Chapter 5

1347 Words
KABUWANAN na ni Sofia subalit ang lahat ay wala pa ring ipinagbago sa kaniya. Bitterness and hatred towards the man who raped her was still in her heart. At sigurado siyang mamamalagi sa puso niya ang poot na iyon sa habang panahon! "Sophie, malapit ka nang manganak," pukaw ni Brix sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa harden ng mansyon. Binisita na naman siya nito na may mga dala-dalang iba't ibang klase ng prutas, bitamina at gatas para sa kanila ng mumunting buhay na pumipintig sa kaniyang sinapupunan. May mga dala rin itong mga laruan at damit para sa baby. Hindi na nga niya mabilang kung ilan na ba ang mga naibibigay nito para sa bata. Mula kasi nang dumating ito noong anim na buwan pa lang ang tiyan niya ay halos palagi itong may dala para sa kanila ng sanggol. Ito na rin ang namili at nag-asikaso ng mga dapat na dalhin sa oras na manganak na siya. Ang binata rin ang bumili ng crib, stroller at nagpaayos ng baby's room mula nang malaman nitong babae ang ipinagbubuntis niya. Kahit na ayaw niyang magpa-ultrasound noon dahil hindi naman siya interesadong malaman ang gender ng anak ng rapist na iyon ay pinilit siya nito. Mula nang dumating ito ay halos ito na ang kasa-kasama niya sa bawat prenatal checkups niya. Ayaw man niyang magpa-prenatal, pero wala siyang magagawa dahil pinipilit siya nito at ni yaya Sela, para raw malaman kung safe ba ang baby. As if she cared! Gusto nga niyang mamatay ang anak ng hayop na rapist na iyon! Kung ibang tao lang ang makakakita ay mapagkakamalan talagang ito ang ama ng dinadala niya sa ipinapakita nitong pag-aalaga sa kaniya. Halos araw-araw ay palagi itong nagpupunta sa bahay nila at pilit siyang nililibang. Palagi itong may time sa kaniya despite of his busy schedule. Minsan nga ay naiisip niyang sana ito na lang ang minahal niya sapagkat tila tanggap pa nito ang mapait na sinapit niya, hindi katulad ni Jeremy na tuluyan na lamang siyang tinalikuran nang dahil sa inaalagaan nitong pangalan. Napabuntong-hininga siya sa pagsagi sa isipan ng dating nobyo. Naroon pa rin sa kaniya ang kirot sa ginawa nitong pagtalikod subalit hindi na iyon gaya nang dati. Tila unti-unti na niyang natatanggap na hanggang doon na lamang sila ni Jeremy. Marahil ay dahil na rin sa tulong at presensya ni Brix. "Sigurado akong magmamana sa 'yo ang bata. Magiging maganda rin ito," Brix added na pumukaw sa pag-iisip niya. Nakangiti ito at tila excited. Nakatitig ito sa maumbok niyang tiyan at masuyong hinahaplos iyon. "Wala akong pakialam kung kanino man 'yan magmana," she said blankly. Natigilan ang binata sa sinabi niya. Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi nito at seryoso ang mukhang napatitig sa kaniya. "Sofia, sana huwag mong idamay ang bata sa galit mo sa lalaking nanghalay sa 'yo," sambit nito na nagpangiti sa kaniya nang mapakla. "Ewan ko lang kung magawa ko 'yon. Alam niyong lahat na noon pa man gusto ko nang ipalaglag 'tong anak ng hayop na 'yon!" madiin niyang turan. Nagsimula na namang mabuhay ang galit sa puso niya para sa walang-hiyang lalaking gumahasa sa kaniya. "Alam mo bang kapag nakikita kong malaki ang tiyan ko ay naaalala ko ang kahayupang pinaggagawa sa 'kin ng lalaking 'yon? What more kung iluwal ko na ang sanggol na 'to! Siguradong mas lalong magsusumiksik sa guni-guni ko ang kawalang-hiyaan ng rapist na 'yon!" she uttered full of hatred. Hindi na nga siya umiiyak kapag naaalala iyon, subalit ang matinding suklam para sa lalaki ay naroon pa rin sa kaniya. Hindi umimik ang binata. Nang sulyapan niya ito ay nasilayan na naman niya ang tila nakabalot na lambong sa mga mata nito kapag ang bagay na iyon ang pinag-uusapan nila, at talagang iyon ang nagpapagulo sa isipan niya. ___ "SOFIA, anak!" nakangiting tawag sa kaniya ng kaniyang yaya Sela habang nakasunod ito sa babaeng nurse na may kargang bagong silang na sanggol. "Tingnan mo, ang cute at ang ganda-ganda ng anak mo!" ani pa nitong tila aliw na aliw na nakatingin sa baby. "Oo, Sophie, tama si yaya Sela. Kasing ganda mo ang anak mo," nakangiting segunda naman ni Brix. Nasa likuran ito ng kaniyang yaya. Ipinilig ni Sofia ang ulo paiwas sa mga ito. Ayaw niyang makita ang sanggol. "Ilayo niyo sa 'kin ang batang 'yan," mahina ngunit madiin niyang utos. "Pero, Sofia, maganda ang anak mo. Ayaw mo man lang bang makita siya? Ang ibang ina ay sabik na sabik—" "Hindi ako ang ina n'yan!" agaw niya sa sinasabi ng kaniyang yaya. "Wala akong anak!" Bigla namang pumalahaw nang iyak ang sanggol. Marahil ay naghahanap ito ng init ng yakap at halik ng isang ina sa unang araw nito sa mundo. "Sophie, umiiyak ang anak mo. Siguro gusto nitong makarga mo," ani Brix na sumabat na sa kanila. "Oo nga naman, anak. Tama si Brix," segunda ng yaya niya, sabay utos nito sa nurse na ibigay sa kaniya ang umiiyak na sanggol na agad namang tinalima ng huli. Hindi kumilos si Sofia. Tila tuod lang siyang nakahiga sa kama habang nakapikit ang mga mata. Napakislot siya nang maramdamang inilapag ng nurse ang baby sa tabi niya. "Ilayo niyo sabi 'yan!" galit niyang utos subalit hindi siya pinakinggan ng mga ito. Ang sanggol nama'y mas lalong pumalahaw nang iyak. Papalakas na iyon nang papalakas, sanhi para mas lalo siyang magalit at balingan nang matalim na sulyap ang tatlong taong nasa loob ng delivery room. "Ilayo niyo sabi sa 'kin ang batang 'yan! Napaka-ingay! Naririndi ako!" she yelled. Nanginginig ang mga kamay na tinakpan niya ang magkabila niyang tainga. "But, Sofia, you need to breastfeed the baby," kontra ni Brix. "Wala akong pakialam magutom man 'yan at mamatay! Ilayo niyo sabi sa 'kin! Ilayo niyo!" She was already hysterical. Halos maglabasan na ang litid niya sa galit. "Ano, ilalabas niyo o hindi?! Dahil kung hindi, talagang sasakalin ko 'yan sa ingay!" pagbabanta niya. Nakita niyang nahintakutan ang yaya Sela niya pati ang nurse sa binitawan niyang mga salita. Habang ang binata nama'y napatiim-bagang. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ng umiiyak na sanggol. Naisip niyang marahil ay naawa ito sa bata. "Sige na, nurse. Ibalik mo na ang baby sa nursery room," pormal na utos ni Brix. Agad naman iyong tinalima ng nagtatakang nurse. Alam niyang nagugulumihanan ito kung bakit ganoon ang iginagawi niya. Wala naman kasi itong kaalam-alam sa tunay na nangyari sa kaniya. Saka lamang siya nahimasmasan nang mawala na sa paningin niya ang sanggol at hindi na niya narinig ang ingay nito. Dahan-dahan niyang ipinilig ang ulo paiwas sa dalawang taong hindi niya mawari kung kanino naaawa, sa kaniya ba o sa bata? May luhang pumatak sa kaniyang mga mata. She knew that it was the start of everything. Alam niyang iyon na ang umpisa na palagi niyang masisilayan ang bunga ng kahayupang iyon. At hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang anak ng rapist na bumaboy sa kaniya! ___ BRIX compassionately gazed at the baby peacefully sleeping inside the nursery room. Buhat sa salamin na kinaroroonan ay malaya niyang nakikita ang napakahimbing na tulog nito. Wala itong kaalam-alam na hindi ito gusto ng sarili nitong ina. Nang ilabas ng nurse kanina ang anak ni Sofia ay agad siyang sumunod dito. The lady nurse suggested na kumuha lang muna sila ng gatas sa Breast Milk Bank ng ospital na agad naman niyang sinang-ayunan. Alam naman kasi niyang imposibleng padedehin ni Sofia ang anak nito. Hindi niya alam kung magagalit ba siya sa dalaga dahil sa ginawa nito sa sarili nitong anak. Wala naman kasing kasalanan ang bata sa kahayupang ginawa ng sarili nitong ama. He drew a harsh and deep breathe habang nakapamulsang nakatitig pa rin sa sanggol. He somehow understands Sofia. Naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang poot nito, pero sana lang ay hindi nito idamay ang bata sa nadarama nitong muhi para sa lalaking gumahasa dito. Napangiti siya nang mapait. Naitanong niya sa sarili kung ano ang gagawin ng dalaga sa oras na malaman nito kung sino ang lalaking humalay rito. That man will surely be doomed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD