FIVE YEARS LATER...
"MOMMY, we have an assignment in school. Can you please teach me po, mommy?" lambing ng anak ni Sofia na si Euna. May hawak itong libro habang nakatunghay sa kaniya.
Limang taong gulang na ito ngunit magpahanggang-ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa bata. Naroon pa rin ang alaala ng kahayupang pinaggagawa ng ama nito sa kaniya. She still couldn't forget everything.
"Can't you see I'm busy? Doon ka magpaturo sa lola Sela mo," tugon niyang hindi man lamang ito pinagka-abalahang sulyapan, bagkus ay sa mga pinag-aaralang papeles nakatuon ang atensyon niya. She was currently busy with paperworks from the company. Sa nakalipas na limang taon ay tinutulungan niya ang ama sa pamamahala sa kompanya nila. Sometimes, she only worked from home dahil ang daddy niya ang nasa opisina.
Katulad ngayon, nasa bahay lang siya habang nagtatrabaho. They had an office room in their mansion, at doon siya naglalagi kung may mga importanteng dokumento na dapat tapusin.
"Mommy, ikaw po ang gusto kong magturo sa 'kin," pangungulit nito na yumakap pa sa kaniya. Alam niyang gusto ng bata na magkalapit sila.
"Importante ang ginagawa ko kaysa d'yan!" aniyang nagsisimula nang mainis. Her eyebrows creased while staring at her laptop monitor. She opened the files needed for the company.
"Mommy, teacher said mas mahalaga daw po ang pagtuturo sa anak kaysa ano pa man pong trabaho ng parents," ani pa ng bata. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
Inis na tinanggal niya ang pagkakapulupot ng mumunting braso nito sa bewang niya. "Huwag ka ngang makulit! At huwag kang magpapaniwala sa teacher mo! Mas mahalaga ang trabaho dahil nakasalalay rito ang kompanya!" galit niyang bulyaw sa bata. Mangiyak-ngiyak na itong nakatitig sa kaniya. "Nana! Kunin niyo nga ho ang bata rito. Nakaka-istorbo lang sa ginagawa—"
"Come here, baby. Ako na lang ang magtuturo sa 'yo," anang baritonong boses na nagpatigil sa pagtawag niya kay yaya Sela.
Kahit hindi man niya ito sulyapan ay alam niyang si Brix iyon. Nasa may pintuan ito ng office room.
Agad namang tumakbo si Euna palapit sa binata. Maluha-luha itong nagpakarga sa lalaki.
Nang sulyapan niya ang dalawa ay nakita niyang pormal ang mukha ni Brix na nakatitig lamang sa kaniya. Tila ba sinasabi nitong tama na ang pagpapahirap niya sa kalooban ng paslit.
Iniiwas na lamang niya ang tingin dito. Ayaw niyang masilayan ang tila panunumbat sa mga mata ng binata sapagkat baka hindi siya makapagpigil at masabihan pa niya ito nang hindi maganda. Masabihn pa niya itong wala itong pakialam sa kung ano man ang pakikitungo niya sa bata dahil hindi ito ang ama. Hindi nito alam ang pakiramdam ng mapait na sinapit niya sa ama ni Euna. Kaya't wala itong karapatang pakialaman at sumbatan siya!
___
"TITO, does mommy loves me?" inosenteng tanong ni Euna sa kaniya na siyang nagpatigil sa kakaturo niya sa assignments nito. Nakakandong ito sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya. Naroon sa mga mata nito ang pangungulila sa pagmamahal na hindi nito maramdaman sa sarili nitong ina.
Matapos itong kagalitan ni Sofia ay dinala niya ang bata sa hardin ng mansyon at doon ito tinuruan.
Hindi niya alam ang isasagot. Alam naman kasi niya ang tunay na damdamin ni Sofia para sa anak nito.
Pilit na lamang siyang ngumiti. There's nothing he could do but tell lies para mapanatag lamang ang kalooban ng musmos. Kahit papaano'y alam naman niyang may nakatagong pagmamahal si Sofia para sa anak nito. Natatabunan lamang iyon ng poot nito para sa lalaking gumahasa rito.
Brix smiled bitterly, then stared at the innocent eyes of the kid. "Of course, your mom loves you. Anak ka niya," masuyo niyang tugon.
"But I can't feel her love, Tito. She's always angry with me po. She hasn't even cuddled me yet just like any other loving mothers do," anitong mangiyak-ngiyak.
A sudden feeling of pity crossed his heart upon seeing those innocent-teary eyes of the child. Nakakaawang sa murang edad nito ay nadarama na nito ang masakit na katotohanang iyon.
"Mahal ka ng mommy mo. Masyado lang siyang busy kaya gan'on," pampalubag-loob niyang saad. "At para rin naman sa 'yo ang mga ginagawa niya. Para sa kinabukasan mo," nakangiti niyang turan, saka marahang piningot ang mumunting ilong nito na siya namang nagpahagikhik sa musmos. Subalit mayamaya'y bigla na naman itong tumahimik.
"Tito..."
"Yes?"
"Do you know who my father is? I haven't seen him yet. Where is he?" sunod-sunod na tanong ni Euna na siyang nagpapatda sa kaniya.
He stiffly glared at the kid. It was the first time Euna asked those questions. Lumalaki na nga ito dahil naghahanap na ito ng ama.
Hindi niya alam ang itutugon. Masyadong mausisa at matalino ang anak ni Sofia base sa nakikita at naririnig niyang mga pagtatanong nito.
"My classmates and friends have their dads around," ani pa nito nang walang maapuhap na tugon mula sa kaniya.
He cleared his throat, saka sunod-sunod na napalunok. He tried to grasp for an answer. Pilit siyang ngumiti rito. "Bakit mo naman hahanapin ang daddy mo? Nandito naman ako. 'Di hamak na mas pogi pa ako r'on," biro niya, saka nag-pogi points at kumindat na ikinahagikhik naman ng bata. "Kung gusto mo, ako na lang ang daddy mo." He smiled at Euna.
"Talaga po?" Namilog ang mga mata nito. "I'm allowed to call you dad?"
"U-huh!" He smilingly nodded.
"Yes! Yehey! Daddy ko na si tito Brix! Yehey! I already have a dad! May daddy na ako!" Pumalakpak ito, then waved her little arms on air.
He amazingly gazed at the happy and joyous face of the kid. He was glad upon seeing Euna as happy as that. Kasiyahan para rito ang may matawag na 'daddy.'
"Pakasalan mo na po si mommy para daddy na talaga kita. Pretty please po, daddy," she said with puppy eyes. Pinagsalikop pa nito ang mumunting palad while pouting her cute lips. "I'd like to have a baby brother or a baby sister po," inosente nitong paglalambing.
Napahalakhak siya nang malakas sa sinabi nito. Halos pumuno iyon sa buong hardin na kinaroroonan nila. "Oo, 'pag sagutin na ako ng mommy mo. Kaya tulungan mo ako para magka-little sibling ka na," nangingiti niyang tugon.
"Yes po, I'll help you, daddy! Yehey!" Pumalakpak na naman ito, saka yumakap sa kaniya. "I love you po, daddy ko." Pinupog siya nito ng halik sa mukha.
He simply smiled and warmthly embraced back the child. He almost cried. Napakasarap pakinggang tinatawag siyang 'daddy' ng anak ni Sofia. Napakasarap na niyayakap siya ni Euna. Hearing her say "I love you, daddy ko" brought warmth in his heart. It was something he wouldn't trade for any other material things in the world.
Subalit mayamaya'y natigilan siya. Naroon sa puso niya ang takot at pangamba sa oras na malaman ng dalaga ang lihim na pinakatatago-tago niya sa loob ng napakahabang panahon.
___
MARAHANG pinahid ni Sofia ang luhang pumatak sa mga mata. Naroon siya at nakatago sa isang mayabong na halaman. Narinig niya nang buong-buo ang pinag-usapan ni Brix at ng anak niya.
She was touched, somehow, for what she just heard mula sa labi ng kaniyang anak. Her heart melted. Naroon sa kaniya ang udyok na lapitan ang mga ito, makisali sa usapan at sabihin sa anak na mahal naman niya ito. Subalit nang ihahakbang na sana niya ang mga paa para lapitan ang dalawa ay bigla namang nagbalik sa alaala niya ang lalaking nang-rape sa kaniya, kaya naman ay patakbo na lamang siyang nagtungo sa sariling silid at doon ibinuhos ang luhang walang patid sa pagpatak.
She was eager to embrace the present and be contented with the joy it brings. But everytime she had the courage to do so ay bigla namang nagbabalik sa gunita niya ang kaniyang mapait na kahapon. Her bitter past was always hunting her. Kaya naman magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin niya tinatanggap ang pag-ibig na iniaalay ni Brix. Hindi pa siya handa kahit na mahal na niya ito. Ang gusto kasi niya ay sagutin ang binata sa oras na tanggap na niya ang lahat—sa oras na tanggap na niya ang mapait na yugto ng nakaraan.
Brix had always been at their side. It was him who acted like the real father of her child. It was him who gave name to Euna. Wala kasi siyang pakialam noon sa binyag ng bata kaya ito na lamang ang nag-asikaso ng lahat.
Napangiti siya. She wiped her tears. Maybe it was time for her to accept Brix' undying love. Sasagutin na niya ito kahit pa sabihing naroon pa rin sa puso niya ang pait na dulot ng panghahalay sa kaniya ng rapist na iyon.