"HAPPY birthday again, dad. I love you," Sofia said pagkatapos niyang halikan sa pisngi ang ama.
"Thanks, my princess. I love you, too," tugon nitong hinalikan siya sa noo. "Nandito na pala si Mister Ocampo. Maiwan na muna kita, anak," pagpapaalam nito na tinanguan naman niya. Sinalubong nito ang kararating lang na business magnate.
Nakahinga nang maluwag ang dalaga. Kanina kasi'y hindi siya magkanda-ugaga sa pag-estima ng ibang bisita ng kaniyang daddy. Her dad, Sandino Santiago was celebrating his sixtieth birthday sa malawak na bakuran ng kanilang mansyon. It was the start of her father's golden years, so they planned to celebrate his diamond jubilee birthday.
Inilibot niya ang paningin. Napangiti siya nang mamalas ang ganda ng pagkakaayos ng paligid. May buffet table sa unahang bahagi ng pool. It was perfectly designed with black and gold as the theme color. May mga nakalatag doong iba't ibang klase ng menu—from simple to variety of party dishes.
May mga tables and chairs din sa iba't ibang bahagi ng bakuran. Those were also perfectly designed with black and gold motif.
Sa harapang bahagi ng mansyon ay may mini stage na dinisenyuhan. Nakalatag doon ang inupuan kanina ng kaniyang ama nang magsimula ang programa. May projector screen na naroon, at kasalukuyang ipinapakita ang mga larawan ng kaniyang daddy, mga achievements and plaques of appreciation na natanggap nito bilang isang magaling na negosyante.
Dumalo sa pagtitipong iyon ang iba't ibang bisita ng kaniyang ama—mga kasosyo nito sa negosyo, mga empleyado ng kanilang kompanya, at mga kilalang business tycoon at politicians sa bansa.
Kasalukuyan nang nagkakasayahan ang mga bisita. Nagkalat ang mga unipormadong nagsi-serve sa iba't ibang bahagi ng bakuran. Naririnig ang pag-iigtingan ng mga glass wine, at mga halakhakan at kuwentuhan ng mga bisita. Pumapailanlang din ang mabini at malamyos na musikang galing sa violin instrument. Kasalukuyan iyong ipini-play ng dalawang naka-unipormeng violinists.
Kanina ay nai-announce na ng kaniyang daddy ang nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Brix. Dalawang linggo na lang ang hihintayin at idadaos na ang kanilang kasal, kaya naman double purpose ang ginawa nila sa party na iyon. It was a party for her dad's sixtieth birthday, and at the same time ay engagement celebration and announcement for the upcoming wedding nila ng katipang si Brix.
Naroon din ang pamilya ng binata—ang ama nitong si tito Henry, at ang ina nitong si tita Carolina, pati ang nag-iisang kapatid nitong si Zarina na ngayon ay dalagang-dalaga na. Kung hindi siya nagkakamali, huli niya itong nakita ay sampung taong gulang pa lamang ito.
Umuwi ang pamilya ng katipan galing States para na rin masaksihan ang pag-iisang dibdib nila ng binata dalawang linggo mula ngayon.
Namataan niya kaninang masayang nilalaro ni Zarina si Euna. Tawa pa nang tawa ang kaniyang anak. Mukhang nag-i-enjoy ito kasama ang tita Zarina nito. Nakita rin niyang karga ni tito Henry si Euna habang magiliw na nakikipag-usap sa mag-asawa.
She smiled. She was glad and somewhat blessed sapagkat tanggap ng mga ito ang anak niya, despite the fact na alam ng mga ito na anak niya ang bata sa kapangahasang natamasa niya noon. Sinabi niya iyon sa mga ito nang mag-usap-usap sila kanina. Ayaw niya kasing maglihim. Pamilya na rin kasi ang turing niya sa pamilya ng binata mula pa noong mga bata sila.
"Alam mo, Sofia, parang anak nga talaga ni Brix si Euna," komento ng matalik niyang kaibigang si Emily. Kakarating lang nito galing Singapore. Doon kasi ito nagtatrabaho bilang office clerk ng isang malaking kompanya. Nagbakasyon lang ito ngayon kaya nakadalo sa party ng kaniyang ama.
They had been friends since college. Saksi ito sa kung paano siya niligawan noon nina Brix at Jeremy—sa kung paano niya sagutin si Jeremy, at kung paano nagpakalayo-layo si Brix pagkatapos n'on.
Sofia sat beside Emily's chair. Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos estimahin ang mga bisita ng kaniyang ama. Konti lang naman kasi ang inimbitahan nila ni Brix na kakilala nila. Iyong mga malalapit lang nilang kaibigan at kakilala ang naroon.
Napangiti siya. Malaya niyang pinagmasdan ang dalawa. Kasalukuyan nang karga ng binata ang anak niya habang nakatayong nakikipag-usap sa isang kilalang politician ng bansa. "Kaya nga, Emily. He accepted and loved my daughter kahit hindi ito galing sa kaniya," tugon niya, saka napasimsim ng cocktail drink. "Itinuring niyang parang tunay na anak si Euna," aniya pa.
"No. That's not what I meant, Sophie. Parang si Brix talaga ang tunay na ama ni Euna."
Napatigil siya sa pag-inom. Kunot-noong napabaling siya sa kaibigan. Nagtatakang tinitigan niya ito.
"Look at them closely. Hindi mo ba napapansing magkamukhang-magkamukha ang dalawa? Euna is the female child version of Brix."
Natigagal siya sa sinabi ng kaibigan. Totoo ang sinabi nito. Totoong magkamukha ang dalawa. Sinabi na rin iyon ng kaniyang yaya Sela, subalit pilit lamang niyang inignora. Maski man siya ay nahahalata iyon. Habang lumalaki kasi si Euna ay nagiging kamukha ito ni Brix. Noong baby pa ito ay hindi masyadong pansinin ang pagkakahawig ng dalawa. Pero ngayon ay kapansin-pansin na iyon. Euna is the spitting image of Brix.
Sunod-sunod siyang napailing. Pilit siyang ngumiti kahit pa binundol siya ng kaba sa sinabi ng kaibigan. "N-Napaglihian ko siguro. Alam mo namang si Brix ang palagi kong nakikita noong nagdadalang-tao ako kay Euna." Nanginginig na napalagok siya ng peachy keen sa kopita.
Marahang natawa si Emily. "Dear, kahit pa paglihian mo 'yan nang bonggang-bongga, hindi makukuha ng anak mo ang mukha ng lalaking 'yan. Not unless..."
"Not unless what?" tanong niya kahit pa na alam na niya ang kasunod na sasabihin nito.
"Not unless he was the sperm donor," may halong biro na saad nito. Marahan pa itong natawa.
"I-it's impossible, Emily. I know Brix so well, and you know him, too. Alam natin pareho na hindi niya magagawa ang kasumpa-sumpang bagay na 'yon!" Pilit niyang kinontra ang kaibigan. "And besides, he wasn't here during the time na nagahasa ako. Nasa States siya."
Napailing si Emily habang titig na titig kay Brix at Euna. Kasalukuyan pa ring nakikipag-usap ang binata sa politiko.
"How sure are you na wala nga siya rito?" mayamaya'y tanong nito. Emily gazed at her. "Dahil ba 'yon ang sabi niya? Dahil ba sa ang sabi niya'y kararating lamang niya noong anim na buwan ka nang buntis?" Muli itong napailing. "Sofia, madali lang sabihin 'yon. Madali lang magtagpi-tagpi ng kuwento," seryoso nitong saad. Alam iyon ng kaibigang dahil wala siyang inilihim dito.
Sunod-sunod siyang napalagok ng wine. She couldn't absorb what Emily was talking about. Mahirap paniwalaan. Mahirap tanggapin.
Kimi niyang nginitian si Brix nang bumaling ito sa gawi nila, at hindi iyon nakaligtas sa kaibigan niya.
"You told me before na palaging sinasabi ng lalaking nanghalay sa 'yo na mahal na mahal ka niya kaya niya nagawa 'yon," Emily uttered habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Brix na noo'y palapit sa kinaroroonan nila habang karga si Euna. "Hindi ba sumagi sa isip mong baka si Brix 'yon? As far as I can see, siya lang naman itong lapit pa rin nang lapit sa 'yo kahit na nabuntis ka na. Kahit na may anak ka na, hindi ka niya iniwan. Samantalang ang ibang gustong manligaw sa 'yo noon ay biglang naglaho nang malaman nila ang mapait na sinapit mo."
She stiffly stared at her best friend, saka sunod-sunod na napailing. She doesn't want to buy such stupid conclusions. Ayaw niyang isiping totoo ang sinasabi nito. Ayaw niyang isiping totoong si Brix ang nanghalay sa kaniya. Hindi niya yata matatanggap na ang lalaking iniibig ang may kagagawan ng lahat ng pinagdaanan niyang hirap.