hmm siguro kasing flexible nung sa amin. Si Nishinoya parang high rating libero nadin e."
Exaggerated naman akong napahawak sa dibdib ko. "Marunong ka palang mamuri no? Akala ko sarili mo lang pinupuri mo eh"
"Mikazuki, gusto ko sanang malaman mo na kahit ang isang God na kagaya ko ay marunong mamuri" Makapal na mukha na sabi nito! Natawa naman kaming dalawa sa sinabi niya.
"Puro ka kalokohan. Hindi paba luto 'yan?" Tanong ko dito
"Ikaw maghugas ng plato ha, ako nagluto. Hindi mo ako alipin!" Wow, Oikawa. Ginagamit mona sa'kin mga salita ko ha! 'word-to-word' pa!
Bumaba na ako at saka na kumuha ng mga plato at chopsticks. Nagsandok nadin ako ng kanin namin bago umupo. Tinignan ko naman ang likod ni Oikawa.
'Parang ang hot niya sa apron no?'
Verygood ka banda jan, baby.
Nilapag naman nito ang ulam na nakasalin na sa lagayan saka na kami kumain. Gaya nung napagkasunduan, ako ang naghugas ng plato dahil siya ang nagluto at nagsaing. Nagpaalam naman itong pupunta na ng sala kaya nagumpisa na akong malinis ng kusina. Nang matapos ay nagpunta na ako sa banyo para magsipilyo. Humarap ako sa salamin saka ko tinanggal ang T-shirt ko. Tumulo ang luha ko nang makita ulit ang mga tahing sugat ko sa balikat at dibdib ko.
'Masakit pa ba?' Tanong ko sa isip ko. May kaunting kirot parin kapag nadidiinan ng masyado. Ito siguro ang sumakit nung nakaraang gabi dahil nalamigan. Hindi ko masyadong makita ang nasa likod ko kaya hindi ko mapapahiran ng ointment. Itinaas ko naman ang pajama ko. Bumungad rin sa akin ang mga tahing sugat sa binti ko, pinahiram ko naman agad ng ointment ang buong legs ko para mainitan. Madami dami rin akong sugat na natamo sa loob ng isang taon. Buti nga 'yung sa ulo ko hindi na halata dahil natatakpan ng buhok saka naghilom na.
Pagkatapos kong magpahid ay hinugasan kong mabuti ang mata ko bago maghilamos ng mukha. Nagsipilyo narin ako saka inayos ang sarili bago lumabas. Baka magtaka si Oikawa kung bakit ganoon ang itsura ko.
Nadatnan ko naman itong may ginagawa sa cellphone, hindi ko na siya inabala saka na nagpunta sa kwarto para tignan kung may pending akong gawain. Mukhang wala naman kaya naghiga na ako dahil sa antok. Grabe 'yung init ng ointment ha nakakaantok.
Hindi ko na hinintay na pumasok si Oikawa kaya nauna na ako. Matutulog naman siya kapag nakaramdam siya ng antok. Pumikit na ako saka nagpalamon sa antok na nararamdaman ko.
'Goodnight'
-
"Hey, Wake up. Baby!"
Minulat ko ang mata ko nang alugin ako ng bonnga ni Oikawa. Grabe manggising ha hindi naman sana ako tulog mantika!
"Ano?" inaantok kong sabi.
"Baka lunes ngayon at may pasok tayo. Uuwi na ako niyan." Napabangon naman ako bigla. Anong oras naba? "Napasarap ang tulog ha? Hindi mo pa ako hinintay."
"4:00 AM na. Bangon kana." Naka gayak na ito at mukhang nakaligo nadin.
"Aalis kana?" Nag-unat unat na ako saka na tumayo at nagligpit ng higaan.
"Oo, may klase pa ako. Gumayak kana dun may niluto na akong kanina, ikaw na bahala sa ulam mo." Sambit pa nito. Tango lang ang isinagot ko dito dahil inaantok pa ang diwa ko.
Nabigla naman ako sa biglaang yakap nito sa akin. "Inaantok pa nga."
Sobrang comforting ng yakap nito. Pwede bang matulog ulit.
"Anong gamit mong perfume?" Bukod kasi sa Dove nitong sabon perfume din nitong mabango ang madalas kong naamoy sa kaniya.
Natawa naman ito sa tanong ko. "Hindi na mahalaga 'yon"
Damot ah.
Tumagal kami sa ganoong pagkakayakap hanggang sa magpaalam na ito na aalis. Magpapalit pa kasi siya ng uniform niya sa kanila at syempre magpapakita sa mama niya.
"Ingat ka!" Kaway ko sa kaniya. Sinara ko na ang pinto at saka umupo saglit sa sofa para gisingin ang sarili. Naalala ko ang sinabi niya dati. Step sister niya 'yung Sakura tapos nitong kama-kailan lang naghiwalay ang parents niya. So tanggap ng mama niya dati pa na may anak pa sa labas ang daddy nito? Bakit naman kaya naghiwalay? Kawawa naman 'yung dalawa naiipit.
Inalog alog ko ang ulo ko saka sinuway ang sarili. Hindi dapat ako manghimasok sa problema nila though concern ako sa kanila. Kaya na nila 'yan, malalaki na sila.
Tama, maliligo na ako.
May pasok pa ako.