"Anong nangyari?"
Inabutan ako nito ng tubig matapos akong paupuin nang mabuksan niya ang bahay pagkatapos kong ibigay ang susi. Tinawagan niyana rin daw si Shimizu at papunta na ito.
Nakaabala na naman ako. Ang engot engot ko. Bakit ko ba ginagawang kaawa-awa ang sarili ko?
Hindi ko naman ginusto to e'. Nasanay lang ako na nanjan siya sa akin tapos bigla ko na siyang nagustuhan. Pinaramdam niya yun e'. Mali ba 'yun? Hindi ba dapat ganun?
Sana hindi nalang ako nagtiwala kaagad. Andami kong sana. Bakit kailangan ganito ang mangyari? Hindi pa naman malalim pero masakit...
Bumukas ang pinto at alalang-alalang pumasok si Shimizu at saka ako niyakap. Mas napahagulgol naman ako nang maramdaman ang mainit niyang yakap.
"Si Oikawa ba? Anong ginawa?" Tanong ni Shimizu. "Alam namin na kayo. Inamin niya sa amin noong hinanap ka niya after ng game nila vs. Date tech."
Sinabi ko sakanila ang nangyari. Mula sa pag-amin nito at pagsabing kami na hanggang sa makita ko siyang may kasamang iba kanina.
"Loko talaga 'yun." Inis na asik ni Suga. "Hindi siya tunay na lalaki Mikazuki."
"Hindi naman kita masisisi. Feelings mo 'yan. Kahit anong pangaral namin kung iba ang takbo ng nararamdaman mo iba parin." Tahimik lang akong naluluha nang sabihin 'yun ni Shimizu. "So? Anong balak mo nyan?"
"Siguro mas mainam na huwag kana munang makipag-usap sa kaniya. Putulan mo siya ng connection saka ka mag move on." Sambit ni Suga pero tinapik lang siya ni Shimizu.
"Hindi ganun kadali 'yon! Alam-" hindi ko na napakinggan ang pagtatalo nila dahil nilamon ang ng pag-iisip ko.
Tama, putulan ng connections. Bihasa nga pala ako duon. Bakit hindi ko naisip 'yun at nangabala pa? Ganun ba kasakit? Kailan lang kami nagkakilala. Tama.
Kailan lang kami nagkakilala pero iba ang saya ko sa kaniya.
Ang rupok mo naman self. Bakit ka ganiyan? Nakakahiya ka.
Sigh. Inayos kona ang sarili ko at saka naghilamos sa kusina. Nagpaalam naman na sila Shimizu matapos akong tulungan mag ayos ng mga pinamili at saka sermunan ng kaunti. Nanlambot ang puso ko sakanilang dalawa dahil sa pagpunta nila kaagad.
Kalalabas ko palang ng CR galing maligo nang tumunog ang cellphone ko.
Pretty boy calling...
'Hahaha' tawa ko sa isip ko. Tapos naba kayo magdate kaya sa akin naman ngayon?
Tangina mo hindi ako laruan.
Sinagot ko ito at saka hindi kumibo hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Sorry late ako nakatawag, kakatapos lang ng training~" hindi ko na siya pinatapos at saka na pinatay ang cellphone.
Sinungaling ka bes.
Nalist down ko na naman na ang mga contacts ko maliban sa number niya kaya tinanggal ko ang simcard ko sa phone saka pinalitan ng bago at pinagsesave ang number ng mga dati kong contacts liban sa kaniya. Sinend ko narin sa group chat namin ang bago kong number. Binlock ko din siya sa social media accounts ko para hindi na ito makapag message.
'Viola'
'Sumpa ka, Oikawa.'
-
"Mikazuki! Goodmorning!" Masayang bati ni Hinata. Umagang umaga mawawala stress ko sa mundo dahil sa kakwelahan nitong batang 'to.
"Hinata, ibibili kita ng ice cream mamaya"
Lumundag naman sa saya 'to. "Totoo ba!!!! Yeheyyy!" At gaya ng kinagawian nakipag karera na ito kay Kageyama nang makitang kakapasok lang sa gate.
Naka trackpants ako at turtle neck shirt saka jacket. Mas mainam pala ang turtle neck dahil natatapalan nito ang sumpa sa leeg ko.
Sumpa 'yan. Cursed mark.
"Hatake." Boses mula kay coach kinausap ako niyo about sa pagkain at gamit ng team para sa game sa Seijo. Nakausap ko naman na ang finance ng school na siyang magbibigay ng pera pambili ng pagkain. May ilang mga magulang at personalidad ang nagdonate ng pera sa volleyball club simula noong makita ang poster na ginawa ko noong unang round ng spring tournament.
"Salamat sa pagtulong mo sa mga 1st year ha." Dugtong pa nito.
"Wala 'yun coach!" Ano ba coach simpleng bagay!
Parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon ha, dahil ba kay Hinata? Phew. Nagsimula na ulit ang training nila at gaya ng dati tuwing personal training ay hinahatak ako ni Hinata o Tsukishima
"Huy bitaw! Ako naunang tumawag kay Mikazuki." Mataray na sabi ni Tsukishima kay Hinata. Nagkasabay kasi silang hatakin ako para magpatulong sa pagtetrain.
"Huh ako nauna!!!" Sigaw naman ni Hinata.
Hinanap ng mata ko si Daichi para humingi ng tulong. Matalim ang mata nitong tinignan ang dalawa saka sila sabay na napatbitaw sa akin.
'Phew kahit ako natakot e'
"Hindi laruan si Mikazuki para hilahin nyong ganiyan ay pag-agawan" makahulugang sabi nito.
Oo tama! Hindi... hindi ako laruan! Punyeta!
"Hinata magpractice ka kay Suga duon mag receive. Mikazuki ikaw na bahala kay Tsukishima." Malungkot na nag walk out si Hinata sa amin.
"Ibibili kita ng ice cream mamaya Hinata wag kanang malungkot!" Pangchecheer up ko sa kaniya saka siya binigyan ng thumbs up. Sumagot rin ito at saka na tumakbo papunta kay Suga.
"Halika na." Aya ko kay Tsukishima sa court. Blockings ulit ang pinagpractisan ni Tsukishima. Habang yata lumilipas ang aaw mas umiinam ito sa practice.
"Kulang ka nalang sa experience" Iyon nalang ang nasabi ko nang magkamatch ulit sila. Lahat sila ay kulang sa matinding experiences pero lahat sila ay kayang kayang lumaban!
Ipanalo nyo ha! Talunin nyo ang sumpa! Fighting!
"Okay kanaba?" Tanong ni Shimizu na nasa gilid ko.
Wala na akong oras magmukmok at mag sana all sa gilid. Marami akong dapat gawin. Okay na yung isang iyak tapos move on na. Pakielam ko sa gagang 'yon?!
"Oo, marami akong dapat unahin kaysa madepress hehe"
-
"Mikazuki, una na kami ha!" Paalam nila Azumane. Nauna na sila Daichi at Suga sa labas habang ang 1st year at 2nd year player ay nakauwi na. Nag lilinis pa kami ni Shimizu sandali kaya pinauna na naman sila para makakuha ng pahinga. Pagkatapos namin maglinis ay nilock na naman ang gym saka naglakad palabas.
"Sabi nila the more you hate, the more you love." Napaisip ako sinabi ni Shimizu na'yun.
"Siguro?" Sa pananaw ko, kahit gaano naman kalaki ang hinanakit mo sa tao natatambunan parin ng nararamdaman mo 'yun e.
Parang sila Kuroo. Kahit gaano sila kagalit sa akin, mas pinili niya akong intindihin.
Ano na kayang ginagawa ng mga 'yun?
"Whenever you feel down, ilabas mo lang. Mas mahirap paniwalin yung sarili na ayos ka lang"
Naghiwalay na kami ng daan matapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko naman pinaniniwalang ayos lang ako kasi ayos naman na talaga ako.
Wala naman akong mapapala sa pagmumukmok. Lalala lang ang sama ng loob ko diba? Ano pang punto.
Inilabas ko ang phone ko nalang saka ko dinaial ang number ni Suna. Gising pa kaya 'to? O baka nasa training pa. Namimiss ko ang mga boses nila.
"Hello-sino-to?" Mabilis na salita ni Suna sa kabilang linya. As always, kapag hindi niya kilala ang number o ang tao ganito siya umakto. Naiiling iling ako habang nakatutok ang phone sa tenga.
"Suna... it's me" hindi ko alam ang isasagot nito. Baka babaan niya ako ng tawag o di kaya ay sigawan. Magdadalawang taon na yata simula noong huli kong rinig sa boses nito. Parang si Kenma din to walang kwenta kausap dahil tamad magsalita.
Namuo ang katahimik sa amin. Tanging electric fan lang sa kabilang linya ang naririnig ko hanggang sa may humikbi na.
"Mika! Ikaw bayan?! Bakit ngayon ka lang tumawag! Hinihintay ko ang tawag mo simula noong imessage ni Kenma na kinuha mo daw ang number namin! Nakakaasar ka! I'm hating you super 100!" Kenma na'yon! Napakadaldal! Sabing huwag sabihin!!! Napuno ng hagulgol ang kabilang linya habang ako ay napapaluha habang naririnig ang iyak ni Suna.
"Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon na tumawag ka nakakainis ka!" Jusmiyo Suna! Nagkwento ito ng mga chika tungkol kila Kuroo, Kenma at Kourai. Kahit kailan napaka chismoso nito! Pati ang pambabasted ng isang babae kay Kuroo nakwento pa!
"So? Tumawag kana kay Kourai?"
"Hindi pa, ikaw palang ang natawagan ko. Medyo kinakabahan ako kay Kourai e'. Alam mo naman kung gaano kadikit sa akin si Kourai at parang ate na ako nun." Bumuntong hininga nalang ako ng maalala.
"Ewan ko, hindi ko rin kasi mabasa minsan si Kourai. Pero kung ipapaliwanag mo naman samin maiintindihan ka naman namin." Sambit pa nito. Nagkaheart to heart talk pa kami saglit bago siya nagpaalam.
"Kita kits nalang tayo sa Nationals. Karasuno High kana diba? Goodluck sa inyo." Saka nito pinatay ang tawag. Maaga pa raw silang magpapractice bukas. Tatlong araw nalang kasi mula ngayon semis na. Tutok narin ang Karasuno sa pagtetrain kaya madalas na kung gabi na kami magsiuwian.
Tahimik naman na ang buhay ko, sa loob ng tatlong araw bumalik ang dati kong routine. Walang anuman akong iniisip maliban sa pangangailangan ng team at ng pag-aaral ko. Napadalas naman ang pagtawag ni Suna tuwing gabi. Puro chika sa mga kateam mate niya ang bukambibig nito. Proud raw siyang nasa Inarizaki siya kahit mga sira ulo ang ka team nito.
May araw na nung makapunta si Azumane sa tapat ng bahay ko kasama si Daichi para kuhanin ang pagkain nila, agahan at tanghalian.
Finally, semifinals na.
As usual, medyo kabado ang team dahil haharap sila sa Powerhouse na school para makapasok sa finals.
Nakarating kami sa Sendai ng 7AM. Gaya ng dati ay nauna na kami ni Shimizu na maghanap ng spot para sa paglalatagan ng mat at paglalapagan ng mga gamit. Pinakalma naman ni Daichi sina Nishinoya at Hinata sa kakatalon. Nakakaramdam ba 'to ng kaba?
Mas excited pa sila ah.
Kinuha ko na ang banner namin saka ito isinabit. Nagpaalam muna akong magrerest room sandali. Pamaya maya pa naman sila mag wawarm up dahil kumakain pa sila ng almusal.
Pababa ako ng hagdan ng bigla akong matalisod muntik na akong mahulog pababa ng biglang may humatak sa likurang kwelyo ng damit ko para pigilan ako. Napaubo naman ako don dahil sa biglaang hila na ikinasakal at ikinakati ng lalamunan ko.
Grabe naman sa pag save kuya pwede namang dahan dahan lang wag biglaaan.
Nilingon ko ang lalaking nanakal este nagligatas sa akin. Shiratorizawa ang jacket nito at may gray na buhok kagaya ni Suga.
"Sorry, nasaktan kaba? Dahan dahan kana sa pagbaba ha" ani nito saka ako inabutan ng tubig. Sobrang kati ng lalamunan ko peste!
"T-thankyou uhm a-no?"
"Semi Eita, 19" inabot nito ang kamay nito. "Hatake Mikazuki, 18" bati ko rito pabalik.
"Semi semi! Tara na!" Tawag sa kaniya nung kateam mate niyang pula ang buhok. Nagpaalam na ito sa akin na aalis na. Narinig ko naman ang pang eechos nung tumawag sa kaniya kanina.
"Gf mo? Hihihihi"
"Shut up, Tendou"
Napailing nalang ako sakanila hanggang sa makababa ng hagdan. Medyo naiihi na ako ha andaming commercial huhu.
Pero ang cute ni Semi ha tapos tinawag pa siyang semi-semi nung Tendou. Badtrip ang cute. Andaming pogi ngayong semifinals ha.
Nakita ko naman ang nakasandal sa pader na si Oikawa, nakatingin lang ito sa akin at hindi nagsasalita.
'Oh buhay pa pala 'to'
Kaso wala akong time makipagchikahan sayo bro. Til next time.
'Pass sa sinungaling'
Pumasok na ako sa restroom at saka na nagCR. Inayos ko muna ang buhok ko. Medyo maputla ulit ang labi ko kaya naglagay muna ako ng tint bago lumabas.
"Aray ha" may nakaharang na lalaki sa hallway kaya nabunggo ako nung bigla akong tumakbo pagkalabas ng banyo.
'Andaming commercial'
Huh? Shiratorizawa rin ang jacket niya. Grabe ang tangkad mas matangkad yata siya ng dalawang dangkal sa akin.
'Shet height basis'
Dahan dahan namang humarap 'to sa akin. "Sorry, tatanga tanga ka kasi"
Ha? Namamali yata ako ng rinig. Ano raw?
"Ha? ." Seryoso ba? Gusto niya ba ng away?
"Sabi ko sorry kasi tatanga tanga ka"
"Inulet" Sabi ko saka na siya nilampasan. Later nalang tayo magbalagtasan sis. Kailangan na ako sa taas hehe.
Nadatnan ko naman na nagsisibihisan na ang mga players namin. Inabutan ko sila ng mga Jersey shirt at pinagtiklop ng mga pinagsuotang damit. Magwawarm up na raw sila dahil malapit na magstart ang game.
Nilingon ko naman ang court kung saan nasa kabilang banda ang team ng Aoba Josai. Bumaba narin ang team duon at saka nag drills.
Kinalabit naman ako ni Shimizu sandali at saka itinuro ang baba ng court.
Si Coach pinapapunta ako doon saglit. Agad naman akong bumaba ng dahan dagan at saka tumakbo papuntang bench.
"Sila ang receive, ikaw na muna ang pumalo sa kanila. Pinapatawag kaming mga coach at advisor sa taas sandali." Tumango naman ako dito saka sila umalis nila Sir Takeda.
Pinaline up ko naman ang team para mag receive ng bola. Hinagis ko ang bola saka ito hinapas papunta sa kanila. Pagdating sa mga wingspiker at Nishinoya ay mas nilakasan ko ang palo para mas gumalaw galaw sila. Nasakanila ang depensa ng team kaya dapat nasa tamang postura sila.
Dumating na sila Coach at Sir Takeda. Pumwesto narin ang mga referees. Ako naman ay pinulot ang ibang mola na nahulog at inilagay sa basket. Babalik na sana ako sa taas ng harangin ako ni Iwaizumi nung napadaan ako sa bench nila.
"Ayos lang kayo?" Tanong niyo.
"Kayo?" Anong kayo? Walang kami. Walang ganon sis.
Mukhang nagets naman ni Iwaizumi ang sinabi ko kaya pinadaan na ako nito. Nagulat naman ako nung binatukan niya bigla si Oikawa hindi naman siya gumanti at nag concentrate nalang sa bola.
Pumito na ang referee.
"Goodluck Karasuno! Fighting!"