"WE'RE not yet done, Sofia." Brix said while unbuckling his belt. Bahagya itong dumistansya sa kaniya para tanggalin ang suot nitong slacks.
Hinawakan ni Sofia ang braso ng nobyo. "B-Brix, can we do it after our wedding? O-On our honeymoon." She stammered.
Hindi niya maamin sa nobyo na natatakot siya—natatakot siya hindi rito, kundi sa alaala ng kahapon na pilit niyang kinakalimutan.
Kamakailan lang niya iyon nalaman—nang magkaroon sila ng relasyon ng binata. Sa tuwing niroromansa kasi siya ni Brix, at maghuhubad na ito sa harapan niya ay pilit na umuukilkil sa alaala niya ang lalaking nanggahasa sa kaniya, kaya naman palagi niya itong pinipigilan.
"Why, Sophie?" May hinanakit sa boses nito. "Don't you love me enough to fully give yourself to me?"
"No!" pabigla niyang bulalas. "I-I mean, I love you but..." Sasabihin ba niya? Sasabihin ba niya ang totoong rason kung bakit hindi pa niya maibigay rito ang katawan gayong mahal na mahal naman niya ito?
Nangilid ang luha niya. Tumitig siya nang deretso sa mga mata nito. "B-Brix, God knows how much I love you. Heaven knows how my heart is willing to surrender myself completely to you... I-I wanted to give you my all...my heart, my soul...my b-body...but..."
"But what, Sofia?" tanong nito nang tumigil siya.
"I-I think I just can't..." Tuluyan nang tumulo ang luha niya. "E-Everytime we go on petting, everytime we make out...sa tuwing maghuhubad ka na, natatakot na 'ko... H-Hindi na ikaw ang nakikita ko, kundi ang r-rapist na iyon na..."
Saglit na natigilan ang binata. Para itong binuhusan ng malamig na yelo habang nakatitig sa kaniya. Nasilayan niya ang pinaghalo-halong emosyon na naroon sa mga mata nito. She saw disappointments, hurt, pity...and guilt?
Hindi siya sigurado sa huli. Pero parang may nabanaag siyang usig ng konsensiya na nakabalong sa mga mata nito. Ngunit saglit lang iyon, bagkus ay napalitan iyon ng awa. Alam niyang naaawa ito sa kaniya—sa idinulot na trauma ng pangyayaring iyon sa pagkatao niya.
"Sophie, I am...s-sorry..." nahihirapan nitong anas. Bahagyang namula ang mga mata nito. "I promise, I will do everything to erase the memory that caused you trauma," bulong nito. "I promise..." Hinalikan nito ang mga luhang malayang namalisbis sa pisngi niya.
"T-Thank you for understanding, Brix," bulong niya. Tipid siyang ngumiti rito. She was really thankful na ito ang minahal niya. He was kind and understanding.
Mayamaya pa'y bumangon na siya, at inayos ang sarili. Medyo nailang pa siyang kunin ang bra na itinapon nito sa kung saan. Nakasabit kasi iyon sa may manibela.
"Let me," Brix said nang akmang kukunin na niya ang panloob. Hinawi nito ang buhok niya, saka ikinabit ang hook ng bra niya sa likuran.
She could feel his warmth palm na sumasagi sa likuran niya, at nagbibigay iyon ng ningas sa kaniya. She wanted to close her eyes and savour the moment, pero pinigilan niya. Ayaw niyang maulit ang nangyari kanina. Naaawa na siya sa nobyo. Alam niyang matinding pagpipigil ang ginagawa nito para lamang hindi siya mapakialaman dahil hindi pa siya handa, hindi pa niya kaya. She was traumatized.
Muli ay nabuhay ang galit niya sa lalaking lumapastangan sa kaniya. Hindi siya magkakaganito kung hindi dahil sa ginawa nitong pangbababoy sa p********e niya.
"Sophie, I'm s-sorry again," narining niyang sambit ni Brix. Hindi niya namalayang naayos na rin pala nito ang off-shoulder maxi dress niyang suot.
Humarap siya sa binata. Alam niyang humihingi ito ng dispensa sa kamuntikan na siya nitong mapakialaman. Marahil ay na-guilty ito dahil pinilit nito ang gusto gayong may trauma siya.
"No need to say sorry, sweetheart." Masuyo niya itong hinawakan sa panga. "I should be the one telling you that dahil...hindi ko pa maibigay nang buong-buo ang sarili ko sa 'yo. I-I'm sorry, Brix." Pumiyok siya sa pinipigilang luha.
"Shhh..." Masuyo siya nitong niyakap. "Papalitan natin ang mga alaalang 'yon, Sofia... Pangako."
May imbing ngiting sumilay sa mga labi niya sa narinig na sinabi nito. Alam niyang tutuparin iyon ni Brix. He had already helped her a lot. She knew that someday his love will suffice every little pain and bitterness in her heart.
Bahagya siyang humiwalay sa pagkakayakap ng nobyo. She fixed his hair na medyo nagkalat sa pananabunot niya kanina. "I thank cupid for hitting me his arrow and letting me fall in love with you. Ang swerte ko sa 'yo...kami ni Euna." She smiled at him, saka may naalala. "Huwag mo na palang pagselosan si Jeremy. Everything between me and Jeremy ay tapos na, nakabaon na sa limot. He was just a part of my past. But you? You are my present and will forever be my future. It's you that I love, Brix..." she emotionally whispered, saka kinintalan ito ng halik.
Pabigla siyang niyakap ng binata. Mahigpit—na tila takot mawala siya. "Sana ay 'wag magbago ang pakikitungo mo, Sofia. Sana ay walang magbago," bulong nitong tila nasa boses ang pait at paghihirap ng kalooban.
Napakunot-noo siya sa narinig na iyon sa tinig nito. Dahan-dahan siyang humiwalay sa pagkakayakap ng katipan para mapagmasdan ang ekspresyon ng mukha nito. Ngunit nakangiti iyon—ngiting totoo at abot hanggang sa mga mata nito.
She smiled back at him. Inisip na lamang niyang marahil ay nagkamali lang siya sa pait na narinig buhat dito.
___
"F*CK sh*t! Bullshit!" Pabalibag na isinara ni Brix ang pintuan ng condo niya, saka sunod-sunod na pinagsusuntok ang dingding.
Pagkatapos na maihatid si Sofia at tulungan itong maibaba ang mga pinamili ay deretso siyang umuwi. Hindi na siya nagpakita pa kay Euna. Tulog na raw kasi ang bata ayon kay Liza—isa sa mga kasambahay nina Sofia.
Napahilamos siya sa sariling mukha. Dumeretso siya sa kitchen section ng condo niya. He opened the liquor cabinet, saka kumuha ng imported na alak. Binuksan niya iyon. Sumirit ang mangilan-ngilang laman niyon sa gilid ng bote. Sunod-sunod siyang napatungga habang nakatukod ang kaliwang kamay sa kitchen partition na naroon.
Tumaas-baba ang dibdib niya sa pinipigilang galit—galit hindi para kay Sofia, kundi sa sarili niya. He was shocked on Sofia's confession. Kaya pala palagi siya nitong pinipigilan. Akala niya noong una ay ayaw lang nitong may mangyari sa kanila, dahil gusto nitong ibigay ang sarili nito sa oras na maikasal na sila. But he was wrong. Sofia was traumatized. The love of his life was traumatized by that god-damned rapist!
"f**k!" Galit na ibinato niya sa dingding ang boteng hawak, sanhi para lumikha iyon ng ingay at mabasag.
It had been six years, pero magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Sofia ang lahat. Mas lumala pa nga, dahil may trauma pala ito.
Noong mga panahong tinanggap na nito si Euna bilang anak nito ay akala niya unti-unti na nitong makakalimutan ang mapait na sinapit. But he was wrong. Naroon pa rin ang galit sa puso nito para sa lalaking nanghalay rito.
Mapait siyang napangiti. Kumuha siya ng panibagong alak sa liquor cabinet at binuksan iyon. Sunod-sunod siyang napatungga.
He did everything to erase Sofia's hatred towards the man who raped her. He was the happiest when Sofia accepted his love. Akala niya ay sapat na iyon para pawiin ang poot na namamahay sa puso nito para sa lalaking lumapastangan dito, pero kulang pa pala ang lahat. She despised that rapist still!
Sabagay, hindi niya ito masisisi. She was raped and molested during the time she was supposed to be happy—the time she was supposed to be the happiest bride. Tinanggalan ito ng kaligayahan nang mga sandaling iyon.
Sunod-sunod siyang napatungga.
He was touched sa mga binitawang mga salita kanina ni Sofia—lalo na nang pawiin nito ang selos niya. Sofia was very vocal with her love for him. At alam niyang totoo iyon. Alam niyang mahal siya ng dalaga—ramdam niya iyon, nakikita niya iyon. At masaya siya sa katotohanang iyon.
But how could he tell her what was wrong? How could he tell her his deepest secret?
He was eager to bring out in the open his darkest secret, ngunit palagi siyang naduduwag. Palagi siyang nauunahan ng takot sa maaaring mangyari—sa maaaring kahantungan ng isisiwalat niyang katotohanan. He was afraid to lose both Sofia and Euna. He was afraid Sofia would hate him to death!
Inilapag niya ang hawak na bote ng alak. Napatingin siya sa sariling repleksiyon mula sa malaking salaming nasa unahan niya. Marahan siyang naglakad palapit doon. Tinanggal niya ang butones sa may parteng dibdib ng long sleeves niyang suot. Hinawi niya iyon, saka napatitig sa kinaroroonan ng dalawang pilat na pinaghilom na ng panahon. Hindi na iyon kapansin-kapansin, puwera na lang kung susuriing mabuti.
It was the scar he received six years ago—the scar that holds his deepest and darkest secret.
He was Sofia's despised man.
He was her abductor.
He was the rapist!