Chapter 8

1177 Words
"MOMMY, look! I've got something for you," lambing ni Euna sa kaniya nang eksaktong makauwi ito galing school. Patakbo itong sumugod sa kinaroroonan niya. Ginawaran siya nito ng yakap at halik sa pisngi. Nasa likuran naman nito ang nakangiting si Brix na siyang sumundo sa bata. "Mommy, I have a greeting card for you. Teacher said we should draw something special for our loved ones. At ikaw po ginawan ko. Ako po nag-draw nito," lambing na naman nito nang hindi niya pansinin, bagkus ay sa laptop siya nakatutok at pinag-aaralan ang data ng Santiago Group of Companies. "Mommy, I wrote 'I love you' in the card kasi love na love ko po kayo...sobra po," ani pa nito na bahagyang nagpatigil sa kaniya. Tila may masuyong kamay na humaplos sa puso niya sa narinig buhat sa anak. Ngunit pilit niya iyong inignora nang bigla na namang bumalik sa balintataw niya ang ama ni Euna. "Mommy, tingnan niyo po gawa ko. Para po sa inyo ito, eh," pangungulit nito. Niyugyog pa siya nito habang maluha-luha ang mata. "Ano ba, Euna! Alam mong may ginagawa ako, eh!" bulyaw niya sa bata. Wala sa sariling naitulak niya ito dahil sa inis, sanhi para tumilapon ang maliit nitong katawan sa sahig. Nabitawan nito ang card na hawak. Bigla itong pumalahaw nang iyak. Bahagya siyang natigilan at nakonsensya. Napasobra yata ang pagtulak niya sa anak at nasaktan ito. Pero alam niyang wala nang mas sasakit pa sa ipinapakita niyang kagaspangan dito. She knew, Euna was hurting physically and emotionally. Agad itong dinaluhan ni Brix, at kinarga. "May masakit ba sa 'yo, baby?" masuyong tanong ng binata, saka napasulyap sa kaniya. Bigla siyang kinabahan sa nakikita sa mga mata nito. Nasilayan niyang tila pinipigilan nito ang umiigting na galit. Matalim ang titig nito sa kaniya habang buhat si Euna. Patuloy pa rin sa pagpalahaw nang iyak ang anak niya. Hindi nito sinagot ang tanong ng ama-amahan nito. "Ano'ng nangyari?" nababahalang tanong ni yaya Sela. Bigla itong napasugod sa office room na kinaroroonan nila. Nagpalipat-lipat ang titig nito sa kanilang dalawa ni Brix. "Dalhin mo muna sa kwarto niya si Euna, yaya Sela," malagom ang tinig na utos ng binata. Agad nitong ibinigay kay yaya Sela si Euna. "Tara, apo. Magbihis muna tayo, huh?" nahahabag na saad ni yaya Sela sa paslit, saka lumabas ang mga ito sa office room. "Shhh... Tahan na, apo," narinig pa niyang ani ng matanda. Nagkibit-balikat na lamang siya, at tila walang pakialam sa nangyari. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. She scrolled the files from her computer. Subalit mayamaya'y nagulat na lamang siya nang bigla siyang haklitin nang marahas ni Brix, sanhi para mapatayo siya sa kinauupuang swivel chair. Napadaing siya. Tumama kasi ang tadyang niya sa gilid ng mesa. Masakit din ang pagkakahawak nito sa braso niya. Brix gripped her arm fully. Maluha-luha siyang napatunghay sa binata. Gayon na lamang ang takot na lumukob sa kaniya nang masilayan ang mga mata nitong nag-aapoy sa galit. His eyes were fiery, na tila ba any moment from now ay bigla na lamang siyang matutupok ng apoy na ibinubuga n'yon. "B-Brix, let me go," daing niya. It was the first time she'd seen Brix as angry as that. "Damn it, Sofia! Sumusobra ka na!" dumagundong ang boses nito. Tumaas-bumaba ang dibdib nito sa sobrang galit. "What the f**k are you doing to your child?!" naningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "For Christ's sake! She's just a kid. Huwag mo siyang idamay sa galit mo sa kaniyang ama dahil wala siyang kasalanan! Maawa ka kay Euna!" nagngangalit nitong bulyaw. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya. Halos bumaon ang mga daliri nito sa kaniyang braso. Mangiyak-ngiyak siya sa sakit. Ngunit biglang nagpanting ang magkabila niyang tainga sa narinig na sinabi nito. Kaya naman ay sinalubong niya ang nag-aapoy sa galit na mga mata ng binata. "Maawa?!" Pagak siyang tumawa. "Bakit naawa ba sa 'kin ang hayop na ama ng batang 'yan?! Ilang beses akong nagmakaawa, ilang beses akong umiyak sa harapan niya, pero hindi ako pinakinggan ng walang-hiyang lalaking 'yon! He raped me still and took advantage of me!" Inis na pinalis niya ang luhang pumatak. "Hindi mo alam ang mapait na sinapit ko sa mga kamay ng rapist niyang ama kaya't huwag kang magtaka at manumbat kung bakit ganito kalamig ang pakikitungo ko sa bunga ng kahalayang iyon! Everytime I see Euna, naaalala ko kung gaano kasama at kawalang puso ang ama niya! I despised that man!" Walang tigil sa pagpatak ng mga luha niya. Bitterness, hatred and pain were visible in her eyes. Oo, masakit ang mariing pagkakahawak nito sa braso niya, subalit wala nang mas hihigit pa sa sakit na dulot ng katotohanang hindi siya nito maintindihan. Hindi siya maintindihan ng lalaking mahal niya. Hindi nito maintindihan kung saan nanggagaling ang poot niya, kung bakit siya nagkakagan'on. Naramdaman na lamang niya ang pagluwag ng pagkakahawak nito, saka tuluyan na siyang binitawan. "N-napakatagal na ng pangyayaring 'yon, Sofia. Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin 'yon makalimutan?" mahina nitong sambit. Nalambungan na naman ang mga mata nito. Iniiwas nito ang tingin sa kaniya. "Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikilala ang hayop na 'yon. Hangga't hindi ko siya nakikitang nakakulong at nagdurusa!" madiin niyang turan. Muli ay napabaling sa kaniya ang binata. Tila may gusto itong sabihin subalit hindi naman makapagsalita, bagkus ay nakatitig lamang ito sa kaniya. Mayamaya'y sunod-sunod itong napailing, saka mapait na ngumiti. Brix drew a harsh breathe. He then scuffled his hair using his fingers. "Maghintay ka lang, Sofia. Makikilala mo rin siya. Sana lang ay huwag mong pahirapan ang kalooban ng anak niya," mahina ngunit makahulugan nitong sambit bago tuluyang naglakad palabas ng mansyon. Kuyom-kuyom nito ang magkabilang-kamao. Siya nama'y naiwang naguguluhan sa mga huling sinabi ng binata. Tila ba sigurado itong makikilala nga niya ang lalaking gumahasa sa kaniya. Naguguluhan siya sa iniaakto ng lalaki, sa ipinapakita nitong galit sa kagaspangan ng pakikitungo niya kay Euna. Brix was too much invested to her daughter. Mukhang hindi ama-amahan lang ang ipinapakita nito. Kung makaasta ito ay tila ba ito ang tunay na ama ng anak niya. Bigla siyang natigilan. Ipinilig niya ang ulo para iwaksi sa isipan ang pagsagi ng bagay na iyon. Imposibleng ang binata ang nanghalay sa kaniya. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Brix. Napakabait nitong tao para gawan siya ng hindi maganda at kasumpa-sumpang bagay. Subalit bakit gan'on? Ang mga ikinikilos nito ay waring nagpapahiwatig na ito na nga ang lalaking matagal na niyang hinahanap, na ito na nga ang dapat niyang ipakulong! At ang lambong na paminsan-minsa'y nasisilayan niya sa mapupungay nitong mga mata ay tila may nakapaloob na lihim na kahit na kailan ay hindi niya kayang arukin. "A-Are you my abductor, Brix? Ikaw ba ang rapist na 'yon?" naguguluhan niyang tanong sa sarili, saka dahan-dahang napaupo. Sapo niya ang sumasakit na ulo. Itinukod niya ang braso sa mesa. "No. I know hindi ikaw 'yon. Imposibleng magawa mo 'yon." Pilit niyang kinontra ang sapantaha. Hinding-hindi niya matatanggap kung si Brix at ang rapist na iyon ay iisa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD