"Pinsan mo ang captain ng Fukoradani?!"
Gulantang na tanong ng team nang makabalik kami ni Azumane sa bench. Nilapag ko ang bags ng bottled water na binili namin kanina at inilagay sa chiller.
"He-he Oo, hindi ko alam na nasa Fukurodani na pala siya..." Malay ko bang makikita ko 'yun dito.
"E' 'yung captain ng Nekoma at 'yung setter nila?" tanong ni Azumane
Tae- nakita niya nga pala kami kanina. Ayoko na mag-sinungaling. Bahala na si batman.
"Ah- D-dati ko silang kaibigan. Noong nandito pa ako sa Tokyo nag-aaral."
Since I was in grade school, dito na ako sa Tokyo nag-aral since nandito ang mga kalahi namin. Kaya kahit wala ang parents ko ay may tumitingin parin sa akin. Mostly, nakila Kotarou ako nakatira kaya ganiyan na lang kami kadikit kahit ilang taon na kaming hindi nagkikita. Grade school ako when I started playing volleyball, si Kotarou ang nagimpluwensya sa akin. Palagi niya akong hinahatak sa mga training niya oh di kaya ang mag one-on-one game. Sa huli, kinahiligan ko narin ang paglalaro kaya noong Junior High naging starter agad ako ng team. Hindi kami pareho ng junior high na pinasukan ni Kotarou kaya naging mahirap sa akin ang pagiging sociable.
One time, nagpapractice ako mag-isa sa school grounds. Nilapitan ako ni Tetsurou. 'yun ang una naming pagtatagpo. Buntot buntot niya si Kenma at ang dalawa pa nitong kaibigan na sina Kourai at Rintarou. Inaaproach nila ako para makipag practice dahil nakita nila ang game play ko noong tournament. Talented ang apat lalo na si Hoshiumi Kourai, dahil kahit maliit siya para sa height ng laro niya ay iba ang liksi at galling nito sa paglalaro. Naaalala ko sa kaniya si Hinata kaso ang batang 'yon e' parang kulang pa sa experience at training. Si Suna Rintaroy naman ay Middle blocker nung mga panahong 'yun. Maliit siya para isang middle blocker pero mas persistent blocker siya kaysa sa iba. Powerhouse ang school na pinasukan namin kaya mas nag-improve ang skills naming lima.
Simula nun palagi na kaming magkakasama, Si Rintarou na tahimik lang pero napakaraming chika tungkol sa kani-kanino. May proof pa siyang ilalabas kapag hindi kami naniwala. Si Kourai na napaka ingay at napaka kulit, ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang 'little' at dapat nagugulat ka sa gameplay niya tuwing match kasi raw "kapag maliit, minamaliit". Si Kenma naman na puro games ang inaatupad, pero hinala ko naman na kakagames nito mas gumagana ng matino ng isip nito e' kung tatanggalan mo'to ng games baka anong mangyari pa sa kaniya. Habang si Tetsurou naman, parang Kotarou version 2 rin ito e'. Wala nga lang emo-mode, madali lang siyang kasundo at palaging nanjan sa aming apat.
Pero simula noong naging magkalapit kaming lima, simula narin ng delubyo sa buhay ko. Walang araw na hindi ako binuyo ng mga kateam mates ko at ng ibang mga babae sa school.
'Malay ko bang F4 pala ang mga ugok na'yon'
Pero hindi ko na pinaalam 'yun kina Kenma dahil ayoko na silang mag-alala noong mga panahong 'yon dahil kapwa kami nakapasok sa finals. Ayokong maapektuhan ang laro. Huling taon ko naman na sa junior high at sa loob ng taong ito nakapaloob pa kung saan kami naging magkakaibigan. Kaya dapat okay ang lahat!
Wala ring kupas ang sugat at mga salitang natatamo ko. Wala naman akong ginagawa sa mga gagang 'to bakit ako ang inaabangan'
Gusto kong sabihin 'yan, pero hindi ko magawa. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko magawa.
Natalo ang team namin nung finals, hindi ako naging starter dahil sa kawalang kwentang dahilan nung captain namin. Hindi ako ipinasok dahil sa kung anong bagay ang inuuna mga punyeta. Imbes na memorable ang huling taon , alam mo 'yun kahit sana matambunan ng pagkapanalo 'yung ginawa nilang 'yun pero hindi.
Hinatak nila ako sa likod ng gym, medyo masukal at dapit hapon na nuon kaya walang masyadong tao. Isang bakal ang tatlong beses na humampas sa katawan ko dahilan ng pagsusuka ko ng dugo.
'Damn, bullies'
Suntok at sabunot ang inabot ko sakanila, sinisisi nila ako kung bakit hindi kami nanalo.
'Mga bobo amp'
Nakuntento na siguro sila sa ginawa nila kaya iniwan na nila akong nakasandal sa pader. Sumusuka parin ako at dama kong namamaga ang binti at likod ko dahil sa pagkakatamo ng tama ng bakal kanina.
Naalala kong ngayong 5:00 PM ang start ng game nila Tetsurou. Inayos ko ang sarili ko at nagsuot ng jacket, inilagay ko ang hood ko habang nakalugay ang buhok. Naka track pants naman ako kaya ayos lang na lumakad dahil hindi naman makikita ang pasa, kung meron man sa binti ko. Pumunta muna akong restroom para magmumog dahil ang pangit na ng lasa ng dugo sa bibig ko. Naghilamos rin ako ng mukha, may cut ang kilay ko kaya hinugasan ko rin ito para mapahinto ang pagdurugo. Sabog rin ang labi ko kaya hindi ko alam kung paano ito itatago.
Nang makuntento ako sa itsura ko ay saka na ako naghilamos ulit para makalabas na pero dala dala ko nga yata talaga ang kamalasan sa mundo. Dahil ang mga kateam ko ang pumasok sa CR. Medyo nandidilim ang paningin ko sa kanila, gusto kong magwala pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil wala pa naman silang ginagawa sa akin.
May kung ano ano silang sinasabi sa akin pero hindi ko na ito marinig dahil parang sarado na ang isip ko at gusto ko nalang makalabas. Nang maglakad na ako papuntang pintuan ay saka palang may humablot sa hood ko pero dahil nandidilim na ang paningin ko sa kanilang lahat... kailangan ng lumaban.
Tatlo lang sila, kinuha ko ang kamay ng kung sino man ang humablot sa hood ko at saka ko siya malakas na sinampal.
'b***h, wingspiker ako'
Umamba naman ang dalawa kaya mabilis akong pumunta sa likod ng mga to at saka hinablot ang buhok sa ulo.
'Ako magang maga na ang katawan ko at Balak nyo pang bigyan ng panibago ha!'
Binuksan ko ang gripo ng dalawang lababo saka ko nginudngod ang kanilang mga mukha. Binitawan ko naman agad sila pagkatapos. Lumapit na ako sa pintuan at aakmang bubuksan ito ng bigla akong murahin ng babaeng may hawak hawak sa mukha nito.
"f**k you!" ani nito sa akin, kulang pa nga 'yan e'. Sa buong taon ni minsan hindi ako lumaban sa inyo. Pagbigyan nyo na ako ngayon please?
"Tangina mo" mura ko sa kaniya pabalik, napa "Ha" naman ang tatlo mukhang hindi inaasahan ang ginawa ko. Paniguradong tatawag ng back-up 'yan pero wala akong pakielam, kailangan kong mapanood ang game ng mga kaibigan ko.
Nang makarating ako sa court ay nasa kalagitnaan na ng second set ang game. Lamang ng score ang school namin, mukhang nasa play ang apat. Nakita naman ako ng coach nila at pinaupo sa tabi nito, medyo close ko ang coach ng mga 'to. BFF kami.
"Coach" tawag ko dito "Kung sakaling manalo ang mga boys, p-pasabing congratulations Ha" Nakangiti kong sabi. Nagtanong pa ito kung bakit pero sinabi kong baka umuwi ako ng maaga. Tae, gusto ko ako ang magsabi at yakapin sila, pero ang sakit na ng nararamdaman ko e'. Pisikal at emotional na e, ayokong bumigay rito.
Alam kong masasaktan at magagalit ang mga ito kapag umalis ako ng walang paalam pero... pero sana mapatawad nyo ako. Ang saglit na pagkakaibigan nating lima ay hinding hindi ko makakalimutan. Palagi kayong nasa isip at puso ko, ipinapanalangin ko ang successful na buhay para sa inyo.
"Galingan nyo guys!" Huling cheer ko sa kanila, sabay sabay namang lumingon sa akin ang apat nang makilala kung kanino boses galling 'yon. Nagsi-thumbs up naman ang mga ito at saka nagsihalakhakan.
'Ito naba ang huling beses na makikita ko ang tawa ng mga 'to?'
Unti-unti na akong tumalikod sa court matapos pumito ng referee. They won.
"Congratulations, I love you all"
Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinawagan ang nanay ko pero walang sumasagot. Binabalak kona noon pa na sa province na mag-aral ng high school. Masyado na akong exposed sa city. Sinundo ako ni Kotarou sa labas ng gym, mangiyak ngiyak ko itong nilapitan at saka niyakap. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib nito.
"Pagod ako" 'yun nalang ang nasabi ko sa kaniya para hindi na siya magtanong. Niyakap nalang rin ako nito pabalik. Siguro dahil sa pagod ay nawalan ako ng malay habang yakap yakap siya.
Nagising nalang ako nasa kwarto na ako sa bahay nina Kotarou. Nasa tabi ko si Tita at pinupunasan ang kamay ko. Napansin ko naman ang luhang tumutulo sa mukha nito, si Kotarou ay nakasandal lang sa pintuan at parang malalim ang iniisip.
"I'm sorry iha, sana palagi kitang kinukumusta. Sana inaalam ko ang nangyayari sa'yo. H-hindi ko alam na dinanas mo ito" Naiiyak niyang sabi habang tinitignan at hinahawakan ang pasa sa buong katawan ko.
Iniwas ko bigla ang mukha ko nang maramdaman kong tumutulo na ang luha ko. Gusto kong sabihin na okay lang, wag kayong mag-alala... pero masyado akong pagod para magsalita at wala akong magawa kundi ang umiyak.
Ginamot nito ang mga sugat ko at tinapalan ang mga open wounds ko sa binti at hita.
"Magluluto lang ako ng hapunan" Paalam nito at saka lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Kotarou sa kwarto. Sigurado akong nagtatampo ito dahil hindi ko sinabi sa kaniya pero ayoko lang naman silang mag-alala sa akin. Lumapit ito sa akin at saka umupo sa gilid ng kama.
Tahimik lang ito hanggang sa nagsalita ito. "Alam mo, pakiramdam ko ang walang kwenta kong kuya."
Kapwa tumulo ang mga luha naming dalawa sa sinabi niyang 'yun. "Nakakasama kita araw araw pero ni hindi ko man lang mapansin 'yan"
Napuno kami ng iyakan dahil sa pagsisisi na sinabi ni Kotarou. Hindi ko naman siya sinisisi e'. Wala ako ni isang sinsisi kundi ang sarili ko. Kung lumaban rin sana ako noong una diba?
Pero tapos na, heto na, nangyari na. Tanggapin na lang.
Sinagot ko ang tawag ng Daddy ko. Mukhang sinabi na sakanila ni Auntie ang nangyari. Sinabi ko narin sa kanila na gusto kong mag-aral sa probinsya. Nung una ay ayaw nila pero sinabi kong gusto ko ron kaya naman kinabukasan ay pinrocess nanila ang papers ko para doon mag-aral.
Buong araw hindi ako iniwan ni Kotarou. "To atone sin" sabi pa niya. Parang tae.
Nang makalakad na ako ng maayos ulit ay nagpaalam akong bibili ng bagong phone at sim card. Pinagsesave ko ang number nina Kotarou at auntie pati narin sina Mami at Dadi. Bumili na rin ako ng ibang mga gamit dahil bukas ay babyahe na ako papunta sa apartment na uupahan ko. Last year pa nakaplano ang plano kong paglipat kaya easy easy na lang sa akin at sa magulang ko. Pinuri nila ako sa plano ko at the same time pinagalitan dahil hindi raw ako nagpaagang sabi.
Nag-iinsist pa si Kotarou na sumama sa akin sa byahe pero hindi ko na siya pinayagan. May mga training pa siya at ayokong makaabala. Si Auntie naman ay may pasok sa trabaho kaya hindi ako maihahatid. Nagtawag ako ng taxi para maihatid ako. Umiiyak pang parang bata si Kotarou nang makalabas ako ng bahay dala dala ang maleta at mga gamit ko.
Niyakap ko naman ito at nagpasalamat sa lahat ng ginawa nito. Ganun rin kay Auntie.
"Mag-iingat kayo jan ha, galingan mo sa volleyball. Maglalaro pa tayo ulit. Ayusin mo pag-aaral mo gunggong!"
Huling sabi ko bago tuluyang makasakay ng taxi.
Iyon ang mga ala-alang hindi ko gustong balikan. Ang sakit at sariwa parin sa akin nung mga nangyari. Marami akong regrets noong mga panahong 'yun pero nangyari na. Isinasantabi ko na.
"Drinks huy!" Inabutan ko ng mga tubig ang team namin nang matapos sila magpenalty dahil natalo sila sa Ubugawa. Umupo naman ako sa tabi ni Tanaka at saka inabutan ito ng tubig.
"Mikazuki" seryosong tawag nito. "Kausapin mo ulit si Kiyoko-san" Anak ng pating talaga tong si Tanaka e'. Iisipin ko na na hindi lang pantitrip ang ginagawa niya e.
Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Gusto mo si Shimizu 'no? ayos lang 'yan"
Napatayo naman siya sa kinauupuan niya at saka winagayway ang kamay at saka umiling. "H-ha, a-anong sinasabi mo."
Tinanguan ko lang ito at saka nginitian ng napakaloko. Pulang pula na akong loko kaya tinigilan konang asarin. Tinawag naman kaming mga managers dahil may pagkain na dumating galling sa mga parents ng Shinzen.
May tatlong sako ng malalaking pakwan ang dinala sa kusina. Natakam naman ako dahil saktong sakto ang dating ng pakwan sa init ng panahon ngayon.
Niluglugan na muna namin ito at saka pinaghihiwa. Dinala naman namin kaagad sa gym ang mga nahiwang pakwan para ibigay sa mga players.
"Everyone, pakwan oh"
Nagsilapitan naman ang mga players habang ako, hinahanap ko ang team para iabot sa kanila ito. Si Tsukishima ang una kong nakita kaya nagpatulong ako dito na dalhin sa labas dahil nanduon sina Daichi.
"Oh, pakwan nyo" Hinahanap ko naman kung nasaan sina Hinata pero ang sabi ni Suga ay kasama ni Kenma. Tumango nalang ako at saka kumain ng pakwan.
"A-no" tawag ni Tsukishima. "Pwede ba kitang makausap sandali, Hatake-san" ani nito.
Tumango naman ako rito at nagsabing "Mikazuki nalang" Para maging kumportable ito. Inaya ako nito sa loob ng court mukhang may ipapaturo.
"Paano nyo po naboblock si Bokuto-san?"
Nag-isip pa ako ng matinong isasagot sandali "Hmm, Si Kotarou kasi may tatlong atake 'yan. Cross-cut, Straight saka feint. Uhm dahil nga familiar na ako sa movements niya at sa timing niya madali kong napapatibay yung blockings ko." Panimula ko rito. "Syempre kung paano rin nakaposisyon ang kamay mo, ganito" Itinaas ko ang kamay ko sa unahan ko. "yung kamay mo dapat nasa unahan, ganiyan, hindi sa mismong taas ng ulo mo. Tapos patibayin mo ang mga daliri mo para hindi liparin ng bola."
"Halika try mong iblock ang spike ko" hindi ako masyadong magaling mag explain e. Pinapusisyon ko ulit siya, kung paano ang timing ko ang habits ko at ang tibay ng kamay nito.
"Familiarization, kapag nasanay kana at nakuha mo na ang playstyle ng spiker. Madali nalang para sayo ang depensang gagawin mo kasi alam mo na kung ano ang gagawin nila. Isang pang tip nakikita sa mata at porma ang atakeng gagawin nila."
Hinagis ko ang bola sa itaas para itoss at saka pinalo ito. Nakatapat naman at nakatiming sa akin si Tsukishima pero hindi parin nito makill ang bola at puro one touch which is good naman dahil makakapag counter sila. Hindi ko masyadong nilakasan ang palo dahil mapapagod ako saying ang nutrients ng pakwan hehe.
Nang matapos kami ay nagpasalamat naman si Tsukishima sa akin. Medyo nagulat ako sa pagapproach niya kanina dahil akala ko siya yung tipo ng hindi masyadong devoted sa volleyball.
'Tsk, super judger ko naman talaga huhu'