"Ang kapal naman ng mukha mong makipagholding hands sa akin"
Biglaan akong napabitaw kay Ushijima nang makalayo na kami kay Oikawa. Napahilot nalang ako sa sentido dahil sa sinabi nito. Buntong hininga na lang ang naisagot ko dito at saka na kumaway sa kaniyang aalis na ako. Hindi naman na ako nito kinausap o ano kaya nagpatuloy nalang ako.
Naglakad na ako papuntang bus at saka na sumakay para magpahinga. Masyadong nakakapagod ang araw na'to ha. Maya maya pa ay bumyahe na kami para umuwi papuntang school. Inabisuhan ako ni Sir Takeda na maunang umuwi para may lakas na ulit ako bukas, sinabihan naman ako ng team na huwag na magpuyat dahil grabe sila nag-alala.
Gaya ng sinabi nila, nauna na akong umuwi nang makarating kami sa school.
"Pahinga narin kayo, congratulations sa pagkapanalo! Kita kits!" Paalam ko sa kanila. Tinahak kona ang daan papuntang apartment. Iniisip ko kung ano ang kakainin ko para makapag gain kaagad ng energy. Nasa street na ako ng bahay nang tumunog ang cellphone ko.
Mom is calling
Sinagot ko naman ito agad.
"How are you anak?" Panimula nito. Saglit lang itong nangumusta dahil may trabaho pa sila at saka ibinaba. Pumasok na ako sa apartment ko at saka na nagbihis. 3:00 PM pa lang naman kaya naisipan kong matulog na muna. Gigising nalang ako mamayang bago maghapunan para magluto.
-
Nagising ako sa ingay ng doorbell. Nagsuot ako ng jacket at saka pajama. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon at ang ikinagulat ko ang hindi ako magising sa alarm! 11:40 PM na ng gabi. Sino kaya 'to?
Binuksan ko ang pintuan. Tumambad naman sa akin si Oikawa na naka trackpants at jakcet pa ng Aoba Josai. Mukhang dumiretso ito dito pagkagaling sa school. Pero anong oras na! Delikado na!
Namumula ang mata nito at halatang kakagaling sa iyak. Tinaasan ko ito ng kilay saka tinanong kung bakit.
"Anong nangyari sa atin?" Tanong nito.
Medyo na shock naman ako sa bungad niya. Hah! Ang kapal mo! "Bakit ako ang tinatanong mo?" Sarili mo ang tanungin mo Oikawa!
"Isang linggo mo lang naman akong hindi kinausap. Nagpalit kapa yata ng number mo." Mahina nitong sabi. "Anong nangyari? Ang sabi mo hindi ka magbabago. Naging busy lang ako sa training, tapos na tayo? Ganon?"
"Huh? Anong sinasabi mo?! Nung lunes nakita kita sa mall bandang 7-8 ng gabi! May nakapalupot na kamay sa braso mo. Nakita ko rin yung babae kaninang game at kaninang kausap mo si Japan." Mahabang paliwanag ko. Naiistress buhok ko ha. Tapos na ako sa drama kaya naiirita ako saka naputol ang tulog ko!
Nagtaka naman ako nang makita ang mukha nitong nagtataka. Huh
"You mean Nagisa Sakura?" Malay ko! "Kapatid ko 'yun. Step sister to be exact. Bunso kong kapatid. Okay kana?"
Huh?
"Nung lunes late na ako nakatawag kasi after ko siyang samahan mamili ng pampainting niya ay bumalik na ako ulit sa school para mag training. Nung tinawagan kita agad mong pinatay tapos hindi na kita ulit matawagan." Nanatili lang akong tahimik habang nagpapaliwanag siya. So nag assume lang ako ganun? Mali ko ba?
Ano 'yun nagsayang ako ng luha at drama? NAKAKAHIYA.
Hindi ako nagsalita at nagpakita ng emosyon. Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Tapos nawalan kapa ng malay kaninang game? Bakit? Okay kanaba? Ang sabi nung player namin putlang putla ka." Tanong pa nito pero hindi ako sumagot. "Isa pang nakakabwisit e kilala mo yung mga tiga Shiratorizawa at si Ushiwaka! Ang malala pa nakipag holding hands kapa sakaniya sa harap ko!"
E bat galit?
"H-huwag ka namang m-magalit hehe" nilalaklak mo ako e. Kalma lang. "mali ko, nagjump ako sa conclusions da-dahil..-"
"Dahil sa selos? Sana naman kinausap mo muna ako. Mag eexplain naman ako e." Disappointed niyang sabi.
"So nagsayang lang ako ng luha ganon?" True naman ah! "Alam mo bang nung gabing 'yon e halos wala akong ginawa kundi ang umi-"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko nang hawakan ako nito sa bewang at saka itulak papasok ng bahay saka isinara ang pinto. Masyado kaming dikit kaya naginit ang mga pisngi ko!
"Kasalanan ko?" Banat nito.
Umiling naman ako dito. Bakit ba ang lapit lapit niya! Nagtry akong mag iwas ng tingin pero hinawakan nito ang baba ko saka ako sinandal sa pader. Naimulat ko ng husto ang aking mga mata nang maramdaman kong naglat ang mga labi namin.
Para naman akong naistatwa dahil duon! First kiss koyun e! Nanatili lang kami sa ganoong pwesto hanggang sa iangat na nito ang muka niya para halikan ang noo ko.
"Next time tanungin mo muna ako." saka ako nito binitawan "Kain na tayo may binili akong foods" Tinalikuran ako nito saka naghubad ng jacket at pumuntang kusina. Gulat na gulat parin ako at inaalala ang biglaang kissing scene na'yun.
"Yun na 'yon?"
Dampi lang, walang upside down!
Ay wow, demanding ano gusto mo self?! French kiss! Bastos ka.
Pinalaki akong matinong babae ng parents ko. Hindi ako marupok peste. E bakit kasi nga naman hindi ako nagtanong. Pinakita pa nito sa akin ang family picture nila kasama 'yung Kapatid niya. Kaya pala Tooru ang tawag nito akala ko naman super babe na sila kaya Tooru na ang tawag niya. Phew. Hindi ako sumunod sa kaniya sa kusina umupo lang ako sa sofa saka tumingin ng movies sa drive. Gusto kong marefresh utak ko sa kahihiyan, hayuf.
The Edge of Tomorrow ang napili kong movie.
Kumuha ako ng unan sa kwarto at saka naghiga sa sofa. Hindi ko kinakausap si Oikawa na kumakain sa tabi ko kahit inaalok ako nitong kumain. Akala niya ba ganun lang kadali ipick up ang sarili after mapahiya?! No sis.
Napansin ko namang niligpit niya ang kusina saka hinugasan ang pinagkainan nito. Dapat lang no!
"Ui, ayaw mo talagang kumain?" Inilingan ko lang ang tanong niyang iyun dahil busy na ako sa pinapanood ko. Nakuha naman niya ulit ang atensyon ko ng patayin nito ang TV at saka pinuwesto ang sarili sa pagitan ng mga legs ko at saka humiga sa akin. Medyo hindi naman ako makahinga! Why naman ganito.
"Sa susunod kana manood. Pagod ako. Pa charge." Sambit nito saka ako niyakap. Na realized ko naman ang sinabi nito. Natalo nga pala si sa team namin. Naalala ko ang sinabi niya dating gusto niyang talunin si Ushijima. Alam kong ang pinaka regret nito ay ang pagtama na ng bola sa kamay nito pero hindi niya parin nasave sa huling puntos ng match.
Hinagod ko naman ang ulo nito at nagsalita. "You did good. You're the best captain after all." True naman e. May aangal ba? Nanatili siyang matatag sa harap ng mga kateam niya at naging sandalan siya ng mga ito. Sadyang marami lang talagang nakakaangat sa mundo pero huwag sana nilang isiping katapusan na dahil nagkulang o may kulang sa kanila.
Hindi naman ibig sabihin may nakahihingit ay may kulang sa inyo.
Nararamdaman kong hindi pa ito ang dulo ng volleyball career ni Oikawa. Masyadong malalim ang tingin nito sa Volleyball at nararamdaman kong may mas mataas pa siyang pangarap para sa sports na to.
"Inaantok kanaba?" Baka kasi sa akin na naman siya makatulog. Super sakit kaya sa balikat last time! Nang tumango ito ay inaya ko na itong matulog sa kwarto. Masyadong malamig dito sa sala baka sipunin pa 'to at ako ang sisihin. Saka natulog naman na kaming magkatabi no! Wala namang kaming ginagawang r18! Pinalaki akong mabuti ng nanay ko.
Nagpaalam muna itong magbubuhos saglit dahil suot niyapa ang Pants at Jacket ng school. Pero kahit ganun ang bango bango parin nito. Amoy dove pink pa nga!
Naghiga na ako sa kama pagkatapos patayin ang ilaw. Tanging ilaw nalang sa side table ang nakabukas saka ako nag scroll down sa social media. Madaming fans ng Aoba Josai ang nag share ng thoughts about sa game nila laban sa team namin. Madaming fan girls ni Oikawa naman ang nagpahayag ng super duper lungkot nilang damdamin!
Tse!
Minsan napapaisip ako. Sa dinami dami ng nagkakagusto sa kaniya, sa akin pa siya nakitulog at nagkagusto. Isipin mo nga, diba~?
Naramdaman ko naman ang kamay ni Oikawa na pumulupot sa akin. Amoy pa ang shampo at sabon nito sa kaniya. Umangat ito ng higa inalis nito ang kamay ko sa cellphone saka inihiga ang ulo sa kamay ko at saka ako niyakap.
"Anong ginagawa mo?" Tinignan nito ang phone ko na hawak ng kaliwang kamay ko. Ipinakita ko naman sakaniya binabrowse kong feed. "Binlock mo ako sa IG, ibalik mo'yun. Ifollow mo ako ulit!" Napairap naman ako sa hangin saka ito ginawa. Dalawang pictures na ang nakapost sa IG nito. Ang una ay yung nanalo siyang best setter at ang pangalawa....
"Huy!!! Ano bayan!!!!" Bulalas ko. Picture ko ito habang parang gutom na gutom na kumakain ng ramen.
'Posted 2 hours ago' at nag gain ng 4k likes at sandamakmak na comments!!! Ang malala pa e yung caption!
"Oiky little girl, I love you"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Napahilamos ako sa mukha nang marinig ko ang mahinang pagtawa nito.
"Naku Oikawa..."
Puro ka kalokohan! Nakakahiya! 4 thousand na tao lang naman ang nakakita sa mukha ko. Hindi naman sa mukha akong pangit dun pero nakakahiya diba! Kailan ba'to? Bakit nakuhanan naman ako nito ng picture! Naka follow pa man din sakaniya ang ilang students at players ng Karasuno.
Panigurado ako nakita na ni Tsukishima 'to at nila Daichi. Silang mahihilig mag browse sa social media.
Humigpit ang yakap nito sa akin. "Ang cute mo kaya dun." Sambit pa nito. "I miss you."
Ako namang medyo marupok sumagot!
"I miss you too." Mahina kong sabi. Inoff kona ang cellphone ko at hinayaan ang sarili ko na makatulog sa ganung pwesto naman ni Oikawa.
-
Malakas na kalampag ang muling gumising sa akin. Wala na si Oikawa sa tabi ko kaya napabagon ako. Nagising naman ang diwa ko ng bumangon ito mula sa sahig.
Siya pala 'yung nahulog! Hapon pa ang punta ko ng school dahil weekends. Habang si Oikawa ay nakabakasyon ngayon kaya dito raw muna siya magstay ng week ends. Tinanong ko naman kung hindi ba siya hahanapin ng mama niya pero pinakita nito ang message nila ng mama niya. Nagpaalam na pala itong hindi uuwi ng weekends.
Kaya pala medyo malaki laki ang duffle bag niya dahil nandun na ang damit niya for 2days! Tsk magaling ka ha.
8:00 AM na ng umaga. Tinanghali na kami magising dahil pareho kaming nagoff ng alarm. Bumangon na ako atsaka hinayaan siyang maghiga higa muna. Nirereklamo niyang masakit ang balakang niya dahil sa pagkakalaglag. Siya lang naman ang malikot matulog sa aming dalawa ako pa sinisi.
Naglabas na ako ng hotdog at egg for breakfast. Nag fried rice narin ako para sa kanin. Nang matapos ay nagtimpla na ako ng kape at saka tinawag si Oikawa para gising.
"Huyy. Halika na" Umupo ako sa gilid ng kama saka ito inalog. Dumilat naman ito at saka umupo't sumandal sa headboard ng kama.
"Sabihin mo muna 'baby' dali 'yun ang tawag mo sakin" huh?
Eh?!!!
"Ang aga aga Oikawa ha." Ano ba naman 'yan! Namilit pa ito hanggang sa mainis na ako at iwan siya roon.
"Tsk baby lang ayaw mopa." Pagmamaktol niya habang nakasunod sa akin papuntang kusina. "Baby lang ayaw pa...-"
Hindi naman sa ayaw ko! First time koto i mean baby?
Naaning ako!!!!
Hindi kona siya pinansin atsaka na sumandok ng pagkain. Nang matapos ay iniwan kona siya doon at binilinan na maghugas ng plato.
"Luh? Ako nag hugas kagabi."
"Osige ako nalang"
"Hindi, ako nalang"
Sinabihan kona siya noon na kapag tapos kumain siyana ang maghuhugas dahil hindi niya ako alipin. Sipain kopa siya palabas kako. Pero joke lang yon syempre!
Nagbukas ako ng TV saka nanood ng balita nang maupo sa sofa. Sumunod naman si Oikawa matapos maglinis ng kusina. May hawak na itong kape saka umupo sa tabi ko habang nagcecellphone.
"Tignan mo." Ipinakita nito ang picture ni Iwaizumi na umiiyak. Medyo natawa ako sa itsura ni Iwaizumi dahil parang siya yung tipo ng lalaking malabo mo mapaiyak kahit lumuha ka ng dugo.
Napapailing naman ito habang nagbobrowse pa sa gc nila. Nagulat naman ako nung biglang nag ring ang cellphone ko sa kwarto. Ring ng tawag 'yun kaya kinuha kona.
Si Kotarou.
Sinagot ko ito at saka lumabas sa sala para patayin ang TV. Tahimik naman akong tinitignan ni Oikawa, inabutan ko naman siya ng Tshirt nang mapansing naka sando nalang ito.
Tignan mo itong lalaking to kapag sinipon sa akin isisisi 'yan! Ganiyan kapangit ang ugali niyan!
"Hello? Oh? Kotarou?" Ano na naman kaya nakain nito at tumawag.
"Hoiii Mika. Kakausapin ka daw ni Mama." Malakas nitong sagot. Napalayo naman kaagad ako sa cellphone dalhin dun.
Umupo naman ako sa tabi ni Oikawa saka siya sinandalan. Nakatalikod ako sa kaniya para maitaas ang mga paa ko.
"Hello anak? Uuwi daw sila mommy mo this January..." Binigay nito ang details ng flight nila mommy at kung kailan ako susunduin ni Kotarou dito. Ramdam ko namang nakikinig si Oikawa sa call. Chismoso!
"Sige po, see you po! Ingat kayo jan!" Paalam ko rito. Binuksan ko ulit ang TV saka muling nanood.
"Sino 'yun?" Tanong ni Oikawa.
"Ahh, tita ko tapos 'yung Kotarou sa contacts. Anak niya pinsan ko. Uuwi kasi parents ko next year."
Para namang umilaw ang bumbilya ko sa utak saka siya tignignan. Tinaasan naman ako nito ng kilay.
"Uuwi ang parents ko, gusto mo bang makilala sila?" Tanong ko dito.
Para namang naging kamatis ang pagmumuka ni Oikawa dahil sa tanong ko. Sis hindi lang ikaw ang may kakayahang magpakilig.
"G-grabe s-sa meet the p-parents, G!" Nauutal utal na tugon nito. "D-dapat sinabi mo ng medyo maaga para naman mas napaghandaan ko anong petsa na oh!" Inis pa nitong dagdag. Niyakap ko nalang siya at saka pinakalma.
"Masyado kang tense, kalma ka lang baby" Pang-aasar ko sakaniya. Sobrang pula na nung face niya dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng ganun. Siya ang may gustong tawagin ko siya ng ganun!
Ang sarap niyang bwisitin! Pinicturan ko siya at saka pinakita ang pagkapula ng mukha niya.
'Mukhang magkakasundo kayo ng parents ko Oikawa.' Nakangiti kong sabi sa isip ko.
Mom and dad! I thinik i found love.