PILIT na inignora na lamang ni Sofia ang napag-usapan nila ng kaibigang si Emily. Ayaw niya iyong patulan sapagkat para na ring hinusgahan niya ang katipan, at para na rin siyang naniwalang magagawa nga ng binata ang kalapastanganang iyon. She knew Brix so well, he was a good man.
Papalapit na rin ang kasal nila ng nobyo. Mahigit isang linggo na lang at magiging Mrs. Sofia Santiago-dela Fuente na siya.
She secretly smiled. She was so excited. She couldn't wait to spend the rest of her life with the man she truly loves.
"Sophie..." masuyong tawag ni Brix sa kaniyang pangalan habang kasalukuyan silang nagdi-dinner sa isang high end restaurant. Nasa may dulo silang bahagi, medyo malayo sa ibang kumakain.
Hindi nila kasama si Euna. Kinuha kasi ito kaninang umaga ni Zarina at dinala sa bahay-bakasyunan ng binata sa Tagaytay. Naroon daw kasi ang mga magulang ng mga ito at gustong makasama si Euna. Gusto sana niyang sumama kaso pinigilan siya ni Brix. Kailangan daw kasi nilang makipagkita sa wedding coordinator nila. May mga last minute changes kasi na kailangang ayusin patungkol sa kasal.
Napatigil siya sa pagsubo ng vanilla creme brulee. Dessert na ang nilalantakan niya. Patapos na rin kasi silang kumain. Napatunghay siya sa nobyo. "Hmmm? What is it, sweetheart?"
Napabuga ito ng hangin. Brix stared at her thoroughly. "Malapit na tayong ikasal, Sophie. Mahigit isang linggo na lang," panimula nito. "But before that day comes, I'd like to tell you something." Ginagap nito ang palad niya.
Her brows furrowed while staring at Brix' hands. It was shivering and cold. She automatically glared at his pair of eyes and saw apprehensions in it. Tila ba nag-aatubili ito at may kinatatakutang mangyari.
"Sofia..." Brix whispered her name. Ilang sandali itong nakatitig lamang sa kaniya. Waring tinatantiya ang magiging reaksyon niya.
"Yes, sweetheart?" Hinawakan niya ang mga palad nito gamit ang isa niyang kamay.
"Whatever you hear tonight, sweetheart...please know that I did all those because I love you."
Salubong ang kilay na napatitig siya rito. Brix was acting weird.
"Sophie, I am the man... I am the man who—"
"Miss Sofia Santiago!" bulalas ng isang boses bakla na siyang nagpatigil sa pagsasalita ni Brix.
Agad silang napabaling ng paningin upang mapagsino ang tumawag sa kaniya.
"Eric?" namimilog ang mga matang bulalas niya. Napatayo siya at sinugod ng yakap ang baklang kaibigan. Matagal na kasi sila nitong hindi nagkikita. Kaklase niya ito noong high school, at isa rin sa mga naging kabarkada niya.
Halos hindi niya ito makilala. Kung dati ay lalaki pa ito kung manamit, ngayon ay halos talbugan na siya. Naka-dress ito na kulay pula at knee-length ang haba. Backless iyon at hapit na hapit sa slim nitong katawan. Kung hindi siya nagkakamali, nakasuot ito ng four inches stiletto. Nakalugay lang din ang straight na straight nitong buhok na color ash blonde. Tadtad din ng kolorete ang mukha nito. May hawak itong golden clutch sa isang kamay.
"Lukaret! I'm not Eric. I'm Erica. Sabunutan kita d'yan! Maka-Eric 'to. Nakikita nang seksi at ang ganda-ganda ko. Hmp!" maarteng maktol nito na ikinatawa niya. Pinagkrus pa nito ang mga braso, saka naghugis-puso ang mga mata nang mapabaling kay Brix na kasalukuyang nakatunghay sa kanila. "Ang hunk naman ng kasama mong fafah, besh, at ang pogi. Gosh, makalaglag T-back. Pakilala mo naman ako, bruha ka," pasimpleng bulong nito na ikinatawa na naman niya. Humawak ito sa braso niya at itinaas ang isang binti patalikod na tila kinikilig.
Agad siyang tumalima at ipinakilala ang katipan sa kaibigang bakla. Halos magkisay-kisay ito nang makadaupang palad ang binata.
They shared minutes of joyful conversation. Inalok pa niya itong kumain kaso tumanggi. Kakatapos pa lang daw kasi nito. Binigyan na lamang niya ito ng wedding invitation sa nalalapit nilang kasal ng fiancee. May extra naman kasi siyang dala.
"Osha, I gotta go, beshy," mayamaya'y maarteng paalam nito. Tumayo ito at nakipagbeso-beso sa kaniya. "Congratulations and best wishes to both of you. Sana sunod baptismal invitation naman ang matanggap ko." Humalakhak ito, saka malanding hinimas-himas sa braso si Brix bago tuluyang lumayo sa kanila.
Napailing na lamang siya sa kaharutan ng bakla. Binalingan niya ang nobyo. "Sweetheart, pasensiya ka na r'on. Talagang gan'on lang 'yon mula pa nang high school kami," natatawang aniya na ikinatango lang ng binata. "So...what were you supposed to tell me a while ago, sweetheart?" she asked habang nakangiti rito.
Umiwas ito ng tingin, saka lumagok ng wine. He then bestowed her a curt smile. "Never mind. Just forget about it. That wasn't important tho."
Kunot-noong napatitig siya sa nobyo. Paanong hindi importante? Halos pagpawisan nga ang kamay nito kanina 'tapos sasabihin lang na 'di pala importante ang ipagtatapat nito?
"Brix, I know there's something you would like to tell me." She gave him a reassuring smile para lang makampanti ito. "Go ahead, tell me."
Muli ay lumagok ng wine ang binata. Tumingin ito sa mga mata niya. "I was that man, Sofia. I-I was the man who...r-raped you."