Chapter 19

651 Words
"HAVE you told Sofia your secret?" tanong ni Clyde sa kaniya. Nasa opisina niya ito. Tila ito haring nakadekuwatro sa couch. Nakasablay pa ang dalawang braso nito sa headrest niyon. "Not yet," namumroblemang tugon ni Brix. Napahilamos siya ng sariling mukha habang nakaupo sa swivel chair niya. Isa ang kaibigang si Clyde sa nakakaalam ng sekreto niya. Kamakailan lang niya iyon naikuwento rito. Hindi na kasi niya kaya. Nagi-guilty na siya, kaya naman kusa niyang naikuwento rito ang malaking sekreto sa buhay niya nang minsang magyaya itong mag-clubbing sila. "Sh*t naman, pare! Ikakasal na kayo. Wala ka ba talagang planong sabihin sa kaniya? Ano habang-buhay mo na lang itatago ang pagiging rapist mo?" Tumawa ito sa huling sinabi. Inis na binato niya ito ng blue point pen na hawak. Nang-aasar pa. Namumroblema na nga siya. "Hindi gan'on kadali 'yon. She was traumatized." Kinuha niya ang vape. Napahithit siya, saka ibinuga sa hangin ang usok niyon habang nakatingala. "Traumatized? Bakit, ano ba'ng ginawa mo sa kaniya nang i-abduct mo siya? Pinaligaya mo lang naman siya sa kama gamit 'yang matigas mong weap—aray!" daing nito nang binato na naman niya ito ng isa pang blue point pen. Sapol ito sa noo. Muntik na siyang matawa sa hitsura nito. "Umayos ka nga!" Kung hindi lang niya ito kaibigan, talagang sinapak na niya ito kanina pa. Hindi magseryoso kahit ngayon lang. "Chill, pare. Hindi ka na talaga mabiro," natatawang abansa nito. Iminuwestra pa nito ang kamay sa ere. Umayos ito nang upo, saka seryoso ang mukhang tinitigan siya. "You should tell her the truth. Confess everything before it's too late. Baka mamaya, kusa niyang malaman. Paniguradong magagalit 'yon sa 'yo at baka hindi ka na mapatawad pa." Tumayo ito, saka naglakad patungong pintuan. "Alis na 'ko, Mr. Rapist—oops!" anitong nakailag sa charger na ibinato niya rito. Nakangisi nitong isinara ang pintuan ng opisina niya. Napailing siya sa kalokohan ng kaibigan. Tumayo siya, saka napatingin sa labas ng glass wall ng opisina niya. Nakapamulsang napahithit siya ng vape. Hindi niya alam kung paano niya ipagtatapat kay Sofia ang totoo. Nalalapit na ang pag-iisang dibdib nila ng dalaga, subalit magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin niya maisiwalat ang pinakamalaking lihim ng kaniyang pagkatao. Alam niyang mas malaking problema ang kasusuungan niya oras na mismong si Sofia na ang makatuklas sa itinatago niya. Ibinuga niya sa hangin ang usok ng hinithit niyang vape. Nang gabing may mangyari sa kanila ni Sofia ay tila nabunutan siya ng tinik. He was able to help her surpass the trauma he, himself, had caused her. Ilang ulit niyang inangkin ang dalaga nang gabing iyon, at buong puso naman nito iyong tinugon. He was happy that time. He could still remember how Sofia moaned with pleasure and cried for his name while he was taking her. "F*ck!" he cussed when he felt his 'thing' twitched in between his thighs. Just by the thought of Sofia made him aroused. F*ck! He was a s*x maniac crazy in love with her. Sunod-sunod siyang napahithit sa isiping iyon, at sa bahagyang pagkabuhay ng p*gkalalaki niya. Sofia was different when he took her the night of their engagement. She was different compared to the Sofia he raped six years ago. Ang Sofia na inangkin niya noong gabi ng kaarawan ng daddy nito ay buong pusong nagpaubaya...puno ng pagmamahal na tumugon sa mga pangangailangan niya. Samantalang ang Sofia na inangkin niya anim na taon na ang nakakaraan ay puno ng galit, poot at hinanakit habang inaangkin niya. Sabagay, sino ba naman ang babaeng gustong magahasa at hindi pa nito kilala ang lalaking nanggahasa? Marahas siyang napabuga ng hangin. He doesn't know what to do. He doesn't know what would be his first step in confessing everything. But he needed to do it. He should face the consequences of his actions six years ago. He needed to tell Sofia everything before she would despise him totally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD