Chapter 9

2963 Words
"Lumayo kayo ka sakin at naiinis ako sa'yo!" Binanoon ko ang mukha ko sa unan nang marealized ang pinagsasabi ko kanina. Niyakap ako nito kahit na nakatalikod ako sa kaniya. Wala akong mukha na ihaharap sa kaniya ngayon. "Kung hindi pa malinaw sa'yo e' nililigawan na kita." Sambit pa nito pero mas rinig na rinig ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Masyado akong napepressure ha. 'Manliligaw ko na pala 'to! Hindi ko pa alam' ganun ba ako kastone hearted?! "Huwag kanang magalit, nagulat ako kanina kaya mo palang magalit ng ganun." Hays. Oikawa, gusto kong malaman mo na tao ako hehe. "So? Ano, gusto kita at gusto mo ako. MU ganun?" Ang kapal kapal talaga ng sarili ko magtanong pa ng ganiyan! Ano pabang gusto mo. "Huh? Anong sinasabi mo, umpisa palang tayo na. Girlfriend kita diba?" Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at ang paghigpit ng yakap ni Oikawa. Anong araw ba ngayon?! Hindi na ako nakipagtalas tasan pa kay Oikawa dahil kanina pa ako inaantok. Napurnada lang dahil sa maliit naming pagtatalo kanina. Mas nahimbing ako sa pagtulog ng suklayin nito ang buhok ko. - Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Agad ko itong pinatay dahil tulog pa si Oikawa. 4 AM palang kaya naisipan ko ng magluto ng baon ko. Sa isang linggo pa ang match ng team namin at ng team nila Oikawa. Inalis ko ang kamay nitong nakayakap sa akin saka siya kinumutan ng buo. Natali muna ako ng buhok at saka naghilamos bago pumunta ng kusina. Nagsaing na ako ng kanin at saka naglabas ng bacon and egg. Paubos na ang stock ng ref at mga drawer ko kaya napagpasyahan kong maggrocery mamaya. Kasalukuyan akong nagpiprito ng itlog ng biglang yumakap sa akin si Oikawa mula sa likod. Binaon ulit nito ang ulo niya sa leeg ko. Amoy na amoy ko naman ang mabago niyang pabango at dove na sabon. Taray, may pa dove. "Oh? Aga mong nagising?" Usually kasi kapag pagod siya late siya nagigising. "Wala ka sa tabi ko" ang aga aga naman Lord. Pwede bang mamaya nalang? Aga agang nagiinit yung pisngi ko. Hindi pa ako nakakamove on sa madramang confession kagabi! "Luh, nagluto ako. May pasok pa ako. Ikaw ba?" "May training kami buong linggo, hindi ako makakapunta dito nun." Ah- sabagay Karasuno din ganun kaya mukhang malelate na ang uwi ko. Hindi umalis si Oikawa sa likod ko hanggang sa matapos ako magprito ng bacon at itlog. "Para kang linta jan lumayas ka nga, umupo kana dun. Ilalapag ko na ang pagkain"  pero hindi ako nito sinagot. Hinarap niya ako sa kaniya at saka hinalikan sa noo. "U-ui." Parang naeestatwa ako sa posisyon namin. Nasa pagitan ako ng mga hita nito habang ang mga kamay niya ay nakayakap sa bewang ko. 'Napatay kona ba yung stove?' "Natatakot ako" saan naman? "Baka sa darating na isang linggo hindi mo na ako gusto kasi hindi mo ako nakikita at madalang makausap" Ano bang iniisip nito? Hindi naman ako ganung tao! Binaon ulit nito ang mukha sa leeg ko pero ang mas nakakagulat ay- "Oikawa!!!" Siniil nito ng halik ang leeg ko dahilan para makaramdam ako ng kaunting kirot. "Pag ito merong mark! Nakakainis ka!" "Woah, alam mo ang kiss mark." "Tao ako Oikawa! Nakakainis ka." Umalis ako sa pagkakayakap niya sa akin at pumunta sa sala kung saan may whole body mirror. Sht, pulang pula! Litaw sa maputi kong kutis ang mark na ginawa nito. Parang aning! "Paano ko itatago 'to! Nakakaasar ka!" May scarf naman ako, pwede naba 'yon? Pangit naman kung lalagyan ko ng band aid ano dahilan ko nakagat ako ng lamok?! Ngingisi ngising nakasandal si Oikawa sa pader na nakapagitan sa sala at kusina. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Lumapit ito sa akin at saka ako iniharap sa salamin saka yakapin. "It's a mark. You're mine. Hindi ko gustong may ibang lalaking gagawa sa'yo ng mga bagay na ginagawa ko sa'yo." Hindi ako makahinga. Nanatali kami sa ganung posisyon ng ilang minuto Bago ko siya inayang kumain. Yun ba ang inaalala niya? Kaya buong magdamag siyang nanlalambing? Na baka may makita akong iba habang wala siya? Anak naman ng tokwa. Nang matapos kami kumain ay saka na ako naligo dahil susunod pa siya sa akin. Nang matapos ay kinuha ko na ang school uniform ko at stockings ko. Medium ang laki ng uniform ko dahil ayoko ng small, ayokong fit sa akin ang mga damit ko. Mas kumportable ako sa damit na nakakagalaw ako ng matino at hindi mababastos. Nilagay ko naman sa bag ko ang coat ng uniform ko. Mamaya konalang susuotin kapag nakita ko sa malayo ang principal namin. Kalalabas lang sa banyo ni Oikawa nang lumabas ako sa kwarto. Inabutan ko naman siya ng isa pang towel para mapunasan niya ang basa nitong buhok. Gumawi na ako pakusina para ilagay ang baon kong pagkain sa bag at ayusin ang kusina. 5:30 AM na kaya inaya kona si Oikawa na umalis pero hindi pa ito nakasuot ng T shirt. "Huy ang lamig lamig. Mag suot kana ng damit." Binato ko sakaniya ang T shirt nito. Mas maputi pala sa akin si Oikawa. Bagay na bagay sa kaniya ang kulay na Cyan. Mas nagmukha siyang gwapo at malinis. Hindi ko naman nakalimutan ang scarf at saka ito pinalupot sa leeg para matakpan ang marka ni Oikawa. Inabot ko na rin sa kaniya ang jacket nito saka na siya hinila palabas. Wala pa yatang balak lumabas. Habang nag sususi ako ng bahay ay nagsalita ito. "Tatawag ako kapag may time but keep updating me please?" Napabuntong hininga naman ako sa kaniya. Pangatlong beses niyanang sinabi ito mula kaninang nakaligo ito. "Oo nga, mag focus ka sa training nyo huwag sa akin. Nandito lang naman ako." Sincere na sabi ko sa kaniya. Hindi naman ako aalis e' wala naman akong ibang gusto maliban sa kaniya. Pakielam ko sa iba. Naghiwalay na kami pagkalabas ng gate dahil hindi ko na siya mahahatid sa station at regular class ako ngayon. Bakas sa mukha nito ang ayaw pang umalis pero sinabi kong kapag hindi niya inayos ang sarili niya bahala na siya sa buhay niya. Mabilis pa sa alas kwatrong lumakad ito paalis at saka kumaway ng ba-bye. Kalokohan mo sagad, Oikawa. "Mikazuki!!!!!!" Ack! Parang mabubutas ang eardrums ko sa boses ni Nishinoya. Nasa corridor kami nung takbuhin niya ang distansya namin. "Halika paturo!" Bitbit niya ang english module namin. May exam yata sila kami kasi tapos na. Wala pa raw si Chikara kaya sa akin muna siya magpapaturo. Mamayang tanghali ang start ng training nila kaya gusto raw niyang tapusin ang mga gagawin sa acads. "Ito after niyan kapag nabasa mo na 'to. Itong story naman kasi lalabas 'yan sa exam." Pointers ang tinuro ko sa kaniya at hindi buong modules dahil karamihan e' hindi naman lalabas sa exam. Madali lang turuan si Nishinoya dahil naka mood yatang mag aral. "Woah, pag naperfect koto libre mo ako ah!!! Salamat daanan ka namin nila dito pag pupunta na ng gym!" Ani nito saka na pumunta sa classroom nila. Pumasok narin sa room ang teacher namin sa English kaya nanahimik na kaming magklase saka na nakinig. "Hatake" tawag sa akin nung teacher ko. Distribution ng papers ngayon dahil nag exam kami last time. "Thankyou po" sambit ko dito pagkakuha ko ng papel. I got 98 over 100. Mukhang nagbunga naman ang pagrereview ko. Kasabay nitong inabot ay ang paperworks na pinasa ko din last time. I got 50/50 score. Phew mukhang tama ang binigay na instructions ni Oikawa ha. Balak ko sana siyang imessage tungkol dito pero hindi na ako nag-abala dahil sabi niya nga kanina ay may training sila natural off limits sa phone. Nang matapos ang klase hinanap ko ang classroom ni Chikara at Narita. Lumabas naman ito ng makita ako sa labas ng classroom. "Ui naka 50 ako, thankyou hahaha!" Nilabas rin nito ang paper niya saka ipinakitang 50/50. "Sila Tanaka kapag naka 40+ daw manlilibre ng dinner." Sabay kaming pumunta kung nasaan ang room nila Tanaka at Nishinoya. Si Kinoshita ay nasa kabilang room pa kaya si Chikara na ang tumawag dito. "Ui teka sabay sabay kaming tatlo maglalabas ha" sambit ni Kinoshita na kadarating lang. "1.2.3!!" "Tanaka got 43 over 50, Nishinoya got 47 over 50 and Kinoshita got 47 over 50" salita ni Chikara. "So mablilibre kayong tatlo?" Nakangisi kong sabi sa kanila. Nagsipag thumbs up naman sila habang kami ni Chikara ay nag apir dahil makakalibre kami ng dinner mamaya. Gaya ng sinabi ni Nishinoya kanina. Dinaan nila ako pagkatapos ng klase mula umaga hanggang tanghali. Buong corridor dinig na dinig ang maingay na halakhak nila Tanaka at Nishinoya. Hindi na kami magugulat kung babain kami ng principal na nasa itaas lang ng floor namin. Nang makarating kami sa club room ay saka na nila binaba ang mga gamit. Iniwan kona sila doon dahil magpapalit pa sila ng jersey shorts at practice shirt. Nauna naman akong pumunta ng gym kung saan nandun sina Kageyama. Nilapitan naman ako nito at saka bumati. Bumalik na si Hinata sa court pero si Kageyama ay nanatiling nakatayo sa harap ko. "A-ano." Hmm? "Tinanong ka ni Oikawa-san sa akin ka-kahapon. Alalang alala siya noong nilapitan akong mag-isa." Heh? "Ah~" shuta anong idadahilan ko dito? "Satin satin nalang 'yun Kageyama Tobio" makuha ka sa seryosong tingin pls. "Yes po!!!" Ani nito na parang takot na takot saka na nagwalk out papunta kay Hinata. Sunod naman na lumapit sa akin ay si Tsukushima na nagpapatulong magblocks. "Teka magpapalit lang ako ng track pants at sleeves ha" naka uniform pa kasi ako at hindi ako kumportableng maglaro ng nakapalda. Bumalik rin naman ako kaagad matapos magbihis at magsuot ng volleyball shoes. Nagtaka naman ako sa itsura ni Tsukishima na parang nagtataka. "A-no maglalaro ka ng naka scarf?" Heh? Ngumiti ako ng wala sa oras saka mabilis na tumango. Hindi naman na nagtanong si Tsukishima kaya nagpunta na kami sa court. Sakto naman dumating sa Sugawara kaya sakaniya na ako nagpatulong mag toss. Ang hirap tumalon ng may nakataling scarf sa leeg. Tae talaga. Tsukishima is smart and talented. Madali niyang nakukuha ang timing ko pero ang tibay ng blocks niya ay nasa 60% pa. Kung irerate mo ang lakas ng palo ko ay parang kalevel na ng spike serve ni Oikawa kaya nakakatakot paluin ng malakas ang bola dahil baka masaktan ng husto si Tsukishima. "Mikazuki-san" tawag ni Tsukishima kaya nahinto ang pagtotoss ni Suga sa akin. "Pwede po bang ibigay nyo ang buong pwersa nyo sa pagpalo?" Mukhang napansin rin nito na pinipigilan at binbawasan ko ang sway ng kamay ko. "Tibayin mo ang block ha." Sambit ko dito saka nilingon si Sugawara. "Suga, high toss." Hinagis ko sa kaniya ang bola para madali nitong matoss ng mataas ang bola sa akin. Nag-approach ako at naghigh jump saka buong pwersang pinala ako bola sa mid-air. Hindi nakayanan ng kamay ni Tsukishima ang bola kaya tinangay lang ito at bumagsak ang bola sa back row. "Sabi sayo tibayan mo ang kamay mo" "COOL!!!! MIKAZUKI SENPAI!!!!!" Boses ni Hinata at Kageyama. Ang ibang players naman ay bakas ang gulat sa mukha. "Ui ang lakas ng palo mo." Gulantang na sabi ni Suga. "Para kang si Ushiwaka-japan!!!" Sambit ni Hinata nang makalapit sa akin. 'Ushiwaka Japan?' "Ah~ he's one of the top 3 ace sa buong bansa. Parang si Bokuto-san ng Fukurodani na kasama sa top 5" paliwanag ni Daichi. "Apparently, of all places nandito pa sa Miyagi ang isa sa mga top 3" boses ni Tsukishima. Kahit kailan napaka negative nitong batang 'to. "You only have one option" Sabi ko. Masyado kasi silang tense kay Japan. "Surpass him." Saka hindi naman porke top 3 si Ushiwaka-japan e best team na sila. Ang nenega nyo. "O-kay! Practice na tayo" Nagsimula na ang maghapong match at personal practice nila. Abala naman ako sa pagkuha ng mga tubig at towels nila. Nagpalagay rin ng tape sa kamay si Tsukishima at Nishinoya dahil nasusugatan ang mga daliri nito. Tuwing pahinga at personal training ay hnahatak ako ni Hinata at Kageyama sa court para magpatulong. Hinihingal ako ng makaalis at makalabas sa court. Inabutan ako ng tubig ni Shimizu at saka pinaupo. "Thankyou for practicing with them, Mikazuki." Sambit nito habang nakangiti. "Wala 'yun. At saka gusto ko rin sila subaybayan... kung hanggang saan ang aabutin ng lipad nila" Dinismissed na kami ni Coach Ukai pasado 7:00 PM na ng gabi. Hinatak na ako nila Nishinoya para pumunta sa kainan ng ramen. Maaga aga pa naman para magsara ang supermarket. Mamaya nalang ako mamimili pagkatapos namin kumain. "Seijo na ang kalaban natin no? Kapag nanalo tayo dun. Shiratorizawa na ang makakaharap natin." Sabi ni Nishinoya. "Kung matatalo natin ang isa sa mga powerhouse ng Miyagi." "Negative mo naman Chikara!" Asik ko sa kaniya. Kakayanin nila 'yan. "Sinong ipagchecheer mo? Kami o ang Aoba Josai?" Nagulat naman ako sa tanong ni Chikara nayun! Buti hindi narinig ng apat! Isa pang mapanukso si Narita e' buti hindi niya narinig dahil nasa unahan sila. Mas dedo naman kung narinig nila Tanaka. "Ui wag kang maingay! Syempre kayo ang ichecheer ko buang!" Pakielam ko sa Aoba Josai may cheering squad naman sila at puno naman ng girls ang gym kapag sila ang may match. "So kayo nga?" "Kahapon lang naging kami pero yung rumors nung una fake news pa'yon" true naman ah! Kulit kulit mo Chikara! Naalala ko tatawag pala si Oikawa. Tinignan ko ang phone ko at tinignan ang message at IG message pero wala akong nakitang missed call. 'Baka hindi pa tapos ang training' Tinignan ko ang profile nito sa IG. Iisang picture lang ang naka post sa timeline niya. Nung nanalo yata siya ng best setter noong Junior high. May 2k likes at 500+ comments. Wee famous. He got 6k plus followers. Ang private naman masyado, isa lang ang naka post. Well, whatever buhay nya 'yan. Ramen ang order naming anim. Si Kinoshita ay nagpa additional onigiri pa. Nagkwentuhan lang kami about sa klase sa isa naming terror na teacher at saka saglit na nagpahinga pagkatapos kumain. "Sa susunod na pustahan sa finals naman. Kaso dapat manlilibre rin si Mikazuki napaka unfair naman may gender role dito" angal ni Nishinoya. "Sige ba!!!" Kala mo ah. Mag iipon na ako! "Nyahahaha! Noya, Tanaka, Kinoshita. Bayad na kayo" inabot naman nila ang bayad naming anim saka na kami lumabas. Nagpaalam akong pupunta pa ng mall saglit at mamimili ng stocks sa bahay. Nagsi sakayan na sila ng Bus para magsiuwi. Magmessage nalang daw ako kapag nakauwi na dahil hindi na nila ako masasamahan maggrocery. Pumasok ako sa loob ng mall. Inuna kong pinuntahan ang books store at duon namili ng book novel at iba pang gamit sa school. Nang matapos naman ay dumiretso na ako sa supermarket. Humila ako ng cart at saka naglakad papunta sa section ng mga karne. Tig kalahating kilo ng baboy at manok ang kinuha ko saka isang salok ng hipon. Mag buttered shrimp kaya ako no? Hmmm pwede pwede. Pumunta naman ako sa section ng noodles at dumampot ng easy to cook ramen at canton. Dumampot rin ako ng cup noodles at saka na nagpunta sa may chichirya. Kaunti lang ang dinampot ko na puro cheese ang flavor saka na pumunta sa beverage at kumuha ng chocolate drinks at strawberry yogurt. 'Oo nga pala, wala pabang tawag si Oikawa?' Nilabas ko ang phone ko at nakitang walang missed call. 'Baka busy pa' Hinayaan kona at itinuon nalang ang sarili sa pagogrocery. Kumuha rin ako ng mga delata at frozen goods saka na nagpunta sa cashier. Medyo marami rami ang napamili ko kaya card ko ang ginamit ko. "Thankyou for shopping!" Tulak tulak ko ang cart palabas ng supermarket. Tinatamad akong dalhin ng nakasupot ang mga pinamili ko e'. Naisipan kong mag-ikot ikot muna at maghanap ng coffee shop. May nakita naman ako kaagad at saka na nagorder dun. Americano lang ang inorder ko at saka na nag-upo sandali para mag browse sa feed. Hindi ako mahilig sa mga frapp at matatamis na kape. Americano lang ang kinahiligan ko sa mga kape sa labas. Pinost naman nila Tanaka ang picture namin kanina sa resto saka nag message kung nakauwi naba ako. Nagreply naman ako na hindi pa at sinabing magpahinga na sila. Iinom na sana ako ng kape nang mapagawi ang tingin ko sa lalaking kanina kopa hinihintay ang tawag. Nakasuot ito ng khaki shorts at simpleng t-shirt at jacket. Tatawagin kona sana siya ng lumitaw sa paningin ko ang isang babaeng nakahawak sa braso nito. Binitawan ko ang baso ko dahil sa panghihina ng kamay ko baka mabigla kong mabitawan. 'Ano 'yun?' 'Sino 'yun?' Nakangiti ang dalawa habang naglalakad na palayo sa akin. Hindi ako makahinga dahil sa bilis ng paghinga ko. Kinuha ko ang inhaler ko saka dahan dahang huminga ng malalim. Nang kumalma na ako ay saka ko inilabas ang cellphone ko at dinial ang number na una kong nakita. "Hello?" Pinagtitinginan ako ng mga tao habang naglalakad palabas ng mall. Nakabukas parin ang call hanggang sa makapagtawag ako ng taxi at mailagay ang mga pinamili ko. Para akong tanga na umiiyak sa loob ng taxi. Dapat nakinig ako kay Chikara na mag-ingat. "Nasaan ka? Papunta ako sa apartment mo." Sinabi ko sa driver ang address ko at saka nagpatuloy lang sa pagiyak. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa tapat ng gate namin. Ibinaba ko ang mga pinamili ko saka nagbayad kay kuyang driver. Tumulo ulit ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Andami kong sana, andami kong iniisip andaming bakit. 'Kakaamin niya lang sa akin na gusto nya ako diba?' Isang kamay ang pumunas sa mga luha kong tumutulo. Mas napahagulgol naman ako ng makilala kung sino ito. "Thankyou, Suga. Thankyou"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD