Chapter 11

2495 Words
"go go, go go Seijo!" Napuno ng ingay ang buong gymnasium. Pagkaakyat ko ay nag-uusap usap na ang bawat team sa kani-kanilang bench. Nilingon ko naman ang gawi ng Seijo, nagsasalita si Oikawa ng bigla siyang hawakan ni Iwaizumi ganun din ang #3 at #2 nila. Iyon yata si Mattsun at Maki. Nakisali rin ang mga first year at nakipagkantyawan rin kagay ng tatlo sa captain nila. Habang sa Karasuno naman may sinasabi si Sir Takeda sa mga ito habang nakangiti. Alam kong grabe ang kaba ng mga players namin but.. Their only option is to surpass this team, para makapag proceed sa final round. So go win this time, Karasuno! Naki "Yeah" at "Let's go" Rin ako sa taas. Tumabi sa akin ang kakadating lang na babae at nagpakilalang ate ni Tanaka. 'Hawig na hawig ah' Habang ang dalawang lalaki namang nasa kanan ko ay kasama sa mens volleyball association ng Alumni ng Karasuno. Kung hindi ako nagkakamali ay kasamahan ito ni Coach Ukai at nakalaro na ng team. Nagumpisa na ang game. "Give us nice serve Oikawa!" Sigaw ng mga kateam niya sa loob ng court. "Hiyaa, Siya pa ang magseserve" Tanong ng lalaking katabi ko na nakasuot ng salamin. "Is he that good?" Tanong ni Saeko-neesan. "He's a freaking cannon!" Sagot nito sa kaniya. Lumingon ulit ako kung nasaan si Oikawa. Totoo namang grabe ang spike serve nito. Daig pa nitong nabigyan ng magagandang toss araw araw dahil sa service niya. "If Seijo's able to build momentum with his serve, Karasuno will be in trouble" Sambit naman nung lalaking dilaw ang buhok. Service itself is a powerful weapon. Cut him off Karasuno! Cut the curse~Char! May sinigaw ang tatlong teammates ni Oikawa sa kaniya na ikinainis nito. Pumito na ang referee dahilan upang ihagis na nito ang bola saka naghigh jump at paluin. Malinis naman na naipataas ni Daichi ang bola. "All right! They we're able to dig his first serve!" Ani ni Mr. Eyeglass. "Yeah, But It's going back over the net! They're gonna hit it down!" Intense na sabi ni Mr Yellowed hair. Parang ako ang kinakabahan sa mga katabi ko e'. Sila yata ang dapat kong tignan dahil baka mawalan ng malay o di kaya ang atakihin. Dinrop nung number 12, Turnip head ang bola sa gilid ni Hinata pero nakuha ito ni Kageyama. Siya ang first touch! "Kageyma touched the ball first, they can't do their fast attack" Sambit ko habang pinapanood ang game. "Kageyama, Nice receive!!!" Sigaw ni Daichi. Mabilis naman na kumilos si Nishinoya para tumalon mula back row hanggang front row para itoss ang bola. Nagapproach si Hinata at Tanaka pero si Azumane mula back row ang binigyan ng toss. "Phew! Talk about power!" Nakuha ng Karasuno ang unang score at nalimitahan si Oikawa sa isang service. Kita ko naman ang frustration nito mukhang hindi dahil sa pagkapuntos ng Karasuno kundi dahil sa pagputol nila sa service niya. "All right!!!" Sigaw namin mula sa 2nd floor. Gulat na gulat naman sina Nishinoya at Azumane sa ginawa nilang combo. Parang sila pa ang mas surprised na surprised. Loko loko. "Nice one Azumane! Let's go Karasuno!" Service na ni Kageyama. Isa rin 'tong killer serve e'. Lalo na kung matututunan niyang pag-aralang kontrollin. Pumito na ang referee dahilan para maging alerto na ang Seijo. Hinagis nito pataas ang bola saka niya sinabayan ng high jump at saka pinalo pero nag out ito sa gilid. "Shake it off!!!" "Don't mind!!!" Iwaizumi's service. Alam ko intense rin 'tong ace ng Aoba Josai e'. Spike server rin. Nakuha ni Azumane ang bola masyadong napalakas ang pagreceive at hindi nababaan ang momentum ng bola. "Man, there's one insane serve after another!" 'Yup, and talk about pressure.' Bago pa man diretsong mapunta sa net ng kalaban ang bola, tumalon na si Kageyma para kuhanin ang bola at iset gamit ang isang kamay. Si Tanaka naman ang nag approach saka sila naka score. 'Whoop, nice kill!' "I'm surprised he got it in! Nice one Kageyama!" Sigaw ko mula 2nd floor. "Well done Ryuu! Love ya!" Sigaw na puri ni Saeko-neesan. Mukhang narinig naman ito ni Tanaka na siyang nagpamula sa pisngi nito. "Hoy ate, T-tigilan mooo" Tinignan ko naman si Hinata na nakatingin sa bola at nakanguso. Ilang score na kasi pero hindi parin siya nakakapalo at mukhang atat na ata na itong pumalo. Mas dumami na ang mga nanonood sa 2nd floor. Mas dumami kaysa sa una, bago magstart ang play. "Nice receive!" "Go, get another one!" Sigaw ng mga katabi ko. Tinoss ni Kageyama kay Tsukishima ang bola at saka nito pinalo. Nakuha naman ni #2 Mattsun ang bola at naibigay kay Oikawa. Tinoss ni Oikawa kay #3 Maki na nasa back row ang bola but Tsukishima's on point! "Nice Kill Tsukishima" Malakas na sigaw ko sa kaniya! Aba dapat lang mablock niya 'yun dahil halata ang set-up ni Oikawa. Sandali pang napalingon sa akin si Oikawa nang marinig ang boses ko. 'Ano ha ano' Hinarap naman niya 'yung #3 nila at parang humingi ng pasensya sa mababang toss. 6-5 na ang score. Lamang ng isa ang Karasuno. Tsukishima's service. Ramdam ko naman ang panginginig nung lalaking dilaw ang buhok sa tabi ko. Hindi ko kasi alam name nito e'. Ask ko nalang later. "I'd love to see Hinata land a fast attack right now" Nakangusong sabi ni Mr. Eyeglass. Kahit ako ay gusto ko rin dahil hindi pa nakakapalo ng malupit si Hinata. Ngayong nasa front row na ito, maghimala kayo! Tinanong naman ni Saeko-neesan kung bakit gustong makita ni Mr. Eyeglass ang atakeng 'yon. Pinaliwanag naman nito na noong late match nila sa Seijo noong interhigh. Hinata's fast attack had a perfect timing pero nashut down parin daw ito. Seijo's blockers become accustomed with Hinata's fast attacks. Hmm. Ilang beses ko palang napanood ang dating fast attack nila Hinata. Iba ang toss at hindi ang drop toss na ginagawa nila nitong nakaraan. Nasa setter ang initiative ng toss nayon at pang iwas lang 'yun sa stand by blocker pero hindi ito invincible gaya nga nung nangyari last time. Nablock sila dahil mukhang naging familiar at accustomed sa form at toss nina Hinata at Kageyama. Wee, all they need to do is break and raise some hell. "Let's go Karasuno!!!" Sabay naming sigaw ni Saeko-neesan. Tsukishima's service. Malinis na nareceive ng Libero ng Seijo ang bola saka ipinadala kung nasaan si Oikawa. Tinoss nito ang bola kay Iawaizumi. 'Phew, fast attack' Pero~ Daichi receive the ball. Nakita ko naman na nag-approach si Hinata habang nakatingin sa bola. Mukhang hindi nito nakita ang blocker na nasa harapan nito pero binigyan parin siya ng toss ni Kageyama. Seijo's #12 on point. Nablock nito pabalik ang bola pero~ "Tsukishima!!!! Nice receive!!!" Nakaposisyon siya malapit kung saan babagsak ang bola. Bumalik sa Seijo ang bola. Si Oikawa ang nagdive para makuha ang bolang malapit ng bumagsak sa court nila. Sinipa naman ni Kageyama sa pwet si Hinata na ikinagulat naming apat. It's Hinata's mistake dahil hindi niya tinignan kung saan aatake at kung may wall bang nakaharang. 'Nice Kageyama!'hihi. Ang libero ng Seijo ang nag set ng bola kay Iwaizumi dahil si Oikawa ang naka first touch nito. Nagapproach si Iwaizumi para paluin ang bola pero na one touch ito ni Hinata. 'Ang liit liit ni Hinata pero ang taas taas tumalon. Nakalunok kaba ng spring spring nomi?' "Nice Contact!" Ani ni Suga sa baba. Si Azumahe ang nagclean receive at pinass papunta kay Kageyama. "Hinata, One more time! Raise some hell!!!!" Mabilis na nagapproach ulit si Hinata. Nasa isip naming lahat na isa pa, na dapat si Hinata ang makapuntos nito para mabawi nila ang shut down last match!. 'Use your despair, to smash through their blocks! Dahil iisa lang ang blocker na naka stand by sa fast attack nina Kageyama at dahil narin iba na ang toss nito. Nagkaroon ng dalawang option si Hinata sa mid-air para ikill ang bola. Pinalo nito sa kanan kung saan walang tao~ 'talino mo sa part nayan!' Tinignan ko naman si Oikawa na may hindi maipintang mukha. Ngumisi naman ako don. Baka Karasuno 'yan. Ibang iba ang bagong toss ni Kageyama sa toss nito noon. Ngrrrrr ONE MORE TIME! "Nice Kill!!!!!!!!!" Ugong ng mga tao sa buong gym. 'We're finally at the start line' "That number 10 is awesome pre" "Mukhang magaling ang Karasuno ngayon taon ah!" Rinig kong bulong bulungan sa paligid namin. Kaming apat naman na nasa second floor ay gumawa ng ingay kasabay ng pagchecheer ng mga tao sa paligid. "Nice spike, Hinata!" "That's it, Hinata!" Grabe, nakaramdam ako ng thrills hahaha! Bwisit! Ang galing nyo! Sulit ang paggising ko ng umaga sa inyo para ipagluto kayo. 'Now then, continue to raise hell!' sambit ko sa isip ko. Nagtatalo pa sina Hinata at Kageyama sa court. Hinila naman ni Azumane si Hinata para pakalmahin dahil malalagot silang lahat kay Daichi – the father. Sa kabilang court naman ay nakapamewang si Oikawa na nakatingin kina Hinata habang kausap si Iwaizumi. Bakas ang inis sa mukha nito habang nakikipag-usap sa iba pa nilang kateam. Nang huminga ito ng malalim ay saka na nagiba ang mood nila at parang mas naging kalmado. 'O-kay Karasuno, Kalmado na ang kalaban nyo. What's your next attack?' They're taking their time and forming a strategy. 7-5 na ang score. Lamang ng dalawa ang Karasuno. Ride the momentum boys! Kaya nyo yan. Iniisip ng ibang tao na hindi chamba ang last performance ng Karasuno noong Interhigh. Ikaw ba namang makipaglaro ng tatlong full set sa Seijo iisipin mopang fluke? Wew. 'Baka Karasuno yan!' Proud kong sabi sa isip ko. Oikawa's service.  Gaya ng una ay nakukuha ni Daichi ang mga service nito. Mukhang naging familiar na siya sa service ni Oikawa. Mataas niyang naipataas ang bola matapos ito madig. Tinapatan naman ni Kageyama ang bola sabay ng pag apparoach ni Hinata. 'Phew, broad attack!' Mukhang balak ireceive ng Seijo ang broad attack ni Hinata pero mas mabilis parin ang atakeng ito kaya malinis na napalo ni Hinata ang bola. Nakapagreact ng saglit ang libero ng Seijo kung saan nasa gilid ng pinagbagsakan ng bola. 'Galing ah, grabe kalaban ang Seijo. Calm game' Kageyama's Service. Nadig ng libero ng Seijo pero pumaling ang bola at dumiretso papalayo kay Oikawa. Si #3 Maki ang nag set ng bola kay Kunimi. Hindi nadig ng Karasuno ang bola dahil sa kaunting gulat sa hindi ko malamang dahilan. May hindi maipintang mukha naman si Tanaka dahil sa pagdaan ng bola sa pagitan nila ni Hinata na nagcommit block. "phew, clean shot." "Nakakainis ang pagiging kalmado ng Aoba Josai!" Sambit ni Mr. Eyeglass. "Palagi silang nag-iisip imbes na mataranta." Sumang-ayon naman ako roon. True naman na mahirap kalaban ang mga ganitong kalmadong team, sila yung tipong maglalabas ng machine gun bigla after makipaglaban sayo gamit ang espada. 18-17 na ang current score. Madami paring nagkakaservice error at receiving error sa dalawang team kaya hindi masyadong mahaba ang rally. Seijo's Libero out | #2 Mattsun in. Mukhang may pinaplano ito dahil bigla niyang kumpulin ang mga ka-team nito. #12 Kinadaichi service. He aims to the back row where setter moves to make his appearance known. Mukhang ineexpect ni Tanaka ang aim na'yun kaya malinis niyang naidala sa front row ang bola kung nasaan nandun si Kageyama. Nice play. "Hinata isa pang broad jump!" Ani ni Mr Eyeglass. Nag-approach naman si Hinata sa broad jump pero ang kinagulat ko ay ang pagsunod sa kaniya ni #2 Mattsun. 'Sabi na e may binabalak ito.' Nagcommit block ito para isarado ang cross cut spike at pinressure si Hinata sa mid-air para mag staright shots dahil kapag pinilit nito ang cross mashushutdown lang siya ni Mattsun. 'Galing mo sa part na'yan #2' Malinis na naiangat ng #12 nila ang bola mula kay Hinata. 'Talk about pressure!' Phew. Bakas sa mukha ni Hinata ang pagkainis dahil sa pressure na binigay sa kaniya nung 3rd year. "They already tought a way to counter Hinata's Broad jump. Not bad Seijo" Sambit ko. "Counter attack!" Sigaw ni Oikawa. Nagtaka naman ako nang mapansin ang tingin nung dalawang lalaki sa gilid ko. "Player kaba ng volleyball?" Gulat nilang tanong. Bakit? Dapat ba player muna ako ng volleyball para malaman ko 'yung mga ganon?~Char! Hindi tayo ganung tao. "Dati po hehe" Magalang kong sagot sa kanila. Tumango naman sila at saka na nanood ulit. Tinignan ko naman si Mattsun at Oikawa na nag-uusap at nagtatawanan sa court. Sabi na e' walang magandang balita ang pagpasok ni #2 sa play kanina. Kaya nyo yan Karasuno! "You're pretty scary #2" Halakhak ko sa isip ko. "Don't mind Hinata!!!" Sigaw ng mga katabi ko. Nilingon ko naman ang team na nag-uunat unat sa pwesto nila. 22-21 na ang current score. Malinis na nareceive ng Libero ng Seijo mula sa Karasuno at naipagawi kung nasaan si Oikawa. Nag aim ito kay #12 at saka nagfast attack pero~ "Nice kill Hinata!" Sigaw ko ng makuha ni Hinata ang Timing nung #12. Phew. 23-21! Napaka angas nyo! Kunin nyo 'tong first set!!! Kitang kita ang halakhak sa mukha ni Hinata habang nakatingin sa #12 nito. Napakahilig mambwisit din ng batang 'to e'. "Payback taste e". Sumagot rin ng tingin ang #12 nila. Mga sira-ulo! Phew phew, they can handle this. Ride the momentum Karasuno but Oikawa and #12 did a fast attack right after maipaangat ang bola galing sa Karasuno. 23-22 na ang score. "Push it, push it Yuutarou! One more time" Madrama akong napahawak sa dibdib ko nang marinig ko ang cheer ng Aoba Josai. Bongga talaga ng mga 'to. Pumito na ang referee. It's Oikawa's service. "Here he comes again!" Ani ni Mr. Eyeglass. "Give us a good serve, Oikawa!!!" Sigaw ng mga kateam nito. Nilingon ko ang gawi ni Oikawa. Nagulat naman ako ng bigla nitong itaas ang tingin sa akin, saglit kaming nagkatitigan bago nito iliwas ang tingin sa Karasuno. Nakaramdam naman ako ng kaba sa tingin niyang 'yon. Mas naging seryoso ang tingin niya at mas concentrated ang mata niya kaysa sa regular niyang tingin nitong una. 'Does it mean...' Nilingon ko si Iwaizumi na nagtakip ng batok matapos lingunin si Oiakwa sa likod. Mukhang pareho tayo ng Iniisip Iwaizumi. Pinatakip rin nito ng batok ang katabi nitong si Kindaichi. Concetrated nitong tinoss ang bola saka sinabayan ng high jump matapos tapatan ang bola saka nito buong pwersang pinalo ang bola. Gulat na gulat ako ng marinig ang tunog mula sa pagtama ng bola sa sahig. Ito na yata ang extent ng pwersa ng service ni Oikawa. Ang ganung service ay may kalakip na risk kaya naman pinituan ito ng referee na out. Kakaunti lang ang layo nito sa end line. Si Oikawa ang server na may control sa direksyon ng bola pero kung mas gagamitin nito ang pwersa papasok ang risk nito. Kaunting service pa ay masasanay na ang kamay nito sa ganung service at hindi kalaunan ay papasok na sa court ng Karasuno. Iba ka talaga, Oikawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD