"Nice game!!!!" Bati ko sa kanila nang maipanalo nila ang dalawang game ngayong araw. Grabe 2 meter tall vs Hinata no?. Nakakatakot na siya next year niyan! Inabutan ko sila ng sports drink isa-isa bago sila manood ng game ng iba. Pasok na sila para sa quarterfinals na gaganapin sa Sendai Gymnasium next week.
Nag-ikot ikot muna ako sa buong gym habang nanonood sila ng match ng huling team na naglalaro pa. Ako naman naghahanap ng nagtitinda ng keychains pero sa first floor pa iyon kaya bumaba na muna ako para tumingin tingin. Nakakita naman ako ng isang stall kaagad, may isang key chain ang umagaw sa attention ko. Natyempuhan kopang iisa nalang ang stock, phew. Lucky!
"Isa nga po nung keychain na'yun!!"
"Isa nga po nung keychain" Napalingon ako sa katabi ko nang sabay naming ituro ang keychain na bibilhin ko.
"Pretty boy?" Bulalas ko! "Ako nauna, isang stock nalang raw pili ka nalang ng iba" Bastos na'to, makikipag agawan pa!
"Hindi ako si pretty boy! At teka nga, nauna ako. Ate please sa akin nyo ibigay"
Ha! Ang duga. Tinignan ko lang siya ng walang gana saka hinayaang siya na ang makakuha, wala ako sa mood makipagbalagtasan sa'yo pretty boy. Pumili nalang ako ng ibang design, sayang 'yun ang ganda pa naman.
Iilang mga babae ang lumalapit sa kaniya para makapagpapicture, hindi naman nito malaman ang gagawin dahil mas dumami ang mag lumapit sa kaniya. Famous naman pala.
'Buti nga'
Nagtingin tingin na lang ako sa mga design ng keychains na naroroon. Magaganda naman ang iba kaya pumili ako ng dalawa na may design na volleyball, tig-isa kami ni Shimizu.
Nagulat naman ako ng bigla akong hilahin ni Oikawa palapit sa kaniya at saka ako akbayan. "Girls, kalma. Magagalit ang girlfriend ko" Nanginginig niyang sabi, parang siya pa ang kinabahan sa ginawa niyang paghila sa akin. Pinisil niya ang pisngi ko kaya naramdaman ko ang nginig sa kamay nito. Sinabayan ko nalang ang arte nito, humingi naman ng paumanhin ang mga babaeng nagpupumilit kanina na makahingi ng picture sa kaniya. Bumitaw na ito sa'kin pagkatapos makalayo nung fansclub niya.
"Gustong gusto mo naman na tinawag kitang girlfriend ko" Natawa ako ng sarcastico sa sinabi nito. Kapal kapal ng apog tae.
"Oo e' sino ba namang hindi magiging masaya" Walang gana kong sabi sa kaniya atsaka siya tinapik sa balikat at iniwang nakatulala duon. Sabi sayong wala akong gana makipagbalagtasan sa'yo babanat kapa ng ganon.
Umakayat na ako ulit sa 2nd floor para puntahan ang team. Dama ko ang tingin ng ilang mga babae sa akin. Ang bilis naman ng chikahan dito naipaalam agad. iba talaga ang balita, may wings.
Rinig ko pa ang chikahan ng ibang babae sa hallway. "Girl, inamin ni Oikawa na siya ang girlfriend niya"
"Oo, 'yan daw!"
"Maganda naman siya e"
"Ang tangkad! Mukhang volleyball player din! Goals omg"
"Iba talaga mga tipuhan ni Oikawa love ~"
Sumasakit ang ulo ko sa ginawang kalokohan ni Oikawa. Nakita ko naman ang team kaya lumapit ako sakanila saka inabutan ng keychain si Shimizu. Nagtaka naman ako sa mukha nilang lahat dahil para silang gulat na gulat.
"Girlfriend ka ni Oikawa?!" Pa chorus nilang sabi.
Napahilot naman ako sa sentido ko dahil pati sila naabutan ng balita. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang nangyari sa tindahan ng keychain kanina.
"Kaya ayun, ako ang nadampot niyang pampaalis ng fangirls" Walang gana kong sabi, sino ba naman ang gaganahan duon.
"Ack, akala ko may reyna na si great king" sambit ni Hinata. Nalihis naman na ang kwentuhan nila kaya nakahinga na ako ng malalim. Medyo antok na antok na ako, mabuti nalang at nagsiyayaan na magsiuwian. May ilang araw pa para makapag ready sila sa quarterfinals kaya ang ilang araw na'yun traning days dahil ang una nilang makakalaban sa quarter finals ay ang nakasama sa semi's noong interhigh. Ang Jozenji.
Hindi ko na inalam ang ilang mga details sa team ng kalaban dahil nakaidlip na ako sa balikat ni Shimizu. Nang makarating kami sa school ay nagyaya pa sina Hinata at Kageyama na magpractice. Pinaunlakan ko naman ito kahit inaantok pa ako, gusto ko rin naman kasi silang tulungan sa practice nila. Binigyan kami ng isang oras ni Daichi para magpractice, pagtapos nun ay uwian na.
Pero nakakailang bato pa lang ako ng bola, nagpasub na ako kay Sugawara dahil inaantok na talaga ako. Masyado kaming maaga kaninang umaga kaya ngayon binabawi ng katawan ko ang pagod. Bigla naman tumunog ang cellphone ko, may unknown number ang tumatawag. Hindi ko muna ito sinagot at hinayaang tumunog. Kapag tumawag ng pa ulit ibig sabihin non importanteng calls na, ganun 'yon.
Sinabihan naman ako nila Shimizu na mauna na at magpahinga. Humingi naman ako ng paumanhin na mauuna dahil sa sobrang antok, susunod nalang raw sila mamaya pagkatapos mag practice nila Kageyama.
Naglalakad ako palabas ng campus nang tumunog na naman ang cellphone ko.
'Oh diba, emergency call'
Inaantok na ako pero sinagot ko parin ang tawag nito. "Hello?"
Hindi naman number ng ibang bansa kaya hindi kina mommy or daddy.
"Nasa labas ako ng school nyo" Boses mula sa kabilang linya. Napalingon naman ako sa gate inaakalang si Kuroo or Kenma pero hindi. Wala akong makitang mukha ng kakilala ko.
"Sino ho ito?" Malay ko ba kung sino 'to, hindi naman online delivery 'to kasi hindi naman ako na bored last time tapos nag shopping sa online. Tsk.
"Boyfriend mo" Anak ka ng Oo, nilingon ko ulit ang gate at nakita itong nakasandal sa poste. "Yohoo" Kaway pa nito at saka inoff ang tawag.
Medyo malayo ang Aoba Josai dito ah, anong ginagawa nito dito?
"Ano na namang kalokohan 'to?" tanong ko rito habang naglalakad sa labas ng campus. Nakasuot na ito ng mask at hoodie dahil baka makilala pa ito ng mga kateam ko at ng ibang mga studyante ng Karasuno. "Saan mona naman nakuha number ko"
"Girlfriend kita, kaya syempre i have ways. Tara magdedate tayo." Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa inis. Wala bang training 'to? E' bakit ako ang binubwisit. "Inaantok ka yata?"
Tumango ako sa tanong nito, wala akong lakas talaga makipagbalagtasan kaya wala sa sariling hinila ko nalang siya papuntang apartment.
"Luto ka nalang jan, may pagkain sa drawer at may movies sa flash drive. Tulog na'ko" sambit ko at saka humilata sa sofa.
-
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko nang makarinig ng ingay galing sa TV. Nanood ba ako kanina pagkauwi? Mukhang action pa yata ang pinapanood ko. Bumangon na ako at saka nag unat unat. Napansin kong naka Uniform at jacket pa ako kaya init na init ako pero halos mabato ako sa kinauupuan ko nang makita ang lalaking naka tshirt at trackpants na nasa loob ng bahay ko. May hawak hawak pa itong popcorn at tuwang tuwa sa pinapanood na palabas.
Nilingon naman ako nito at saka inalok ng popcorn. Anak ng-
"Bakit nandito ka?" Gulat kong tanong pero inilingan lang ako nito at sumenyas ng teka lang para ipause ang pinapanuod.
"Baka nakakalimutan mo miss, inaaya lang kita makipagdate pero ang ginawa mo hinila mo ako papuntang bahay mo at saka mo tinuro ang drawer na may lamang pagkain at ang flashdrive na may movies bago ka humilata jan sa sofa aber, antok na antok?" Mahabang paliwanag nito.
So hindi panaginip 'yung nagpunta nga siyang school at saka ako inayang magdate.
"So, ano palang nakain mo at pumunta kang Karasuno?" Tanong ko habang nagliligpit ng sala. Ang kalat naman nito kumain. Wala na akong magagawa nanjan na siya e' at nahatak ko pa siya papunta dito. Anong magagawa ko antok na antok na talaga ako kanina.
"Tsk, paano kung hindi ako 'yung nagaya sayo makipagdate tapos hinila mo papunta dito edi kawawa kana non baka anong gawin sa'yong masama tch."
Kinunutan ko naman siya ng noo "Ako, Oikawa bagong gising ako baka gusto mong makaranas ng sapok."
"Roger!" mabilis na sabi nito "E' kasi kalat sa school na girlfriend kita kaya 'yung coach namin binigyan kami ng pahinga ngayong hapon hanggang bukas ng tanghali. Tapos babalik ulit ng hapon hanggang gabi na ang practice nun-"
Anong konek nung nalaman ng coach nila?
"Hindi ko tinatanong ang schedule mo." Putol ko sa kaniya at nginusuan naman ako nito. "So, kaya ka pumunta sa akin para panindigan na girlfriend mo ako?" Napabuntong hininga naman ako nung tinanguan ako nito.
"Hay nako, anong oras naba?" tanong ko. 6PM pa lang naman ng gabi medyo nagugutom na ako at alam kong gutom narin 'to dahil puro matatamis ang nilaklak nito sa bahay ko. Nagpalit muna ako ng damit sa kwarto saka nagtali ng buhok.
"Anong gusto mong ulam? Nakakahiya naman sa'yo kapag pinalayas kita ng hindi kumakain" May mga sangkap pa naman at karne sa ref. Nagligpit muna ako sa kusina bago magluto.
"Curry nalang hehe" Nagsuggest panga, talaga naman.
"Huwag kang masyadong makalat jan" Sabi ko saka siya tinapik gamit ang walis. Paano mga himulmol ng chichiryang kinakain niya ay nalalaglag kaya nagkakalat.
"Wala kabang pasok bukas?" Tanong ko rito. "Mawawalan kana ng sasakyan pauwi niyan."
"Edi dito nalang ako mag sleep" Parang bata nitong sabi.
Tinignan ko lang siya ng walang gana para naman marealized niya ang sinasabi niya. Sila Kuroo palang ang nakakatabi kong lalaki sa iisang lugar at mga bata pa naman kami noon saka hindi sila mga masasamang tao.
E' itong si Oikawa ngayon ko palang nakilala, makikipag overnight na agad sa akin. Sino ba namang matinong tao ang gaganon.
"Wala nga akong pasok, sinabi ko na schedule ko kanina hapon pa balik namin sa school." Sagot nito.
"Edi dun ka sa inyo tumambay" Tumayo na ako nang marinig ang rice cooker na tumunog sa kusina. Magluluto na ako ng curry.
"Ayoko dun, parang wala man akong kasama" Nilingon ko naman ito sa sinabi. "Nasaan pala ang parents mo, bakit ikaw lang?"
"Nasa abroad."
"ohh, kaya pala sanay kana mag-isa. Sabi na e' meant to be tayo" Ayan, ayan na naman siya sa mga walang kwenta niyang sinasabi. Binuksan ko ang ilaw niya sa sala dahil ang dilim dilim niyang tignan duon. Pinapalambot ko nalang ang mga gulay sa curry pagkatapos nun ay pwede na kaming kumain.
Abala parin ito sa panonoodng Transformers. Hindi mo aakalaing mahilig pala 'to sa mga ganito e'.
Umupo ako sa tabi nito atsaka nakinood habang hinihintay na maluto ng husto ang ulam. Nagopen ako sandali ng cellphone at tinignan kung may message ba. May tatlong message si Azumane, Shimizu at Daichi doon. Parehong tinatanong kung nakauwi naba ako.
Nagreply naman ako ng 'slr, nakatulog ako.' At tinanong kung nakauwi naba sila.
"Malapit na quarter finals" ani ko sa kaniya. Tumaas naman ang kilay nito sa akin.
"Pagnanalo kayo ng dalawang beses pati ang Karasuno kayo na ang maglalaban nun no?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito sa akin, naiinis ako kapag ayaw akong pansinin tapos nagtatanong ako ng maayos.
"Oh bakit galit kana naman, Oo nga kami maglalaban kung mananalo kayo sa Wakutani at Jozenji." Pinitik pa nito ang noo ko ng makitang nakakunot na naman ito.
Ano ano kasi inuuna.
"So, satingin mo mananalo kayo?" tanong kopa.
Nilingon niya ako at saka nito pinisil ang ilong ko. "Oo, naman. Kampante ako sa team namin." Proud nitong sabi. "Ah~ alam ko na."
Huh
"Kapag nanalo kayo hindi na kita guguluhin, kapag natalo o nanalo kami official na kitang girlfriend" Taas taas na kilay pa nitong sabi.
"Anong klaseng deal 'yan!" Pammaduga naman amp.
"Ngayon ka lang makakarinig ng ganiyang pustahan. Na~ na~ Uy~" Hindi ko siya pinansin at saka nalang nagpunta ng kusina para magsandok ng pagkain naming dalawa. Pinatay ko na ang stove at saka naglagay ng dalawang plato sa hapag.
"Chopstick ba ginagamit mo? Halika na dito kumain kana para makaalis kana, gabi na oh."
"Nag-aalala kaba sa akin? Pwede naman kasing dito ako matulog e'." Pagmamaktol nito.
"Ilang taon kana ba aber, para kang grade school. Atsaka bakit ba ako? Ngayon palang tayo nagkakilala ha!" asik ko rito.
"Ewan ko, malay ko 'wag mo akong tanungin. Kakain na tayo. 'wag kanang magalit jan."
Tsk! Pinagsandok ko nalang ito ng pagkain saka ng ulam, inabutan ko narin ito ng tubig. Gutom na gutom nga si loko, kung ano ano kasing nilalaklak hindi magproper meal. Tsk.
"Ngayon na lang ako ulit nakatikim ng lutong bahay"
Nagtaka naman ako sa sinabi nito.
"Nasaan ba ang parents mo?" Para kasing kanina pa siya nagiinsist na dumito na muna e'. Hindi ko naman alam ang background nito.
"Wala na. They got divorced yesterday" Malungkot niyang sabi. Binawi naman nito ang mukha niya kanina at saka ako nginitian. Binago niya ang topic naming dalawa pero kahit sumasagot ako ay nasa isip ko parin ang lungkot sa boses at mukha niya kanina.
Sa buong araw na binubwisit niya ako parang... parang naramdaman ko rin ang lungkot.
Pero bakit ako!!! Kaasar!
"Aalis kana?" tanong ko sa kaniya nung nagliligpit siya ng gamit niya sa sala, nagwalis narin ito ng pinagkalatan niya kanina. Alam niya sigurong lalaklakin kona naman siya kapag nakita kong makalat ang sala.
"Oo, pinapalayas mo na ako e" Natatawa nitong sagot.
Bumuntong hininga nalang ako at saka pumasok sa kwarto para kumuha ng blankets at dalawang unan.
Nilagay ko sa sofa iyon sa tabi niya.
"Jan kana matulog kung gusto mo, ayoko ng makalat sa sala ha yang mga gamit mo itabi mo sa isang tabi." Paalala ko dito.
Baka kasi ayaw niya pang umuwi dahil baka wala siyang maabutan sa kanila. Hay nako Oikawa.
Gumuhit naman ang ngiti nito sa labi at saka nagpaalam na manonood na ulit.
"Epal ka kasi naputol tuloy pinapanood ko kanina"
Madramang napahawak ako sa dibdib ko dahil sa reklamo nito.
Bakit...Bakit parang kasalanan ko?