MAG-IISANG buwan na buhat nang makauwi si Sofia pagkatapos niyang manganak. Sa loob ng isang buwang iyon ay hindi niya pinagkaabalahang bantayan man lamang ang sanggol na iniluwal niya. Ni hawakan at tingnan ito ay hindi niya magawa. Tanging si yaya Sela ang tumayong taga-pangalaga ng baby.
Halos araw-araw ring nagpupunta si Brix sa mansyon nila, at minsan ay ito pa ang nag-aalaga sa sanggol kung hindi ito abala sa kompanya.
"Ang suwerte ng anak mo kay Brix, anak," nakangiting saad ni yaya Sela. May dala itong tray na naglalaman ng juice at sandwich para sa kaniya. Maingat nitong inilapag sa mesa ang dala.
Mula sa kinauupuang patio chair ay napagawi ang paningin niya kay Brix at sa karga nitong sanggol. Nakatayo ito at hindi magkandatutong aluin ang umiiyak na baby. Kasalukuyang nasa hardin ang mga ito. Habang siya nama'y nasa terasa ng mansyon at nagpapahangin.
Brix was still wearing his office uniform. He was wearing his black slacks paired with black shoes. The sleeves of his white shirt were rolled into the center of his arms. Nakasabit ang black coat nito sa garden chair na naroon. He was in his formal suit while baby sitting the infant.
She couldn't imagine that the CEO of Dela Fuente Group of Companies became a babysitter in an instant.
Hindi niya naiwasang mapangiti sa hitsura nito. Sino ba naman kasi ang lalaking magbabantay ng bata na gan'on ang ayos? Kundi si Brix lang! He was indeed different. He was one of a kind.
Mayamaya'y nasilayan niyang pinapadede na nito ang sanggol. Umupo ito sa garden chair na naroon. His eyes were on the baby habang hawak nito ang feeding bottle.
She sighed deeply. She knew that someday, Brix would be a great father to his own child. Hindi imposibleng maging huwarang ama ito. Sa ipinapakita pa lang nito ngayon sa anak niya na hindi naman nito kadugo.
Hindi ito ang ama ng anak niya, pero kung makaasta ito ay daig pa ang tunay na ama. He was always there, willing to help not just in financial needs, but also in moral support. She was indeed thankful that Brix was around.
"Mabait po kasi si Brix, nana," mayamaya'y tugon niya sa butihing matanda. Kasalukuyan na itong nakaupo sa patio chair na kaharap niya.
"At 'yon naman ang hindi ko kokontrahin. Sa ipinapakita palang niya ngayon," anito. "Nagtataka nga ako kung bakit 'di mo siya magustuhan. 'Di hamak na mas mabuting tao pa siya kaysa kay Jeremy," dugtong pa nitong napaismid.
Lihim siyang natawa sa reaksyon ng yaya niya. Mula pa noon ay hindi na nito gusto si Jeremy para sa kaniya. Pinakisamahan lang nito nang maayos ang lalaki dahil na rin sa pakiusap niya.
"At 'di hamak naman na mas magandang lalaki si Brix d'on, 'no! ani pa nito na tuluyan nang nagpatawa sa kaniya.
Iiling-iling na kinuha niya ang juice at sumimsim. "Mukhang kayo po itong may gusto kay Brix, nana," she said smiling after sipping the juice.
"Oo naman gusto ko siya," nakangiting saad nito. "Gusto ko siya para sa 'yo, anak."
"Hindi naman ho siya nanliligaw sa 'kin, nana," aniyang napasulyap sa kinaroroonan ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit may naramdaman siyang munting panghihinayang sa katotohanang iyon. "N'ong college lang po kami siya nanligaw."
"Sa lagay na 'yan hindi pa nanliligaw?" Sinulyapan nito si Brix sa may hardin. "Halos siya na nga itong tumayong ama sa anak mo," anito, saka naman tumunghay sa kanila ang binata. Kumaway pa ito habang karga ang nakatulog nang sanggol.
___
"I CAN be the father of your child. Handa akong ibigay sa kaniya ang pangalan ko," seryosong ani Brix na siyang nagpapatda kay Sofia.
Kasalukuyan silang nasa terasa ng mansyon at nakatingin sa nagkikislapang mga bituin sa kalangitan. It was already dark, pero hanggang ngayon ay naroon pa rin ang binata. Pagkatapos nitong bantayan ang baby ay agad itong nagtungo sa terasa kung saan siya naroon.
Sofia intently glared at his pair of eyes staring at her, too. Pilit niyang inaarok ang katapatan ng sinasabi nitong iyon at hindi naman siya nabigo sapagkat naroon sa mga mata ng binata ang kahandaan ng pagbibigay nito ng sarili nitong pangalan sa bata.
Iniiwas niya ang paningin sa nakakapasong titig nito, saka napabaling sa malayo. "You don't have to, Brix. You don't have to be attached and be responsible sa bagay na hindi naman ikaw ang dapat na umako," mahina niyang pagpapaliwanag.
Hindi ito umimik, bagkus ay sunod-sunod lamang ang ginawa nitong pagbuntong-hininga na tila ba may gustong sabihin sa kaniya ngunit nag-aalangan lang. Waring may kung anong pumipigil dito.
Mayamaya'y naramdaman na lamang niya ang masuyong pag-gagap nito sa palad niya. Brix held her shoulders, saka marahan siyang iniharap dito.
"Sofia..." he whispered her name while staring at her intently. "I'd like to give my name to your daughter because..." Brix paused and grasp for an air to breathe. Tila nalambungan na naman ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "B-Because I love you. I still love you, Sofia. Nothing has changed. It's still you who owns my heart," madamdamin nitong sambit habang titig na titig sa kaniya.
She felt Brix' warmth palm caressing her cheeks. Akmang hahalikan na sana siya nito subalit pabigla niyang ipinilig ang ulo paiwas dito.
"B-baka naaawa ka lang sa sinapit ko, Brix. Love and pity are entirely different thing," aniyang napatitig na naman sa malayo. Mahigpit siyang napakapit sa railings sa hindi niya malamang dahilan.
"No, Sophie! I know exactly how I feel. Alam kong mahal kita. Mahal na mahal," seryosong anito na tinabihan siya.
Napakislot siya nang magdaiti ang mga braso nila. She couldn't explain the feeling she felt that moment. It wasn't familiar to her. She haven't felt it with any other man, not even with Jeremy.
Hindi na lamang siya umimik, bagkus ay tahimik lang siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang itutugon. Oo, masaya siya kapag kasama ang lalaki subalit hindi pa siya sigurado kung ano ba ang ibig ipahiwatig ng tila umuusbong na kakaibang damdamin na nadarama niya para sa kababata.
"Hindi kita minamadali, Sofia," mayamaya'y narinig niyang anito. "Handa pa rin akong maghintay hanggang sa matutunan mo na akong mahalin. I just hope you will give me a chance to show how much I love you," Brix emotionally uttered.
May sumilay na mumunting ngiti sa kaniyang labi sa narinig na sinabi nito. Somehow, she felt glad na mayroon pa palang lalaking katulad ni Brix na handang tanggapin ang mapait niyang nakaraan, na handa siyang tanggapin nang buong-buo.
"Oo, Brix. Bibigyan kita ng pagkakataong patunayan ang mga sinasabi mo," nakangiti niyang turan bago siya pabiglang kinabig ng binata at niyakap nang napakahigpit.
"Salamat, Sofia. Salamat," he said with tremor in his voice.
'Thanks, too, Brix! I know it's you who can erase the bitterness in my heart,' piping bulong niya sa isip. May mumunting luhang pumatak sa mga mata niya. Luhang tanda ng munting kaligayahan.