Chapter 4

2469 Words
Natapos ang pangalawang araw nila na may isang panalo laban sa Shinzen. Nagkakapaan pa sa bagong fast attack nila si Kageyama at Hinata habang ang iba ay hindi pa naayos ang synchronized attack nila. Kung tutuusin kung pagsasamahin ang mga atakeng ginagawa nila, may laban sila sa mga top teams. Kung mahahasa nila 'to ng lubos, pwede na. "Oi- Mika!" Si Kotarou. "Tara tulungan mo kami mag block!" aya nito sa akin. "Tsuki! Hey! Tara!" Nagpaalam akong saglit lang at magpapalit lang akong T-shirt. Bumalik rin naman ako kaagad sa gym kung nasaan sila. Medyo naging awkward nung hangin nung makita ko si Tetsurou na nanduon. 'Close pala sila ni Kotarou' Si Tsukishima at Kuroo sa blocking habang kami ni Kotarou ang spikers, si Akaashi-maboy parin ang setter. "Ako muna ha, kailangan mga da-best ang unang papalo" Maiispeechless ka nalang talaga dito sa hayop na'to e. Humingi naman ng paumanhin si Akaashi-maboy sa Captain nito. "Don't mind" Sa totoo lang ako nahihiya sa pinsan kong naging Captain nyo pa e'. Binigyan siya ng toss ni Akaashi-maboy at saka nito pinalo. Nakalampas naman ito sa block ni Tsukishima. Binigyan ni Kuroo ng tips si Tsukishima about blocking at paano ikill ang bola galling kay Kotarou. Ako naman ang next na papalo. Sinabi ko kay Akaashi ang toss na gusto ko. Ayos na sa akin ang mataas na toss, sobrang motivated ako sa toss ni Akaashi-maboy kaya naman buong pwersa ko itong pinalo pero na one touch ito ni Kuroo. 'tch' Nakailang laro pa kami bago may pumasok na mga manager at sabihing maghapunan na kami bago pa magsara ang Cafeteria. Hindi pa naman ako gutom kaya naman nagjog na ako papunta sa corridor kung nasaan kami natutulog. Nadatnan ko naman si Shimizu na nanduon at nagbabasa. "Nag-aaral ka kahit break?" Halata naman sa kaniya na nakakakuha siya ng matataas na grado at tutok sa pag-aaral. Si Suga rin ay may hobby na mag-aral kapag kinakabahan. Maaga akong nag-paalam sa kanila na matutulog na pagkatapos kong maligo dahil kakagaling kong makipaglaro at turuan si Tsukishima kanina. "Goodnight" - Nasa ikahuling araw na kami ng training camp. Ang fast attack na sa una ay palyado nasa 70% na ang success rate. Ang synchronized attack naman ng team ay tumitino na ganun rin ang spike serve ni Azumane at ang jump float nina Kinoshita at Yamaguchi. Everyone's on roll rakenrol. Buong mag-araw ay hindi na ako kinausap ni Kuroo, marahil binibigyan ako ng oras. SI Kenma lang ang nakakausap ko. Si Rintarou at Kourai ay sa ibang school nagsipag aral. Kung hindi ako nagkakamali Inarizaki ang school ni Suna habang si Kourai ay nasa Kamomedai. Super-naks kasi bigatin na nung mga team nila. 'I can't wait to see them' Pero part of me saying na huwag. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sila haharapin. Lalo na si Kourai, hindi ko lubos maimagine kung ano ang naging ekspresyon nito noong mga panahong pinutulan ko sila ng communication sa akin. Huling round na ng laban bago magsikain ng tanghalian. Nanlibre ang mga coach ng barbecue party, natyempuhan namang narinig ni Daichi ang paguusap ng coach ng Nekoma kaya nung natapos sila magpenalty ay chinika ni Daichi sa kanila 'yun. 'Ang daldal mo captain' Nagpaboost naman sa gana nila maglaro ang barbecue, nasa kalagitnaan na ng laro ng mag-emo na naman si Kotarou dahil sa palagiang pagkablock sa kaniya. Mukhang nakuha na ni Tsukishima ang play ni Kotarou ah. "Akaashi isa pa, tatapusin ko ito sa isang palo" Iritadong sabi ni Kotarou. Hindi naman sumagot si Akaashi kahit bakas sa mukha nito ang pagkamuryot. Mas lalo namang lumala ang sama na nararamdaman ni Kotarou nang magspiker miss ito dahil tumama sa net ang bola. Puntos ng Karasuno. Napahalakhak ako ng malakas ng biglang sabihin ni Kotarou na huwag na siyang bigyan ng toss pero sinabi lang ni Akaashi na "Sige" Tawang-tawa ako hayop. Dahil sa likas na magaling ang Fukurodani, ang inaakalang one man team ng Karasuno ay biglang nag-iba. Kung tutuuusin si Kotarou ang halimaw sa Fukurodani pero hindi niya nilelead ang team dahil kahit mag-emo si Kotarou ay nagagawa paring manalo ng team kaya sa huling puntos ay ibinigay ni Akaashi ang toss kay Kotarou. "Hey, hey, hey" Nakakainis na nakakabilib kung paano niya ibangon agad ang sarili niya. Mapapailing ka nalang. Sa huling game diving receive muli ang penalty pero masayang tinanggap ito ng Karasuno dahil sa barbecue. Humusay si Hinata sa diving receive na siyang ikinatuwa ko. Noong una kasi ay nangungudngod siya dahil mas nauuna ang mukha nito sa pagdadive. "Oi~ Mika!!" Tinakpan ko ang tenga ko ng marinig ang malakas na tawag ni Kotarou, akala mong nakalaklak ng microphone eh. Hinatak ako nito sa tapat ng grilling pan at inabutan ng karne ng baboy. "Luto kana" Ang kapal kapal talaga ng apog mo Kotarou! Itinaas ko ang sleeve ng damit ko at saka inihaw ang karne ng baboy. Akala ko naman ay nanahimik na si Kotarou pero kausap pala nito si Hinata sa gilid ko. Walang tigil naman ang kalabit nito sa akin, tinatanong ako ng paulit ulit kung luto na raw ba. Sino bang hindi maiinis! "Kumalma ka, ikaw ang ingungudngod ko dito" Pananakot ko dito. "Harsh" Nagspeech pa ng kaunti ang coach ng Nekoma bago kumain, sakto naman at luto na ang mga karne. Kumuha ako ng plato para bigyan si Shimizu at ang mahihina kumain sa team. "Thankyou Mikazuki!" Tinuro ko naman si Tsukishima na nakaupo sa hagdan at hindi kumakain, nagpasama ako kay Daichi para piliting kumain. Si Kenma naman ay naglalaro lang at hindi kumakain kaya nakasabayan namin na papunta si Tetsurou. "Hoi Kenma, kumain ka" Sigaw nito pero inilingan lang siya nito. "Tsuki, kain ka!" Si Daichi pero nagulantang kami ng biglang pumunta si Kotarou sa amin na may dalang tongs at karne. "Hoy Tsuki, baboy oh baboy! Para magkamuscle ka!" Natawa na lang ako sa ginawa ng dalawang pagpilit kay Tsukishima, kumain naman ito dahil binabantayan siya ni Daichi. May takot rin pala. Kinuha naman ni Kuroo ang PSP ni Kenma at saka pinakain. Kaya ang payat payat nito e'. Unconsciously, bigla kong naabutan ng karne ng baboy si Kenma. Hindi ko na mabawi dahil naabot ko na kaya pinanindigan ko na. "Kumain ka ng marami para magkalaman laman ka"  Ramdam ko ang gulat ni Tetsurou na nasa gilid ko, si Kenma naman ay tumango lang at saka kinuha ang plato at kumain. "Wala kang pinagbago Kenma, Si Mikazuki parin ang mas sinusunod mo sa amin" Natatawang sabi ni Kuroo, nag peace sign naman si Kenma sakaniya atsaka kumain. Gutom narin si Kenma pero mas inuuna niya parin ang paglalaro. Dapat dito binabantayan. - Iniligpit ko na ang mga gamit ko sa corridor at binilang ang mga Tupperware na dinala ko dito. Akala nyo ha, bilang koto. Wala namang kulang kaya nilagay ko na ito sa bag. Ang mga bedding ng boys ay ako na ang nagligpit ganun din sa beddings ni Shimizu. Natapos na ang training camp, sa susunod na araw ay simula na ng spring tournament. Ilalaan nila ang isang araw para sa pahinga para bukas ay maghapong training ulit sila. Nagpaalam naman ako ng matino kila Kenma at Kuroo, masaya akong nakita ulit sila. Medyo maluha luha pa si Kuroo at si Kenma naman ay yumakap sa akin dahil namiss raw ako nito. "Magkita nalang tayo sa Nationals, panigurado nandun yung dalawang loko" Sambit ni Tetsurou. Tumango naman ako dito at saka na sumakay sa bus. Pagod na pagod ang boys kaya tulog sila buong magbyahe. Kumunekta naman ako sa speaker ng bus para magpatugtog. This City | Sam Fischer Para akong naging si Kotarou at nagkaroon ng emo-mode habang naka tingin sa bintana. Kanina bago ako makasakay ng bus ay hinila pa ako nito pababa at pinabaunan ng isang bag. Hindi ko pa nachecheck ang laman nito pero alam kong pagkain ito. Tumawag rin si Auntie kanina kaya nagkausap kami bago ako makaalis. Pinaalalahanan ko naman si Kotarou na mag-iingat palagi dahil tatang-tanga ito. Char Nakarating kami sa School ng madilim na ang paligid, antok na antok na ang iba kaya hindi na pinatagal at nagsi-uwian na kami. Pagkadating ko sa bahay ay naligo muna ako at saka na natulog dahil ayoko magoverthink ngayong gabi. Alam kong hindi parin napoprocess ng utak ko ang pagkikita namin nila Kenma at Kuroo duon pero bahala na, inaantok na ako. Sinagot ko ang tawag nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mukhang hindi ako nagising ng sa alarm dahil may araw na. Nakapaalam naman kami ngayon at buong araw ang training nila. "Oh, Shimizu?" "Nasa labas ako ng bahay mo-" Ha? Agad akong napabangon at saka lumabas para buksan ang pintuan. Nasa labas nga siya, pinapasok ko naman siya at nagpaalam na maliligo lang. Wala pa raw kasi ako sa school anong oras na kaya naisipan nitong puntahan ako, wala pa rin kasi si Coach Ukai kaya personal practice muna ang boys. Naka track pants at jacket nalang ako ngayon, pagkatapos ko gumayak ay saka na kami naglakad pabalik ng campus. "Oh- Mikazuki, Kiyoko-san!" Maingay na salubong ni Nishinoya at Tanaka. Nakipag apir naman ako sa dalawa ng itaas nila ang kanilang mga palad. Kasunuran lang namin si Coach Ukai na dumating kaya minuto lang ay nagstart na sila ng practice. Tumabi ako kay Suga sa bench, mukhang kinakabahan siya habang papalapit ang tournament. Tinabihan ko lang siya duon at hindi nagsalita, hindi ko alam ang comfort words na kailangan niya kaya nanahimik lang ako sa tabi niya. Bigla naman siyang nagthankyou sa akin kaya ngumiti ako pabalik. "Ganitong mga panahon, sobrang kinakabahan ako. alam kong malakas ang team at tiwala akong makakalampas kami sa unang round" Isang talo lang kasi ay laglag kana kaya naiintindihan ko ang kaba ni Suga. Tumayo na siya sa upuan at nakipagpractice kay Nishinoya. Mukhang may pinaplanong atake si Suga kaya hinatak rin nito si Kageyama pagkatapos ng practice match nila. Hapon na nung matapos na ang training nila, isa isa na silang nagpaalam na uuwi para mamili ng pagkain nila para sa makalawa dahil bukas ay hindi sila allowed na lumabas at maglaro. Rest day kumbaga. Ako naman ay nagpasama kay Shimizu para mamili ng sangkap bukas, magluluto ulit kami para sa team. Kaya umuwi ako agad para magpahinga at matulog. - "Ilapag mo nalang sa lamesa" Kakauwi lang namin ni Shimizu galing sa supermarket para mamili ng mga sangkap. Dito nagdecide matulog ni Shimizu para makapagluto kami ng madaling araw kasi 7AM ang alis namin bukas papuntang venue. Nagpatugtog naman kami sa youtube ng mga kanta, pareho pala kami ng genre na gusto ni Shimizu 'yung mga kalmahan lang at mga banda. Dalawang game ang dapat nilang ipanalo bukas. Kapag nanalo sila ay advance na sila sa susunod na round. Buong maghapon ay nanood lang kami ng Movies ni Shimizu at saka na natulog bandang alas siete ng gabi kasi gigising pa kami ng 3:00 AM mamaya. "Sir? Nasaan napo ba kayo?" Si Shimizu, kasalukuyan kaming naglalagay ng pagkain sa bag. Nakagayak na kami, dadaanan nalang kami dito ng bus para hindi na kami pumunta papuntang school. "Malapit na raw sila, tara na labas na tayo." Nilock ko na ang bahay saka binuhat palabas ng gate ang mga pagkain. Medyo dinamihan namin ang pagkain na nilagay namin sa lunch box bawat isa dahil hindi naman magsisikain ng almusal ito ngayon. Nang makarating ang bus sa amin ay binabaan naman kami nila Azumane para tulungang iakyat ang mga pagkain. Tulog pa ang mga 2nd year at 1st year nung nadatnan ko kaya humimbing narin muna ako sa balikat ni Shimizu. Masyadong maaga at nakakapagod ang bangon namin kanina kaya kapwa kaming bagsak habang nasa byahe. Ginising na lang kami nila Sir Takeda at sinabing nandito na. Nauna kaming bumaba para maghanap ng pwesto nina Shimizu habang ang mga players ay hindi ko na alam kung saan naglagi. Ouigi South ang una nilang kalaban, wala na silang 3rd year pero ang power nila ay nasa 2nd year. Nasa 2nd floor ako nanonood ngayon katapat ng banner namin dahil iisang manager lang ang pupwede kasama ng coach at Advisor. 'Let's go, raise some hell Karasuno!' Sinimulan ni Azumane sa service ace ang laro kaya nagback ride ang karasuno sa momentum na'yun. Dumami ang mga nanonood at napahanga sa laro ng Karasuno. "Mukhang hindi chamba ang laban nila sa Aoba Josai noong nakaraan ah" Rinig ko pang sabi ng nasa likod ko. 'Aba syempre naman, hinasa yata nila Kotarou ang Karasuno!' Pagmamayabang ko sa isip ko. Nakuha ng Karasuno ang unang set, tuwang tuwa naman si Hinata at nagtatatalon. Pinapakalma naman siya ni Daichi dahil baka maoverwhelmed to. "Titignan ko lang ang Karasuno saglit" Rinig kong sabi sa likod ko. Lumingon naman ako dito at nakitang tiga Aoba Josai ito. May kasama siyang kasing katangkaran ko na lalaki. 'wow, height basis talaga 'ko' Naramdaman yata ni pretty boy na nakatingin ako dito kaya nagpeace sign ito habang naka ngiti sa akin. Tinignan ko naman ito ng walang gana at saka tumingin ulit sa game na magsisimula na. Narinig ko naman ang halakhak nung kasama niya. "s**t may babae pa palang hindi nahuhulog sayo pretty boy. It's like watching god performs miracle" Natatawa pa nitong sabi. "Manahik ka nga Iwa-chan" Asar niyang sabi. Oh diba pretty boy rin ang tawag sa kaniya. Inalala ko ulit ang features niya nung nakipagtitigan ako sa kaniya. Maganda naman talaga ang mukha nito, gwapo at singkit ang mata nung ngumiti, Mas matangkad siya sa akin at halatang nagwowork out dahil may tindig ang katawan. Ito siguro ang captain ng Aoba Josai. "Hey, miss." Kalabit ng nasa likod ko. Lumingon naman ako at napagtantong si pretty boi ito. Pigil tawa naman ang ginagawa nung lalaking tinawag niyang 'Iwa' "H-hindi mo ba kilala kung sino ako?" Medyo gulat niyang tanong. "Bakit? Dapat ba kilala kita?" Totoo naman ah, may rules bang ganon? Hindi na napigilan ng kasama nito ang halakhak kaya binuhos niyana lalo kaya mas nainis si Pretty boy sa kaniya. Inis naman niyang hinawi ang buhok at parang nauubusan ng hangin kung magpaypay ng kamay. "I'm Oikawa, Oikawa Tooru. Nice to meet you" Pakilala nito. Mukhang famous nga siya prefecture dahil parang narinig ko na ang pangalan nito. Bumati narin ako pabalik para naman hindi sayang effort niya. "Hatake Mikazuki" Okay na'yan no? Name nalang. "Anong year mo na?" Wow interview. "2nd year." "Ilang taon?" Ay, sinulit sir. "18" "Sa Karasuno ka?" grabeng sulit 'yan ah, close tayo? "Oo?" Hindi ba halata? Kaya nga ako katapat ng banner diba. Tsk. "Well, see you soon" Paalam nito bago naglakad paalis, kinausap naman ako nung kasama niya bago sumunod. "Iwaizumi Hajime, 19. Pasensya kana kay Oikawa ha. Una na ako" tinanguan ko nalang siya. Mabuti pa si Kuya mabait. Bwisit 'yon ah. 'Oikawa Tooru'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD